Posted by: Mer Pints | August 15, 2013

May Pag-asa Pa

Matandang binata na itong si Juan, tila malapit na yata siyang maging senior citizen. Kaya panay ang kantiyaw sa kanya ng kanyang mga kaibigan at kakilala. Ngunit di naman natitinag itong si mang Juan. At ang lagi niyang tugon sa mga nangangantiyaw sa kanya ay, darating din iyan. Kung hindi ukol hindi bubukol. At lagi niyang bukambibig, habang may buhay ay may pag-asa pa.

May pag-asa pa nga ba?

Sa kuwento ng mga malalapit kay mang Juan ay labingtatlong beses  na raw siyang nabigo sa pag-ibig.

Malas talaga ang numero trese, baka naman sa susunod ay suswertehin ka na. Iyan ang mga salitang gustong marining ni Mang Juan. Ang siya ay suwertehin naman sa buhay.

At tila nagdilang anghel naman itong si Aling Angela nang sabihin sa kanya na hindi mangangalahati ang taon at siya ay magkakaroon na ng isang babaeng tapat na ihaharap sa altar. Babaing tapat? Sa panahon ngayon ay nabibilang na lang sa iyong dalire kung makakakita ka pa ng isang babaeng tapa na pumapatol pa sa isang mama nang patungo na sa pagiging senior citizen. E, ano? Di ba  nakuha ni Dolphy si Zhazha noong mahigit na sisenta anyos na siya.

Going back sa tapat na babae, makakahanap pa kaya siya?

Hmmmn ang sabi ay tapat na babae. Sino itong mukhang donya na nasa tapat ng kanyang bahay? Bagong lipat lang daw ito at galing pa sa Germany. Galing sa Germany? Anong ginawa niya doon? Nagtrabaho daw siya bilang isang nurse at doon na siya nagretiro. Siguro may pamilya na siya? A, hindi. Ulila na siyang lubos at dalaga pa.

Ayus, talagang may pag-asa pa nga itong si mang Juan. At parang nagbiro pa ang tadhana, sadyang pinagtagpo pa sila sa isang kasalan nitong si manang Virginia.

“Magkapit bahay pala tayo, akalain mo dito pa natin nalaman.” Ang sabi sa kanya ni mang Juan.

“Hindi naman kasi ako naglalalabas ng bahay. Ikaw din dika yata naglalabas din ng bahay?”

Ay, pareho pala silang nagkukulong lang sa loob ng bahay. Di kaya ito ang dahilan kung bakit malapit na silang maging senior citizens pero di pa rin nag-aasawa?

Wala namang deperensiya sa katawan si mang Juan. Pogi naman siya at matipuno ang pangangatawan. Malinis siya at walang bisyo. Pero tignan mo naman itong si manang Virginia, ubod siya ng puti at maganda pa. Sexy na parang kulay gatas pa ang kanyang makinis na balat.

Manhid ka na lang mang Juan kung di ka pa maakit sa angking ganda at kabaitan ni manang Virginia.

Pero sino ang manhid. May pinaplano na ngayon si mang Juan. Kung ano man iyon ay abangan ninyo sa susunod na kabanata.

Posted by: Mer Pints | February 16, 2013

Paper Plates

Birthday ni Susan at lahat ng mga kaibigan ay dumalo sa isang salo-salo na idinaos sa isang resort. Lahat ay may dalang regalo, may mga mamahalin at mayroon din iyong mga tinatawag nilang recycled gifts (natanggap na regalo noong nakaraang Pasko at Bagong Taon). Gayun pa man ay di ito hadlang para di masiyahan si Susan sa mga regalong natanggap niya.

Dumalo din ang isang panauhin na malapit na malapit sa puso niya- si Hector. Wala siyang dalang regalo kundi labin limang piraso ng paper plates na nakabalot lang sa plastic.  Biniro pa nga siya ng mga kaibigan ni Susan kung aanhin niya ang mga dala niyang paper plates. Ngumiti lang si Hector at di na pinansin pa ang mga ito.

Masaya siyang sinalubong ni Susan. Dinampihan niya ng munting halik sa pisngi ang kasintahan pagkatapos batiin ito ng happy birthday.

May munting programa at pagkatapos ay masayang pinagsaluan ang mga masasarap na pagkain na hinanda ng birthday celebrant. Mayroon ding kaunting wine at beer para sa mga mahihilig uminom. Dalawang kopitang wine naman ang magkasunod na itinungga ni Hector.

Pagkatapos uminom ng wine ay tila nagkaroon ng lakas ng loob ang binata para ihayag sa kanyang minamahal ang saloobin.

“Ladies and gentlemen, bago tayo magkahiwahiwalay ay may sasabihin ako para sa birthday celebrant. Kanina ay nagtatanong ang mga kaibigan ni miss Susan kung aanhin ko ang mga dala kong paper plates. Ngayon ay sasagutin ko na kong bakit.”

Tinitigan niya at nginitian si Susan.

“May I request Susan to please come forward. I have a very important message for you.”

Tumayo si Susan sa kinauupoan at lumapit kay Hector.

“Wala akong dalang regalo para sa iyo mahal kundi paper plates. Ngunit mas mahalaga pa ang mga ito key sa ano mang alahas a mamahaling regalo. May mahalagang mensahe na taglay ang mga paper plates na ito. Basahin mo at buksan ang iyong puso sa nilalamang mensahe.”

Inabot ni Hector ang mga paper plates kay Susan at inisa-isang binasa nito ang mga nakasulat na letra. Laking gulat ni Susan sa nabasa.

WILL YOU MARRY ME?

Inisa-isa pa niyang binasa ang mga letra at tama ang naunang basa niya, WILL YOU MARRY ME?

Hindi na hinintay pang mag-react si Susan, kaagad na inilabas ni Hector ang singsing at dagli-dagli itong lumuhod sa harapan ni Susan sabay abot ang singsing.

“Will you marry me?”

That happened ten years ago, nine years old na si Nelly ang panganay nilang inaanak ko. Sa ngayon ay maligayang nagsasama ang magasawa sa isang magarang tahanan sa America.

Naisip ko lang isulat ito dahil nagiimbita si Susan para sa birthday ng panganay niya sa susunod na linggo. Nandito sila para sa isang buwang bakasyon. Balak nilang mamasyal sa Baguio at Boracay.

« Newer Posts - Older Posts »

Categories