Posted by: Mer Pints | February 16, 2013

Paper Plates

Birthday ni Susan at lahat ng mga kaibigan ay dumalo sa isang salo-salo na idinaos sa isang resort. Lahat ay may dalang regalo, may mga mamahalin at mayroon din iyong mga tinatawag nilang recycled gifts (natanggap na regalo noong nakaraang Pasko at Bagong Taon). Gayun pa man ay di ito hadlang para di masiyahan si Susan sa mga regalong natanggap niya.

Dumalo din ang isang panauhin na malapit na malapit sa puso niya- si Hector. Wala siyang dalang regalo kundi labin limang piraso ng paper plates na nakabalot lang sa plastic.  Biniro pa nga siya ng mga kaibigan ni Susan kung aanhin niya ang mga dala niyang paper plates. Ngumiti lang si Hector at di na pinansin pa ang mga ito.

Masaya siyang sinalubong ni Susan. Dinampihan niya ng munting halik sa pisngi ang kasintahan pagkatapos batiin ito ng happy birthday.

May munting programa at pagkatapos ay masayang pinagsaluan ang mga masasarap na pagkain na hinanda ng birthday celebrant. Mayroon ding kaunting wine at beer para sa mga mahihilig uminom. Dalawang kopitang wine naman ang magkasunod na itinungga ni Hector.

Pagkatapos uminom ng wine ay tila nagkaroon ng lakas ng loob ang binata para ihayag sa kanyang minamahal ang saloobin.

“Ladies and gentlemen, bago tayo magkahiwahiwalay ay may sasabihin ako para sa birthday celebrant. Kanina ay nagtatanong ang mga kaibigan ni miss Susan kung aanhin ko ang mga dala kong paper plates. Ngayon ay sasagutin ko na kong bakit.”

Tinitigan niya at nginitian si Susan.

“May I request Susan to please come forward. I have a very important message for you.”

Tumayo si Susan sa kinauupoan at lumapit kay Hector.

“Wala akong dalang regalo para sa iyo mahal kundi paper plates. Ngunit mas mahalaga pa ang mga ito key sa ano mang alahas a mamahaling regalo. May mahalagang mensahe na taglay ang mga paper plates na ito. Basahin mo at buksan ang iyong puso sa nilalamang mensahe.”

Inabot ni Hector ang mga paper plates kay Susan at inisa-isang binasa nito ang mga nakasulat na letra. Laking gulat ni Susan sa nabasa.

WILL YOU MARRY ME?

Inisa-isa pa niyang binasa ang mga letra at tama ang naunang basa niya, WILL YOU MARRY ME?

Hindi na hinintay pang mag-react si Susan, kaagad na inilabas ni Hector ang singsing at dagli-dagli itong lumuhod sa harapan ni Susan sabay abot ang singsing.

“Will you marry me?”

That happened ten years ago, nine years old na si Nelly ang panganay nilang inaanak ko. Sa ngayon ay maligayang nagsasama ang magasawa sa isang magarang tahanan sa America.

Naisip ko lang isulat ito dahil nagiimbita si Susan para sa birthday ng panganay niya sa susunod na linggo. Nandito sila para sa isang buwang bakasyon. Balak nilang mamasyal sa Baguio at Boracay.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: