Posted by: Mer Pints | July 23, 2012

Nautot si Puring sa SONA ng Pangulo

Itong si Puring ay isang taong walang kinikilingan sa pulitika. Tanggap na niyang mabagal pa sa pagong ang pag-usad ng bansa tungo sa kaunlaran. Wala rin siyang pakialam kung tataas man ang presyo ng mga bilihin basta kumikita lang ang kanyang mga pinagkakakitaan tulad ng kanyang munting gulayan, babuyan, manokan, at fish pond kung saan siya ay nag-aalaga ng tilapia. Para sa kanya lahat ng mga pulitiko ay pare-pareho lang, mas maraming pangakong napapako kay sa natutupad. Hindi rin siya galit sa mga nagrarally na aktibista, mga tsuper na nagwewelga, at mga pulis na nangungutong. Wala lang, mas mahalaga para sa kanya ang kumayod, tumulong kung may nangangailangan kay sa nagrereklamo at nakakaragdag pa sa pasanin ng bayan.

Hindi problema kay Puring kung ano ang kanyang kakainin, basta may kamote lamang at maisN na binatog ay naitatawid na niya ang kanyang gutom sa maghapon at araw-araw na ginawa ng Diyos. Kagaya sa araw na magso-SONA ang pangulo sa Kongreso. Nasarapan siya sa kinaing inihaw na kamote sa araw na iyon at nilagang saging at mais. Nakain din siya ng papaya na dala ng kanyang katiwala mula sa munting palaisdaan nito. Busog na busog si Puring bago mag-SONA ang pangulong Noynoy. Nakatulog siya at nang magising ay nakaramdam siya na tila kinakabagan ito. Nagpakulo siya ng tubig para magtimpa ng kanyang paboritong kape na minatamisan ng maskubado mula pa sa Negros.

Naupo siya sa tapat ng kanyang telebisyon habang unti-unting humihigop ng mainit na kape. Tamang-tama nagumpisa nang mag-SONA ang pangulo. Gaya ng dati tuwing nagsasalita ang pangulo ay maraming mga pulitikong taga-suporta niya ang pumapalakpak. Kahit mag-isa lamang ay pumapalakpak din si Puring lalong lalo na kapag ibinibida ng Pangulo ang kanyang nagawang proyekto para bigyan daan ang pag-unlad ng bansa. Iyong nga lamang habang pumapalakpak si Puring ay sinasabayan din ito ng malakas niyang pag-utot.

Natapos ang SONA ng pangulo, natapos na rin ang kalbaryo ni Puring sa kanyang tiyan na kinabagan.

Napangiti ang matandang dalaga, lumiit na ang kanyang tiyan, at di na siya kinakabagan. Natapos na rin ang SONA maliban lang sa mga interviews sa reactions ng mga pulitiko na nakinig sa SONA ng Pangulo. Di na ito pinansin ni Puring, nangiti lamang siya. Para sa kanya nawala na ang kanyang kabaga at di na siya nauutot pa.

Nag-spray na lang siya ng air freshener bago dumating ang kanyang mga kasambahay.

Wish Ko Lang

Wish ko lang na sa pangatlong SONA ng pangulo ay wala nang wangwang na sinasabi at paninisi sa nakaraang administrasyon ni Gloria.

Nawa ay ma malinaw na stand at kongkretong hakbang ang pangulo sa issue ng minahan, environmental issues, climate change, educational reform, economic development, high cost of energy, alternative sources of energy, at higit sa lahat ang issue ng pag-angkin ng mga intsik sa ating teritoryo sa Spratlys at Scarborough Shoal.

Sa mga tumutuligsa naman ng SONA ng pangulo, tuloy lang ang laban kung ano man ang inyong ipinaglalaban.

Peace and Hope to All!

 


Responses

  1. ang kamote kapag kinain mong hilaw iyan ay talagang nakakapagdulot ng matinding pag-utot. kung hindi pa gaanong luto ang kamote maaring magdudulot din ito ng pag-utot. pero dagdagan mo pa iyan ng mais at saka ibat iba pang prutas baka lalo ka ngang uutotin.
    wala naman masama sa pagutot wag lang may madadamay na iba sa hanging mabantot.

  2. tsk. tsk. tsk.

    tagal kong hindi nakadalaw sa bahay na ire dahil baga bisingbisi sa tarbaho kahit tulog la’ang nang tulog tapos ganire pa ang bumuglaw sa akin.

    ambahooooooooo!

  3. katakot naman ‘yung aking sinundan sa itaas.

    ‘igan, hindi kalaban, ha?

    huwag mong itutok sa akin ‘yang barrel mo, takot ako diyan!

    baka ika’y mapautot, este pumutok.

  4. Hi tito, naamoy ba ninyo?
    Mula po sa matandang dalaga niyan na apat na bises nang napagiwanan ng karetela sa biahe. Hehehe.
    Kumosta po ang trabaho? Sana katulad ng sabi ni Sen. Enrile ay palaging happy pa rin kayo kahit minsan ay mahirap ang trabaho at malayo sa mga mahal sa buhay. Nawa’y hindi lang kayo happy kundi healthy pa.
    ,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,

    Ay, delikado din pala itong si Remington at pumuputok din pala iyong kanyang tambutso. Delikado, matindi pa iyan sa basoka ng utoting sundalong Hapon ng world war 2. LOL.
    Joke lang Rem, baka di kana maulit pa. Pero maraming salamat na rin sa inyong pagdalaw dito. Balik ho kayo at welcome na welcome kayo sa mga masasayang talakayan dito.

    ……………………………

    Masaya itong SONA ngayon ni PNoy, kahit may mga nasaktan pa sa mga raliyesta at mga nagbabantay na pulis. Kawawa naman iyong camera man na nabato sa ulo.

    …………….

    Sa 120 na palakpak na natamo ng pangulong Noy sa kanyang SONA ay marami siyang binitiwang pangako ngayon. Pero duda daw si Segundina kung may kalahati man lang matutupad, di ba Seg?

  5. Seg, ano ang ibig sabihin ng responsible parenthood? Paano ba ito nasusukat? Sa laki ba o lawak ng unawaan at matamis na pagsasama ng magasawa?

  6. so, ano na nga?

    mabuti nama’t meron ding nakapansin,
    magagarang damit na buong yabang na idinispley
    lumalabas kapag presidente’y nag-iispits once a year
    upang ibrodkast nang buong ningning
    sa SONA ang kanyang mga accomplishments.

    ‘wag na kasing magtaka, iya’y naging gawi na
    hindi la’ang ngay-on kung hindi maging noon pa
    ‘yaong mga lingkod bayan sa pagsapit ng SONA
    tinatalo pa ang mga model at mga artista
    sa mamahaling ternong yaman ng pobre ang halaga.

    ngay-on ay ano ang masasabi ng masang pinangakuan
    kapag eleksiyon kunyari sila ay walang yaman
    mga pulitikong puhunan ay tapat na paglilingkod daw
    subalit pansinin sa paglikwad ng mga araw
    aba’y hindi mahagilap sa oras ng pangangailangan?

    kung ating tutuusin ay hindi naman lahat
    marami la’ang din ang sinungaling, mabibilang yaong tapat
    pagkatapos ang eleksiyon ay doon masusukat
    ang pramis sa mga pobreng gapang na sa hirap
    kung hanggang saan ang pangakong serbisyong buong wagas.

    so, ano na nga, meron pa bang masasabi
    kundi buntung-hininga na la’ang at kibit balikat onli
    kumbaga sa tong-its, na-paw at bayad nang doble
    kahit huli na’y maaari pa din bang posible
    mabawi ang pagkakamali bago ang pagsisisi?

    kaya sa susunod na eleksiyon sana ay maging isang aral
    ‘wag nang maniniwala sa mga pangakong walang laman
    ang ngiti sa harapan mo’t buong higpit na pakikipagkamay
    paniningkit ng mga mata’ng kunyaring kasiyahan
    pagtalikod ng mga lintek, (ay) nakaismid at naghuhugas ng disinfectant!

  7. paano nga ba sinusukat ang reponsible parenthood?

    sa HABA ng pasensiya ni mister? sa TABA ng kanyang pitaka?

    sa LAPAD ng pang-unawa ni misis? o, sa NAGMAMANTIKA niyang pagkamatiisin?

    ay, ano ba ‘yan?

    tama na siguro ‘yung buong tamis na suyuan at walang kupas na pagmamahalan.

  8. Ay Tito nakalaya na si madam Gloria, mukhang matatanggal na yata iyong kanyang neck brace. Pero ayun sa balita ay nagalit daw si PNoy at pinayagang nakapagpiyansa si manay Gloria.

    Ano kaya kung noon pang SONA pinalaya si Gloria?

    Haay lalo pang malalagasan ng buhok sa ulo, taas at gitna, hehehe.

  9. Type na type iyan nang mga misis, MAHABA at MATABA. Abot langit ang kanyang tuwa kapag naka-jackpot siya ng mister na may mahaba at mataba na kuwan, hehehe.

    Seg, what is in your thought naman.

    Di ka pa sumasagot sa akin a, busy ka ba sa paghahanap ngayon ng mister na may mahaba at matabang kuwan, pasensiya at pitaka

    hehehehe

  10. Mistulang fashion show pala ang Kongres tuwing may SONA, sana may award ding ibibigay pagkatapos magsauna, este mag SONA si Pnoy.

  11. Ako’y meron din sanang suhestiyon tungkol diyan sa SONA, eh.

    ‘Yang SONA ‘yan bilang tradisyon ng alinmang administrasyon AY isa ring pasanin nating mga karaniwang mamamayan, eh. Ginagastusan ng hindi birong halaga mula sa buwis na tayo la’ang namang mga pobre ang nagbabayad at tinatakasan ng mga mayayamang hindi gustong mabawasan ang yaman. Biruin bagang magkano ang halaga nang ginugugol mula paghahanda hanggang sa paglilikom ng mga gamit at paglilinis ng bulwagan? Ay, kung iyang ginagastos diyan ay inilalaan para makagawa ng kahit isang silid aralan, ay ‘di baga’t malaking tulong sa ating mga mag-aaral?

    Bakit hindi na la’ang sa Malakanyang gawin ‘yan, tutal televised naman? Ganu’n din, maisisingit ‘yung canned na palakpakan. ‘Yung isusuot na libo libo ang halaga, aba’y ilaan na la’ang ng mga pulitikong ‘yan sa MAS makabuluhang pagkakagastusang makakatulong sa kanikanilang nasasakupan. Kung hindi baga napaka-manhid nila, bakit nasisikimura nilang ipagbanduhan sa buong kapuluan at buong mundo ang rangya ng kanilang kasuotan habang marami sa mga kababayan natin ang walang maipalaman sa sikmura, walang matulugan, walang hanapbuhay?

    Kaya nakakaladkad kahit pahapyaw ang ngalan ng pangulo ay dahil sa kanyang mga kaalyadong puro paimbabaw.

    Kung sa Malakanyang na la’ang gaganapin ang kanyang pag-uulat sa bayan ay mababawasan ang tarbaho ng mga pulis; hindi maaabala ang pagpasok sa hanapbuhay ng ating mga kababayan; hindi mababawasan ng isang araw ang pag-aaral ng ating mga kabataan, at higit sa lahat – maiiwasan ang kaguluhan bunga ng mga walang kuwentang protesta ng mga walang magawa kundi manggulo na gumagastos din ng libo libo sa paghakot ng isasama at paggawa ng kung ano anong effigy. Ano ba naman ang nagawa ng mga kinatawan na iyan ng mga makakaliwang grupo?

    Saka, hindi sapat ang mga sinasabi ni PeNoy na sa atin nagmumula ang pagbabago. Dapat niyang unahing hambalusin upang magbigay halimbawa ay ang mga nakapaligid sa kanya, HINDI lamang ‘yung mga kalaban sa pulitika.

  12. Tama ho ang observation ninyo sir, puro pasikat lang sila at dina naisip pa ang kapakanan ng naghihikahos na bansa.
    Itong pinunong nagtatalumpati ay magaling lang yata sa mga figures at di talaga nababantayan at tunayna kalagayan ng bansang pinamumunoan.
    Ultimong pagpipiyansa para makalaya pansamantala si Glo ay pinagiinitan pa.
    Bakit d sina Delima o si Brillantes ang kanyang pagalitan sa halip na sa hukom na ginagawa lang ang kanyang tungkulin?

  13. Wow ang guwapo pa rin ni Paul ng Beatles. Siya na lang ang natitira pa sa mga legendary band. I am glad that he sang Hey Jude.
    Nagpa-stem cell kaya si Pogi at mukhang bata pa siyang tignan at machong-macho.
    Nakakalaglag ng….

  14. nakakainggit naman itong matandang beatle na ito may asim pa rin sa mga dalaga lalo na iyong mga matrona. iyong 70 years old na tita namin ay hanggang sa ngayon pinagpapantasyahan pa rin niya si PM. ang di ko lang matanggap ay pati si obama ay pinagpapantasyahan pa rin ni tita coring. mukhang sold na sold siya sa mga bagay na mahahaba at matataba kaya di nagkagusto ng pinoy si tita.

  15. Mang mags tuwing may sona taumbayan ang napipinsala dahil sa mga rally, traffic, at kaguluhang dulot ng pagsasakitan ng mga pulis at raliyista. ako po ay nabato na diyan sa mendiola noong araw. naglalakad lang ako papuntang recto nang nagkahabulan at nagkabatohan ang mga pulis at mga nagrarally. Hanggang ngayon tuwing sisipatin ko ang aking noo sa salamin kinikilabotan pa rin ako.

  16. Mer palagay ko ay muling makukulang iyang si ate Glo. Dehins iyan tatantanan ni PNoy. Pustahan tayo mapanot pa ang ating pangulo kung di totoo ang aking hinala.

  17. kahit aling administrasyon ang pumalit ay walang ipinangangalandakan kundi ang pagbuti ng ekonomiya subalit kung pagmamasdan ang paligid ay mas lalong dumarami ang mga naghihikahos. marami ang walang sapat na pinagkakakitaan, walang disenteng tirahan at halos hindi kumakain ng tatlong beses maghapon.

    kaming mga tinatawag nilang mga gagong bayani ay hindi din nakakaligtas sa mga kasinungalingan ng gobyerno partikular sa ginagawang pag-uulat tuwing SONA ng sino mang naging pangulo. hindi na halos sapat sa pang-araw araw na pangangailangan ang aming ipinapadala bunga ng paglakas daw ng piso kontra dolyar. nakakatakot ang magtagal sa labas ng bahay kapag nagbabakasyon dahil naglipana ang mga kawatan.

    kung ano ano pa ang mga bayaring iniisip ipatupad ng mga kinauukulang ahensiya gayung kulang na kulang ang serbisyo nilang ibinibigay. gayundin, kapag lumapit sa kanila upang kamtin ang mga pangakong serbisyo ay malabo pa kaysa hinalukay na kanal ang pag-asa sapagkat ang ginagawa ay pababalikbalikin lamang kasabay ng paghingi ng kung ano anong dokumento.

    haaay, buhay without it, we’re dead!

  18. walang ipinagiba din itong c noynoy kay gloria kc parehong nasa enchanted kingdom ang mga diwa at karmihan sa mga pinagsasabi tuwing nagsosona ay wala sa realidad.

    kung wala lang ang mga ofw palagay ko di magsusurvive tong bansa kc lalong dadami pa ang maghihirap na tao.

  19. kawawang ofw na tunay na bayani ng bayan sa kapanahonang ito ay di man lang nabigyan ng kahit kaunting recognition noong sona. may narinig ba kayo?
    isa pa bakit sa dinamidami ng problema ng bayan ngayon ay si kabayang na naman ang napagiinitan ni Pnoy. why o why my love.

  20. grabe ang pinsalang idinulot ng utot ni puring.

    ‘andaming naapektuhan kaya dapat siyang managot sa ibinunga ng kanyang walang tigil na pag-utot!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: