Posted by: Mer Pints | June 22, 2012

Bakasyon Grande; Isang Buwan na Pagpapakasakit

Hayyyy, here I am back again after after a month long vacation in a place called paradise. Naks naman ha… Malinis at maaliwalas ang kapaligiran, tahimik at tanging mga huni lang ng mga ibon at mga alagang hayop ang iyong maririnig. Huwag na nating pagusapan pa ang mga nakagisnang luho at wala doon. Tanging nagiisang solar panel lang ang nagbibigay ng enerhiya doon para sa ilaw at ilang kagamintang elektroniko.

Ang totoo hindi ito iyong regular na pleasure and business trip. Isa itong field work para sa end-term evaluation para sa programa ng isang NGO at sa loob ng ilang buwan ay magpu-fullout na sila. Mahigit na apat na taon din ang ginugol ng NGO sa liblib na pook na ito somewhere in Northern Philippines. Isang buwan din ang ginugol namin para sa end-term evaluation ng livelihood program, health, and nutrition ng mga kumonidad na ito.

Sa huling meeting namin sa mga members at officers ng mga kapatiran na binuo nila ay kitang-kita sa kanilang mga mata ang kalungkotan. Para bagang sinasabi nila paano na kami ngayon at aalis na ang institusyon na siyang tumutulong sa amin. May mga pagaalinlangan sila na di dapat dahil matagal nang ihinanda ng programa na sa bandang huli ay sila na mismo ang magpapatuloy ng mga programa na sinimulan dito ng NGO.

Ngunit ang lahat ng mga bagay ay may hangganan, lalo na kung ang  pinaguusapan dito ay ang mga gawaing pagpapaunlad sa kanayonan. Sa evaluation na isinagawa ng team ay lumalabas na may mga pangangailangan pa ng mga tao na dapat matugunan pero sadyang hanggang apat na taon lang ang itatagal ng proyekto. Ngunit sa overall assessment ng team ay kayang-kaya na nilang magsarili at ipagpatuloy ang naumpisahan ng NGO na programa. Layunin ng programa na palayain sila sa pagiging dependent sa programa ng institusyon at maging self-reliant sila.

Malaki na na inunlad ng buhay ng karamihan sa kanila, bagamat may mga iba pang kailangan talagang gabayan. Pero may kasunod naman na programang pang-edukasyon para dito, Kung kailan ay di pa tiyak hanggang walang kasiguradohan sa pondong manggagaling sa sa mga donor foundations.

Kaya back to the city na naman tayo, at may proyektong pangkalusogan at edukasyon na namang binubuno ng magaling naming project manager na nagngangalang Lady Gunding. Ang taray-taray pa niya kapag hindi mo nagawang mabuti ang iyong trabaho. Pati mga reports namin ay talagang sinusuyod niya ng husto. Isang linggo lang niya doon ay puro angal na siya. Kasi walang aircon at higaan na w ater bed. Panay pahid niya ng insect repellant para di siya kagatin ng lamok o ano mang insekto at sayang ang kanyang mala porselanang kutis.

Hindi bale ‘te, mahal na mahal ka namin at naiintindihan namin na ang lahat na pami-pressure mo sa amin ay walang personalan dito,  trabaho lang. diba ate Gunding?

Isang buwan na pagpapakasakit, bakasyon grande alang-ala sa mahal naming si Ate Gunding.

 


Responses

  1. hi, i found your blog when i was surfing about fart LOL

    interesting blog, funny and witty, too. i hope you do not mind me linking up.

    • thanks a lot bing for dropping by. see you later in your “camp.”


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: