Posted by: Mer Pints | April 27, 2012

Babay na, Vagina

Nakilala ni Mr. Mangadjot and dalawang DOM na sina Egay at Pilo na wala nang ginawa kundi tumambay sa mga beer house, karaoke bar, at saka mga parlor ng mga bakla. Sa araw araw na ginawa ng dakilang Lumikha ay wala nang inatupag pa kundi mag-hunting ng mga babaeng kaladkarin upang pagparausan. At madalas silang nagiinoman at nakikipagharutan sa mga babaeng pokpokin.

Sa dalawang DOM na ito (na mga pensionado kuno) ay natuksong nambabae itong si Mr. Mangadjot dahil na rin sa matinding panunulsol ng dalawa. Binata pa si Mr. Mangadjot ngunit mayroon siyang syotang nasa California na kanyang hinihintay upang makaisang dibdib sa darating na Kapaskuhan. Magaganda ang plano ng dalawa na magpapatayo ng isang commercial building doon sa lote ni Miss Kristina Kuyenkeng (KK) sa Maynila pagkatapos silang ikasal.Kapwa nasa edad na sila at may mga ipon na. Nurse si Miss KK at at manager naman ng isang pabrika itong si Mr. Mangadjot.

To cut the story short may babaeng ipinakilala si Egay kay Mr. Mangadjot na sexy at ubod ng ganda. Over 20 si binibini na tawagin na lang natin ng Donna. Pamangkin daw siya ni Egay at galing daw ito sa probinsiya. Isa siyang manikurista sa parlor ni Dedeng Beki. Dahil sariwa, maganda, malaki ang mga boobsk  maputi, at makikinis ang mga hita at natukso nga itong si Mr. Mangadjot sa kanya. At hindi na pinahirapan pa ni Donna si Mr. Mangadjot at kaagad nitong ibinaba ang bandila ang kanyang pagkababae na inangkin naman ng isang gutom na kabayo, este cowboy pala. Sa uang enkuwentro pa lang ay lumabas na ang katotohanan na hindi pala inosente si Donna kundi matagal nang donsilyada at marami nang nagdaang lalaki sa ibabaw ng kanyang nakakabaliw na katawan. Mainit siya at ano mang inumpisahan mo ay tatapusin niya ng oral argument at lollipop compromise agreement.

Sa dami ng pinabiling gadjets (laptops, Ipad, cellphone) bukod pa sa mga groceries lingo-lingo ay tila ginagawa nang minahan ng ginto itong si lalaki ng binbining na kung tawagin ay bating, meaning expert sa panghuhothot at lahat ng mga lalaking nakakarelasyon  niya ay piniperahan niya hanggang ni kusing ay wala nang matira pa sa mga nahuhumaling sa kaniya. Ayus lang daw naman iyon sabi ni Egay ng kunwari ay tito niya at palaging may porsiento sa kinikita ni Donna.

Tanging vagina lang niya ang kanyang puhunan, pangitingiti hanggang makabingwit siya ng isang maperang lalaki na kanyang pagkakaperahan. Sa ilang linggo nilang pagkakakilala ni Mr. Mangadjot at marami nang pera ang nakuha niya sa lalaki. Si lalaki naman kahit alam niyang piniperahan lang siya ng babae ay di na niya ito pinansin pa, una nasasarapan naman siya kapag nagsisiping sila, not only once at many times during the night. Kahit na puro inom ng vitamins ang ginagawa ni lalaki ay nangangayayat pa rin siya. At siempre naman, palagi bang nakapasok sa butas ng kasalanan ang kanyang sandata.

At ano ang nangyari sa kalaunan dito kay Mangadjot? Dahil sa kanyang kakakadyot ay napabayaan niya ang kanyang trabaho. Tuwing may text message si Donna Vagina kay Mr. Mangadjot ay kaagad niyang iwan ang opisina niya at bahala na ang kanyang mga tauhan na gawin ang kanyang trabaho. At dahil nga sa kapabayaan niya ay nagkapalpakpalpak ang mga transaksiyones ng kumpanya. In short malaki ang nalugi sa kumpanya kaya ganon na lang ang galit ni Mr. Teng Kwat ng taga mainland China sa kanya. At mabuti na lang di siya pinatapon nito sa Spratlys, pero tinanggal naman siya sa trabaho at nawalan siya ng kita. Tanggal man sa trabaho, pasok pa rin ang batuta sa vagina ng pokpoking dalaga. Pero dahil wala na siyang pinagkakakitaan ay unti-unti namang naubos ang pera nito sa bangko at kundi man naisangla ang mga naipondar na ari-arian ay naibenta na lahat ang mga ito pati na ang kanyang kotse.

Kaya nang maghirap na si Mr. Mangadjot ay naglaho na ring parang bula ang dalawang DOM, at si Donna Vagina ay babay na sa kanya. May DOM na naman mapagmiminahan ng ginto at pilak.

Pero mga friends hindi lang si Donna Vagina ang nawala ni Mr. Mangadjot kundi pati rin ang babaeng pakakasalan niya sana na maghahatid din ng mga suwerte pa sa kanyang buhay. Nakipaghiwalay si Miss KK sa kanya at nagpakasal sa kasamahan niya sa trabaho na si Tim Talbot Mobbis (TTMo).

Bakit ko sinusulat ngayon ang kuwentong ito, kasi kanina lang ay nakita ko sa Mr. Mangadjot, isa na iyang tsuper ng pampasaherong jeep na kakadyot-kadyot na kapag umaandar dahil sa kalumaan.


Responses

  1. may kasabihan sa kaunting sarap ay panghabambuhay na hirap.

  2. mangadjot. KK. donna vagina. teng kwat. TTMo.

    saan ba galing ang mga pangalang ire?

    ineng, ano ba ang nami-miss mo?

  3. Hehe. bunganga mo miss baka pasukin ng langaw.

  4. Mainit ang panahon ngayon baka ka ko interesado kayo sa iced bra, si Banong pinagiisipan pa kung ibibili niya ang misis niya. Pero gusto daw niyang subokan kung puweding ilagay sa freezer iyong basang bra. Pero bakit bra lang, di ba puweding pati na rin iyong brief niya, hehe.

  5. sabi ni obama okay lang daw na makasal ang mga gays. grabe naman iyan

  6. talaga lang ha! marumi mga isip ninyo


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: