Posted by: Mer Pints | March 5, 2012

“Doon Lang,” Ako’y Muling Naluha

Congratulations Graduates

Ngayong buwan ng Marso ay maguumpisa na naman ang pagtatapos ng mga magaaral mula elementarya hanggang kolehiyo. Magastos ang buwan na ito para sa mga magulang sa mga gastosin at bayarin ng kanilang mga anak na magsisitapos sa taong ito. Gayon pa man para sa mga estudyante ng kolehiya na magtatapos sa mga iba’t ibang kurso ay wala nang kasintamis pa ang tagumpay na makatapos ng kanilang pagaaral. Ngunit babala lang sa mga magsisitapos ngayong taon, ngayon pa lang naguumpisa ang inyong pagtahak sa mas masalimoot pang daan at pagsubok ng buhay. Congratulations anyway and good luck.

Sa mga hindi naman pinalad dahil sa iba’t ibang kadahilanan, para sa inyo ang awiting ito.

http://youtu.be/3NX0DEwzVM0

Grabe, napaiyak ako nang wala sa oras nang mapanood ko sa Eat Bulaga ang isang ama na kinakantahan habang nakayakap sa isang anak na umiiyak (tears of joy?) na nahinto sa pagaaral sa college dahil sa kahirapan. Damang-dama niya ang bawat letra ng awiting kanyang kinakanta dahil sa kabigoan niyang mabigyan ng marangyang pamumuhay ang kanyang pamilya. Mabuti na lang nabunot sila at naging recepient ng mga papremyo ni bossing (Vic Sotto) doon sa portion ng kanilang show Bayanihan ni Juan. Imagine kung hindi pa sinuwerte sila sa Eat Bulaga ay isang madadagdagan na naman ng isang araw ang sila ay sumala sa pagkain.

“Yehey kakain na ako,” hindi tuloy napigilan ng isa sa mga anak nito ang pagsasabi ng kanyang nararamdaman sa hara ng kamera ng television.

Masuwerte iyong batang nahinto sa pagaaral dahil bukod sa scholarship na ibinigay ni bossing (Vic Sotto) sa kanya ay may puhonang pangkabuhayan pang ibinigay sa kanila.

Ang Dahilan ng Aking Pagluha

One time dumating din sa aking buhay ang isang matinding pagsubok dahil na rin sa isang problemang pinagdaraanan ng aking pamilya noong araw. May mga panahon na gusto ko nang bumitiw ay sumuko na sa pagharap ng  hamon sa buhay. Ngunit mapalad pa rin ako dahil nandiyan ang gabay ng nasa itaas at ang walang sawang pagtulong sa akin ng isang kaibigan na naging daan ko para maging isang working student.

Wala na akong masasabi pa sa kabaitan at ginintoang puso ng babaeng ito, sa dami ng mga taong kanyang natulongan ay puwedi nang ipagtayo siya ng munomento. Kaya dapat lang siyang mabiyayaan ng husto dahil ang kanyang yaman ay ibinabahagi din niya sa ibang tao.

Isang bagay lang ang hindi niya maibigay (dahil isinara na niya ang pintuan ng kanyang puso para sa iba) ang kanyang pagmamahal na laan lang sa isang nilalang…

Maraming salamat sa iyo best friend, kung hindi sa mga tulong at tiwalang ipinagkaloob mo sa akin ay hindi ko narating ang aking kinaroroonan sa ngayon. Kahit makulit pa ako at laging nangaasar sa iyo paminsan-minsan ay nandiyan ka pa ring umuunawa sa akin.

Mahal kita best friend and that will always be. “Segundina forever na me, ayaw mo iyon?”


Responses

  1. let us hope and pray,this is now the start of the beginning of a more solid and stronger friendster of the two love seekers and heart hunters.

    sana magkaasawa na ang mga dalagang ire bago man lamang sila atakihin ng panlalabo ng mata dahil baka sa halip na macho guapito ang mapangasawa nila ay mga nirarayuma ng pensiyonado.

    pareng kaps, ang inaaalala ko ay baka lasang sukang iloko na ‘yung mainit na sabaw na napakatagal na nating inaasam na mahigop, ah.

  2. Mer naman bakit napakadrama mo ngayon ha? Pero naiintindihan kita my dear friend marami ka ring pinagdaanan katulad ko. Ang mahalaga sa lahat nang mga pagsubok na dumating sa ating buhay ay magkasama nating hinarap ang lahat. Mapalad ako at nakilala kita upang maging matalik kong kaibigan. You know my ups and down as I know yours too.

    Sa mga panahon na iniluha ko ang isang kaibigoan sa aking puso nandiyan ka lang upang ako’y iyong damayan hanggang muli akong nakatayo at ipagpatuloy ang buhay.

    Nang lumuha din ng iyong puso dahil sa pagkawala ng isang minamahal ako man din ay nasaktan; at labis kong iniyakan ang pagguho nang iyong mga pangarap.

    Kaya best friend asahan mo na habang ako’y nabubuhay I will always be around to care for you and if needed lift a helping hand dahil hindi lang kita itinuturing bilang isang tunay na kapatid (channel 5), kundi isa ring malapit na kapuso (channel 7), at mahalagang kapamilya (channel 2).

    Nagpapatawa lang ako pero sa totoo lang pinaiyak mo ako talaga girl.

  3. Kuya Mags and Kap, huwag ho kayong mag-alala bago maglasang paksiw ang inyong mainit na sabaw ay magaasawa na kami ni Mer. At di ako makakapayag na maging tungkod ng isang pensionadong nirarayuma.
    Aray, mukhang natapilok yata si Kap, hehehe.

  4. Hanggang ngayon pa ba ay iyakin pa kayong dalawa?
    Parang nabigo lang minsan ay sobrang dinibdib ang kamalasang tinamo sa pag-ibig.
    Di ba ninyo alam mga ineng na love is sweeter the second time around?
    Payo ko lang bilang nakakatanda ay huwag mawawalan ng pag-asa. Try and try until you succeed. Ibig kong sabihin marami naman diyang mga lalaking may ginintoang puso na tapat ang hangarin at magmamahal sa inyo habang buhay. Why don’t you give it a try?

  5. Ikaw naman Gunding kung nakinig ka lang noon araw sa payo ng aking kumare (hehe, nasaan na kaya ang my dearest kong kumareng ito?) na huwag na huwag kang magmahal sa isang binatang magpapari dahil kahit mahal ka pa nito ay ipagpapalit ang byuti mo sa pintuan ng simbahan.
    Anong nangyari aber?
    Pero nakaraan na iyon, at alam mo naman kung papaano ka namin sinuportahan at inayudahan sa panahon ng iyong pagdadalamhati hanggang muli kang nakabangon at laging nangaasar sa aking personal na buhay.
    Payo ko lang sa isang dalagang malapit nang antokin sa estasyon ng tren, hehe, para di ka mapagiwanan sa biyaheng Bicol ay buksan mo ang iyong puso at papasokin ang sino mang kumakatok baka sakaling siya na nga ang tunay mong pag-ibig.
    Again kapag muli mong tanongin sa akin kung ano ang kanyang ipinangkakatok (malambot ba o isang matigas na bagay) ay wala na akong magagawa sa iyong kapilyahan.
    Mag-ingat ka lang dahil may kasabihan na walang imposible para sa mga matatandang binata kapag sila’y manligaw dahil lagi silang nagnonobena sa Quiapo para ka lang bumagsak sa mga kumag na ito.
    ANO KAYA KUNG ANG MAPAPANGASAWA NI GUNDING AT MAGHAHATID SA KANYA SA ALTAR AY DALA DALA PA ANG KANYANG TUNGKOD NA PARANG NAGOOTSO-OTSO HABANG NAGLALAKAD KASAMA ANG BRIDE,
    HAHAHAHA, hindi ko maimadyin kung papaano akong mare-react,

  6. Last na ito at serioso ako sa aking sasabihin.

    Ang hirap talaga mga kapatid ang di nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban lang sa mga sinuwerte na kagaya ng aking idol at president of the Philippines to be na si Pacman ( ‘nong sey mo?) karamihan ay talagang hirap kumita o makakuha ng matinong trabaho.
    Marami sa mga kaibigan ko na noong sila ay nasa college hindi sineryoso ang pagaaral, nagkaroon ng mga bisyo, huminto sa pagaaral at maagang nagsipag-asawa. Nang makaranas na ng paghihirap dahil nawala na ang mga magulang na inaasahan saka ngayon pa lang nagsisisi.
    Tama ang payo ng erpats ni ka Freddie Aguilar sa kanya noong araw (ayun sa kanyang kinakanta) “mag-aral kang mabuti, tulongan mo ang iyong sarili.”

  7. Miss Mer ako man din a naiiyak dito sa sinulat mo lalo na po a nakakarelates ako sa themes of the song Doon Lang. Only high school I have finished and I was only good for laborers job. Mabuti na lang natanggap akong janitor in a department store where I discovered my wife now who is also a salesgirl by then. Noong niligawan ko siya ay parang isinusuka ako ng kanyang pamilya kasi low education daw ako unlike yong engineering who also is courtship with her like me. But I am success and win her heart even if I lacking the education her family is wanted most. But now they see para silang tumama ng supestik when I became their family member. Di may taga igib na si mummy biyenan ng tubig for her labada at tagalinis naman ni biyenan deaddy ng kanyang jeep. I did not reklamo to them but I am a very good son in law to all to them. Kaya sinikap kong pinag-aral ang mga anak namin para hindi sila dinudugo sa ilong kapag nakikipaginglesan sa lolo nilang typer ina government office. Life is just like a wheel, now you up but tommorrow you are down. Do you agree me miss Mer and Segundina?

  8. To Mr. Kapitan for the listening plesure sir.

  9. May barkada akong sunod lahat ang luho noong araw.
    Every week siyang pinapadalhan ng allowance ng kanyang mga magulang from the province. Nagbuhay mayaman siya at pinabayaan ang pagaaral.
    Nakabuntis siya ng kapwa estudyante at sapilitang ipinakasal.
    Halos iyumpog ng kanyang tatay ang ulo sa poste ng meralco dahil siya na lang ang inaasahan nilang magpaaral pa sa mga kapatid.
    Naibenta at naisangla na nga ang mga ibang ari-arian ng kanyang mga magulang upang matustusan lang ang kanyang pagaaral.
    Bagsak niya helper sa isang welding shop para mabuhay lang ang pamilya.
    Mabuti na lang at nakapangasawa ng mayamang balikbayan iyong bunso niyang kapatid kaya nakapagpatuloy ang mga iba pa niyang
    kapatid ng pagaaral.

    Ako naman ay katulad din ni Mang Haydeen, janitor sa araw at nagaaral sa gabi. Nang makapag-abroad ang kapatid kong panganay ay pinahinto na niya ako sa pagtatrabaho para ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Nang makatapos at may trabaho na ako ay tinulongan ko naman ang aking mga magulang na pagtaposin ng electrical engineering ang bunso naming lalaki. Nang makatapos naman ito at makapagtrabaho sa abroad ay nag-asawa naman kaaga ng loko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: