Posted by: Mer Pints | February 24, 2012

BRIBERY, The Two Faces of Justice

“Segundina, what is bribery? ” I texted my friend Gunding.

“Why, are you caught bribing a cop for a traffic violation?”  She replied.

“No, I just want you define it for me. ” I texted  back to tease her.

“I don’t know if you are one stupid and annoying woman disrupting my work or plain lazy nut. But here you read it, and don’t bother me again. Saksak mo kaya ‘to sa kokote mo  nang tumalino ka! ” Her sour reply but  with the definition of bribery.

“BRIBERYThe act or practice of giving or accepting a bribe; The process of giving  or taking bribes (In some countries, bribery of a public official is a felony).”

“Thank you. So, my friend are you saying that the giver and the receiver of bribes are both involved in the commission of bribery? ” I texted her again.

“Did you not read it?” She sounded annoyed already.

“Just this one na lang my friend, do you think Pagcor Chairman Cristino “Bong” Naguiat’s alleged acceptance of free  and accommodations from the Wynn Group, owners of a chain of casino hotels and gaming venues worldwide as reported constitute a criminal offense of bribery?”

“Anong pakialam ko diyan. Why don’t you ask Presidential Spokesman Edwin Lacierda. Or better go on a double date with PNoy and Grace, and Edwin and you. Why ask me, that’s the least of my concern right now with tons of paper work to do!!!”

Segundina is fuming mad already. I know it’s time to stop lest I’ll take the risk of losing our friendship.

But if I could only beg futher her honor’s indulgence (being a highly political minded individual who could spend with you the whole night just talking on political issues) then I could have asked her opinion why the Aquino’s administration is now being criticized for declaring earlier that there is nothing wrong for  Philippine Gaming and Amusement Corp. (Pagcor) chairman Cristino Naguiat  to receive free accommodations at a $6,000-a-night hotel room and other alleged perks from a Japanese billionaire. Presidential spokesperson Edwin Lacierda said this is acceptable as long as Naguiat and other officials do not profit personally from these free accommodations.

So now, who could prevent somebody from perceiving that President Benigno Aquino lll (specially his critics and political enemies) of perceiving/believing that he is  playing a double standard of morality in pursuing his presidential commitment of eliminating graft and corruption in the government under his policy banner daang matuwid.

Along this line, perhaps Segundina could have enlightened me too of my ignorance about  “Noynoy’s KKK (Kaibigan, Kaklase, at Kabarilan) circle and what his political critics described as “two-faced” or different set of “justice.” And going back to Naguiat, I could have asked Segundina if the Pagcor’s Chairman is already absolved by Malacanang being one of the Kaklase of the president?

Sa totoo lang, with the on-going impeachment of Chief Justice Corona who frequently receives tirade from the president for not being morally fit to hold on to his position, one cannot help but ask if there are there sacred cows too in this administration as believed it existed too in the past administrations?

Probably appalled by the apparent  absolution of the Pagcor’s chairman by Malacanang, economist Winnie Monsod and house deputy minority leader Mitos Magsaysay said in a television interview that President Aquino should have first ordered for an investigation into the matter rather than  defending Naguiat right away.

While national surveys still boast on the popularity of the president, it is a fact also that many Filipinos are getting disenchanted with the president’s inabililty to control prices of fuel and basic commodities, adequately deal with poverty and unemployment, criminality, slow economic growth which the president said he only inherited from the past administration.

***************************************************************************

Kumambiyo ang Malacanang

Pagkatapos siya ay batikosin sa media, pinagpapaliwanag naman ngayon ni PNOY si Pagcor Chairman Cristino “Bong” Naguiat tungkol sa pagkakasangkot niya sa “allegations of bribery” laban sa isang gaming businessman na si Kazuo Okada kung saan ay sinasabi nilang tumanggap daw ito ng free hotel accomodation mula dito. 

“There will be a formal process where he will be asked to explain. First hanapin muna natin ‘yung specific accusations then we will task him to explain himself with regards to the specific accusations, then the committee will determine whether or not there is an issue or no issue,” ang pahayag ng president.

“Everybody who has been proven to have done something that they shouldn’t have or neglected to do what they should has been meted appropriate sanctions,” dagdag pa nito.


Responses

  1. In order for this administration to fully win the trust and support of majority of Filipinos it promised reforms and transparency it must avoid being bias. It should refrain from defending and acquitting its friends and political allies when caught in the midst of any anomaly without conducting investigation while charging purported enemies with no hesitation. It should not practice double standard as it pictures itself not different from the former government that is widely despised by most Filipinos. Cases involving his allies should be tried and decided in proper court and not by the president’s pronouncements of defense and acquittal. It must put an end on the contemptuous political culture that invites corruption and breeds animosity in almost all sectors of the society – “pagtanaw at pagbabayad ng utang na loob”.

    Lest this administration forgets: no Filipino will survive and live on propagandas and press releases alone; jobs and opportunities cannot be created by political vendetta and bias treatment on supposed nemeses; and justice must be equally enjoyed by both rich and the poor by equally recognizing rights in obtaining justice that should not be based on political connections and degrees/titles affixed in name and even more by the amount of money each individual has in his account.

  2. ‘yan ang sabi ng isang lasenggong aking nainterbyu dine. masama ang loob niya dahil baga magdadalawampung taon na siyang nagtatrabaho bilang isang konstraksiyon worker ay wala pa ring maipon dahil patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin at gastusin sa Pilipinas na hindi magawang solusyunan ng kahit aling gobyerno na nagpalit palit nang puro pangako ang kayang ibigay sa tao.

  3. Totoo po iyan. Katatapos lang ng silibrasyon ng EDSA revolution o people power nitong nakaraang araw ngunit tila limot na yata ng mga Filipino itong tinawag nilang kauna-unahang peaceful revolution dito sa Asya para mapatalsik ang isang diktador.

    Napatalsik nga ang sinasabi nilang diktador pero wala pa ring nagbago. Iyong magbabasurang araw-araw na namumulot ng mapapakinaba ngang basura dito sa kalye namin ay tumanda nang magbabasura pa rin. Ang nagbago lang ay may apo na siyang kasa-kasama niya sa pagpupulot ng basura at mga bagay bagay na kanilang mapapakinabangan o maibebenta sa junkshop.

    Kaya tanong nga ni Bongbong Marcos, may nagbago na ba pagkatapos ng EDSA? Sa akin naman ay marami, iyong presyo ng galunggong na hindi pa aabot ng trenta pesos noong araw ngayon ay `120 pesos na ang presyo. Maliit lang halimbawa nito na nagsasaad ng paghina ng ating ekonomya o kakayahan ng mga tao na tugonan ang kanilang mga pangangailangan pagkatapos pagkatapos mapatalsik ang diktadora.

    Mas mabuti pa nga ang buhay noong panahon ni Marcos, iyan ang laging sinasabi sa akin ng aking lola Liberty o Liberata na tumanda nang babay sitter sa Merika.

  4. Siya nga pala di pa rin ako kinikibo ngayon ni Gunding. Masama pa rin ang kanyang loob sa pangaasar ko sa kanya. Ano kaya ang gagawin ko para namang mapatawad ako ng babaeng hanggang ngayong ay galit na galit pa sa akin.

    Bati na tayo lola Gunding. Puwedi ba? Puwedi ba sagotin mo ang mga tawag at text ko sa iyo dahil NAPIPIKON NA AKO!

  5. Mer iyang kaibigan mo sa palagay ko ay hindi ka niya kikiboin hanggang umabot ang kuwaresma.
    Pustahan tayo mukhang Biyernes Santo siya ngayon sa kasisimangot dahil sa kakulitan at pangaasar mo.

    Suhulan mo kaya ng pagmamahal at kaunting lambing? Padalhan mo kaya ng flower vase? Hehe ibig kung sabihin ay tatlong rosas na nakalagay sa isang flower vase.

  6. Speaking of suhol maraming uri ng panunuhol. Puwede kang manuhol ng pera, alahas, ginto, ari, este ari-arian kagaya ng Condo at malapalasyong bahay, at libreng tour around the world. Pero kung ikaw ay nanliligaw pa lang puwedi ring manuhol ka ng paninilbihan sa pamilya ng iyong minamahal. Pero kung pulitiko ka at mayaman, puweding ibili no na ang buong pamilya ng tig-isang kotse, magpatayo ka ng malaking bahay para sa kanila. Kaso saan mo kukunin ang mga perang iyan kung pulitiko kang umaasa lang sa mga nakukurakot mo sa sambayanang Filipino, e di sa kaban ng bayan?
    Naloko na, hehe.

  7. By the way abangan natin kung ano ang sagot ni Mayweather at hinamon siya ng sabunotan, este suntokan pala ni Cong JV Ejercito dahil daw sa pagiging racist nito against asian athletes hindi athletes foot, hehe,

  8. mer, live with your subject matter of the day – BRIBE gunding!

    bahala ka na kung ano at paano at MAGKANO.

    ang lagay, ganu’n na lang? di ba, seg?

    he he he heeh!

  9. Seg.
    Alam ko di ka kahit ibigay ko pa sa iyo ang langit at lupa bilang kabayaran ng mga nagawa ko sa iyo ay di mo pa rin ako mapapatawad.
    Pero friend ganyan na ba katigas ang puso mo dahil sa kinikimkim mong galit at di mo ako kayang patawarin?
    Nagsusumamo ako sa iyo, alang-ala sa mga magagandang ala-ala at pinagsamahan natin na sana ay ibaon mo na sa limot ang mga nagawa kong pagkakasala sa iyo at muli buksan ang iyong puso at ako’y iyong patawarin at tanggapin muli.
    Ngunit kung kapalaran ko ang siyang iyong pagmamalupitan habang buhay bahala ka Seg, ikaw ang masusunod ngunit asahan mo my best friend na di ako maghinanakit sa iyo dahil mahal na mahal kita bilang isang kaibigan.
    Masakit man para sa akin na ako’y iyong itakwil, magtitiis ako at umaasa pa rin na bukas makalawa ay muli mo akong lingunin, mapapatawad, at maging bahagi muli ng iyong dakilang puso.
    Friend sana ay huwag mo na akong tiisin dahil labis labis na ang aking paghihirap. Alam mo naman na kahit isang segundo mo lang akong di kikiboin ay isang libong taon na itong pagkabilanggo para sa akin sa lungkot at kabigoan. Ngunit kung iyang ang talagang iginuuhit ng tadhana para sa akin tatanggapin ko ng maluwag sa aking puso.
    Paalam Seg. paalam (fading with a melancholic music)…
    Naks naman a, ang galing ng mga banat ko.
    Hoy Seg nawiwili ka na ha! Kapag hindi mo pa ako kikiboin at kakausapin pupuntahan kita sa inyo, matutulog ako diyan, at makikikain!!!
    Tandaan mo iyan!

  10. walastik! nadala ako doon, ah.

    parang iskrip sa isang primetime soap ang dayalog na makakakuha ng award sa MMFF kung sakali. ‘yun pala bandang huli makikikain lang?

  11. Sige na huwag na nating pahabain pa ito… suko na ako. Bati na tayo. Ang lagay makikikain at makikitulog ka na naman sa amin.

    Ang lakas lakas mo yatang kumain.

    At huwag mong sabihin na makikitulog ka rin sa aking kuwarto.

    Iyan ang di dapat mangyari, ang lakas lakas mo yatang humilik. Para kang bulok na barko ng Philippine Navy na umaandar kung makahilik ka. At saka ayaw kong tumatabi ka sa akin sa pagtulog dahil madalas kang binabangongot kaya nanununtok at nananadyak ka pa.

    Sige na Mer bati na tayo.

    Forget ko na iyong pangaasar mo sa akin.

  12. Puwedi ba kong gumawa kung magdadrama ka e iyong original na linya naman ang gamitin mo.

    Panahon pa iyan nina Ric Rodrigo at Carmen Rosales noon black and white pa lang ang pelikula. Di ba history na iyan?

    Kahit itanong mo pa kay kuya Magno at Kapitan Kidlat antigo na ang mga ganyang banat. Ewan ko lang kung inabutan pa nila iyan, di kaya?

    Hehehehe

  13. Mer ang gusto ko kung susuholan mo ako ay iyong magdala ka sa akin ng kuwentas na sampaguita at isasabit mo sa aking leeg sabay sabi, you will always be in my heart forever.

    Ay, mais mais mais… huwag na lang.

  14. Siya nga pala binabati ko ang lahat na mga congressmen prosecutors sa paglilimita hanggang tatlo na lang ang kanilang mga articles of impeachment laban kay CJ Corona.

    Is it lack of evidence to present gentlemen?

    I hope walang suholang nangyari dito.

  15. pareng kaps, aba’y salbaheng dalaga, ire.

    palibhasa’y ma-edad na kitang dalawa ay ginawa na tayong pang national museum.

    oy, gunding, baka sa kagaganyan mo sa aming dalawa ng propesor ninyo ay sa retiradong hikaing matanda ka bumagsak?

  16. In the Philippines, seeking justice for thepenisless este, penniless is like digging his own grave. It’s also like pulling a bayawak pasalungat sa lungga and pamamana ng mosquito in the dark. Palibhasa’y mahirap, mahirap talagang makasumpong ng patas na laban kumpara sa mayayaman, masalapi, maimpluwensiya at may kinakapitan sa gobyerno lalo’t ang kakilala ay isang chief justice. The moneyed and influential do not have to seek it because justice is offered to them on a golden platter with matching background pa ng kantang “Only You”. They can also get it on a buy one, take one and eat all you can special offer. May discount pang unlimited time immunity habang nakapuwesto si kumpare. Katunayan pa sa isang panig, kahit walang imbestigasyon sa kabila ng kabikabilang singaw ng anomalya ay pinipilit pang pagtakpan at i-absuwelto ng nakapuwestong kaibigan, kabarilan, kaklase at may tinatanaw na utang na loob.

    Kanino tatakbo ang isang ordinaryong Juan kung ‘yung mga magkakatunggali sa kapangyarihan ay walang inaatupag kundi ang paglilinis ng dumi ng bawat kakampi at hinahayaan na lamang nakatunganga habang nakatingalang parang mga asong gusgusing naghihintay ng mga tirang wala ng lasang pagkain ang mga pobreng kumakalam ang sikmura sa gutom at uhaw?

  17. Pareng Mags itong dalagang malapit nang mahuli sa biyahe ng roro (roll on, roll off) na barko na may kargang sasakyang pampasahero papuntang Kabisayaan ay may kakambal yatang sili sa dila nang ipanganak, haha.

    Ay naku Gundina kung ganyan ka nang ganyan ay baka sa isang matandang Barok ang bagsak mo.

    Pero sa totoo lang masarap pakinggan iyong mga banat ni Mer kapag may hinaharana kang dilag tuwing kabilogan ng buwan.

    Balita ko itong si Gunding daw ay kinikilig kapag siya ay hinaharana at binibigkasan ng tula ng isang pensionadong balikbayan na manliligaw. Ano Gunding tama ba ako?

    Mer, di ba ikaw ang nagbalita niyan sa akin? Hahaha

  18. Pareng Mags, masakit mang isipin pero sa ating lipunan ay mas nakakalamang ang mga mayayaman kung sa paghahanap ng hustisya o katarungan ang pinaguusapan.
    Totoo ngang may mga mayayaman naman na nabibilango o napaparusahan sa mga krimeng nagawa sa lipunan ngunit nabibilang lang sila sa ating mga dalire. Mas malaking porsiyento pa rin ang mga mahihirap na nasa loob ngmga madidilim na bilanggoan dahil wala silang pera na pambayad para sa serbisyo ng isang manananggol. Kaya hindi na tayo magtaka pa kung may mga nakabilanggo diyan na talagang inosente at walang kasalanan.

  19. On the other hand may katotohanan din pala ang kasabihan “what are we in power for.”

    Iba na ang kaibigan ka ng isang pinakamakapangyarihang tao sa ating bansa. Kapag ikaw ay kalaban sa pulitika lagot ka basta ikaw ay inakusahang may ginawa kang masama kahit di pa ito iniimbestigahan o napatunayan na talagang ikaw ay nagkasala. Pero kapag ikaw naman ay Kaiskuwela, Kaibigano, ay absuwelto ka naman kaagad sa ano mang kasong iniuugnay sa iyo with or without investigation.

    Sabi nga ni senador Mirriam Hwaa!

  20. kaya naman ang senyas kay brenda ng asawa ni corona bilang pasasalamat sa pagkiling sa kanyang asawa ay “mmmwaaahh!”.

  21. Kay Gunding byuti naman ang kanyang ekspresyon romantika ay mhwa mhwa tsup tsup, lab na lab kita baby, dyingel lang ang pahinga, haha.

  22. Mukhang ganado si Kap na makipagbiroan to me ngayon… lol

    OMG, Mer mukhang naguunahan ngayong lumabas sa aking u-t-a-k ang mga masasayang memories of the past na sobrang nakapagpasaya sa atin.

    Sis matatandaan mo pa ba noong may nabili kang instamatic camera at nakunan mo ng stolen shot si aKap na nakaupo noon sa isang concrete bench na nasa ilalim ng puno at may tinitipa ;siyang ukelele habang kumakanta siya ng Devoted to you?

    Saan na kaya nangyari iyon sister at sino kaya ang hinaharana noon ni Kap sa tanghaling tapat?

  23. Seg sorry wala na iyong stolen shot ko kay Kap. Iyong camera ko kasi noon ay hiniram niya pagkatapos ay di na niya isinauli pa. Nawala raw kaya dinoble na lang niya ang bayad para di na ako umangal pa. But iyong Iyong film ay di na rin bumalik pa sa akin kasi nawala na rin. Hindi ko alam kung sinadya niya o hindi.
    Anyway di naman nawala iyong kuha ko sa kanila ni Missa Lemon iyong representative ng foundation na naging lecturer din natin noon sa ating seminar sa Tagaytay. Magkaakbay pa sila doon pero di nating puweding pangblackmail kasi may mga kasama sila sa picture.
    Pero tama ka na may ukelele na tinitipa si Kap noon at kumakanta sila ni Miss Lemon ng Paper Roses. Di ko alam kung inabutan pa ng mommy mo iyon. Kung alam ni Kap na kantahin iyon with Miss Lemon baka alam din ni tito Mags.
    Pero sa atin atin lang ito, alam mo ba na pagkatapos nilang magconcert sa ilalim ng puno ng mangga ay bigla na lang silang naglahong parang bula sa talahiban. Baka naman itinuloy pa nila doon ang nagconcert at kinanta iyong theme song nilang “Strumming my eggs with her finger,” hehehe.

  24. sorry, I mean “strumming my head with her finger” sana.

  25. gunding, watch your words. masama ‘yan. igalang mo ang inyong propesor at huwag nang ipaalala ang lahat ng kanyang iskapeyds. baka madulas ka na naman lalo’t nagkaayos na kayong magkaibigan.

    hindi ko sinasabing mas maige ‘yung kayong dalawa ay may alitan dahil nalilibre si kaps sa inyong mapangsakdal na memories pero dapat ay huwag na ninyong dugtungan pa ang naputol niyang pagdurusa sa pamamaluktot muli sa buong magdamag habang pinapapak ng mga gutom na bading na lamok kapag muling nanariwa sa alala ng kanyang mabyuting kataling puso ang pagiging pabling niya noon na kayong dalawa ni mer ang mga star witness!

  26. Kap pasensiya na po. Hindi po ako ang nagumpisa si best friend. Iyon lang po at ayaw ko nang dagdagan pa.

    At saka kahit may pagkapabling po kayo noong araw we highly respected po naman namin kayo dahil mabait po naman kayo at matulungin. At kahit po istrikto kayo nasa lugar naman. Paano kami natoto kundi naman ninyo kami dinisiplina.

    Iyon nga lamang noong hindi pa kayo nirarayuma, talagang maraming old maids ang nahuhumaling sa inyong kamatsohan.

    But that is past tense already, alam ko nagbago na po kayo at di na muling tumingin pa ng iba dahil…. kuwan… mabait na po kayo at good husband na. Iyon lang po. At hanggang sa pagtanda namin nakaukit na po sa aming mga puso, we are proud to be your students.

  27. he he he heeeh!

    proud to be his students lang ang inyong memory, ha?

    mer, kulang sa specification. hindi tinatanggap sa bidding ang merong blankong clause.

    dapat din, no kuwan, kuwan.

    he he he heh!

  28. Mer iyong hinarana ni Kap na kana ay naka…din niya kaya? Ibig kong sabihin ay nakasama din kaya niya doon sa survey nilang ginawa sa mga IP ng Central Mindanao?
    Kung silang dalawa lang ang magkasama sa field may nangyari bang dapat na ipagalala?
    Hmmm ang u-tak kong ito umandar na naman sa pagiging mapagsaliksik, hehehe.
    Wala po akong sinabi ha, napapaisip lang at napapangiti.

  29. Kung wala kayong magawa mga ineng huwag naman ninyong kalkalin pa ang mga bagay bagay na nabaon na sa limot.

    Si Banong ang tanongin ninyo doon sa matandang Kana from the US of America. Sila ang magkasamang paakyat pababa sa mga kabundokan ng Central Mindanao para mag-interview sa mga IP.

    Insulto naman yata sa akin na sabihing nakana ko iyong Kana. Parang nanay ko na lang iyon a. Iyong Canadian pa na kasing asim ng kalamansi ang tanongin ninyo baka lang.

  30. Kayo kasi nadulas na naman ang dila ko.

  31. panalo na sina tupak or tupas kc tinanggap na ng mga prosecutor-judges iyong mga bank accounts no corona which were illegally obtained. pustahan tayo nagtatalon na ngayon si panot sa sobrang tuwa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: