Posted by: Mer Pints | February 13, 2012

Senate Upholds SC TRO

The Senate as an impeachment court has once again showed its objectivity and firmness that it cannot be dissuaded by any political pressure by upholding the SC decision stopping the opening of Chief Justice Renato Corona’s alleged dollar accounts at the Philippine Savings Bank (PSBank) last Monday in a vote of 13-10.

Supreme Court spokesman and Court Administrator Jose Midas Marquez said: “The Court welcomes the vote taken by the Senate…It was an order issued by the Court and the Court was actually expecting that it would be complied with. It was an interlocutory order of the Senate and therefore it was questioned before the Supreme Court. Again, this order by the Supreme Court is just a temporary restraining order (TRO). It’s just an initial order. It’s not a decision on the merits but just the same, we welcome the Senate vote.”

Such act has prevented what has been feared as a collision course between two co-equal and independent constitutional bodies. No doubt all those 13 senators who voted in favor of upholding the SC TRO are governed by reasons not by their political color.

SINO BA SI SMALL LADY?

Kung baga sa telenovela ay nasa 16 na yugto na tayo ng impeachment proceedings ng Senado upang alamin ang katotohanan kung may nagawa nga bang paglabag sa Saligang Batas upang patalsikin sa kanyang puwesto si Punong Mahistrado Renato Corona. Sa sandamakmak na debate at paliwanagan sa impeachment court ng Senado ay tila wala pa ring naaninag na liwanag kung saan patutungo itong impeachment proceedings.

Bukod sa usad pagong at di maipagkakailang kapalpakang ipinamamalas ng prosecution mula sa House of Representatives ay tila may kakulangan at kung mayroon man kuwestiyonable pa ang mga dokumentong ipinapakita ng mga prosecutors na malimit namang naliliktyuran pa ni Senadora Mirriam Santiago tungkol sa batas at proseso ng impeachment.

Hanggang ngayon ay di pa naipapaliwanag ng mg prosecutors ng kongresistan kung saan nila nakuha ang di umano’y mga dokumento na nagsasaad ng mga bank accounts ni Chief Justice Corona. Ipinagkakaila naman ng mga taga PS Bank na sa kanila nanggaling ang mga naturang dokumento na naging basehan ng Senado upang ipasobpina ang mga ito. May pangamba tuloy na peke ang ugat ng mga dokumentong ito at hindi admnissible sa korte.

Sa pahayag naman ng mga kongresistang prosecutors may nag-abot lang daw sa kanila na di kilala ngunit nagmamalasakit marahil na tao upang mailabas lang ang katotohanan. Isang small lady daw ito sabi ng kagalang-galang na kongresista ng Mindoro.

Ngunit sino nga ba si small lady?

Hangga’t hindi maipapakita sa korte kung sino si small lady ay tila bagang nanganganib din ang mga kongresistang miyembro ng prosecution team ng impeachment na mahaharap sila sa ano mang criminal liability sa paggamit ng ebidensiyang nakalap mula sa illegal na pamamaraan. At ito ang idiniin kanina ni Senator Judge Jinggoy Estrada. Ayun naman kay Senator Enrile na presiding officer ng impeachment court ay nagpahayag nang seryioso ang impeachment court na  malaman kung saan nakuha ang naturang dokumentong nagsasaad ng mga bank records ni CJ Corona sa PS Bank. Kaya pinagpapaliwanag niya ngayon ang mga kongresistang nasa prosecution team.

Ayaw ko mang isipin pero di kaya  may katotohanan ang hinala ni Senator Juan Ponce Enrile na tila walang maipapakitang ebidensiya ang prosecution kaya ang ginagawa nila ngayon ay isang fishing expedition o pangangalap ng ebidensiya sa pamamagitan ng pagpapasobpina sa impeachment court ng records ng mga bank account ni Justice Corona? Huwag na nating isali pa dito ang kanyang di umano’y dollar accounts dahil sa SC TRO.

Ngayon aber, kung mapatunayan mang  illegal ang pinagmulan ng naturang dokumento tila masasayang lang ang lahat ng mga proceedings na may kaugnayan dito dahil hindi katanggap-tanggap sa korte ang ano man ebidensiya na peke at nanggaling pa sa illegal na paraan.

Inay ko po, malaking oras na ang iginugol ng Senado sa impeachment na ito at huwag naman sanang mauwi lang sa wala ang lahat.

 


Responses

  1. Happy Valentines to all

    I love you all

    Mhwa Mhwa, Tsup Tsup

  2. To my beloved best friend Segundina,

    happy balentayns dear… huwag ka nang mainggit pa kay Grace Lee.

    Marami diyang poging binata na makakapal pa ang buhok
    hehehe

  3. Sa mga pinagpipitaganan naming mga machong di tumatanda at amoy tiger balm na sa tuhod, nawa ay maging masaya ang inyong araw ng puso sa piling ng mga minamahal ninyo sa buhay.

  4. Ikaw ha Mer kung ano ano na naman ang mga sinusulat mo diyang komento sakin. Waepek na iyan at bistado ka na. Mabuti na lang at natoto na rin ang aking kumander sa mga biro mo.

    Kayo ng best friend saan kayo magcelebrate ng Valentine’s Day ninyo? May mga partners na ba kayo o iiyakan na lang ninyong dalawa ang malamig na magdamag ninyo?

    Kasi pili nang pili tumatanda tuloy at napagiiwanan na ng biyahe.

  5. Happy Valentines na lang sa inyong dalawa.

    Kumusta na kaya si pareng Mags ngayon?

    Pareng Mags huwag mong sabihin na di sasabog ang de sabog mo ngayong araw ng mga puso.

    Ako, kahapon mag uminom ng aking mga herbal remedies para laging handa sa ano mang kalabit ni misis ko, haha.

  6. By the way nakakawalang gana naman itong mga kongresistang prosecutors kuno sa impeachment. Kung hindi sila sinisigawan ni mareng Mirriam ay sinasabon naman sila ni Manong Johnny.

    Pero iyang pekeng ebidensiya na sinasabi nilang naging basehan ng pagsobpoena ng impeachment court sa mga bank accounts ni Corona baka makasuhan pa ang mga iyan sa paglabag ng anti bank secrecy law.

    Kung itinatanggi ng presidente ng PS bank na sa kanila nanggaling ang mga bank records na iyan, e saan nila ito kinuha?

    Medyo nakakahinga na ngayon ng kaunti itong si CJ Corona, Baka maabsuwelto pa siya.

  7. Ay itong si idol Manny nga pala ay good boy na raw at di na nagsasabong, nagsusugal, at nambababae. Ka suwerte naman ni Jinky, sa kanya nang buong-buo si Kong. Manny.

    At saka pareng Mags tila lumalago ang mga balbas at bigote ni idol. Delikado iyan, habulin pa naman ng mga biyuda ang mga bigotilyo, hahaha.

  8. Hi best friend kumosta na. May kavalentine ka na ba?

    Ako mayroon na, si Haydeen. Ready na akong makunan ng kanyang video cam.

    Hehehe

    Joke lang Dr. B. baka lumala pa ang LQ ninyo.

  9. Bilib naman ako kay Kap Kidlat, walang kakupas-kupas.

    Pero sigurado ba tayo na wala siyang ibang naging ka-date bago pa sumapit ang araw ng mga puso.

    Tignan mo panay ang inom niya ngayon ng pampalakas at pampagana, hindi kaya may nauna na siyangg naka-inkuwentro sa kama?

    I will guess isang batambatang modelo o dancer na nagpi-peform diyan sa mga clubs sa QC.

  10. Let us continue your honor, bakit sumasakit ang mga tuhod ngayon ni Kap, hindi kaya nasobrahan niya ang nagkuwan-kuwan, hehehe.

  11. Sa issue naman tayo ng impeachment, mukhang na-highblood na naman kanina si senadora Mirriam at pinatamaan na naman ang mga taga prosekusyon.

    Ay impeachment, puro na lang impeachment. Wala na tayong nagagawa pa at puro impeachment na lang ang nasa utak natin. Di ba pati si PNoy ay todo bantay din siya sa mga kaganapan sa impeachment court. Kaso an daming problema ng bansa na dapat niyang pagtoonan ng pansin.

    Ano ang sa palagay mo Miss Grace Lee?

    Balitaan mo kami ha sa Valentines date ninyo, promise?

    Hehehehe

  12. pareng kaps, mer, seg,

    hapi balentayms sa inyo!

    wala niyan dine sa disyerto kaya maluknot ang malamig kong gabi dine.

    diyan ngayon sa atin ay araw ng mga puso, sipsipan (daw) ng mga nguso samantalang dine sa kinalalagyan ko ay wala man la’ang makalaro. marami sa paligid nireng kampo naming tinutuluyan – tupa, kambing at kamelyo. meron namang bonus na alakdan at talantula pati na rin mga rattle snakes.

  13. Happy Valentine’s day rin po.

    Parepareho na lang po tayo na walang kasipsipan ng nguso, kaya mistulang nasa disyerto rin ang pakiramdam namin dahil wala kaming mga ka-valentines na magpapainit ng aming mga kili-kili, hehehe.

  14. Anyway it’s all in the mind daw.

    Kapag inisip mong happy ka, magiging happy ka kahit nasaan ka pa.

    All you have to do daw a just think and pray for our dear love ones and your world will suddenly brighten up with joy.

    Sa akin naman ay taimtim akong nananalangin na sana ay mabigyan ng sapat na tulong at gabay itong mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, pagbaha, lindol, at landslide.

    Tila wala na po yatang katapusan ang paghihirap ng aing bansa ngayon.

    Pero di dapat mawalan ng pag-asa, magtiwala lang po sa Diyos at sa ating mga kakayahan na harapin ang bawat pagsubok sa buhay.

  15. Nahighblood na naman si madam mirriam kahapon at nasermonan niya na naman ang mga congs prosecutors. Si Farinas pa naman ang nakatayo noon for the prosecution.

    Ay naku kung dehins magiingat iyang lola ninyo baka kung anong mas malala pang bagay ang mangyari sa kanya.

    Dadagsa na naman ang mga tricycle drivers mamaya na makikipanood ng impeachment dito sa ating barangay hall.

  16. Seg wala akong ibang minamahal ngayon kundi ang aking misis lamang. Iniwan ko na ang nakaraan sa kangkongan magmula pa nang mangako ako sa aking mahal na di na ako titingin pa ng ibang irog maliban sa kanya kapalit ng di niya pagputol sa aking…. hehe, no need to elaborate.

  17. naloko na!

    napalipat ‘ata dine ang impitsment court.

    ang nasasakdal ay ang bayaning si kapitan kislap, este kidlat.

    kung hindi baga naman, eh bakit siya nagpapaliwanag?

    paren kaps, if you are innocence, no need to explanation the background of your love becuase the more you try to appear clean, the prosecution panel of these two ladies will the more saute you in garlic and onions. you will be fried in your own cooking oil.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: