Posted by: Mer Pints | December 20, 2011

Ang Pagbisita ni PNoy sa CDO, ETC.

Pagkatapos si yang bagyohin ng mga batikos dahil inuuna pa niya ang pakikipag-party sa mga PSG ay tutulak na rin ngayon si PNoy papuntang CDO at iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Sendong.

Bakit nga hindi siya babatikosin e tignan na lang natin ang lawak ng pananalanta ng naturang kalamidad sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas. Mas grabe pa sa naranasan ng mga naging biktima noon ng bagyong Ondoy ang ngayon ay dinananas ng mga kapatid nating taga Cagayan de Oro at Iligan City kung saan ay umaabot na sa hindi bababa ng 600 na raang kataong namatay.

Pero idinipensa naman ng mga kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang pagdalo sa Christmas party ng kanyang mga tagapagbantay. May mga inatasan naman daw ang pangulo na siyang unang aasikaso (at hindi nagpabaya) sa mga kapatid nating nasalanta ng nakakapangilabot na pagbaha. At saka baka lang daw makagulo pa ang pangulo kung makikisawsaw pa siya doon sa ginagawang pagsagip, retrieval operation, at pagbibigay tulong sa mga nasalanta.

Nandiyan na tayo, pero hindi ba mas lalo siyang kailangan ng mga taga CDO at Iligan City sa mga panahong sila’y nagdadalamhati at naghihirap sa dinanas na bagsik ng kalamidad? Di ba kahit ang kanyang presensiya man lang na masisilayan ng mga taong  namatayan ng mga kaanak at nawalan ng mga tahanan at kagamitan ay malaking bagay na iyon para muling manumbalik ang pag-asa ng mga taong naghihirap?

Ngayon, sa karirinig ko lang balita mula sa isang network ay nakarating na raw sa Cagayan de Oro ang mahal nating Pangulong Noynoy at labis daw na naalarma sa nakitang lawak ng pananalanta ng bagyong Sendong at ang nakakaawang kalagayan ng mga taong nabiktima na naturang kalamidad.

Naalarma pala, bakit ngayon lang nasambit ito ng Pangulo? Di ba iba iyong mismong ikaw ang nakakakita ng kalagayan ng mga tao keysa nakikibalita ka lamang sa iyong mga tauhan at maging sa mga ibinabalita ng mga taga Media.

Ay, tila totoo nga kasabihan–“Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo?” Anong masasabi mo diyan Petrang Kabayo?

Well, at least nagpakita na ang ating pangulo sa mga taong naghahanap ngayon ng tulong at kalinga mula sa pamahalaan at sa mga taong may mabubuting kalooban. Kaya nga inuulan na rin ang mga kababayan nating lugmok na sa kahirapan na dulot ng bagyong Sendong. Oo, huli man daw at magaling ay naihahabol din. Sang-ayon ka ba diyang Miss Valerie Concepcion?

Sa mga kababayan natin na patuloy pa rin sa pagtulong lalo pa sana kayong pagpalain ng ating mapagmahal na Diyos.

Maligayang Pasko po sa inyong lahat. Patuloy pa rin po ang buhay, di po ba?

Rain or shine, ang diwa ng Pasko ay ni kailan man di masasapawan ng ano mang bagyo o sakuna sa buhay. After all ito ang kapanganakan ni Hesu Kristo na siyang ating taga-pagligtas at tanging nagbigay ningning at pag-asa natin.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

As of this writing, halos isang libo na ang mga patay ng bagyong Sendong.  At tuloy-tuloy pa rin ang retrieval operation sa Cagayan de Oro at Iligan. Nakakalungkot nga lang kung saan-saan na lang itinatambak ang mga bangkay na nasa advance state na of decomposition.


Responses

  1. kailan kaya magsasawa ang mga promotor ng illegal logging at irresponsible mining?

    lagi na lang ganito. kawawa ang mga walang kamalaymalay na nagiging biktima ng walang habas na pamumutol ng kahoy sa bundok at gubat na hindi nila pinapalitan ng binhi. gayundin ang walang pakundangang pagmiminang nagiging sanhi ng pagluwag ng lupa na nagdudulot ng pagguho kapag bumuhos ang malakas na ulan.

    pansinin na ang naging dahilan ng malawak na pinsalang idinulot ng bagoyong sendong ay ang pagkaanod ng malalaking troso mula sa mga kabundukan sa paligid ng dalawang siyudad. kung mayroon sanang malasakit ang pamunuan ng mga logging concessions at minign companies na ‘yan ay hindi sana magkakaganito sa dalawang lugar na ni sa panaginip mula pa noong mahabang panahong nakalilipas ay babahain nang ganyan.

    haaayyyy, himutok na lamang tayo!

  2. Kasamang Magno nakakalungkot isipin na ang isa sa mga pangunahing sanhi ng trahedyang ito ay ang walang pakundangang pagkalbo ng mga illegal loggers sa ating mga kagubatan.

    Hindi lang tubig ang naging sanhi ng kamatayan ng ating mga kababayang nasawi kay bagyong Sendong kundi pati mga troso pang gumulong mula kabundokan at inanod naman ng rumaragasang tubig baha.

    Sa totoo lang akoy lubhang nalulungkot sa kalunos-lunos na sinapit ng ating mga kababayan diyan sa Northern Mindanao na ang ugat ng lahat ay ang malawakang pagkasira ng ating kalikasan na sanhi ng pagmimina, pagtotroso, at pati na rin ang pagtatayo ng mga istraktora na siyang pumipigil sa pagdaloy ng tubig tuwing umuulan at nagdudulot naman ng pagbaha,

    Panahon na para tutukan naman ng maigi ito ng administrasyon ng ating Pang. Noynoy Aquino upang hindi na sana maulit pa ang ganitong lawak ng devastation tuwing bumabagyo.

  3. Sana naanod na lang kayo ng maputik na tubig kayong mga nagpapagamit sa mga makapangyarihang tao upang kalbohin ang ating kagubatan dahil sa inyong pagtotroso at pagmimina na siyang pangunahing sanhi ng pagkasira ng ating kalikasan na nagdulot ng ganitong nakakapangilabot na trahedya.

    Mga mayayamang nananamantala ng ating kagubatan ay maranasan ninyo rin ng higit pa ang dinaranas ngayon ng ating mga kababayan na lalo pang nalugmok sa kahirapan dahil sa kalamidad na dulot ng inyong kasakiman.

  4. mapayapang bagong taon sa lahat!

  5. Happy New Year to All

    Sana ay buo pa ang inyong mga kamay at paa pagkatapos mag-celebrate ng New Year, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: