Posted by: Mer Pints | December 14, 2011

Corona Accuses PNoy of Dictatorship

As the Senate convened today as an impeachment court, and President Benigno Aquino has been rallying his supporters to back up the Supreme Court’s  head impeachment, Chief Justice Renato Corona spoke before a huge crowd of supporters mostly court personnel and officialsrou at the Supreme Court grounds in Padre Faura, Manila. Here he accused the president of dictatorship by wanting him to be impeached so that he can appoint his own chief magistrate and control the high court.

Here is an excerpt of that speech delivered in Filipino.

“Tunay na hustisya, kadakilaan ng Kataas-taasang Hukuman, at kalayaan ng hudikatura, tatlo pong prinsipyo na nagbibigay sa akin – sa  ating lahat – ng lakas at tapang na harapin ang hamon at pagsubok na bunga ng masamang pulitika.”

“HINDI PO TAYO PAPAYAG NA LAPASTANGANIN AT ALIPUSTAHIN ANG DEMOKRASYA, AT ANG KORTE SUPREMA!”

“Itong impeachment ay dala ng kasakiman na magkaroon ng isang Korte Suprema na kayang diktahan, na nakukuha sa tingin, at magkakandarapang ipatupad ang kanilang bawat hiling.”

“Tila yata’y napipikon at hindi sila makapagtalaga ng kanilang punong mahistrado kung susundin ang ating umiiral na Saligang Batas.  Kaya pati ang inyong lingkod, hadlang daw sa kaunlaran ng bayan at pagpapatupad ng mga ipinangako sa kampanya!”

“Ako raw po ay isang midnight appointee.  Dapat raw po, hindi ko tinanggap ang paghirang sa akin. Bakit po ba, para si Ginoong Aquino ang makapagtalaga ng kaniyang sariling chief justice na hawak niya sa leeg?  Mapapa-iling ka talaga.  Ang pagtatalaga sa inyong lingkod ay dumaan sa isang masusing proseso na ayon sa ating Saligang Batas. Kasama po dito ang proseso ng Judicial and Bar Council na noon ay pinangungunahan ng dating Punong Mahistrado Reynato Puno. Matagal na po itong pinagpasyahan ng Korte Suprema.  Matagal nang tapos ito.  Kung may reklamo man sila sa hatol ng Korte Suprema, sana ay noon pa, ipinaglaban na nila.”

“Ibang-iba po ang palakad sa gabinete, sapagkat doon, lahat ng miyembro ay mga alalay, alagad at utusan ng pangulo.  Sa loob ng gabinete, ang utos ng hari, hindi nababali.  Dito po sa Korte Suprema, ang pananaw ng punong mahistrado ay isa lamang. Gaya nga ng sinabi ko, kami ay patas at pare-pareho lamang na nagbibigay halaga at respeto sa opinyon ng bawat isa.  Wala po kaming tungkulin at balak na maging sunod-sunuran sa isa’t-isa.”

“Kaya nga po dito natin makikita ang likas na talino at sadyang makatarungan na sistema ng hustisya sa ating saligang batas: labing-lima po kami sa Korte Suprema, upang masiguro na mangibabaw ang pananaw ng mas nakakarami.  Hindi maaring magtagumpay ang pananaw ng nag-iisang mahistrado.”

“Samakatuwid, itong mga paratang ng pagkiling laban sa akin ay bunga lamang ng malisya at kathang-isip.  Malamang, umaasa ang mga kalaban ng Korte, na ako at ang ibang miyembro na di nila kayang diktahan, ay mag-bibitiw sa tungkulin.”

At kung sakaling magtagumpay ang impeachment na ito laban sa akin, ano sa palagay ninyo ang mangyayari?  Simple lang po mga mahal kong mga kababayan — kay Ginoong Aquino na ang gabinete, kontrolado  na niya ang kongreso, at hawak na niya ang Korte Suprema.   Paulit-ulit nalang nilang isinisigaw ang checks and balances ng three co-equal branches of government, ngunit ang kanilang mga pagkilos ay patungo sa pagsakop sa buong sistema at kapangyarihan ng pamahalaan. Itong mga itinatanim niyang gawain ay siguradong mamumunga lamang ng isang diktadura…”

“At ngayon, sasabihin ko po sa kanilang lahat: ako’y tumututol sa walang-tigil na pang-aalipusta, pangduduro at pananakot.  Ako’y tumututol sa dahan-dahang binubuong diktadura ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.”

“Kamakailan lamang, tinuya na naman po tayo ng harap-harapan. Tulad ng tunay na Kristianong Batangueño, tayo po ay nagpigil, at ito po ay ating pinalampas.”

“Ginoong Pangulo, ako po ang primus inter pares dito sa Korte Suprema.  Ang ibig sabihin po nito, kung kailangan ipaglaban ang Korte Suprema, ako ang uuna.”

“Mga minamahal kong kababayan, sa aking pagharap sa isang mapanganib na katunggali, ang aking tang ing sandigan ay ang inyong pakiki-akibat, at ang paninindigan para sa Lumikha at sa ating bayan. Buong pagkukumb aba kong hinihiling ang inyong pang-unawa, subalit higit sa lahat, hinihiling kong samahan ninyo ako sa aking laban at mission.”

Sa ngayon ang panawagang ito ng Chief Justice ay umani ng mga sari-saring, gayon pa man hati ang mga mamayan; may pumapabor sa mga inilahad ng Chief Jusmitice di namarami ring -ayon.

Para sa akin naman, I  fully support the independence of the Supreme Court kahit pa sino ang mga nakatalaga riyan. Ayaw ko man isipin pero labis akong nagaalala, hindi kaya ang bottom line ng lahat ng impeachment issue na ito laban kay Chief Justice Corona ay pamumulitika lamang at paghihigante?

Marami pong problema ang bansa na dapat nating pagtuonan ng pansin hindi itong pakikialam sa mga gawain ng Korte Suprema.

Nawa’y magliwanag ang ating mga isipan sa isyung ito. Pasko pa naman,


Responses

  1. hindi puwedeng mangyari na hindi babatikusin ang alinmang sangay ng gobyerno lalo na’t merong mga kamaliang maliwanag na pinipikitan ng mata at winawalang halaga.

    ipokrito ang dating ni corona sa pagsasabing dumaan sa tamang proseso ang pagkakahirang sa kanya bilang punong mahistrado gayung itinalaga siya sa panahong merong appointment ban.

    lalong ipokrito ang dating niya sa pagsasabing ang mga nasa gabinete ay utusan at alalay lamang ng pangulo sapagkat siya man ay naging bahagi din ng gabinete ng kanyang patron na reyna ng kadiliman.

    tama na ang mga paawa. harapin ang dapat harapin at tanggapin ang magiging hatol ng paglilitis.

    kung hindi kaya ay – MAG-RESIGN ka na lang, corona!

    nakakahiya ka!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: