Posted by: Mer Pints | November 17, 2011

PUSTAHAN TAYO BABALIK SI MADAM GLORIA; TAYA KO PA ITLOG NI ATTORNEY

Bakit pa ninyo hinaharang si madam Gloria, para magpagamot lang naman siya ng kanyang gulugod abroad. Aba, kalusugan na ng dating presidente ang nakasalalay dito. Kayo rin kapag may masayang mangyari diyan kay madam baka atakehin tuloy si sir Mike. Hala kayo baka magalit pa diyan si Sen. Mirriam at sabihing  gusto niyang “magpakamatay o pumatay (?)”. Ay grabe may TRO na nga laban sa watch list at travel ban ng mag-asawang Mike at Gloria Arroyo na inaakusahan ngayong ng mga kasong pagnanakaw sa kaban ng gobiyerno. Ito naman si madam secretary De Lima ay di natitinag sa TRO at tuloy pa rin ang implementation ng travel ban. Astig talaga! Kayo e, nagpupumilit pa.

Pero mga friends and my countrymen, sabi ng mga friends ni madam Gloria sa Congress at ilan sa ating mga magigiting na Senador, hindi kaya  magbubunga iyang pagmamatigas ni madam secretary De Lima ng Constitutional crisis? Pagmamakaawa ni Attorney Topacio ay huwag naman da pong bastosin ang Supreme Court. At babala naman ni Sen. Chiz ay baka naman gawin ni Madam Gloria iyong nagyaring paghadlang sa kanilang makalipad ng mga taga BI na bala para humingi ng political assylum iyong mag-asawa abroad?

Pero ayun naman sa kampo ng dating presidente ay walang planong magtago sa ibang bansa ang mga Arroyo na nasasangkot di umano sa maraming kasong pandarambong at election fraud. Kaya naman nawika tuloy ni Atty. Ferdinand Topacio na kahit papuputol pa niya ng kanyang bayag kung hini babalik si madam Gloria gaya ng naipangako nila.

Ayun naman kay Jim Paredes sa kanyang Twitter account, “Let GMA go as SC ordered. But pls guard Topacio’s testes. National interest demands it. LOL.” Ay, may ganon Mr. Jim Paredes? Pero kung pumalpak si attorney, sino ang maaring puputol ng kanyang bayag? I am sure aya gawin niyan ni Mrs. Elena Bautista Horn. How about Madam Secretary De Lima payag kayang isagawa  iyon gaya ng katanongan ni Professional Heckler?  At kung si Sec. Edwin Lacierta and tatanongin ay tuloy pa rin daw ang pagpapatupad ng watch list order sa mag-asawang Mike at Gloria Arroyo. But as a word of advice naman niya kay Atty. Topacio ay dapat maawa namn daw ito sa kanyang misis kaya huwag na lang ituloy pa ang kanyang hamon, lol.
Ay naku ano ba naman kayo mga Ginoo pinasaya tuloy ninyo itong breakfast ko. Pero bakit puro itlog na lang ang pinaguusapan natin, how about your talong and longganisa? Who among you guys has the longest longganisa? Baka naman puro short ang inyo? Nakakabitin iyan! Wala man lang gatas at kahit isang hiwang karne lang. Aba’y mga ginoo maghunos dili kayo at maraming mahihinhing dalaga diyan ang nao-offend sa mga  pinagsasabi ninyo.
Pero guys mabalik tayo kay madam Gloria at sir Mike Arroyo anong kasigurohan ang mayroon naman kayo (mga nagsasabi niyan) na hindi na sila babalik pa  once na pinagbigyan ang kanilang hirit na makalayas. Kayo ba ay magpapautol din ng inyong mga talong (for a change naman) o ang inyong mga dedehan ni baby? Ano, payag kayo? Hehehe.

Responses

  1. ipupusta mo ‘yung itlog ni atorni mike, ano naman ang mapapanalunan kung sakali?

    peanut brittle ni madam?

  2. Pareng Mags baka kada pisong ipupusta mo ay baka mananalo ka ng isang itlog pugo.
    Iba talaga itong si Attorney Topacio, kahit itlog niya mismo na maari nating sabihin napakahalagang treasure ng kanyang butihing maybahay ay papuputol pa niya para panindigan lamang na talagang tapat sa binitawang pangako itong si madam Gloria.
    Kaso sa dami nang naiulat na ginawang pagsisinungaling itong dating presidente ay sino pa nga ba ang maniniwala pa sa kanya?
    But we are a nation of laws, and let the law follow its course.

  3. Wala na mukhang hindi na makakaalis pa ang dating pangulong Arroyo papuntang Singapore. Nakasuhan na siya ng electoral sabotage na naihain naman sa Pasay City Regional Trial Court. At may ipinalabas na ngang kaagad iyong judge na tumanggap ng complaint ng warrant of arrest. Anytime from now ay maari na nilang arestohin si ginang Arroyo.

    At kung aarestohin nga siya ngayon, saan ba nila dadalhin si madam Gloria, deretso bang kulungan o house arrest?

    Kapansin-pansin lang, masyado atang minadali iyong pagpa-file ng kaso. At may question pa nga dito si Atty. Lambino tungkol sa mabilisang proseso at railroading daw. Imagine bago lunch time ay na-resolve na ng COMELEC na may probable cause para kasuhan si ginang Arroyo dinala kaagad ito sa Pasay City Regional Court. At bago mag-alas sinko ng ng hapon ay may inissue na kaagad na arrest warrant para kay ginang Arroyo. Ang question ng iba hindi kaya ito irregular. Pero as far as secretary De Lima is concerned, wala raw at natural lang ang mga ganitong kaso naq kaagad inaaktionan ng judge.

    As Supreme Court naman ay tuloy pa rin iyong TRO bagamat hindi ito tinatanggap ni ginoong Edwin Lacierta hangga’t wala ipinalalabas na written order. Hindi raw sapat iyong pahayag ng tagapagsalita ng SC.

    Pero tuloy pa rin iyong oral argument dahil kailangang mabatid ng kataastaasang korte kung walang nasasagasahang batas o unconstitutional iyong pagpapalabas ng DOJ ng Watch Order List kahit walang kasong naihahain pa laban sa sino mang pinipigilan ang paglalakbay palabas ng bansa.

    Madrama ito, dumami tuloy ang mga pulis at sikyu na nagkalat sa mga lansangang papuntang airport at mismo doon sa kinaroroona ng St. Lukes Hospital sa Taquig.

    At may mga nananawagan pa sa text para magpuntahan sa EDSA at magpeople power, Hindi ko lang alam kung kaninong panig ito.

    At bukas na bukas mismo ay puputok na naman ang balitang pagkakaaresto ng dating pangulo kasi nagdatingan na ang mga foreign media.

    Naku habang nagkakagulo tayo dito ay nangungulelat naman ang ating mge atleta ng gold medal sa ASEAN games na kasalukuyang nagaganap ngayon si Indonesia.

    Mabuhay ka Juan ikaw ang tunay na bida, hindi iyong mga pulitiko at mga taong gumagawa ng gulo at nanggagatong pa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: