Posted by: Mer Pints | November 11, 2011

It’s Not Yours, You’re Not the One, and You’ll Never Be

I don’t care if I will remain loveless through out my life for as long as I don’t fall to a fool like you. You may have everything in life, but with your head full of air I shall not never fall in love with you. You said when you hold my hands and look into my eyes there’s love that you’ll find in me. Yes there’s love that you’ll find in me but it’s not yours, you are not the one, and you’ll never be.

Hindi ko alam kung nagbibiro ka o talagang nangiinis ka  SEGUNDINA KA; anong akala mo sa akin pang-bulalo na lang ba ang beauty ko? Hindi ako nakikipagligawan sa may bulalohan, ni guniguni ay wala sa utak ko ang makipag-date sa isang lugar na madalas pasyalan ng mga langaw. Hindi ko sinasabi na marumi ang bulalohan dahil madalas akong kumain dito at poborito ko ang bulalong ulamin, ngunit hindi mo rin maipagkakaila na marami ding langaw na nagagawi saan mang may bulalohan.

Nagkataon lang na nakasabay kung kumain (o kaya sinadya niya) ang anak ng tipaklong na kalbong ito. Excuse me di ko type magka-boyfriend ng isang drug lord, I mean medical representative na ubod ng hangin sa ulo. Wala akong pakialam kung may Honda Jass siyang kotse, may Honda Wave naman akong motorsiklo at may sidecar pa.

Kunwari nakikipagdiskusyon pa siya sa mga political issues at panay ang puna sa kapalpakan ng ilan sa mga tauhan ni PNoy tungkol sa issue ng pagpipigil kay dating pangulong Gloria na magpagamot o magpatingin sa labas ng bansa. Akala niya ay natutuwa ako sa mala-political analyst na style niya sa pagpapaliwanag. Pero nang tanongin ko sa kanya kung matutulad sa naging kapalaran ni  Muammar Gaddafi ng Libya ang kahihinatnan ng ginagawang pagmamalabis ni Syrian President Bashar alAssad sa mga taong nagpo-protesta laban sa kanya ay wala naman siyang maisagot. Halatang nagnhuhula lang siya ng sagot at pang-local lang ang kanyang kaalaman pala sa pulitika.

Ang ibig sabihin lang nito ay gusto lang niyang pomorma. Nakakainis, dahil sa insektong ito ay di ko tuloy nakausap iyong crush ko na Cardiologist kaya sumakit tuloy ang puso ko, hehehe. Anyway kaya naman inakala ng mga kumare mo na nakikipagdate ako sa kalbong ito ay dahil panay ang tawanan naming dalawa na kung alam lang nitong unggoy na ito ay siya mismo ang pinagtatawanan ko. That’s the whole story Segundina nothing more, nothing less. Kaya puwedi ba huwag kang magsasabi ng kung ano-ano diyan baka maniwala pa sa iyo si Colasa.

Having said that ay umaasa pa rin ako na sa darating na Pasko ay may nagmamay-ari na ng aking puso. Hindi siya kalbo, hindi siya mahangin, isa siyang tunay na lalaki. Maginoo kahit may katangahan at kahit na may gusto pa siya sa akin ay lagi siyang dinadalaw ng nerbiyos tuwing nagbabalak siyang magtapat.



Responses

  1. Binabawi ko na ang lahat na aking sinabi tungkol sa past ni Kap. Siya ay isang mapagmahal na asawa at ama ng tahanan na minsan ay may nagawa ring pagkakamali sa buhay. Noon yon, ngayon ay isa na siyang dakilang asawa, naglalaba, namamalantsa, nagluluto, hardinero, at masahista pa ng kanyang misis, hehehe.

  2. Mer nagpapatawa ka yata iha.

  3. love is just like eating bulalo, you bite hard and swallow. you can not be be selective all the time. but try listening to your heart and you will enjoy the soup.

  4. Nakakahiya itong huling laban at pagkapanalo ni Pacquiao laban kay Marquez. Di hamak na sa lahat ng mga rounds ay nananalo ang challenger na st i Marquez, kahit si Manny Pacquiao ay nalungkot din noong una sa kanyang palagay na tinalo siya ni Marquez. Ngunit sa halip na si Marquez ang tanghaling Kampeon, si Manny Pacquiao pa ang nanalo.

    I don’t know kung napanood ninyo yung laban nila, if ever sino sa tantiya ninyo ang dapat na nanalo?

  5. Hindi masamang manalo si Manny Pacquiao kung talagang nanalo siya pero kahit saan mo pa ito tignan mas malinaw pa sa araw na ang dapat na natalo ay si Manny Pacquiao hindi si Juan Manuel Marquez

  6. Marquez wins fight, 115-113.

    http://latimesblogs.latimes.com/sports_blog/2011/11/pacquiao-marquez-live-coverage-of-wbo-welterweight-title-fight.html

  7. panalo si pacquiao according to judges’ cards but deep him alam niyang hindi malinis ang kanyang panalo and if he is really a gentleman, during that moment dapat na siya mismo ang tumayo sa gitna at ipinahayag na si marquez ang tunay na kampeon. after all, hindi mababawasan ‘yung kanyang premyo at makakahirit pa siya ng rematch. pero hindi eh. mas pinili pa niya ang maruming tagumpay kaysa magpakumbaba at ipahayag ang pagkakamali ng mga judges.

    ‘yan ba ang iboboto ng tao sa 2022? ang taong naghahangad ng pinakamataas na posisyon at nagsasabing siya daw ay tapat subalit ngayon pa lamang ay nagpakita na ng tunay na kulay?

    eniweys, kahit kailan naman ay hindi ako nagbunyi sa kanyang mga panalo sapagkat hindi ang sambayanang pinoy ang sumisikat at tumatanggap ng salaping premyo saka sa bawat tagumpay niya ay walang bumabati sa akin at sinasabing panalo ang pilipinas sa panalo ni pacquiao.

    ‘yung mga nasusulat na pagiging hambol daw niya kung meron man ay hanggang salita la’ang. gayundin ang pagiging maginoo sa bawat pag-akyat niya sa ring sapagkat kitang kita sa mukha at kilos niya ang gigil na para bang kayang kaya niyang tirisin ang kanyang kalaban.

  8. “…panalo si pacquiao according to judges’ cards but deep INSIDE him alam niyang hindi malinis….”

  9. “……………isa siyang tunay na lalaki. Maginoo kahit may katangahan at kahit na may gusto pa siya sa akin ay lagi siyang dinadalaw ng nerbiyos tuwing nagbabalak siyang magtapat.”

    meron naman palang masugid na admirer. kaya lang hindi magustuhan ay sapagkat isang torpeng pleyboy.

    kung meron ding gusto ay huwag nang hintayin pang magtapat ng pag-ibig. yayain na agad magpakasal dahil kung hihintayin pa ‘yung “ay lab yu” niyang sasabihin ay mangingitlog at mapipisa ang mga iniitlog ng gagamba sa sapot ay hindi mangyayaring magkalakas loob ang damuhong manliligaw na ‘yan.

  10. Tama po kayo tito Magno at Kap, mahirap tanggaping para sa karangalan nga ng bansa ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Marquez ngayong pinagdududahan na nga ng buong mundo ang naging desisyon ng mga hurado para panalunin siya. Sa mata ng mga nakakaraming nakapanood ng boxing bout nila ni Marquez dapat si Marquez ang dapat nanalo hindi si Manny Pacquiao. Of course gusto nating manalo si Manny pero sa ating nasaksihang laban nila ni Marquez sa aking palagay ay hindi para sa pambansang kamao ang tagumpay.
    Ito ang ayaw kung mangyari ang nagsasaya ka at nagdiriwang para sa isang tagumpay na may bahid ng pagaalinlangan at hindi naman pala para sa iyo.

    But I bet tito and Kap, sasalubungin pa rin ng hero’s welcome ang pambansang kamao.

    If ever na totoo ang paratang ng mga boxing analysts na hindi si Manny Pacquiao ang nanaalo kundi si Juan Manuel Marquez ay kawawa naman iyong boksingerong Mehikano.

    Sana bago tayo mangaral ng Bibliya para sa iba, kung tunay nga ang ispiritwal na layunin mo, tumingala ka kaya sa langit at tanongin si Lord kung tama ba ang sinasabi ng puso mo na ikaw ang tunay na panalo. Nakakahiyang inaari mo ang isang bagay na hindi namang iyo. Hindi kaya ninanakawan mo iyong tao ng kayang karangalan?

    Isa pa mahirap ang masyado bilib na bilib ka sa iyong sarili at laging naghahangad ng publicity o paghanga sa iyo ng mga tao, dahil ang sobrang kayabangan ay kasalanang maituturing sa harapan ni Lord.

  11. Dapat na bang magretiro si Pacman?

    World Boxing Council (WBC) President Don Jose Sulaiman is convinced that Juan Manuel Marquez of Mexico was cheated of victory last Saturday against Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

    Marquez was seemingly in control of the fight against Pacquiao, but the Filipino champion retained his World Boxing Organization (WBO) welterweight title belt with a majority decision win.

    Boxing observers and analysts have criticized and debated over Pacquiao’s victory, with many saying Marquez deserved the win.

    Sulaiman said it was an injustice that Marquez lost on the judges’ scorecards.

    “The judges say that Pacquiao won. I saw the fight and all I can say is that Marquez did not deserve to lose. He did not deserve to lose. It’s an injustice,” he said.

    Pacquiao was a heavy favorite going into the fight, but Marquez once again gave him all he can handle. Marquez befuddled Pacquiao with pinpoint counter-punching and excellent defense, not allowing the Filipino champion to unleash his multi-punch combinations.

    Sulaiman hinted that with Pacquiao’s lackluster performance, the Filipino boxer’s career is now nearing its end.
    http://www.abs-cbnnews.com/sports/11/15/11/wbc-president-marquez-was-cheated-pacquiao-declining

  12. kasalanan din ito ng kampo ni pakyaw: si cockroach, este coach roach; ariza, fernandez and all. masyado nilang binilog ang ulo ng mga taong buong katangahang halos sambahing parang diyos si pakyaw. para bang ang laging makakalaban ni pakyaw ay isang tuod at hindi gumagalaw, hindi gumaganti ng suntok at tumatanggap na lang ng bugbog.

    ayon sa mga huling balitang lumalabas ay gumamit ng dirty tactics si marquez sa pamamagitan ng ilang beses na pagyapak sa paa ni pakyaw kapag siya nagka-counter punch which i doubt na sinadya sapagkat malabong mangyari ‘yung ganu’n dahil hindi stationary ang boksing o katulad sa basketbol na may pagkakataong nakatigil at naghihintay ang manlalaro para sa susunod na pagkilos kaya puwedeng apakan ang paa ng binabantayan.

    eniweys, ang lahat ay kargo de konsensiya na ng mga judges kung nagkamali sila ng hatol pero sabi naman ayon sa compubox ay maraming pinakawalang sampal, este suntok si pakyaw kumpara sa sabunot, teka mali, kontra suntok ni marquez.

    payag na ako kahit nabayaran pa ‘yang compubox na ‘yan at may kaparte ang mga judges sa ppv proceeds. saka ano ba pakialam ko manalo man o matalo si pakyaw sa bawat laban niya, eh hindi naman ako nababalatuhan kahit piso mula sa kanyang premyo?

    ni wala ngang bumabati sa aking ibang lahi sa bawat tagumpay niya at sinasabing “konggrats, sikat ka. panalo si pakyaw”.

    saka ‘yang mga kontrobersiyang lumalabas bawat laban niya, ano’ng malay natin kung gimik nila ‘yun para lalong pag-usapan si pakyaw pati narin ang kanyang asawa?

    bahala sila sa buhay nila.

    basta ako, kung buhay pa sa 2022 ay HINDI ko siya iboboto sa inaasam niyang pagka-presidente. ikakampanya ko pang huwag siyang iboto ng mga tao dahil hindi katiwatiwala ang mga nakapaligid sa kanya lalo na si swangit singpon, ‘yung kriminal na kakampi ng magnanakaw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: