Posted by: Mer Pints | November 4, 2011

“Tini-text Ka Na ni Misis; Nami-miss Ka Niya…”

Sa commercial ng isang klase ng alak starring Ryan Agoncillo ko unang narinig ang linyang ito. Naintrega tuloy ako at napaisip kung may katotohanan nga ang sinasabi ng jingle na ito na kapag palagi kang tini-text ni misis ay namimiss ka niya. Pero hindi kaya selos lang iyon, at kaya ka tini-text ni misis ay dahil mino-monitor ka niya?

Kung ang bagong kasal na sina Edwin at Coring ang tatanoning tila may katotohanan nga ang phrase o ang statement na ito. Madalas kasing nagpapalitan ng text messages ang dalawa kahit oras pa ng trabaho ni mister. Hindi kasi mapakali si misis kung sa loob ng isang oras ay wala siyang marinig o mensaheng natatanggap mula kay Edwin.

Bago magpaksal sina Coring at Edwin ay may mga kasamahang sexy at magagandang sales ladies sa isang malaking department store na kanyang pinopormahan. Ngunit nang ipakilala siya ng kanyang single mother sa isang OFW nurse ay di na ito nakapalag pa ng sabihin ng ina na gusto niyang maging manugang ang madatong na dalaga. Noon ay 24 years old pa lang si Edwin samantalang edad 30 na si Coring.

Ayoko, iyan ang unang reaction ni Edwin nang sabihin ng kanyang ina na ligawan niya si Coring at pakasalan kaagad kapag siya ay sinagot nito. Mapera man si Coring, na kahit ulila nang lubos at walang kapatid, ay hindi naman siya sexy at maganda kagaya nang mga mwha-mwha tsup-tsup girls na kanyang pinagpapantasyahan.

Ngunit nagbago ang lahat nang regalohan siya ni Coring ng isang Black Berry na cellphone na may isang taong free load. Hindi lang iyan mayroo pa siyang dual core na laptop at isang professional camera. Naging sexy at ubod ng ganda tuloy ang tingin niya sa noon ay sinasabi niyang pangit na dalaga. At nang ibili siya ni Coring ng isang bago at magarang motorsiklo ay kaagad niya itong niyayang magpakasal na ikinatuwa naman ng kanyang nanay. At naganap nga ang isang ingrandeng kasalan na ang lahat ng gastosin ay sagot ni Coring.

In fairness kahit hindi kagandahan si Coring ay maputi naman siya, sexy, at may laman ang dibdib. Maligaya namang nagsasama ang dalawa kahit pa text nang text si Coring sa kanyang mister kahit pa oras ng trabaho nito. Inalok na nga ni Coring na mag-resign na lang ito sa trabaho at magtayo na lang sila ng isang munting negosyo. Ngunit mahal ni Edwin ang kanyang trabaho at nakasanayan na niyang makipag-inoman sa kanyang mga katrabahong barkada pagkatapos ng kanilang maghapong pamamalagi sa mall. At dito laging nakakantiyawan si Edwin dahil sa kati-text sa kanya ni Coring.

Dito na nagsimula ang hindi nila pagkakaunawaan. Ayaw paawat kasi si Edwin sa pakikipaginoman sa mga barkada nito kahit pinagpayohan pa iya ng kanyang ina. Dahil dito ay nagtampo si misis at biglang nag-alsa balutan. Hindi upang makipaghiwalay kundi para magparetoke ng mukha at magpalaki ng puwet. Hindi naman matanggap ni Edwin na iniwan siya ng babaeng kanyang pinakasalan. Kahit papaano, matanda man ito sa kanya at hindi kagandahan, ay malambing at mapagmahal naman. Kaya sa kanyang inay niya ibinuhos ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Sa halip na maawa ay nagalit pa ito sa kanya. Kaya sa mga barkada tuloy ito dumulog para pagpayohan siya.

Ngunit anong magandang payo ang kanyang nakamtan, wala kundi sobrang kalasingan. Mabuti na lang at winarningang lang siya sa halip na tanggalin sa trabaho dahil sa palagiang pagka-late niya sa trabaho. Kahit papano ay tumino si mister at hindi na muling naglasing pa maliban lang noong birthday ng kanilang supervisor. At habang nakikipag-inoman siya ay biglang may nag-text sa kanya. Si Coring at ito ang mensahe: hi balik na me, puwede ba uwi ka muna coz am bleeding.

Biglang kinabahan si Edwin sa text ni Coring. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Mabilis siyang nagpaalam sa mga kainoman at umuwing halos paliparin na ang motorsiklo.

Akyat kaagad siya sa kanilang bahay at patakbong pumasok sa kanilang kuwarto. Laking gulat niya sa kanyang nadatnan, isang napakagandang babae (pinagsamang Sam Pinto at Kristine Reyes sa ganda at pangangatawan) ang tumambad sa kanya.

“I-ikaw si Coring,” ang tangi niyang nasambit.

Walang sandaling sinayang si misis at kaagad na yumakap ng mahigpit at humalik ito sa guwapo niyang kabiyak.

Nangingiti na lang si aling Imelda, ang nanay ni Edwin, sa naririnig na kalabogan at pag-ungol ng isang babae at lalaki na tila naglalabing-loving at naghohorsie-horsie na humaharurot pa gaya ng isang motorsiklo.


Responses

  1. Mabuti pa si Coring nakabingwit nang guwapo at batang napangasawa. Suwerte rin ni Edwin at anim lang na taon ang pagitan nila.

    Si Haydeen nga at si doktora Belo halos dalawang dekada na ang pagitan ng kanilang mga edad. Pero tignan mo si Haydeen, hindi tumitingin sa edad kundi ganda. At tignan mo naman si doktora Belo kahit lampas na siya ng singkuwenta ay mukhang 30 years old lang siya.

    Kung si madam Auring ay may asim pa at nakabingwit pa ng 20 anyos or more na binata, kay Coring pa kaya? At tignan mo naman ang nangyari kay kay Edwin, inulan siya ng biyaya mula sa isang maperang dalaga na kahit mas matanda ito sa kanya ay malusog naman ang kanyang pitaka.

    Sabi nga nila Mer, sa mga kababaihan daw ay laging may pag-asang gumanda basta huwag lang kukulangin sa pera. OFW nurse ba naman iyan, di para ka nang nakasandal sa pader ha bata ka?

    Kaya nang nawala si Coring for a while iyong pagdadalamhati ni Edwin ay hindi dahil sa pagkawala ng isang minamahal kundi ang pagkawala ng asawang mapera.

    Kaya mga kabinataan diyan challenge ito sa inyo, ano ba ang gusto ninyo sa babaeng mapapangasawa, ganda o mapera? Practical na lang tayo ngayon dahil ang kagandahan ay lilipas din balang araw but a wife that makes a lot of money is a forever gift. Kayang bayaran ng pera ang kagandahan.

    Sige na sabihin nang mukhang pera kayo, e ano? Basta mabait lang si misis at mapagmahal forget about beauty. Money can change a woman’s face, an ugly duckling can be transformed to a beautiful princess.

    Si ‘Segundina kaya, makakabingwit pa ba iyan ng isang benti anyos lang na binata?

  2. Congratulations to Miss Philippines Gwendoline Ruais as Miss World 2011. Mer, iba talaga ang Pinay. Pang-Miss World ang beauty. Sana hindi lang runner up pero masaya na tayo at kahit pa first runner up iyan, Ang hirap yata ang lumusot kahit semi-finalist lang.

    Again we are proud of you Miss Philippines for being crowned as the first runner up of this very prestigious international beauty contest.

    Sana dumami pa ang mga kalahi mong beauty Gwendoline.

    The Filipinos love you for your achievement.

    Again congratulations Miss Philippines!

  3. Alam mo Seg mukhang papalapit na tayo, I mean our beauty queens sa Pinas na makasungkit muli ng korona as Miss Universe, Miss World, Miss International, etc. sa mga nakukuhang puwesto as runner up o ranking ng ating mga bets.
    Una si Major Major Venus 4th runner up siya sa Miss Universe noong nakaranng taon, nasundan ito ni miss Tsunami walk Shamsey Supsup na naging third runner up. Ngayon si Miss Gwen Ruais as Miss World 2011 second or first runner up. Aba’y umangat na tayo.
    I bet ang susunod diyan may crown muli tayo.
    Congratulations too Miss Ruais for winning the first runner up crown of the 2011 Miss World beauty pageant.

  4. Kap,

    Noong araw di ba may gf kayong librarian na mas matanda sa iyo ng sampung taon ba iyon? Di po ba palaging may regalo kayong mga t-shirts at pabango everytime na nagpupunta siya ng Hongkong? Totoo ho bang nag-away sila ni madam T at magmula noon ay nag-split na kayo? Nasaan na po iyong madam librarian na iyon? May contact po ba kayo sa isat-isa ngayon. May facebook ba si madam?
    Nagtatanong lang po baka po kayo ay may communication pa, hehehe.

  5. away ito sigurado kapag nabasa ni kumander.

    intrigerang sutil na mga binubuni, este binibini.

    heeheheeh!

  6. Mer at Segundina huwag naman kayong magbiro ng ganyan. Matagal nang nabaon sa limot ang kabatang iyan. Nananahimik na si Miss L. at ang misis ko ay matagal na akong napatawad.
    Paano na ito pareng Mags, baka habulin na naman ako ni misis ng kampilan, Ito kasing mga magagaling na missed dito kung ano anong pumapasok sa isip nila.
    Mer alam mo naman na nanganganib ang tuhod ko diyan kapag nababanggit ang tungkol kay madam Aklatan.
    Puwedi bang pakitanggal mo na lang ang comment mo, he he paraang awa mo na alang ala sa kaligtasan ng iyong lolo, ano?
    Seg puwedi bang pakiusapan mo naman itong best friend mo?

  7. pareng kaps,

    siguro tuwang tuwa ka noon naging estudyante mo (nga ba?) itong si mer, hano? byuti, brains and character. saklap nga lang, lumalabas ngayon na naging papel pala niya noon habang nag-aaral ay parang isang ditektib na nakahalungkat ng mina ng iskandal sa iyong library love affair long time ago.

    kumbakit naman kasi ayaw pang lumagay sa pananahimik ireng dalagang ire at nang maranasan naman niya ang sarap ng merong “gabigabing away” na nagbubunga ng matamis na bugbugan.

    taglamig na naman. magkakasya na lamang kaya uli sa pamamaluktot at pagyakap sa unan habang nakatalukbong ng comforter?

    ano ba talaga ang atraso mo sa kanya at tuwina’y inuungkat ‘yang eskapeyds ninyo ng dating leydi of yur love? ito bang si madam T na ito kasing seksi ni tetchie agbayani noong kanyang kabataan (maalala mo nu’ng mag-pose siya sa pleyboy)?

    hindi kaya nagbabalak nang mag-asawa ang ating dalaga at isang uri ito ng blakmeyl na ang katapat dapat ay sagot mo ang all expense paid honeymoon nila sa Paris bukod pa sa reception sa the fort (hindi sa d’ port dahil sa port area ‘yun, ha)?

    heeheheeh!

  8. Makasabat na rin po sa usapan tungkol kay miss lady librarian. Ang totoo po niyan ay masungit iyong lady librarian na iyon kaya kinaibigan siya ni Mer para makalusot iyong library fines niya kapag hindi kaagad naisasauli iyong mga libro at magazines na hinihiram niya. One day isang araw si Mer ay tinawag ni madam librarian at may ipinamimigay daw sa kanyang prof. na noon ay guwapong at matipuno pang si sir Kidlat. That time ay magkaaway pa kami ni Me kaya hindi ko na pinakikialaman pa kung ano iiyong mga ibinibigay niya sa aming prof. Akala ko ay mga kaote que lang na pinanglalangis ni Mer kay sir Kidlat para makalibre sa penalty ng di niya pag-submit on time ng kanyang mga reports. Lider kunwari daw si Mer sa kanilang team. Well mabalik sa lady librarian, may mga tsismis na noon na may bf daw na professor itong si madam librarian na lagi niyang kinatatagpo sa Baguio at saka Tagaytay. Pero hindi naman ako naniniwala niyan dahil sino ba naman ang magkakagusto sa ubod ng sungit at saka napakapa– napakapang–napakaganda at sexy pala (lol) na librarian. Kaya po noong magkabati na kami ni Mer ay binuksan po namin secretly iyong package na padala ni madam librarian kay sir Kidlat at doon namin nabuking na hindi pala reading at resource materials iyon kundi regalo pala ni madam librarian na kagagaling pa noon sa kanyang Hongkong trip. Trusted po ako ni sir Kidlat noon kaya wala siyang kahina-hinala na nabuking na namin siya ni Mer sa kanyang extra curricular activities. Kung paano nabuking ni misis ni sir Kidlat) siya ay wala na po kaming kinalaman ni Mer doon. Balita namin ay umuulan daw noon at hinatid ni sir si madam librarian sa kanilang bahay at hindi na siya nakauwi dahil doon na siya inabutan ng bagyo at malakas na pagulan. This incident happened not only once but thrice till the news spread and passed through the itchy mouths of other people. Kung paano hinabol ni misis Kidlat si Kap ng palakol at labaha para putulan siya ng kuwan ay di na po namin alam, (lol)
    Naku po ano ba itong nasabi ko dito. Tiyak na manginginig na naman ng takot si Kap baka this time ay tuluyan nang maputolan siya ng kuwan ng tiwala ng kanyang mabait at mapagmahal na kabiyak.
    By the way Kap, hindi po kami mananggal kaya kung may appeal kayo ng tanggalin namin ni Mer ang comment namin ay baka hindi na po, hehehe.

  9. Pasensiya na po sa mga errors si comment ko, masyado lang excited itong beauty ko dahil may natanggap akong text message mula kay Mer, may naglakas ng loob na raw na nagtapat sa kanya ng pag-ibig. Patawa-tawa lang daw si Mer habang sarap na sarap siya sa paghigop ng sabaw ng libreang bulalo,

    Bulalalo? Sa bulalohan ka lang dinala ng manliligaw mo ha Mer? Anong klaseng gentleman iyan, kuripot. Sabagay pareho lang kayo,

    Birds of the same feathers eat bulalo together. Mahal mo rin ba siya? Hehehehe

  10. Mariang mahabagin ano ba namang usapanitoo. Kay tagal nang inaamag sa baul ni tandang Sela ay kinakalkal pa. Ayyyay kayong dalawa be kind to your Ongkel o lolo, how could you do this naman to an old man. Maawa kayo kay Kapitan. Mabuti pa si kuya may malasakit sa kapwa bagets. Waasawa kaayo kaya wamagawa.
    So now asinta nalang kau dyan baka makajockpot pa kamo ng balikbayan. Siya nga pala pereperho lang pala tau na wa asawa at wa magawa. Nongsey nyo?

  11. Pareng Kaps,

    Ako’y wala ng masasabi sa dalawang ire, hane?

    Hindi lang ginawang balita ‘yung eskapeyds of your love story, talagang binulatlat pa lahat ng mga detalye.

    Ang maipapayo ko la’ang sa iyo, ngayon pa lang ay maghanda ka na ng armored shield para libre ka sa pambambo at labaha.

  12. Pareng Mags,
    Hindi pa nababasa ni kumander iyong comments ng dalawang Missed dito, Kaya ang ginagawa ko naman ay nagsisipag ng husto sa mga gawaing bahay. Cook, janitor, labanders, plantsaders, ay multi-tasking tayo ngayon para matuwa naman ang aking kabiyak at kung sakaling mabasa niya iyong mga comments ng mga hmmmmm na ito ay hindi na siya magagalit pa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: