Posted by: Mer Pints | June 25, 2011

Sabi ni Presidente Noynoy Bingi Daw si Mayor

Usap-usapan itong mga nakaraang araw kung tama bang pagsabihan ng ating pangulo ang isang local official na bingi? Ito’y nag-ugat doon sa pahayag naman ng pangulo na mayroon daw isang mayor na nakausap ng isa sa miyembro ng kanyang gabinete na wala nang ginawa kundi magreklamo. At ayon pa sa pangulo natugunan naman daw ng pamahalaan ang pangangailangan ng kanyang  nasasakupang siyudad na binabaha.

At sa parteng pagsasabi na bingi sa mayor ay ganito ang sinabi ng pangulo:

“Napakalaki po ng contrast o pagkakaiba ng akin pong dinalaw sa Mindanao kamakailan. Doon po, kawani po ng kasundaluhan at kapulisan ang siyang tumitibag ng tinatawag na mga water hyacinth,” he said. “Sabi ko po doon sa aking pagpupulong sa local government unit, pagkakataon yata ‘tong may problema para ma-galvanize, mapagbuklod yung ating mga komunidad para may patununguhan. Sino pa ang tutulong sa problema natin kundi ang sarili natin.”

“Awa ng Diyos po, siguro po ay mahina yung pandinig ng kagalanggalang na mayor sa lugar na yun. Wala po siyang napakinggan, at awa ng Diyos, bahala na ho kami sa lahat ng problema niya. Ginawa niya yun, pagpalain na lang siya ng Diyos,” dagdag na pangulo.

May katuwiran ba ang pagsasabi ng pangulo na bingi si mayor? May mga nagsasabing dapat lang, dahil na rin sa kakulitan ng ama ng lungsod, pero marami din ang nagsasabi na sana ay di na siya pinatulan pa ni pangulong Noynoy. Kung hindi man ay dapat pinili niyang maigi ang salitang ginamit hindi iyong deretsahang pagsasabi ng kapansanan ng isang tao.

Ngunit kung si Cotabato City Mayor Japal Guiani ang tatanungin ay malinaw po pa raw ang kanyang pandinig. At bakit nga siya di magrereklamo e talaga namang kulang ang aksiyon ng pamahalaan para sa pangangailangan ng kanyang nasasakupang siyudad dahil na rin sa pagbaha na sanhi ng pagbabara ng mga water lilies sa Mindanao river.  Ni wala nga raw silang nakukuhang tulong mula sa DSWD Region 12.

Pero ayun naman sa pangulo ay may plano na ang kanyang administrasyon para sa pagpapaayos ng Mindanao River; baka nga lang mahina na ang pandining ni mayor kaya hindi niya ito narinig.

Ngunit ayun din sa iba, hindi naman daw dapat iasa na lang lahat sa pamahalaan ang mga bagay na kayang-kaya namang gawin ng local na pamahalaan. kung kayang tugonan ni Mayor bakit nga daw siya na ang unang gumawa ng hakbang? Para ano pang nandiyan siyang ama ng lungsod kung wala naman siyang ginagawa?

Dismayado nga ba ang pangulo sa kakulitan ni mayor kaya niya nasaba na bingi ang local official?

Maiksi nga ba ang pasensiya ng pangulo kaya siya’y madaling mapikon kapag may mga nagrereklamo sa mabagal niyang pagtugon sa mga dumarating na problema ng bansa lalo na ang kahirapan? Kapag siya’y pinupuna, lagi nga bang defensive ang pangulo at di niya ito tinatanggap bilang isang positibong kritisismo para lalo pang mapaghusay o mapagbuti ang kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Pilipinas.

Noong manumpa ang ating pangulong Noynoy Aquino bilang presidente ng Pilipinas ay sinabi niyang “kayo ang boss ko.” Ngayon, masama bang tuligsahin siya kapag hindi niya ginagawa ang kanyang tungkulin bilang lingkud bayan? Tayo nga ba ang boss in pangulong Noynoy, o sabi-sabi lang niya iyon?

Kayo na po ang sasagot, alam ko marami diyang hindi nasisiyahan sa pamamalakad ng ating pangulo sa ating pamahalaan. Ngunit mag-iisang taon pa lang daw siya sa puwesto at dapat siyang unawain dahil marami daw siyang minanang problema sa dating administrasyong Arroyo na kung saan ay sinagot naman siya ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo na talagang mahina lang daw ang kanyang panunungkulan bilang pangulo.

Tama ba siya, kayo na po ang bahalang magpasya.

Samantala ay lumantad naman ang 37 kapitan ng barangay upang patunayan na nagsasabi laban ng tutoo si Mayor Guiani at sila mismo ay ni walang natanggap mang tulong mula sa DSWD Region 12 at ang pamahalaang nasyonal. Ngunit ayun naman sa DSWD Region 12 ay nakapagbigay na sila ng P7.7 milyong halaga ng relief goods.


Responses

  1. pilipins my pilipins… musta na?

  2. hi mer musta na?

  3. hi kengkay long time no see. ang barangay ko na lang ang wala pang asenso.hanggang ngayon ay lubog pa sa baha. mga pasaway kasing kabarangay natin ay walang pakundangang magtapon ng mga plastic na basura sa lansangan.

    kengkay buti pa diyan sa inyo walang baha. tama ba ako, lol.

  4. ang aking pakiwari ay maraming tao ang hindi nakakaintindi sa ating pangulo. bakit pa kasi di pa nagaasawa para may karamay siya sa lahat ng hirap sa buhay, i mean makakausap man lang para sa mga problema ng bayan.

    mer, you can apply now. anong masasabi mo iha?

  5. bingi o nagbibingbingihan

  6. Hi Colegiala girl,
    I am a new blogger, gusto ko lang magpakilala sa iyo at magimbita na sana ay sumilip ka naman sa aking blog. Thank you.

  7. hay, ebribadi!

    ay em ey balikbahay blager hir, eh.

    ay har yu ol ga?

  8. ay pareng hayden, kaps, long taym no rid long taym ago, eh.

    ay tumatayo pa ga ang inyong mga kuwan, ‘yung bangka sa huntahan. huwag madume ang mga isep, hane.

    hanggang ngay-on ‘ata ay wala pang planong magpahigop ng mainit na sabaw ireng ating dal’wang dalaga dine, ey.

    nasaan na ga si gunding?

  9. teka, history ‘ata ireng subject na pinasok ko, ah?

    akala ko’y news affairs and current events.

    luma na rin pala ire.

    isang buwan na palang walang tao dine.

    wala kayang white lady dine?

  10. nalibang lang tito, hayaan ninyo susulat uli ako hehehe

  11. coke zero daw ang love life ni presidente nakakaintriga. ayaw na ba niya kay miss s


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: