Posted by: Mer Pints | April 18, 2011

Si Maria Magdalena at Judas Iscariote

Halos malaglag ang mga mata ng mga tricycle at jeepney driver nang mabusoan nila si Maria Magdalena na bumababa sa mula sa sinakyang FX kasama ang boyfriend niyang si Judas.

“Wala siyang panty,”  bulong ng tricycle driver sa kasama.

“Mapula-pula at matambok-tambok pa ang nasa pagitan ng kanyang hita,” sagot naman ng kausap.

“Ay, parang dinaanan ng apat na blades ang masukal niyang damuhan,” dagdag naman ng pinakamatandang driver na jeepney.

Natawa ang mga ibang drivers na naghihintay ng pasahero sa kanilang narinig.

Ngunit para kay Judas ay hindi maganda ang mga sinabi at pangangantiyaw ng mga ito. Hindi siya nakapagpigil ng sarili at pinaghahampas ng mga ito ng kanyang dalang armalite.  Hindi pulis at sundalo si Judas. Ni hindi siya NPA o terorista. Siya ay bodyguard ni Mayor Buwaya.

Kabit niya si Maria Magdalena. Pero hindi lang basta kabit, mahal na mahal niya ito.

Kaya naman kahit anong kasamaang ipinapagawa sa kanya ni Mayor Buwaya ay walan g hindi sa kanya bast may bayad at protektado siya ng gahamang mayor pagdating sa ma asunto laban sa kanya.

Naging pokpok man si Magdalena ay nangingibabaw pa rin sa kanya ang kabutihan. Hindi na niya inisip pa ang panlalait sa kanya ng mga drivers. Mabuti na lang napigilan niya si  Judas bago makalabit ang gatilyo ng kanyang M16- baby armalite. Kung hindi ay baka pinaglalamayan na ngayon ang mga drivers na nangalipusta sa kanyang pagkatao.

Matagal nang naibaon sa limot ang panyayaring iyon. Matagal nang namayapa si Judas, hindi sa sakit, hindi sa pagbibigti kundi sa pagliligtas ng mga pasahero ng barkong lumubog kung saan ay isa rin siyang pasahero.

Nagbago nang lubusan si Maria Magdalena. Buong buhay niya ay kanyang inilaan sa pagaalaga sa kanilang anak ni Judas na si Jessie. Naging mabuting anak naman sai  Jessie at ngayon ay isa nang ganap na pari.

Ito ang unang panahon na magsasalita sa altar ang kanyang anak na pari. Isa siya sa mga batang pari na naataasan na magbigay ng kahulogan ng mga pitong huling salita ng anak ng Diyos.

“Babae pagmasdan mo ang iyong anak, anak pagmasdan mo ang iyong ina…”

Humagulgol si Maria Magdalena sa kanyang narinig, batid niya kung gaano siya makasalanan. Matagal na niyang pinagsisihan ang kanyang pagiging pokpok, nagbago na siya, at nanumbalik siya sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Ngunit kung umiiyak man siya ngayon iyan ay dahil batid niya na mahal na mahal siya ng Diyos at matagal na siyang pinatawad sa kanyang pagkakasala.

Oo, gaano mang kasama ang isang tao kapag nagsisi sa kanyang mga pagkakasala  at nabuhay sa liwanag at kapangyarihan ng Diyos siya ay  isang bagong nilalang at ikinapupuri ng ating dakilang Ama na Tagapaglistas na si Jesus.

Kaibigan at mga kapatid, hindi pa huli ang lahat!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: