Posted by: Mer Pints | November 13, 2010

Willing Willie na ba si Shalani na Magpasaya ng mga Tao?

Sa unang labas pa lamang ni Shalani Soledad sa show ni Willie Revillame ay pinagkaguluhan kaagad siya ng mga manonood ng television.  Ang resulta biglang taas na naman ang rating ng pinakabagong show ngayon ng lumalakas na “Kapatid Network”  Channel 5. Maraming ginulat nga naman itong si Shalani dahil pumayag siyag maging co-host ni Willie sa kanyang bagong show (na kopyang-kopya naman ang format sa iniwang show na WoWoWie doon sa Channel 2).

Magkahalong tuwa at intriga naman ang sumalubong sa unang sabak ng konsehala sa paghu-host ng isang game/con entertainment show. Masyado daw siyang mabagal at madalang kung magsalita na kabaliktaran naman ng kanyang beterano nang katambal na si Willie na parang masinggan ang bunganga kung magsalita. Ngunit marami ring naaliw kagaya ko sa pagiging natural at mahinhin nitong konsehal sa paghu-host. At para sa akin lang okay lang na maging natural siya dahil dito naaakit ang karamihan sa kanyang yumi at ganda. Of course marami pa siyang tubig na iinumin para maging credible na host ng isang entertainment show sa telebisyon. Ano nga ba ang malay niya sa paghu-host; ngayon lang siya sumabak pero ang lahat ay napagaaralan napagaaralan naman at puwedi pang ang kanyang  kakayahan, di ba?  Sabi nga ng isang blogger “give her the benefit of the doubt.”

Siguro kagaya ni Presidente Noynoy Aquino nang bagong upo pa lang siya sa pagka-presidente ay bigyan din siya ng 100 days trial period para patunayan ang kanyang kakayahan. Unfortunately hindi pa nangangalahati ang kanyang dating kasintahan sa pangunguna ng pagtahak ng bansa sa matuwid na daan ay umani na siya ng sandamakmak na batikos dahil sa kapalpakan ng ilan sa kanyang mga opisyales. Mabalik tayo kay Shalani, unang sabak pa lamang ng pobreng konsehala ay pinutakte na siya ng pagpuna ng ilan sa mga manonood.

Kaya ito ang tanong, pagkaraan ng isang linggong pagiging co-host willing Wille na ba si Shalani na magpasaya ng mga tao amidst critism (kasama na ang inggit) at sa mga darating pang  pang-iintriga sa kanya dahil sa pagpasok niya sa magulong mundo ng showbiz? Ngayon pa lang ay may mga pumupuna sa kanya at nagtatanong kung bakit siya nagpagamit kay Willie para lamang tumaas ang rating ng kanyang show. Pero mga kaibigan masyado pang maaga para husgahan natin si konsehal Shalani. May makataong damdamin din naman itong dating kasintahan ng pangulong Noynoy at puso para sa mga  mahihirap at kapos palad nating mga kababayan. Bakit wala na ba siyang karapatang magpasaya at magbigay pag-asa sa mga tao?

Well ang tambalang Willie at Shalani (kung maituturing man) ay nag-ugat lahat sa hiwalayan!!! Una naghiwalay ang landas ni Willie at ang dating network na pinaglilingkuran dahil sa prinsipyo (sabi ng iba kayabangan). Si Shalani naman at presidente Noynoy ay nagkalabuan marahil sa kanilang relasyon “because of lack of time to each other” daw. Tama po ba? Kasi hindi po ako sigurado at nababalitaan ko lang naman. (I hope hindi sila nagkahiwalay ng pangulong Noynoy dahil ayaw sa kanya ni Kris, hehehe). May nadidinig at nababasa akong mga ganitong mga pahayag pero hindi ko gaanong pinapatulan.  Ngayon ay napabalita namang may bago nang kasintahan ang pangulo (si Liz Uy ba na dating GF ni John Lloyod Cruz?). Anyway ang dalawang personas na kamakailan lang ay dumaan sa mga “hiwalayan” ay magkasama na ngayon sa isang show. 

Bago ako magsara, at inaantok na ako, may gusto lang po akong itanong. Ano kaya ang ibubunga ng pagsabak na ito ni Shalani Soledad sa showbiz sa kanyang political career at personal life? May bumubulong sa akin dito, isang pagtahak daw sa masayang landas after parting ways with president Noynoy, hehehe. Para sa mabait at magandang konsehala (naalala ko tuloy si Segundina Kay) good luck and more power to you sa iyong pagiging co-host ng Willing Willie. Mabuhay ka madam!


Responses

  1. Wala na hanggang diyan na lang si Shalani, may bago nang pag-ibig ang P.Noy, batambata rin kahit panot na siya. Laman pa ng isang diyaryo sa Japan ang kanyang love live.

  2. tapos nyan mabalitaan natin n si shalani at willie mag on na… hahahaha
    pag nagkaganun ewn ko n lng…

  3. ganda tla n shalani kahit anung suotn nya bgay talaga…..

  4. Masyado namang makapang-asar itong si Brenda. Tatapunan daw niya ng superlolo si Shalani para naman sumigla-sigla ang kanyang pagho-host.

    Walang ganyanan. Kung ano si Shalani, panatiliin na lang natin na mangibabaw ang kanyang pagkamahinhin.

    Nakakaasiwa namang tignan na si Shalani ay sasayaw-sayaw at tatalon-talong, sisigaw-sigaw diyan na walang pinag-iba sa mga palaban na dancers ni Willie.

    Let Shalani give decency naman sa programa ni Willie after all milyong-milyong naman ang nanonood dito.

  5. Tama ang sinabi mo Sheina, talagang napakaganda at napakahinhin ni shalani. Dapat lang na manatili siyang mahinhin sa kanyang pagkilos at maging kagalang-galang sa kanyang mga pananalita.

    Huwag bigyan ang mga iba ng rason para sabihin na okay lang na ipinagpalit na siya ng iba ni P.Noy.

    Shalani we have a lot in common, gustong-gusto kita madam at nawa’y magkaroon ka pa ng mas makabuluhang love life.

    Kagaya mo, single pa rin ako at wala na yatang magkamali pa diyan, hehehe.

  6. mabuhay si shalani at willing willie!

    • Thank you Willing Willie for visiting this blog at mabuhay din kayo

  7. e ano ngaun kung may bago ng pag-ibig si P-NOY. Hind naman magpapakmatay shalani ah. kae kidlatanvillage para kang tanga bakit iisa lang ba ang lalake sa mundo?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: