Posted by: Mer Pints | August 11, 2010

Smell to Believe Pedro

Guwapo si Pedro na bago lang naming nakilala sa isang seminar-workshop sa Tagaytay itong nakaraang linggo. Palibhasa’y tisoy ay kaagad siyang nakagiliwan ng ga dalagang participants. Isa sa mga trainors si Segundina at kinuha naman nila akong resource person sa topic na community health and family life. Karamihan sa mga workshop participants ay mga NGO workers at mga dalaga pa at tumanda nang dalaga sa community development.

Excited sila kay Pedro (na kinaiinggitan naman ng mga kalalakihang participants) dahil sa kanyang angking talino, galing magsalita at magpaliwanang tungkol sa mga isyu, at higit sa lahat ay magaling kumanta. Sinong babae ang hindi mahuhumaling sa ganitong uri ng lalaki? Makalaglag panty, iyan ang laging ibinubulong ng mga matrona nangigigil kapag kanilang nasisilayan ang kanyang kakisigan at matipunong pangangatawan. Willing daw magpabuntis sa kanya si Miss Tambbubot kahit hindi siya pakasalan kung hihilingin ni Pedro na sila’y magsiping. Sigawan at tawanan ang mga matatandang dalaga sa kanilang narinig. Pangiti-ngiti lang naman ang mga young ladies na halata ring may gusto sa kanya.

Sa isang banda paano niya sisipingan si Miss Tambbubot e maganda pa sa kanya ang babaeng  kabayong pangkaretela ni mang Tomas sa Divisoria noong araw? Magnasa na kayo’t mangarap ngunit walang papatulan sa inyo ang kantiyaw naman sa kanila ni Editha, isang program specialist ng isang NGO. Ang dahilan–si Segundina daw ang crush ng damuhong lalaki. Bakit ako pangit ba para hindi niya mapansin? Sagot naman nito ay takot daw si Pedro sa mga taong laging may hawak na injection. Pero gusto naman ba siya ni Segundina na lagi niyang pinagpapakyutan?

“Ano ka ba naman Mer bakit ba ang hihilig ninyo sa mga guwaponga tisoy na kagaya ni Pedro? Wala ba kayong pang-amoy?” Ang sagot naman ni Segundina nang banggitin kong may gusto sa kanya si Pedro.

“Ang lakas naman nang pang-amoy mo para kang police dog. Bakit may putok ba siya,” ang tanong ko naman kay best friend.

“Unfortunately yes. Kung gusto mong patunayan gumawa ka ng paraan. Bukas may workshop tayo, pagkakataon mo na pagdating ng unfreezing exercises.”

Ginawa ko ang sinabi ni Segundina. Para sa unfreezing exercise ay pinasayaw namin si Pedro na napapalibotan ng mga matatandang dalaga. Nagpakitang gilas naman si Pedro at gumiling-giling pa siya sa pagsayaw habang pinaghahalikan niya ang mga kamay ng mga dalagang partipants na nakapalibot sa kanya. Hindi naman magkamayaw ang mga trainees sa tawanan at sigawan. Halatang nage-enjoy ang lahat sa ginagawang pagsasayaw ni Pedro na parang macho dancer.

Sa kasamaang palad ay may loko-lokong participant na pumatay ng aircon kaya pinagpawisan ng husto si Pedro. Maya-may pa ay isa-isang nagsialisian ang mga fans ni Pedro. Biglang may nag-on ng aircon at nang kumalat ang lamig ay may amoy namang hindi kanais-nais na nalanghap ng lahat. Biglang namang nagdeklara ng recess si Segundina, meryenda time daw sa dining area.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay wala nang lumapit pa kay Pedro na ikinatuwa naman ng mga ibang lalaking participants. Hanggang matapos ang workshop wala nang nagpaparamdam pa ng kanilang pagkagiliw o pagnanasa kay Pedro.

“Gigolo no more,” ang bulong ni Segundina sa aking sabay kurot sa aking puwet.

“German Sheperd,” ang sagot ko naman sa kanya.

Kinindatan lang ako ng magaling na babae sabay sabi, “walang bahong naikukubli ang hindi sisingaw.”

 

 


Responses

  1. Sorry Segundina I have to write this one, bahala ka nang magcomment kung gusto mo.

  2. Hanga talaga ako sa pang-amoy mo. Kanino ka ba nagmana ha, hahaha.

  3. This reminds of another Pedro who was hired by an American tourist to help him look for the most beautiful echo in the Philippines. Pedro could not find any so he contacted three ot his friends to provide the sound in a nearby mountain which Pedro told the American he can hear the most beautiful echo in the Philippines. The American promised Pedro 100 dollars for every pleasing echo he could hear.
    So Pedro brought him to a hill where he could face that mountain and shoult. Pedro’s friends already positioned themselves and waited for the American to shout.
    Excited at that the American shouted “Hello”
    Pedro’s friends responded, “Hello, Hello, Hello.”
    Out of joy the American gave Pedro 300 bucks immediately.
    Overjoyed Pedro also shouted to impress the American some more.
    “One Plus One” Pedro shouted
    Immediately his friends responded “Two, two, two!”
    The American instead of being impressed turned disappointed for having been fooled by Pedro.
    Immediately he grabbed back the 300 bucks he gave Pedro whispering to his ears, “I tell you Pedro I don’t want an echo that can count.”

  4. Mer nasa training din ako ngayon kasama ko si Tisay. Siya ang nasa workshop ako naman ay nagsusulat ngayon ng aking report.
    Kasama ako sa isang consultancy project ngayon funded by the European community.
    Wala nang panahon pang magsulat.
    Pasulpot-sulpot na lang muna.
    Hi Seg, delikado palang tumabi sa iyo, mabubuking mo kaagad kung sino ang may ehem, hehehe.

  5. Ikaw Mer, kasing tindi rin ba ng uso ang lakas ng iyong pang-amoy?

  6. Kahit sino man sa atin ay may kakayahang makaamoy ng hindi kanais-nais.

    Bakit ka magtitiis nang dahil lang sa pogi ang katabi mo ngunit siya naman ay amoy bakulaw.

    Magpakatotoo ka girl, hehehe.

  7. Narinig ko na iyang joke tungkol sa echo that can add.
    Pero nakakatawa pa rin kahit replay na hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: