Posted by: Mer Pints | July 28, 2010

Puwedi Na Muling Mangarap

Puwedi na muling mangarap ayon kay Pangulong Noynoy Aquino pagkatapos niyang sabihin na kanyang wawakasan ang baluktot na landas ng korapsiyon at pagmamalabis ng mga matataas na opisyal at mayayaman at makapangyarihang tao sa bansa. Uusbong na muli ang mga gawaing tungo sa pag-unlad ng ating mahal na bansa. Oo, sa wakas na sa tamang daan na ang bansang Pilipinas para sa pagbabago at pag-unlad. Sa pagtutulungan ng mga  tao at ang pamahalaan ang lahat ng mga kahirapan ay mapagtatagumpayan.

Partnership between the public and the private sector and kanyang tinitignan na isa sa mga makabuluhang paraan para makalikom ng sapat na pondo para sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, modernisasyon ng mga gamit militar at pangkapulisan at marami pang iba. Maganda,  mainam, at higit sa lahat may patutunguhan ang mga ganyang kaisipan at layunin. Ngunit kailangan ding magingat baka iyan pa ang magiging daan  sa korapsiyon at ekploytasyon ng ating mga mamayan sampu na ang ating mga likas na yaman.

Ngunit sa lahat ng mga sinabi ni P.Noy ay wala daw kabuluhan kung walang pagkakaisa at puros sisihan ang mangyayari sabi ni Kagalang-galang na Kongresman Manny “Pacman” Pacquiao. Mag-focus daw sa trabaho at hindi sa paninisi lamang ng isang tao. Oo nga naman, ano ang ating mapapala kung puro salita lamang at walang nagagawa?

Kaya nga sa pribilids spits (privilege speech) niya ay muling ginising ang mga kapwa niyang kongresista na huwag lang talk ang text, este talk and talk always. Work and work  work very hard daw para may resulta. Aba yes na yes na yes ako diyang Kong. Pacman sa sinabi mo. At bilang eksampel naman ay kanyang sinabi na he work- and- work very hard daw para sa health, education, etc. para sa kanyang mga konstituwents. Hehe, aba palakpakan ang boksingerong kampeon at mayroon naman pala siyang sinasabi. Kaya nga po pinalakpakan naman siya sa Kongreso ng mga tongresman, este Kongresman dahil naaliw sila sa kanyang kauna-unahang pribilids spits na naitala sa buong kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Mabalik tayo sa unang SONA ni P. Noy. Sabi niya marami daw mga bigas ang nabubulok lang ngayon sa mga bodega ng NFA. Pinasinungalingan naman ito ni Kong. Yap na di naman daw totoo ngunit may mga ipinakita naman ng mga taga Media na mga mga binubukbok ngang sako-sakong bigas. Ay, ilabas po iyan at ipamigay na lang sa mga nagugutom at di na kumakain nating mga kababayan. Kung hindi man ay gawin iyang pansahod sa kanila sa pamamagitan ng food for work program. Aba maraming kalye ang madudumi na dapat linisin. At saka bakit hindi gamiting itong mga walang trabahong kababayan nating naghihikaos sa buhay na linisin ang mga estero at iba pang daanan ng tubig sa pamamagitan ng food for work program?

Utang na loob ilabas na po ang mga libo-libong sako ng bigas na iyan at ipamahagi sa ating mga mahihirap na mamayan nang di naman po masayang.

And by the way sino ang magbabayan sa mga libo-libong sako ng bigas na iyan na inangkat pa sa ibang bansa? E di tayo ding mga Pilipino. Krimen, sabi nga ni Pinoy na may mga libo-libo kang sako ng bigas na  nabubulok haban may ilang milyon ka diyang taong mahihirap na nagugutom.

Ayaw ko pong manisi, e kasi gawa kayo nang gawa ng bata di po naman ninyo kaya silang buhayin. Sorry po, hindi sa ako’y nakiki-alam sa inyong entertainment, pero sabi nga ni Robin Padilla, bago umaksiyon kailangan ang proteksiyon. Matagal nang ipinagsisigawan ng NGO nina Segundina ang responsible parenthood at pagpaplano para sa isang marangya at masayang pamilya. Pero sa nakikita nating ngayon anong klaseng buhay ang mayroon sa karamihan ng ating mga mahihirap na kababayan? Diyan nga lang po sa estasyon ng LRT sa may Recto, pinamumugaran na ng mga squatters. Ang kalye ay tinayuan na ng mga bahay? Dumadami po ang tao pero hindi ko narinig iyan sa SONA ni P.  Noy kung anong sulosyon ang mayroon siya para maampat ang nakakabahalang paglubo ng na ating papolasyon. Isa pa bakit taon-taon na lang na lumulubo ang papolasyon ng Metro-Manila? Marami nang mga squatters ang nailipat sa ibat-ibang mga relocation areas pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdami nila sa Kamaynilaan. Sana po ay may magagawa diyan ang DSWD at si Vice-president Jejomar Binay.

Habang sinusulat ko ang article na ito ay may inilapit sa aking ng isang student nurse, isang mahirap na pasyente na nabigyan ng resita para sa kanyang munting karamdaman. Walang pambili. Maliit na halaga nga lang. Naisip ko iyong aking pambili ng pagkain sa araw na ito. Dalawang daang piso din iyon. Pikit mata kong ibinigay. Minabuti kong magdiyeta ngayon kaysa lumala pa ang sakit ng aling ito. Siya na lang kasi ang inaasahan ng kanyang dalawang anak na nag-aaral pa. Sa paglalabada lang po sila nabubuhay. Kitang-kita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa tuwa. Ako man din ay naiyak. Patango-tango din iyong student nurse sa aking nagawa. Ewan ko kung nakita niya itong magandang halimbawa o hindi. Sana nga, sana nga.

Segundina, puwedi nang mangarap tutal libre naman di ba?

Pero iyong pag-aasawa as of now my dear students ay huwag muna. Sa mga teachers na tumatanda na ay pinag-iisipan pa, ha-ha-ha.


Responses

  1. Sorry for being silent for a while, busy lang po.

  2. Just like you iisa lang ang aking pangarap, mapayapang bansa para sa pagbabago at kaunlaran para sa lahat.

    Kung papaano? Ewan ko.

    Isa lang ang aking natitiyak, kaya nating gawin ito kung may pagkakaisa.

  3. Ow, iisa lang ang iyong pangarap? Bakit hindi mo ba pinapangarap na magkaroon ka ng isang under-standing na asawa, hehehe?

  4. Mer, pinaiyak mo ako. May puso ka rin pala ng saging hehehe.
    Ibig kong sabihin ay may ginintuan puso ka din pala.
    Hindi biro ang magtapon ka ng 200 pero investment mo na iyan para sa dalawang batang potential na maging street children kung may masamang mangyari sa kanilang nanay.

  5. I am sure your student will gonna pick up your good example girl.
    Yes we can dream anytime but it’s not only dreaming that matters.
    We need action.
    And for that I would like to give a tapik on the shoulder to honorable congressman Manny “Pacman” Pacquaio.

  6. “Sa mga teachers na tumatanda na ay pinag-iisipan pa, ha-ha-ha.”

    Anong ibig mong sabihin?

  7. Ang pagaasawa ay hindi katulad ng kanin na basta-basta mo na lang iluluwa kung ito ay may lasang hindi kanais-nais.

    Don’t ever say tumatanda, kasi kabayo lang ang tumatanda.

    Kahit matanda ka na basta may asim pa katulad ng sukang Paumbong ay may mga langaw pa rin na aali-aligid diyan at dadapo din sa iyo.

    Is that clear?

  8. Ho huuummmmmm!

    Aaaahhhhh!!!

    Sarap ng tulog ko.

    Teka, ano ba ‘yung naging panaginip ko?

    Nakatulog ‘ata ako’t nangarap nang gising.

  9. O, o, o!

    Mag-aaway na namn kayong dalawa.

    Kayo na nga la’ang dalawa ang natitirang singgol sa inyong magkakaibigan, hindi pa kayo magkasundo.

    Aba’y ‘antagal n’yo nang parang pusa at daga, ah?

  10. Bakit napunta sa suka ang usapan at langaw pa ang dadapo?

    Kasaklap naman ‘yan.

    Kadamidaming aaligid at dadapo langaw pa?

    Puwede namang bulaklak. Puwedeng peanut peanut. Puwedeng tinapay. Puwede ring kalapating sagisag ng kapayapaan.

  11. Puweding puwedi nang mangarap habang ang pangulo natin ay unti-unti nang nalulula sa dami ng problema ng bansa.

    Sabi nga niya kayo ang boss ko, kaya kung ano ang gusto natin ay siyang kanyang sinusunod.

    Pero sa pagganap ng kanyang tungkulin na iyan ay may responsibilidad daw tayong siya’y tulungan at samahan sa kanyang pamamahala.

    Kaya buhay pa rin ang battle cry ni Ninoy, “HINDI KA NAG-IISA!”

    Kailangan din Seg at Mer na ang ating pangulo ay may nakakasama na sa pagiisip kung papaano palawigin ang pag-unlad at pagbabago ng bansa.

    Tumbokin na natin, kailangan niyang mag-asawa na nang hindi siya nag-iisa.

    Di ba iyan ang gusto ninyong dalawa hahaha.

  12. kayong dalawa may nasagap akong tsismis tungkol sa inyo.

    Nagko-comedy bar na pala kayo.

    Kumosta na si Vice-ganda ha?

    Ingat lang baka kayo madukotan.

    Mahirap na mga ineng.

  13. Bad news, si Banong ikinulong ng mga tanod ng magdamag pagkatapos niyang bogbogin ang kainoman niyang bading.

    Hindi ma-control ang bunganga at sinabi niya sa bading. “kumosta na ang iyong tsu-pa-ing, ibig sana niyang sabihin Tiyo Paeng.

    Hindi naman bayolente si Banong except na siya ang unang pinukpok ng bote ng beer sa ulo. Mabuti hindi siya napuroan at nasalag pa niya ang pangalawang attempt.

    Kinagat ni Banong sa pisngi iyong bading habang siya naman ay sinabunutan nito. Nang sakalin siya daw ng bading ay isang matinding suntok naman ang kanyang pinakawalan sa sikmura nito

    Knock out yong bading, kulong si Banong, hahaha.

  14. Tito Mags bati na kami ni Seg. Ganon lang kami kapag may issue na hindi naming pinagkakasunduan.

  15. Para kaming aso at pusa kung minsan, si Seg ang aso dahil malakas ang pang-amoy niya at ako naman ay pusang kyut na kyut, haha.

  16. Kap iyang comedy bar ay pakana ng mga matatandang dalaga na barkada ni Seg. Saling pusa lang ako sa lakad nila.

    Tawa sila ng tawa, nangangamoy naman ang kanilang hininga, hahaaha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: