Posted by: Mer Pints | July 6, 2010

WANGWANG-LESS SOCIETY

Yes mga wonderful people of the Philippines, mawawala na sa mga kalye at lansangan ang mga motoristang Pinoy na mahilig magpasikat at manggulang sa ibang mga motorista sa paglalagay at paggamit ng mga illegal na siren o wangwang sa kanilang mga sasakyan.

Malas lang ninyo mga buwiset at allercic pala ang mga tainga ni presidente Benigno “Noynoy” Aquino sa mga wangwang. Tapos na ang mga maliligayang araw ninyo. Tapos na ang mga counterflow kung saan ay ipinapakita ninyo na kayo ang hari ng mga lansangan. Buti nga sa inyo. Hindi ko alam kung saan kayo nagmana ng mga kayabangan, kung sino ang kumukunsinte sa inyo at nagbigay ng illegal na kapangyarihan. Yes to wangwang-less society. Yes to no counterflow policy!

Huwag ninyong sabihin na Kill Joy ako dahil bilang isang ER nurse ay lagi akong nakakapakinig ng wangwang ng mga ambulansiya na tila bagang musika na sa aking pandinig. Legitimate po ang paggamit na wangwang para sa mga fire trucks, ambulances, police cars, sa mga kotse ng Presidente, Bise-presidente, Chief Justice, Speaker of the House, at Senate President. Kahit kailan ay walang karapatan na magwangwang si KapitanKidlat sa mga kalye kahit sa teritoryo pa nito. Malinaw ang batas at dapat itong sundin. Ika nga nobody is above the law.

Biro mo pari armored trucks ng mga Bangko ay may wangwang? Bakit, may mga tao bang mamamatay na kapag hindi sila nakahawak kaagad ng pera? Ultimong mga sikreta daw, may wangwang. Gustong patabihin ang ibang mga motorista para sila ang mauna. Panakot nga naman ang wangwang, anak kayo ng wangwang.

Kaso sabi ni Bise-presidente Binay dapat ay irekonsider daw ni Pangulong P-Noy ang wangwang dahil kailangang hindi nali-late sa kanilang mga functions itong House Speaker, Senate President, Chief Justice, at maging siya mismo na halal na Bise-presidente ng Pilipinas. Ay, pagbigyan. Nasa batas naman po naman iyan. Huwag lang sa isang kagaya nitong si Lando na tricycle driver ang nagwawangwang. Biro mo pati tricycle may wangwang? Anong klaseng bansa ang mayroon tayo? Kailangan umiral na ang disiplina sa kaisipan at sistema nating mga Pinoy. Tama ang nasirang presidente Marcos na sinasabi nilang diktador magpahanggang ngayon na “Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan.”

Pulitika kasi ang umiral at kayabangan. Kadalasan na naririnig sa mga power conscious at abusadong mga Pilipino, “what are we for in power?” Sagot daw sila ni mayor, ni governor, at kung sino pa diyang Ponso Pilato.

Kaya ang bansang ito ay mabagal pa sa pagong ang pag-unlad dahil na rin sa katarantadohan nating lahat. Magbago na dahil kung ganito pa rin at nagpapatuloy ang sistema natin na hindi sumusunod sa mga batas at kagandahang asal ay hindi lang sa kangkongan tayo pupulutin kundi sa loob ng bulkan na may kumukulong tubig at laba.


Responses

  1. Meron akong alam na mas mabagal pang kumilos kaysa gumagapang na pagong.

    Pero hindi naman siguro lahat ng Pinoy ay tarantado, napakasakit naman ‘nung NATING LAHAT. Pati ‘yung kapitbahay kong matagal ng namatay dahil sa hika ay nadamay pa. Hindi na bale sana ‘yung isa dahil kilalang pusakal na magnanakaw ng laman ng kaldero. Tamad magsaing, tamad magluto. May trabaho naman – magnakaw.

  2. Mer bakit ka naman palaban ngayon? Mainit masyado an iyon ulo ha iha mia?
    Kaunting pino lang sa pananalita, huwag nilalahat dahil mas nakakalamang naman ang mga matitinong Pinoy sa mga tarantado.
    Kung ang tinutukoy mo ay ang mga bastos na motorista sila nga iha ang mga tarantado, pero kami naman ay hindi nagwawangwang kahit pa sa Barangay.
    Tama ka may mga nangaabusong Pilipino at sila nga ang nagdadamay pa sa ibang matitino pero dapat bigyan ng distinction.

  3. Ngayon kung ipahihintulot mo pagmumurahin ko ngayon din ang mga hayop na motoristang hindi sumusunod sa batas trapiko. Tuboan sana kayong lahat ng sungay. Ayan, nasabi ko na ang nasa loob ko. Kung bakit naman kasi marami sa ating mga kababayan ang naghaharian sa lansangan.

  4. Tama ka sa disiplina. Pangarap iyan ni Bayani ngunit di niya nakamit kahit ano pa ang mga ginawa niyang hakbang.
    Kailangan ang edukasyon. Siguro ang disiplina ay magsimula mismo sa loob ng tahanan, hindi ba Mer?

  5. Pero ito naman ang ikinababhala ko, baka pakitang tao lang o ningas cogon ang ginagawa nitong mga taga Highway Patrol and all the rest of the traffic enforcement people?
    Sustain that action guys if you are true to your commitment to the people.
    Mer, hindi kaya dahil sa sobrang traffic mong dinaranas ngayon ang dahilan ng pagiinit ng iyong ulo? Kasi dito sa Ortigas extension ng Pasig ay usad pagong ang mga sasakyan. Bakit? Wala nang counterflow. Iyong legitimate na counteflow measures tuwing rush hour sa umaga.
    Paging Pasig Traffic Enforcement Bureau, ibalik yong counterflow diyan sa Ortigas kung saan ay may bottle neck. Maraming estudyante at empleyado ang nali-late ngayon dahil sa maling pagpipigil ng mga counterflow measures during rush hours.
    Iyong isa kung staff na nanggagaling pa ng Cainta going to Ortigas Center ay laging late ngayon. Bago iyan hindi naman siya nale-late.
    Maraming lugar ngayon ang nagkakabuhol-buhol ang trapiko dahil ipinagbawal na ang mga counterflow measures during rush hours.

  6. Mer kung may tarantado diyan, iyon ay ang manliligaw mong abogago na anak kuno ng isang bigtime businessman. Dapat siya ang pinangalanan mo sa iyong blog, hindi akong nananahimik.
    Iyang si gunggung mong manliligaw ay muntik niya kaming binangga diyan sa may Makati, para siyang nakikipagkarera at may wangwang.

  7. Kaps,

    Bakit ba asar na asar ka doon sa manililigaw (pa ba?) ni Mer (o BF na)?

    Hayaan mo ng makapag-asawa ang dalaga natin para naman hindi laging mainit ang ulo.

    Kahawig ba ni Gen Bangit ‘yung kelot?

  8. Matindi ngayon ang emosyon ng ating ER nurse, ah?

    ‘Kadami daming pagpapupulutan sa atin, sa loob pa ng bulkan ng kumukulong tubig at lava?

    Eh, di lusaw na tayo doon?

    Hayaan mo na lang sa kangkungan, para naman merong hanapbuhay ‘yung tambay sa kanto – mamitas ng talbos ng kangkong.

  9. Magandang goodmorning po sa lahat ng mga mabyubyuting tao ng Pilipinas.

    Haay buhayyy, paliit na paliit ang sukat ng mga pandesal na binibili natin. Pataas na pataas naman ang presyo ng mga bakery products.

    Bumaba na po ang presyo ng harina hindi pa rin kayo nagbababa ng presyo ng pandesal. Talaga nga po naman, gusto ninyo palagi kayong panalo. Pagbigyan ninyo naman kaming mga consumers.

    Sige kayo di na namin papansinin ang inyong mga tinapay sa panaderya. Baka langawin o pamahayan ito ng mga ipis, hehehe.

  10. Mer darling tutoo bang may nanliligaw sa iyong attorney not yet, hehehe.

    Akala ko mag-MU na kayo ng dentistang kakulay ni Obama diyan sa health center?

    Si kumareng Poly mo ang nag-tsismis sa akin nito. Lagi daw kayong nakikitang magkasama sa canteen.

    Suwerte mo sis kung siya ang makakatuluyan mo. Mahaba-haba din ang kanya, hehehe.

    Huwag kayong malisyoso, mahaba-haba ang pasensiya dahil sa paguugali mong iyan na para kang butangera be-be-hirang mga papa ang magtatagal sa iyo. PaPa-tayin mo sila ng konsomisyon, hehehehe.

  11. Kaps sir paano ninyo nalaman na may manliligaw na atty not yet itong si Mer?

    Kayo ha nahahawa na kayo sa mga taga showbiz, puro tsismis.

    Pero Mer sa ganda mong iyan baka nga naman may nakindatan ka na naman diyan sa may bulalohan na naglibre sa iyo. Hehehehe!

    Masyado ako kasing busy kaya marami na akong hindi nalalaman sa iyo. Mangumpisal ka!!!

  12. Kay hirap po ang mag-asawa ngayo dahil sa economic crisis. Ngunit lalong mahirap naman ang tumanda kang dalaga na hindi man lang nayayakap ng isang macho at guwapitong katulad ni Bill Clinton.

    May papa ka na may tabako ka pa, hehehehe.

  13. Kaps,

    Ako’y nahihilo dine sa dalawang dalaga natin.

    Kapag tungkol sa pag-aasawa ang usapan, kung hindi nagtuturuan, nagtatago. Lilitaw ang isa, magdi-disappear naman ‘yung isa.

    Pinaglihi ‘ata ang dalawang ito kay Islaw.

    O, baka tayo ay kanila lamang pinagkasunduang “paglaruan”?

    May lahi ‘atang lamanlupa ang dalawang ‘yan!

  14. Hehehe kayong mga ninong namin ay maghintay-hintay muna kayo.

    Seg naging busy lang ako dahil sa aking project kaya nawala ako for a while. Pero pinakikiramdaman kita at talaga nga naman ate puro kantiyaw ka sa kin.

    Anyway doon sa maliit kong lote ay naglagay ako ng bahay kubo doon at nagtanim ng mga gulay sa paligid-ligid.

    May bantay akong magasawang magkakariton ng basura at nangako silang babantayan ng maigi ang aking paraiso.

    Ay, namunga na pala iyong aking ampalaya at mga kamatis. Iyong pechay ko ay na-harvest na at pinaghatian namin ang pinagbilhan. Would you believe naka-sixty pesos din akong share, hahaha.

    Balak ko magpapahukay ako ang 4 meters by 4 meters na pond na may lalim na 1.5 meters para sa aking alagang tilapia.

    Ang sarap palang may ganitong proyekto, nakakaalis ng stress.

  15. Kap tama ka abogago nga iyon. Ilang bises nang nagbar per bagsak. May pinagmanahan siguro dahil ganon din daw ang kanyang lolo Islaw na hindi na nakaangat pa sa first year high school. Iyong Erpat niya ay hindi hasyendero. May nasangla lang ilang ektaryang palayan mula sa share niya nang pamanahan sila ng yumao niyang balikbayan na lolo. Masipag iyong tatay at humble, itong anak naman ay hambog.
    Huwag kayong magalala, hangin lang iyan. Sinipa ko na iyan noong mga high school pa kami, at kahit harap-harapan ay sasabihin ko sa kanya na sisipain ko pa rin siya kapag loloko-loko siya sa akin.
    Paano papasa iyan ng bar e bartek o lasenggo. Mahilig lang bumarkada sa mga bartek ding abogago kaya napagkakamalan siyang abogado.

  16. Tito Mags si Segundina lang po ang natataranta na ngayon dahil gusto na niyang lumagay sa buhay na magulo.
    Wala pa rin akong BF pero may guwapong aali-aligid diyan at nagpaparamdam. Magsabi lang siyang mahal niya ako at magpapakasal kaagad ako sa kanya after my retirement, hahahaha.
    Sana nga Seg siya na iyong hinihintay kong prinsipe. Doktor siya at mukhang maginoo. Iyong sinabi ko kaninang guwap ay ilusyon ko lang. Pero puwedi nang pakatay iyong mukha kay Dr. Belo para naman magmukha siyang Hayden Khokorokoko.
    Sige po diyan muna kayo at magpapakyut lang ako sa kanya sa ER baka sakaling tayoan po siya ng buhok.

  17. Ninong namin?

    Bakit Mer serioso ka na ba talaga diyan sa Kokorokooong momoo mo?

    Totoo iyong sinasabi kong marami na akong di alam with you. Kasi may iba ka palang pinagkakaabalahan at di ka man lang mangumosta kung alive alive pa ako o hindi na.

    Pero busisihin mo ng husto kung talagang mapagkakatiwalaan iyang kinuha mong caretaker. May bayad ba sila o libreng tirahan lang?

    Anong malay mo baka iyang garden mo ay tuboan na ng mga junks, bote, garapa, bakal, diyaryo, recycle na toilet papers, hehehehe.

  18. Mer hindi ako natatranta na mapagiwanan ng biyaheng langit, there is always a time for everything.

    Weder weder lang iyan girl. Ang pagaasawa ay basta na lang darating kahit iniiwasan mo pa.

    I believe if it is not yet your time, it is not yet your time.

    What is important girl is you keep on hoping and wishing.

    Kaya nga laging nadidinig sa ting mga dalagang pinatamis ng panahon ay wiswiswiswiswiwiw kung nasa…. hehehehe, kasi lagi tayong nagwiwish at di nauubosan ng fighting spirit.

  19. Tsika lang, may nakasabay akong magsyota sa elevator na mga call center agents. Panay kapit ni babae kay lalaki at tila may mga panakawnakaw pang kiss of death.

    Plagay ko nangiinggit ang mukhang bruhang babae sa kin kasi panay halik siya sa syota niyang payatot na di mo malaman kung may mga pets sa tiyan.

    Ito na po ang masaya, habang nangiinggit si miss, kinabagan yata siya. Kaya pagdating ng 7th floor ay nautot tama ang dinig ninyo NAUTOT iyong bruha at hiyang-hiya silang lumabas ng elevator. Grabe dala ko hanggang 10th floor iyong masamang hangin na pamana saken ng bruha, hehehehe.

  20. Seg, tama ‘yang prinsipyo mo – there is always time for everything.

    Problema lang diyan, time will not be gone, it always comes back in cycle, baka ang hindi na bumalik at mawala, yung everything. Lalo na ‘yung something. Hindi ka kailanman liligaya because of time kundi doon sa thing that you always wish to come.

  21. Kaps, okey ba ireng payo ko sa dalaga natin?

    Alam mo’y sawa na akosa sabaw ng cup noodles dine, eh. Ire na la’ang ang aking tanghalian. Masarap ang sabaw nireng noodles pero mas masarap siguro ang sabaw na hihigupin natin kapag nagmahabang dulang na ang ating dalawang dilag.

    Hindi kaya tangang bulag ang mga binatang nakakasalubong nila?

  22. Hahaha, dapat magmadali na itong prinsesa natin kasi baka makatulog na lahat ang mga prinsipe natin sa kahihintay sa kanya.

    Seg alalahanin mo na kapag umabot ka na sa lampas kuwarentang edad ay padalang na padalang na ang mga caballero na aali-aligid sa iyo.

    Baka hindi ka na matutuloy pa iyong sinasabi mong kukunin mo akong ninong ng magiging anak mo.

  23. Pareng Mags dapat gumaya itong si kumareng Seg kay Ruffa Guttierrez. Nakikipag-date na siya sa isang taga Smartmatic. Ganyan ang babae, hindi nagpapadaig sa mga kabigoan sa larangan ng pag-ibig.

    Seg, better think about it. Magpapasko na naman wala pa kayong biyenan. Wasted years will never come back anymore.

    Sayang, sayang ang mga kaligayahang dapat ay ngayon mo na nalalasap.

    Matagal nang naghihintay ang aking mga labi ng mainit na sabaw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: