Posted by: Mer Pints | June 29, 2010

Kung Bakit may Bakit ang Bangit

Ngayon ay riterado na siya at masayang bumalik sa kanyang tahanan upang makapiling ang kanyang pamilya na marahil ay kanya ring nakaligtaan ng mahabang panahon na pagsiserbisyo bilang isang pinunong militar. Ngunit wala siyang pinagsisisihan. Tadhana ang naglagay sa kanya sa pinakamataas na puwesto sa militar na kanyang naabot bilang AFP Chief. At bilang AFP Chief ay ginawa niya ang lahat sa abot ng kanyang kakayahan upang pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng bansa. Isa sa mga di maipagkakailang achievements niya bilang isang AFP Chief ay ang mapayapang 2010 presidential election kung saan ay nanano si Senator Benigno “Noynoy”Aquino bilang susunod na pangulo ng bansa. Pero tadhana din ang  nagwakas ng kanyang maikling panunungkulan bilang AFP Chief dahil sa maaga niyang pagreritero. At bakit nga pa niyang ipagpapatuloy pa ang kanyang panunungkulan e, si president elect P-Noy mismo ang nagsabi na ayaw niya sa kanya. At para sa ikagagaling ng lahat, at para hindi magkawatak-watak ang AFP ay nagritero na lang siya alang-ala sa interest ng ating bansa.

Ito si General Delfin Bangit. Isang taong may takot at pananalig sa Diyos. Kaya nga sinabi na niya noong una pa na hindi siya magpapagamit kanino man, kahit pa sa kanyang Commander-in-Chief na si presidente Gloria Macapagal Arroyo na siya mismong humirang sa kanya bilang isang AFP Chief. Sa Diyos lang daw siya nagpapagamit. Kaya bilang instrumento ng kapayapaan ay naglingkud ng tapat at walang bahid itong si Heneral Bangit. Tapat daw siya sa ating Saligang Batas at hindi kanino man. Bilang isang professional na sundalo ang kanyang loyalty ay nasa bansa, nasa mga tao, at nasa organisasyon na kanyang pinaglilingkuran bagamat hindi maipagkakaila naman na siya ay obedient officer and a gentleman sa mga nakakataas sa kanya. As a system na sinusunod sa military, obey first before you complain. Kaya ito ang personalidad ni Heneral Bangit, sumusunod lang siya sa mga ipinaguutos ng mga nakakataas sa kanya.

Kaya ng hirangin siyang AFP Chief ay hindi siya tumutol dahil ito ang kagustuhan ng kanyang commander-in-chief. Sabihin man ng iba na may mga mas senior officer pa sa kanya na na-bypass ay wala siyang magagawa. This is the prerogative of his Commander-in-Chief. Kaya kung bakit umani siya ng napakaraming kritisismo o pagtuligsa ng publiko mula pa sa unang araw niyang panunungkulan ito na ang dahilan. Isa siya sa mga tinagurian nilang midnight appointee ng presidente bagamat may mga nagsasabi na karapatan iyon ng pangulo at wala siyang batas na nilalabag sa pagtalaga kay Heneral Delfin Bangit bilang isang AFP Chief.

Kung bakit napakarami ang ayaw sa pagtatalaga noon kay Heneral Bangit na maging AFP Chief, ang pangunahing dahilan ay ang kanyang loyalty daw kay Ginang Arroyo. Ang pananaw kasi ng iba ay magagamit lang daw ang kanyang kapangyarihan upang maisulong ang mga hidden agenda ng pangulong Arroyo upang magtagal pa siya sa puwesto. Pero may nangyari ba? Wala, naging mapayapa ang halalan at bukas nga ay manunumpa na si P-Noy bilang susunod na pangulo ng ating bansa. At least pinatuyan ni Heneral Bangit na mali ang haka-haka at pangamba ng mga kritiko ni pangulong Arroyo.

Inggitan, iyan ang dahilan kung bakit marami sa mga Heneral noon ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa paghirang kay Heneral Bangit na maging Pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. At ang inggitang iyan ay magpapatuloy pa sa panunungkulan ni Pangulong Noynoy Aquino pagkahirang niya ng kanyang susunod na AFP Chief of Staff. Sana nga lang kung sino man iyang  hihirangin ng bagong pangulo ng bansa na magiging pinuno ng Hukbong Sandatahan ay iyong karapat-dapata at mahihigitan pa niya ang mga nagawa na ni Heneral Bangit.

Congratulations again General Delfin Bangit for opting ang early retirement. You have done a great service to the nation for sacrificing yourself. Yo have been one of the hardest hit in the administration of president Arroyo and you deserve to rest and enjoy life with your beloved family. Somehow in the near future ay may iba ka pang magagawa para sa ating bansa. Maybe you can put up an NGO and serve the economically burdened families of our enlisted personnel in the Armed Forces. Retirement is not the end of your career, it’s just changing direction on where else do you serve our country and people.

Para kay Heneral Delfin Bangit, mabuhay ka!


Responses

  1. Talaga nga naman, tangahanga ka pala ni General, hehehe.

  2. Akala ko nagbibiro ka lang na sabihin mong may ipoposte kay tungkol kay retayrd general Bangit.
    Kung bakit, iyon ay di ko alam. Pero bilang isang democratic minded na blogger iyan ay iyong karapatan Girl at iginagalang ko.

  3. Kung bakit may bakit ang Bangit, itanong mo na lang kay brother Ely Soriano at tiyak na babasahan ka niya ng teksto para diya, hehehe.

  4. Wow!

    Mer, kung meron palang younger version si Gen Dangit ay maaaring mag-asawa ka na din, hane?

    Hindi ako dadalo. Ayaw! Ayoko!

    Huhuhuwaaaaaaaah!

  5. Lasing ka ba o nagpapatawa lang?

    Dapat tumayo ka sa Luneta at pagbabatohin ng mga bulok na kamatis at itlog.

    I repeats, are you kidding?

  6. Ngayon at presidente na si Noynoy, iyang Bangit mo ay parang bula na lang na maglalaho sa dahon ng nakaraan na parang isang bangungot na ayaw mo nang maala-ala pa.

  7. Kung talagang tapat si P.Noy ay huwag siyang magpapadala sa mga sulsol at gawin na lang niya ang tama sa abot na kanyang kapangyarihan upang itaguyod ang pag-unlad, tugonan ang pangangailangan ng mga mahihirap, at huwag patatali ang bansa sa panggugulang ng mga nakakariwasang mga bansa. Ipagtanggol ang ating domestic interest hindi ang kapakanan ng mga dayuhan. Tama ang parusahan ang mga korap ngunit isipin din niya na ang hangad ng bansa sa kanya ay pagbabago, kaayusan, at kaunlaran. Papaano, dapat tanongin ang mga tao kung ano ang kanilang mga pangangailangan, pagusapan ang mga paraan para ang mga ito ay mabigyang lunas at katuparan.
    Mga mahalagang ahensiya na dapat niyang suportahan at pondohan ng sapat ay ang DSWD, DOH, Dep.Ed., CHED, at Housing. Kaya ba?

  8. Again ano ba ang nilaklak mo Mer, Beer-Gin-Coke ba o lambanog na hinaloan pa ng mansanas at saka pasas.
    I can’t believe it’s you.
    hahaha!

  9. Kaps,

    Wala ng pansuporta diyan, eh. Inubos na ni goyang!

    Baka ang gawin na la’ang ni Noynoy ay gamitin ‘yung kanyang supporter sa marathon. Ibig kong sabihin baga ay ‘yung kanyang suweldo at contingency funds na tatanggapin ay ido-donate na la’ang.

    Mer, huwag mo na uling uulitin uli sa susunod, hane?

  10. Nahawi na ang ulap ng mga bangungot
    Na sa bawat araw noon ay ngitngit ang dulot
    Napawi na ang lambong ng naghaharingimbot
    Ang silay ng pag-asa’y pumawi sa lungkot
    Papaglulubagin ang kimkim na poot.

    Ngayon ay aliwalas na ating papawirin
    May hatid na sigla ang amihang hangin
    Bigkis ng pagkakaisa sa bawat layunin
    Paghahawak kamay sa anumang naiisin
    Tanda ng pagbubuklod ng ating damdamin.

    Pagkakapantay pantay ay bigyang puwang na
    Iwaksi ang masamang ugaling minana
    Bago nating punahin ang dusing ng iba
    Tahilan ay alisin sa sariling mata
    Ang sariling dungis ang linisin muna.
    Ang panibagong yugto nitong kasaysayan
    Ay isulat nating may baong pag-asam
    Pagkatapos ng singkad na dusta’t pag-uyam
    Huwag hayaan muling sukab ay mangibabaw
    Lupigin ang anumang tangka ng gahaman.

    Alalahaning mahusay manlinlang ang diyablo
    Gayundin ang isinumpang mga anti-Kristo
    Silang mga sugo ng hari ng tukso
    Sadyang pagkawasak hatid ng delubyo
    Pang-akit ay bitag sa pagbabalatkayo.

    Ating gawing aral ang masasamang gawi
    Ng sa ati’y luminlang na mapagkunwari
    Huwag muling padadala sa huwad na ngiti
    Sa kaway ng malikmata ay patibayin lagi
    Kalasag na pagsugpo sa layon ng imbi.

    Nagkalat na tukso sa likulikong daan
    Mga nag-aanyong tupang animo ay banal
    Katulad ng hiyas na may ningning at kinang
    Ikinukubli ang iwing kamandag na taglay
    Na hindi maitatago sa likod ng malay.

    Ito ang siya ngayong layuning puksain
    Ng sa ati’y dumulog at humawi ng dilim
    Lahat ng upasala’y nagawang tawirin
    Pagyukod sa unday ng sukab at sakim
    Hinarap n’yang matatag at ng buong giting.

    Narito na ngayon sa atin ay nanunumpa
    Upang siya ang mangunang supilin ang lisya
    Masisinag sa kanyang pagpapakumbaba
    Ang masidhing layon sa pakikibaka
    Samasamang pag-ahon sa pagdaralita.

    Kaya nga ating bigyang pansin ang paghibik
    Tawag ng pagbabagong kanyang inilalapit
    Paunlakan ang hamon ng masidhing nais
    Magdaop palad tayo’t mangagkapit bisig
    Upang mithing pagbangon ay ating makamit.

    Ipagpapalit na natin sa mumurahing tanso
    Ang kinang na taglay ng nakaw na ginto
    Salat man sa rangya kung linis ng puso
    Tanggaping marapat ang alay pagsamo
    Ng dinusta nila’t itinuring na sinto!

  11. At sa dako pa roon ay nagaabang ang maaliwalas na kinabukasan para sa lahat ng mga mamayang Pilipino na hindi pa rin nawawalan ng pagasa.

    Swak na swak po ang inyong tula kuya ngayon at nahawi na ang mga ulap na nagbibigay ng dilim sa ating kinabukasan. Wala na si Goyang, wala na ang mga wangwang, wala na ang mga greedy greeds, ang mayroon na lang ay pagbabago.

    Nasa kay Noynoy o P.Noy na lang iyan. Sana huwag niyang sirain ang tiwala ng mga taong bumuto sa kanya.

  12. Ganda pa rin ni Sha, hindi kami nagkakalayo kahit higit pa siyang nakakatanda sa akin, hehehe.

    Speaking of ganda nasaan ang byuting nalasing ng shoktong at mahilig mag-idolize ng mga generals. Magpakita ka na Mer, huwag ka nang mahiya pa tutal nasabi mo na ang gusto mo, hehehe.

  13. Mer,

    Nagtampo na ikaw?

    Sige, iiwasan na naming ang pagBANGIT ng pagkontra sa iyo.

    Pakita ka na. O, baka may date kang kamukha ni Gen Bangit?

    He he he.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: