Posted by: Mer Pints | June 8, 2010

Ang Babaeng Naghubad ng Panty sa Kongreso

Ewan ko kung hanggang saan ang loyalty ng bawat supporter sa isang kandidatong kanilang tinitingala at nais mailuklok sa puwesto. Iyong mga iba ay nagpapakamatay o pumapatay pa sa tindi ng kanilang sakripisyo makita lang ang kanilang iniidolong kandidato na manalo sa halalan. Ganitong-ganito si Cleopatra o Cleo (hindi niya tunay na pangalan) na isang loyal na supporter ni Senador Mar Roxas. Bukod sa iniidolo niya si Mr. Palengke ay masugid pa siyang taga-hanga ni Miss Korina Sanches (ang may bahay ng Senador) na isa ring magaling at kilalang broadcaster ng telebisyon at radyo.

Si Cleopatra o Cleo ay kaibigan ding matalik ni mareng Poly na akin ding kumare sa aking inaanak na si Junior. Karamihan kasi sa mga best friends at barkada ni mareng Poly ay kung hindi kabit ng businessman ay kabit ng isang kilalang pulitiko. Kaya no wonder na nasa Kongreso sa araw na iyon si Cleo. Time to get her allowance daw kay Mr. Tongressman. At hindi lang iyon, nandoon din siya para suportahan daw ang kampo ni Senador Mar Roxas na humihiling sa Kongreso na bilangin mano-mano ang mga null votes na umaabot din sa mahigit na tatlong milyon. Ngunit sa tindi ng mga debate at mga pagtutol na ginagawa ng ilang mga Kongresista at Senador ay napikon si Cleo.

Nagbanta tuloy siya na maghuhubad ng kanyang panty sa Kongreso at gagawa ng isang eksena.

“Gagawin mo iyon, nagbibiro ka ba,” ang sagot ni mareng Poly sa kanyang text message na ipinadala.

“Kilala mo ako Poly, maghuhubad ako. Ngayon na, now na!”

Natatawang-nababahala sa kanya si mareng Poly dahil may sayad kung minsan ang  ulo nitong barkada niya.

“Hey wait, magisip-isip ka niyan baka ka ikulong ng Sgt. at Arms ng Kongreso.”

“Di ikulong nang maging laman naman ako ng balita,” ang sagot  ng babae sa kanyang text.

Hindi na sumagot pa si mareng Poly, nag-abang na lang siya ng mga kaganapan. Panay pa rin ang debatihan ng mga maiingay at talunang mga pulitiko sa Kongreso. Hindi pa rin naghuhubad si Cleo.

Mayamaya ay may text message na natanggap si mareng Poly.

“Poly, nahubad ko na ang aking panty!”

“Where are you?,” ang tanong ni mareng Poly.

“Sa CR, nadyingelan ko ang aking panty, hindi ko na na-control pa sa tagal ng debatihan.”

“Hahaha, may pampalit ka ba diyan?”

“Wala.”

“Ha, anong gagawin mo ngayon?”

“Babalik ako sa Session Hall at ibabato ko ang aking basang-basang panty sa mga Senatong at Tongressman.”

Bumalik nga si Cleo sa Session Hall. Nangangamoy at umaalingasaw pa ang kanyang flower na pinunasan lang niya ng tissue paper.

Text siya uli kay mareng Poly. “Grabe,  parang giniginaw ang aking flower. Lalabas na lang ako sa Session Hall at aabangan ko na lang si Honeydad sa parkingan.”

“Paano iyong gagawin mong protesta para sa idol mo, hindi mo na itutuloy?”

“Hindi na, baka magalit pa si Honeydad sayang naman ang iyong nasa brown envelop na ibibigay niya sa akin.”

Alam  ni Tongressman na may mga kumare din ang kanyang misis na nagmamatyag sa kanya kaya iyong driver na lang niya ang nag-abot ng brown envelop kay Cleo.

“Sabi ni sir, mag-taxi na lang daw po kayong puwi ma’am,” ang sabi ng driver ni Tongressman sa dalaga.

Walang nagawa si Poly kundi sumakay na lang ng taxi pauwi. Pero bago siya umuwi ay bumili muna siya ng mamahaling mga gamit sa isang mall. Bumili na rin siya ng imported na panty na pampalit ng kanyang nabasang panty. Uncomfortable kasi para sa kanya ang walang panty dahil nakapalda lang siya, at baka masilipan pa siya katulad ni Britney.

Along the way at muli siyang nag-text kay mareng Poly.

“Walang hiyang panty ito, ke bago-bago nangangati na ang flower ko.”

Natawa na lang si mareng Poly. Muli siyang nag-text sa kaibigang kabit.

“Busitsitan mo na lang nga alkohol nang mapawi ang pangangati, hehehe.”

Hindi na sumagot pa ang kanyang kumareng Cleo.


Responses

  1. Humanda kayo baka may mambato ng basang-basang panty diyan sa inyo pagkatapos maiproklama ang nanalong presidente at bise-presidente, hahaha.

  2. Bakit panty lang sana lahat lahat na lang ang kanyang hinubad bilang protesta sa pagtanggi ng Congress na bilangin ang mga null votes na ilang million din niyan.
    Sinadya ba iyon para panalunin si Binay? Ako wala akong ibang masasabi kundi ituloy lang ni Senador Roxas ang kanyang protesta nang maliwanagan tayo ng husto sa kapalpakan ng Smartmatic at Comolect, ehe, comelec.
    Paano na lang ngayon si Mr. Palengke?

  3. Attend kayo sa June 15 Independence Day Celebration at makinig sa mga nagawa ng ating Mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

    Magdala lang kayo ng mga payong at kapote baka biglang kumulog, kumidlat, at umulan ng napakalakas, hehehe.

    Pasyal kayo sa aking bahay at may party ako para sa Graceful Exit ng Pangulong Gloria.

  4. Pambihirang babae niyan, dapat brief ang isinusuot hindi panty, hehehe.

    Mer, ang hilig mo talagang makipagkaibigan sa mga tao na ang status in life ay complicated.

  5. Seg,

    Mabuti nga ‘yang nagiging kaibigan ni Mer sa mga panahong nagkakalayo kayo at hidni nagkakasama kahit complicated ang life ay may buhay kesa naman ang makasama niya ay walaaaaang kabuhaybuhay.

    Saka ganyan naman talaga, without life of any kind, we’re dead.

    O, di ba?

  6. Teacher Mer,
    That panty na nalalaglag ay may masamang naibubunga. kasi I was Janitor once in a school in the province and one day there is that accident that happened in a practice for JS prom. Ay iyong student na accidentally na nalaglag ang panty ay pinagtawanan. Ay apo, I donnot know already what happens to her mind because napahiya yata iyong dalaga. She suicide. About to graduate pa naman for education course.
    Pinagtawanan pa naman e napahiya na nga. very cruel kasi tayong mga tao to the other human beings.

  7. Another panty na nalaglag naman sa sampayan at nilanggam. This is the panty of my wife, nakita ko na nalaglag at pinulot ko. Ibinalik kaagad sa sampayan without removing the ants na gumagapang. There is brown out kaya isinuot niya after na naligo from the sampayan. Ang iyak ng misis ko kasi kinagat iyong kanyang peanut-peanuts.

  8. Peanut-peanuts, ilan nga ho ba ang peanut-peanut ng isang babae sa pagkakaalam ninyo ha Tatang Haydeen?
    Don’t tell me you have found one in your dearly beloved, hehehehe!
    Kayo talaga tatang Haydeen!!!!

  9. Mer how much is your peanut-peanuts? Do you have one or two?
    Hehehehe, ibang different you talaga mang Haydeen.

  10. Babae nagsosayds dahil lang sa nalaglag niyang panty? Ang alam ko kapag nalalaglag ang panty ang nalaglagan ay bumubuka ang bulaklak para papasok ang mga paruparong bukid, hehehe!
    Diyan na kayo at may klase pa ako. Baka kung ano na naman ang lalabas sa yutakz ko.

  11. Mer, again, how much is you mane…mane… pakwan there.

    Hehehehe!

  12. Opps, hitting below the belt na iyan. Hehe, walang ganyanan sis.

  13. Anyway kung iyan ang gusto mo tanong ko naman, how big is your peanut-peanuts?

    Price does not matter, it is the size dear…hahahaha

  14. Ano ba ‘yan?

    Peanut peanut na ang usapan ninyo.

    Ano ba ‘yan, peanut na panot o peanut na gisado?

  15. Kuya mahirap sabihin sa tagalog kasi, hehehe. Medyo malaswa ang dating kung sasabihin pang mane, mane as in cli…ay, ayaw ko na. Magkakasala po ako nito.

    Iyong peanut na panot ay iba naman ang dating sa akin kasi, iyong panot ay nilalapitan na ng palay ayaw pang tumuka. Balang araw ay magiging panotsa na lang siya.

    Miss Universe na ang lumalapit sa kanya, ano iyan iisnabin pa niya? Naku ha sir P-, mabubulok iyang batuta mo kapag hindi mo ginamit na pansabong.

    Fight, fight P-noy’ts! Alalahanin mo mahirap makantiyawan diyan at sasabihing nilulubogan ka na ng araw, hehehehe.

  16. Peanut butter pala ang business ninyo.
    Ito may endorser na kayo, si Dayana.

    Gumawa na ako ng kuwento tungkol sa sinasabi ninyong lumalambot na batuta at ayaw tumukang tandang.

    Pasyal lang kayo sa Barangay Hall.

  17. Pareng Hayden,

    Di tuwang tuwa ka noong makagat ng langgam ang peanut peanut ni baket mo?

    Tungga ka agad siguro ng isang kahong Red Horse dahil parang nagkaroon ka ng pulutang sitsarong bulaklak, hane?

  18. Hahaha, mabuti hindi gumapang iyong mga langgam mula sa peanut-peanuts at lumipat doon sa longganiza ni Juan, naku inay ko ano kayang sakit kapag nakagat ng matapang na langgam ang iyong ulong nasa dulo ng batuta ni Drakula!

  19. HAPPY FATHERS DAY PO SA LAHAT NG MGA MABABAIT AT RESPONSABLING PADRE DE PAMILYA LALO NA SA AKING TITO MAGS AT KAY SIR KAPITAN KIDLAT. HAPPY FATHERS DAY RIN KAY DOK AT KAY TATANG HAYDEEN. MAY YOU ALL BE PRODUCTIVE AS YOU FEEL YOUNGER EACH DAY IN YOUR LIFE.

  20. Want to feel younger?

    Kumain ng peanut peanut na kinagat ng langgam na nagmukhang sitsarong bulaklak!

    Happy Fathers’ Day sa mababait na mga ama!

    Gayundin sa mga amang para na ring ina. Sila ‘yung nagba-blush on at nagpepedikyur at manikyur bago matulog at nag-a-apply ng mascara. Nagka-curlers pa para mukhang vhongga!

  21. Nakakainggit silang mga ama at lolong araw araw ay kapiling ang kanilang mga anak at apo. Nakakalaro, nakakasayahan. Mapapalad silang mga anak at apong halos maghapong kahawak kamay ang kanilang mga ama/lolo na hindi na kailangang lumayo upang maghanapbuhay para sa kanilang pangangailangan araw araw.

    Sa mga katulad naming dekada na ang haba ng panahong binibilang sa paglilingkuran dito sa ibayong dagat, ang pagsapit ng ganitong okasyon ay ibayong lungkot ang dulot sapagkat gustuhin man naming makapiling ang aming mahal sa buhay ay hindi agad magawa o hindi magawa dala ng pangangailangan. Ang ilang araw na ililiban sa trabaho ay katumbas din ng ilang araw na paghihigpit ng sinturon ng pinaglalaanan ng pinagpapaguran. Isama na rin ang kailangan pang manikluhod sa pamunuan ng pinaglililingkuran upang makaamot ng pang-unawa at payagang makapagbakasyon ng ilang araw.

    Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming tahanan ang nawawasak kasama na rin ang kinabukasan ng mga anak. Dahil nasa malayo ang ama o inang dapat ay katuwang at karamay, gumagabay at nangangaral kaya nahihikayat ng masamang impluwensiya ang mga anak sa pag-aakalang sila ay pinapabayaan.

    Masakit isipin, subalit walang angkop na hakbang na maaaring gawin sapagkat walang oportunidad sa sariling bansa sa kabila ng pamamarali ng mga namumuno na gumaganda ang ekonomiya gayung nagdudumilat ang mga patunay na palpak at kasinungalingan ang lahat ng magagandang ulat na ipinagmamayabang sa taong bayan.

    Epektibo ang solusyong naisip upang ang mamamayan ay huwag mamalayan ang lahat ng kanilang pagmamalabis at kakulangan ng malasakit at kakayahan. Unang unang sinira ang pundasyon pamayanan – ang pamilya. Isinunod ang pagpapahina at/o pagkakait ng serbisyong ipinangako kasabay ng pangungurakot at pagpapasarap habang nagliliwaliw sa ibang bansa sa kunyaring opisyal na pagbisita.

    Kusabagay ay may makikitang mga pruweba ng mga pagawaing bayan at imprastaktura subalit ang kapalit naman nito ay ang pagkawala ng tirahan ng mga kababayang iskwater sa sariling bansa habang ang mga dayuhan ay inaakit ng mga namumuno upang magkaroon ng pag-aaring lupa.

    Ito ba ang maiiwang napakagandang alaala ng isang nagkunwaring pangulong WALA NAMANG MATINONG GINAWA?

    Ito ba ang katumbas ng pagsasakripisyo ng itinuturing na mga bagong bayaning ang ipinawis ay dugo at walang gabing hindi lumuluha?

  22. Napapanahon po ang iyong tula kuya Magno. Tama po kayo, sa maraming panahong nagdaan ay hindi pa rin umaangat ang ating bansa sa pag-unlad. Oo maraming yumayaman diyan at sinasabi nilang umuunlad na ang ating ekonomya ngunit sa karamihan ng mga mamayan ay hindi pa rin ito nadarama.

    Kamakailan ay nanggaling kami sa isang community immersion program ng aking mga estudyante at kanilang nasilayan kung papaano mabuhay ang mga tinatawag nilang isang kahig-isang tukang mga kababayan natin.

    Sila na laki sa karangyaan ay hindi makapaniwala sa mga kinakain at tinutulugan ng mga mahihirap nating kababayan. May naluha at may natulala sa kanila. Nang kami ay muling nagusap-usap sa klase isa lang ang sinasambit nila, pagbabago.

    Sana nga po kagaya ng sinabi ng isang announcer sa telebisyon at radyo, ang pagbabago ay nandiyan na lang sa ating mga pintuan at kumakatok. At sana naman hindi lang personalidad ang nagbago sa ating liderato sa pagbaba ni pangulong Arroyo kundi na ang kundisyon ng ating bansa na matagal nang sadlak sa kahirapan.

    Marami pang kalyeng daraanan itong Aquino administration ngunit sana naman ay magiwan siya ng isang legacy ng pagbabago at kaunlaran sa ating bansang Pilipinas.

    Mabuhay po tayong lahat na mga Pilipino.

  23. Sana nga, sa pagpapalit ng pamunuan sa Hulyo 1, kasama na ring mababawasan kung hindi man tuluyang masusugpo ang napakasamang asal ng mga kawaning ginagawa din ng mga pinuno, ang nakasahod sa ilalim ng mesa ang kamay at “doon naghihintay kamayan”.

    Ang pagbabago sa uri ng pamumuno at paghahangad ng tiwala ay dapat magmula sa mga pinagkatiwalaan at hindi makakamit sa walang katapusang paghingi ng pang-unawa. Halos sampung taong kami ay ginawang timawa, tama na ‘yun. Nagtitiwala kami at umaasa, naniniwala na sisilay na nga ang bagong pag-asa. Walang mamamayang mag-aalsa kung walang kumakalam ang sikmura. Walang nasasakupang gagawa ng masama kung ang mga namumuno ay mangunguna sa paggawa ng tama.

  24. Pareng Mags isang lang ang aking hinihiling sa ating pangulo sana ay huwag na huwag niyang susundan ang yapak ng kanyang pinalitang pangulo. At higit sa lahat sana huwag naman paghihigante lagi ang naiisip ng mga kaalyado at cabinet people in P-Noy.

  25. At sana ay tuloy-tuloy na ang election para sa barangay. Gusto kung malaman kung si Banong o ako pa rin ang gustong maging pinunong barangay ng mga taga Kidlatanvillage. Hahaha

  26. May mga out of town lectures ako para sa ating mga government extension workers. Seg puwedi bang mahiram iyong manual mo? Pasensiya na iha at kinakalawang na ako, buti na lang at may isang katulad mong pinagpala sa galing. Proud na proud itong iyong dating prof sa mga achievement mo na iha.

  27. Huwag magseselos Mer, magaling ka rin siempre, hahaha.

  28. Kaps,

    Mas matutuwa ako kung ipaghihiganti nila ang naging kaapihan ng mga nagdarahop na dinanas sa mga kamay ng abusadong sinungaling na administrasyong walang itutulak kabigin. Lahat sila eksperto sa paglulubid ng buhangin.

    Sabihin ng trabaho lang pero dapat nilang isaalang-alang na ang nagpapasuweldo sa kanila ay ang taong bayan at hindi ‘yung reynang askal na ginawang kural ng babuyan ang malakanyang.

    Tapos na ang maliligayang araw nila, kami naman sa aming paniningil. Sana, samahan kami’t suportahan ng mga katulad ninyong nakakaangat sa buhay.

  29. Bukas na presidente na siya. Wish ko lang kay Pangulong Noy, parusahan ang mga taksil at korap sa bansa. Gawan ng paraan nang maisaayos ang kabuhayan ng mga nagdarahop nating mga kababayan. Gawan ng paraan din na magkaroon ng mga tulong pinansiyal para sa ating mga magsasaka nang maging sagana naman ang kanilang ani at nang di magutom. Para naman sa mga maralitang nasa mga lungsod, skills training, capital assistance for self-employment and livelihood project, medical services, free education and financial assistance to school children belonging to indigent families.
    Sana gawing priority ang kalinisan ng ating kapaligiran, ikulong ang mga nagkakalat ng basura at naninira ng ating kalikasan. Bawasan din ang air pollution all over the country dahil marami na sa atin ang nagkakasakit ng mga respiratory diseases.
    Ibig ko lang sabihin, PNoy huwag kang titigil hanggang hindi mo nagagawa ng iyong mga pangako.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: