Posted by: Mer Pints | May 16, 2010

Sa Barangay Captain Daw Manunumpa si Noynoy, Paging KapitanKidlat

Iyan, may rason ka nang matuwa KapitanKidlat dahil sa isang Barangay Captain day manunumpa si Noynoy pagkatapos siyang iproklama ng Kongreso bilang nanalong Presidente ng Pilipinas. Ayaw niya sa appointed Supreme Court Justice ni presidente Gloria, gusto niya sa isang Barangay Captain kaya humanda ka KapitanKidlat baka sa iyo manunumpa ang kapatid ni Kris Aquino.

Anyway okay lang naman daw na sa isang Kapitan ng Barangay siya manunumpa sabi ng Malacanang. Huwag lang sa isang Barangay Tanod na tutulog-tulog at lasenggo. Pero huwag naman daw masamain ni ka Simeon na si Justice Corona ang nakoronahang Chief Justice natin pagka-retiro ni Chief Justice Puno. Sana naman daw kung saka-sakaling maupong presidente na itong si Noynoy ay huwag naman niyang sipain ang nakoronahang (hinirang) na Chief Justice kahit appointed pa siya ni aling Gloria. Pagbigyan naman natin siyempre si madam dahil itoy maliit lang na bagay para naman sa kanyang paglisan sa Malacanang.

Pero akoy nalulungkot kay Mar Roxas, kasi biglang sulpot itong si Binay sa penis, este finish line. Sabi ng mga eksperto ng Statistics ay hindi na raw makakahabol pa si Mar kay Binay sa laki ng lamang nito. Nakakaawa naman si Mr. Palengke. Paano iyan aling Koring, napornada na sa pagka-presidente, sa pagka-bise ay mawawala pa itong mahal mong si Mar? I can’t believe it. Kung bakit pa kasi sumulpot sa eksena itong si Chiz Escudero? Siya nga ba ang nagdala ng suwerte para kay Binay at kamalasan naman para kay Mar Roxas? Paano iyan Mr. President to be Noynoy Aquino, di wala na kayong power sharing niyan ni Mar? Sabagay may sharing naman kayo sa ibang bagay. I need not elaborate.

Kaya KapitanKidlat, magpatahi ka na ng bagong barong tagalog mo. Pero ayaw mo bang naka-bahag kagaya ng mga Kapitan ng Balangay noong bago pa tayo sakupin ng mga Kastila?

MALAYO PA ANG UMAGA  para sa ating bansa ngunit huwag po kayong mawawalang ng pag-asa!


Responses

  1. “……Sabagay may sharing naman kayo sa ibang bagay. I need not elaborate…”

    Salbahe!

    Natalo na nga ‘yung mama, iniintriga pa.

    Sino ba naman nga ang hindi sasama ang loob?

    Ipinagparaya na ‘yung ambisyong maging presidente at nakuntento na la’ang sa pagiging bise, kung bakit ‘yung Chiz na ‘yun ay biglang umihi sa gitna at ‘yung panghi ay kay Mar lahat nabuhos?

    Kaya, Chiz, patay na rin ‘yung ambisyon mo sa 2016!

    Sa 2013, tagilid ka na sa senado. Baka hindi ka na uli makabalik diyan dahil sa ginawa mo. Umatras ka na nga sa pagtakbo sa pagkapangulo, bigla ka namang nanggulo!

  2. Mer, Seg, kayo ngang dalawa ay magpakaige na, hane?

    Bagong administrasyon na. Magkasundo na kayo at ibalik ang timyas ng dating samahan. ‘Yang tampuhan ay rekadong mas nagpapatibay ng pagkakaibigan kung inyong pag-uusapan ang pagkukulang ng bawat isa.

    Dapat din, give and take. Kung sino ang mas nakakabata ‘yun ang dapat mas maging mapagpaubaya sa nakakatanda. matanda na nga, eh.

    ‘Yun namang mas nakakatanda eh puwedeng paluin sa puwit ang mas bata para naman magtanda.

    O, gib en teyk adbays ‘yan, ha? Wala akong kinikilingan sa inyong dalawa. Kahit pa sabihin ninyo na ililibre ninyo ako ng miryenda. Patas pa rin ako sa inyo.

    Pero, kung sino ang mas masarap ang ipapamiryenda, doon, sama kaagad ako. Siyempre, hindi ko tatanggihan.

    Minsan lang dumating ‘yun, eh. Kung meron. He he he.

    At, para matigil na ‘yang bangayan na ‘yan at mawala na ‘yung prayo-prayoriti, mag-asawa na kayo pareho. At mas maganda, double wedding.

    Ninong sina Kaps at Doks.

    Matagal na kaming hindi nakakatikim ng mainit na sabaw.

    Baka maunahan pa kayo nina Noynoy at ‘yung gelpren niya sa pagpapakasal.

  3. Hindi ko nga po malaman kung ano ang ikinaiinis ng babaeng ito. Siempre mga superiors mo mga iyon alangan naman na tatanggihan mo sila.

    Iyon nga may usapan kami talaga kaso biglaan iyon. Tinawagan naman kita madam sexy pero hindi po kayo mahagilap.

    Sorry na byuti, hindi na mauulit iyon. Next time isasama na kita para may aalalay kay Miss Rayumado. Tutal mabait ka namang nurse at malalahanin sa mga senior citizens, hehehe.

    Paletada ha, kung hindi ko alam na iyang doktora mong best prend diyan ay kasing kapal ng bunker ni Bin Laden ang kapal din ng make-up niya at iyong kilay siguro apat na piraso ng eyebrow pencil ang inubos bago napakorteng rainbow coalition ang kanyang napapanot nang kilay, hehehe.

  4. Kuya tama po kayo kung sino ang nakakatanda ay siyang magpaparaya. Ako na po iyon inaamin ko mas bata po ng tatlong taon sa akin si Mer pero mas mukha siyang elder sister kay sa akin.
    Kaya Mer ako na ang magpaparaya, ikaw muna ang mag-asawa ha para may gagabay sa iyo at maging inspirasyon mo sa buhay.
    Hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan ang inyong mama at papa. Hindi sa lahat ng panahon ay kaya mong bulahin at utos-utosan ang kapatid mong nakakabata sa iyo. Alalahanin mo may boyfriend na siya, tiyak na magpapakasal din siya balang araw at iiwanan kang nagiisa sa buhay. Ay kay pait naman na kapalaran kung magkagayon neneng, hehehe.
    At bilang nakakatanda mong kaibigan, and of course looking younger and prettier than you, ipapangako ko sa iyo na gagabayan kita sa buhay may asawa mo. Mahirap na baka makalaboso ka pa kapag nanggulpe ka ng mister at may pagkabotangera ka prend, hehehe.
    Babay Mer, I love you at huwag ka nang magalit pa dahil may regalo akong preskong strawberry mula sa Baguio. Ayaw mo? Ibibigay ko sa dating ex ni Kap, hahahaha!

  5. Kap, ano po ba sir ang ipinakain o ipinasubo ninyo kay Miss Rayumado dahil hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin kapag napaguusapan kayo.
    At saka sir ha, bakit may picture pa kayong dalawa na nakaboxer shorts ka lang haban nakasuot si ma’am R ng shorts sa tabing dagat. Magka-akbay pa kayo, hehehe.
    Ang sweet sweet po ninyo at parang naka-jackpot po ang feeling ninyo doon habang si ma’am Rayumado naman ay parang nakapulot ng dalawang itlog ng teksas sa sabungan, hehehe!
    Ikaw kasi Mer dika sumasama sa aming lakad, puro mga jejemon diyan ang nakakalaro mo. Di marami ka sanang nasagap na info tungkol sa ating maestro kung nandoon ka.
    Kap, biro lang ha? Hehehe!

  6. Kaps,

    Yari ka na naman!

    Ha ha ha ha hah!

    Neks taym, huwag na kahit sa Boracay dahil matitiktikan ka rin ng dalawang ‘yan. Makokodakan kayo ng kadeyt mo.

    Doon na la’ang sa Palau o kaya’y sa Macau para hindi ka nila masundan.

    Pasalubong ko, hane?

  7. Bastos ka talaga Segundina, kung ikaw na lang kaya ang mag-asawa niyan at ilang taon na lang ay hindi ka lang huli, pinagbabawalan ka nang makatuntong pa sa estasyon ng mga bus papuntang Baguio.
    Ako siempre hindi naman ganun kadesperada ano. Kahit papaano ay napapansin pa rin ang byuti ko kahit simple lang at hindi katulad mo na babad sa mga parlors.
    Sige na maganda ka sa akin, tinalo mo nga ako noon sa beauty contest pero mas sexy naman ako at laging sinusundan ng tingin ng mga kalalakihan.
    Maganda ka nga pero kung mga gurang naman ang kasama mo e di matandang gorilya na rin ang tingin nila sa iyo. Hahaha!

  8. Kap, ano na naman iyang kuwento nila tungkol sa iyo. Hirap na hirap na akong ipinagtatanggol kayo. Buti sana kung mga young ones ang pinagkakaabalahan ninyo e puro mga young once upon a time pala e.
    Kap totoo ba ang tsismis, aminin? May asim pa ba si ma’am Rayumado? Nakailang rounds kayo? Are you on top of the situation or she is the one on top of you?
    Sa larong Scrabble ang sinasabi ko. Ang dudumi naman ng isip ninyo. Hehehehe!

  9. Ano na naman iyang biro ninyo Seg at Mer.

    Kapag nabasa na naman ito ng misis ko ay kukurotin na naman ako.
    Naman, naman, naman kayong dalawa lagi na lang ninyo ako iniintriga.

    Ikaw Seg na naman siguro ang pasimuno nito. Ang hinhin-hinhin mong tignan pero intregera ka talaga. Iyang mga matatandang co-teachers mong iyan mababatokan ko ang mga iyan kapag hindi ninyo ako tinigilan.

    Siya nga pala, si Carm ba iyang sinasabi mong Ms. Rayumado. Pilya ka talaga. Ikumosta mo na lang ako ha.
    First kiss will never die…

    Hahaha!

  10. Mer, walang ganyanan ha. Hitting below the belt na iyan.

    Anong score ang sinasabi mo? Hindi ako ganun ha.

    Kaugaliang Pilipino, no touch kung hindi kayo kasal at asawa.
    I am a Filipino, sa isip–sa salita– at sa gawa!

    No touch talaga. Sumpa man, mamatay man si Bin Laden he-he.

  11. Miss Rayumado?

    Akala ko noog unang basa ko ay maaaring si Ina Raymundo. Miss Arthritis pala.

    Kaps, tama ‘yan.

    Pilipino sa isip – maginoo pero medyo bastos.

    Pilipino sa salita – romantiko pero bolero.

    Pilipino sa gawa – bilis ng kamay, tamis ng salita at medyo kapal ng mukha.

    He he he heeh!

    Akala ko, ako lang.

  12. Ayan, nadulas tuloy ang dila ng mga macho guwapitos. Si sir namin kung baga sa gamot ay no expiration. Si tito Mags kaya ay ganon din.

    Kap sino na po iyong mga nagrumble sa palengke na mga kumare ninyo. Matagal-tagal din po ano bago nakalimutan sa iskul iyong story ninyo.

    Ay, hehehe!

  13. Paano ba naman makakalimutan iyan e laging binubuhay ng dati mong adviser ang chapter nila ni Kap. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin tuwing nababanggit ang kanyang pangalan.

    Nalakihan siguro at natigasan ng husto sa kanya.

    Ibig ko pong sabihin nalakihan sa mga muscles ni Kap, at natigasan sa matipuno niyang pangangatawan.

  14. Kayong dalawa, ha?

    Tigilan na ninyo si Kaps. Bugbog na ‘yan sa inyong dalawa, ah.

    Hindi ba kayo naaawang palagi na la’ang binubugbog ng asawa?

    Teka, ano pa ba ang mga sikreto ng kanyang lab layf na hindi namin alam?

  15. Hehehehe, ilang beses na siyang na-exile ano Mer? Tama ba ang dinig ko na hinabol pa raw siya ni Ma’am Tessa noon na naka-karsonsilyo lang ngunit naka suot pa ng barong because….iyong isang consultant at siya ay…. kasalukoyan noon na…. Ang sexy noon ni ma’am kaya nang hindi na niya matiis pang di mahipo ang kanyang… mga kamay ay parang isang makasalanan siyang lumuhod sa isang santa upang humingi ng tawas, este tawad… At napatawad din daw siya ngunit may kasamang hataw doon sa kanyang dalawang kamatis at talong… kasi magluluto sana siya ng pakbet… aray…. hehehehe!

  16. Mabuti wala pa iyong isa, isa din yung asar.

    Maybe I will take a vacation for a while. Huwag muna ako magpapakita dito baka kung anong kuwento na naman ang ilalabas ninyo.

    Mabuti kung factual, kaso may naka-karsonsilyo na hinahabol pa daw ng misis. Wala naman ganon e.

    Kayong dalawa, over na kayo. May limit naman ang level ng biroan girls, pleaseeee.

  17. Going back to the topic, binawi na ni Jr. ang kanyang panunumpa sa isang barangay captain. Ayaw niyang isumpa siya ng kanyang partido. Malamang isa sa mga justices ng SC na kumontra sa midnight appointment siya manunumpa.

    Mabuti natauhan siya kundi gagawa siya ng isang bagay na katawa-tawa at pagtatawanan siya ng mga tao. Manumpa man siya ay kasumpa-sumpa ang kanang gagawin kung saka-sakaling ituloy niya.

  18. Siyanga naman, Mer, Seg.

    Dapat factual para naman kapanipaniwala ang mga sinasabi ninyong sekskapeyds ni Kaps. ‘Yung may kodak kasama ang kanyang nililibag, este nililiyag.

    Huwag la’ang ninyong dadayain na si Willie Neps ang mag-i-impersoneyt bilang si Kaps at si Pokwang ang papael na leydi lab.

    Oooops! Kayong dalawa, ha?

    Nakapulot kayo ng aydiya. Baka i-blakmeyl n’yo si Kaps dahil diyan sa sinabi ko.

    Huwag ninyo akong babalutahan. Ayaw ko!

    Pero kung gagawin ninyo, dapat parehas ang hatian natin.

    He he he heeeh.

  19. Pareng Mags, naku po baka magpost nga dito ang mga iyan ng ganyang picture.

    Please ladies maawa naman kayo sa akin, panay kurot na naman ang inabot ko sa misis kung selosa.

    Ni ayaw nga niyang mayakap ko ngayon.

    Sige kayong dalawa ha ipagtitirikan ko kayo ng kandila sa Baclaran para wala nang magkagusto pa sa inyo, ni pangit na snatcher sa Quiapo ay hindi kayo papansin.

    Sa lakas ninyong mang-asar at gumawa ng kuwentong iyan ipapahamak ninyo ang kaligayahan ko.

    Mabuti sana kung hindi ako pinagsasarhan ngayon ng pintuan ng misis ko.

    Kanino ko hahanapin ang kaligayahan ko ngayon. Madidiyeta na naman ako ng isang buwan nito ha Seg, Mer?

  20. Mer, Seg,

    Huwag na nga lang. Baka dahil la’ang sa konting blakmeyl natin ay tayo pa ang maging dahilan ng pagkadisgrasya ni Kaps. ‘Kakaawa naman siya. Baka hindi lang kurot ang abutin niya kapag ipinost ninyo ang piktyur ni Wellie Nips na karomansa ni Poks na kunyari ay si Kaps at si Miss Nirarayumana. Baka mahagip ng pambambo ang kanyang singkapan at matumbok ang dalawang logbets, tapos ang maliligayang araw.

    I-bidyo n’yo na lang.

    He he he.

  21. Naman… naman… baka mapunta pa iyan sa Senado, panalo pa naman si Bong Revilla.
    Huwag na lang baka magamit pa akong kasangkapan ng pulitiko para sumikat siya muli. Remember Hayden Kho?
    Mahirap na baka ako naman ang idedemanda ni Pokwang mawalan pa ako ng driver’s license.

  22. he he he heh.

  23. May bago akong poste, sama na kayo at kumostahin natin ang sex life ni President to be Noynoy, hehehe.

  24. Seg,

    Ano ba ‘yan?

    Pati ba naman sex life nu’ng tao, kakalikutin mo pa?

    Meron ba siya nu’n?

  25. Hehe, balita ko malakas daw ang sex appeal ng tao kaya natalupan ang ulo sa kahihila ng kanyang mga buhok nang malago pa.

    Paano nangyari iyon Seg, paki-explain nga?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: