Posted by: Mer Pints | May 10, 2010

And the winner is, Jejemon!

(Update: Habang binabasa ninyo ang aking rap-kuwento ay milyon-milyon na ang lamang ni Panot kay Bigotilyo, hehehe. Lahat ay nag-concede na maliban kay Erap. Hinihintay pa niya ang Kongreso na siyang mag-proklama kay Noynoy bago pa siya mag-concede.)

Dito sa aming bayan ay may dalawang malalakas na pulitiko,  Sila ay sina Banong at Baldo

Silay mga astig at walang makakalupig, dahil hindi lang may pera mayroon pa silang mga baril.

Hindi mahuli-huli ng sundalo at pulis, nakakalusot sa mga checkpoint ng pulit-ulit,

Siguro nga may anting-anting, at may powers talaga kaya laging nakakawala!

Kaya inaasahan na ng buong bayan na ni isa’y walang mananalong kalaban sa kanila,

Ngunit kung sino man ang mananaig sa halalang ito, ay  isa lang  daw sa dalawang baboy

Yeah isa lang daw sa kanilang dalawa, kay Banong ba o kay Baldo ka ba?

Ay naku wala nang iba, wala nang iba, wala na bang iba?

Pangako ni Baldo wala ng tambay sa kanilang bayan, lahat ay may pagkakakitaan

Magkakaroon muli ng jueting, prostitusyon, at droga.

Ngunit para kay Banong naman walang binatbat iyang plataporma ng sirang ulo na si Baldo sa kanya

Dahil hindi lang hanap buhay ang kanyang dala,kahit  hanap patay pa, hahaha!

Kaya biglang natakot ang mga duwag na taumbayan, natakot sa dalawang tarantadong pulitiko,

Hindi lang pala sila pahihirapan at pagnanakawan, biro mo sila ay papatahimikin pa!

Kaya itong naglakas loob na lumaban sa kanila, si Jejemon na isip bata,

Sabi ng mga tao mas mabuti na lang kay sa dalawang sira ulong gago na iboboto mo,

Yeah,  Jejomon for mayor, what else are you waiting for?

Pero pinagtawanan lang ng mga baboy na Banong at Baldo ang banta ng iba,

Na si Jejemon na walang utak lang ang tatapos sa kanila,

Hindi sila naniniwala dahil ito ay isang joke lamang mga kababayan, at kung gusto ninyo ay tumawa na!

Ngunit anong tatawa diyan ang sinasabi mo Baldo at Banong na tarantado,

Si Jejemon nga ang ihinalal ng mga tao, bahala na si Batman kung magalit kayo.

Kaya walang nagawa sina  Baldo at Banong kundi tanggapin ang kapalaran nila,

Hindi naman nila puweding takutin ngayon si Jejomon dahil binabantayan siya ng mga taga Media

At ang mga milyon-milyon niyang kampon diyan na Jejemon din sa internet at texting world.

Kaya congratulations na lang para kay Jejemon at sana ang bansa ay di ma-Jejemonyo

Kawawang Pilipinas di na maka-ahon ahon sa mga kalamidad at kahirapan,  may pag-asa pa nga ba sa kamay ni Jejemon?

PILIPINAS BOMOTO NA TAYO! HINDI SA KURAKOT AT HINDI RIN SA TAMAD AT WALANG KARANASAN! DOON TAYO SA MAY ALAM, MAY KAKAYAHAN NA MABAGO ANG TAKBO NG ATING KAPALARAN!


Responses

  1. Hi Seg, ang init-init ngayon. Puwedi bang padalhan mo ako ng isang basong halo-halo please.

    Pinagpapawisan na ang byuti ko kasama ang singit, hehehe.

  2. Mer,

    Kulang lang ‘yan sa pagmamahal.

    Mag-asawa ka na para may tagapaypay at tagapunas ng pawis na kahit tumatagaktak na ay sisibasibin ka ng halik hanggang sa matupok kayo sa init.

  3. Makinig ka babae, magandang payo iyan para sa iyo para hindi lang pasyente ng hospital ang hinihimas mo araw-araw, hehehe.

  4. Mer, hindi ko tipong kumain ng halo-halo ngayon. Kung gusto mo kapeng mainit ang dadalhin ko diyan sa bahay mo nang magising-gising naman ang inaantok mong katawan sa kapupuyat ngayon, hehehe.
    Magresign ka na at mag-full time teaching ka na lang.

  5. PANALO NA ANG KINAKALBONG SENADOR. MALAYO NA ANG AGWAT NIYA KAY LOLO ERAP.
    HINDI PA TAPOS ANG LABAN SABI NI LOLO ERAP.
    CONGRESS LANG ANG MAKAPAGSASABI KUNG SINO DAW ANG PANALO.
    LAHAT NG BALITA AY TRENDING LANG IYAN.

    KASO TILA MAIIYAK NA NAMAN ITONG SI ALING KORING NITO KUNG SAKA-SAKALING HINDI NA SIYA MAKAHABOL PA KAY MAYOR BINAY.

  6. SENADORA LOREN ANG PAGTAKBO DAW SA PULITIKA AY PARANG KIDLAT KUNG MATALO KA. LIGHTNING STRIKES TWICE IN THE SAME PLACE. KAGAYA DIN SA PAGKA-BISE PRESIDENTE.
    SANA HINDI KA DINADAYA AT WALANG BOTONG HINDI NILA BINILANG PARA SA IYO.
    HINDI AKO MAKAPANIWALA NA IYAN LANG ANG BILANG NG BOTO MO.
    BUT I STILL ADMIRE YOU MADAM. ANYWAY THERE IS ANOTHER CHANCE AT PASASAAN BA MANANALO KA RIN. NEXT TIME I WILL CAMPAIGN FOR YOU!

  7. Banong totoo ba ang text ni Kap na naglasing ka raw sa sama ng loob dahil natalo ang manok ninyo ni Manny Pacquiao? Ganyan lang ang buhay Banong. Kung may manalo mayroon ding natatalo kasama na diyan ang idol mo, hehehe.

  8. Bastos ka talaga Segundina, paiinomin mo ako ng kape kapag maiinit, at kapag malamig naman ay magyayaya kang kumain tayo ng ice cream at halo-halo?
    Hindi bale na lang, sa iba na lang ako maglalambing. Palibhasay mas mahal mo ang mga kumare mong gurang diyan na kasing-kapal ng paletada sa mga pader ng Intramuros ang kanilang mga make-up para lamang magmukhang mga teen agers.
    Sige magalit kayo kung hindi totoo ang sinasabi ko!

  9. Mer ang halo-halo ay nakakasipon, pero ang kape ay hindi. Mamili ka sipon o kape?

    Bakit porke ba matanda na ang mga kaibigan ko ay wala na silang karapatan magpaganda?

    Di mo ba alam na kung walang matatandang dalaga na katulad nila ay walang mabebentahan itong mga kaibigan nating mga teachers ng pampaganda, hehehe.

  10. Tapos na ang eleksiyon. Tapos na rin ang bilangan. Tapos nang humusga ang taong bayan. Subalit hindi tapos ang TUNAY NA LABAN.

    Nariyan pa, hindi pa nawawala ang tinik sa ating lalamunan. Nagpalit lamang siya ng paghahasikan ng kawalanghiyaan kung saan hindi halos nabago ang hawak niyang kapangyarihan. Nandiyan pa rin ang mga ulol niyang kawan. Mga gabineteng hinalal ng mga tangang botante at gunggong na tagapagtaguyod na naniniwalang nabago sa maaayos ang kanilang pamumuhay kahit naghuhumiyaw ang katotohanang gapang sa dusa at hilahod sa gutom ang nakararaming mamamayan.

    Dahil sa ginawa ng mga taga ikalawang distrito ng Pampanga ng paghahalal bilang kinatawan nila si gloria, SILA ang mga walang damdaming nagtanim muli ng binhi ng katiwalian.

    Sa ginawa nilang ito, hindi n’yo siguro kami masisisi kung ipagdasal naming sa muling pagdanas nila ng katulad na kapinsalaan noong pumutok ang Bulkang Pinatubo ay tuluyan nang malibing sa lahar at mabura naturang lugar kasama na ang mga naninirahan.

    Pinatunayan lamang nila na sila, ang nagluklok kay gloria sa konggreso ay walang pasubaling mga dugong ASO!

  11. Pusta ako, haba ng nguso ni Mer. Puwedeng igapos si Seg.

    Kaya, Seg, ingat ka sa kaibigan mo. Huwag mong bibiruin.

    Baka meron.

    Merong sipon, ibig kong sabihin. Kaya ayaw n’ya ng halo halo.

  12. Tito, itong si Seg ngayon ay enjoy na enjoy siyang nakakasama ang mga dabarkads niyang matatandang dalana, dalag, dalaga na nagmumurang kamias. Alam ba ninyo kung saan sila tumatambay, sa mga parlor ng malls kung saan nagpapaletada sila ng mukha at nagpapalagare ng mga kukong bakulaw nila.

    Ito namang intsiking dalaga, tuwang tuwa naman siya dahil lalong lumilitaw daw ang byuti niya samantala itong mga barkada niyang lola-agers ay feeling young actress daw sila.

    Ano Seg di ba tama ang sinasabi ko? Alam ko galit sa akin iyang mga friends mo dahil sa mga sinasabi ko dito. Kaya kung may lihim man silang galit sa akin, pagdating ko diyan sa school ay harapin nila ako nang marining nila ang di pa nila naririnig sa tanang buhay nila.

    Nakakainis, schedule nating lumabas at mamasyal naman Segundina ipinospon mo pa alang-ala sa mga propersora mong kasama.

    Kung hindi ko alam isa sa kanila diyan ay ex pa ni Kapitan. Magsalita ka Kap at ikukuwento ang isang masayang chapter ng buhay mo? Hehehe!

  13. Tito Mags tama po ang sinabi ninyo, taong bayan na naman ang magsa-suffer nito.

    Anong gulo na naman kaya ang nagbabadya para sa ating bansa ngayon at nahalal na naman ang mga dapat sana ay pinagpapahinga na ng taumbayan.

    Hindi ko maisip itong bagong kongresso natin, nagmumukhang showbiz na ngayon ang dating.

    Kay Manny Pakyow, anong bill kaya ang ipapasa niya ngayon sa Kongreso?

    Kay lola Imelda anong drama na naman ang kanyang gagawin kapag nagpribilids speech siya?

    Sayang sayang sayang laman ang ginastos natin upang pumili ng karapat-dapat na mamuno sa atin, ang ipinalit sa mga ganid ay ganid ding kagaya ng dati!!!

  14. Kayo ngang dalawa ay magpakaige na, hane?

    Bagong administrasyon na. Magkasundo na kayo at ibalik ang timyas ng dating samahan. ‘Yang tampuhan ay rekadong mas nagpapatibay ng pagkakaibigan kung inyong pag-uusapan ang pagkukulang ng bawat isa.

    Dapat din, give and take. Kung sino ang mas nakakabata ‘yun ang dapat mas maging mapagpaubaya sa nakakatanda. matanda na nga, eh.

    ‘Yun namang mas nakakatanda eh puwedeng paluin sa puwit ang mas bata para naman magtanda.

    O, gib en teyk adbays ‘yan, ha? Wala akong kinikilingan sa inyong dalawa. Kahit pa sabihin ninyo na ililibre ninyo ako ng miryenda. Patas pa rin ako sa inyo.

    Pero, kung sino ang mas masarap ang ipapamiryenda, doon, sama kaagad ako. Siyempre, hindi ko tatanggihan.

    Minsan lang dumating ‘yun, eh. Kung meron. He he he.

    At, para matigil na ‘yang bangayan na ‘yan at mawala na ‘yung prayo-prayoriti, mag-asawa na kayo pareho. At mas maganda, double wedding.

    Ninong sina Kaps at Doks.

    Matagal na kaming hindi nakakatikim ng mainit na sabaw.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: