Posted by: Mer Pints | April 14, 2010

Ang Panawagan ni Sisa sa mga Presidential Candidates

Pagkatapos lumabas ang pekeng dokumento  na may lagda pa si Fr. Carmelo “Tito” Caluag kung saan ay nakalahad doon na si senador Benigno “Noynoy” Aquino III ay nagkaroon ng clinical depression noong kalagitnaan ng 1990s, kaagad namang naglabas ng pahayag si Senador Loren Legarda na dapat lahat ang mga tumatakbong presidente at bise-presidente ay kailangang dumaan  sa physical, psychological and emotional tests.

Game dito si senador Dick Gordon ay vice-presidential candidate Perfecto Yasay. Wala namang problema para kay Erap ang psychiatric test dahil psychiatrist naman daw si dating senador Loi Estrada na kanyang maybahay. Pero agree sila ni Gibo Teodoro na mag-undergo ng physical examination. Dagdagan pa raw ng lie detector test at hindi lang physical and psychological test ayun naman kay Brother Eddie Villanueva na tumatakbong presidente sa partido ng Bangon Pilipinas.

Para naman sa kampo ni senador Noynoy Aquino kung saan ay pinaparatangan siyang nagkaroon ng depressive disorder dahil sa work related tension at pakikipaghiwalay niya sa dati niyang flight attendant na girlfriend (ayun sa laman ng pekeng dokumento) ay walang katuturan ang panawagang mag-undergo siya ng psychological/psychiatric test dahil hindi ito isyu para kay Noynoy. He is mentally ang physically fit ika nga to run this country as a president.

Pero ayun naman kay Senador Manny Villar na tumatakbo rin sa pagkapangulo at pumapangalawa pa kay Noynoy Aquino sa mga survey, anu naman ang masama kung sumailalim nga ang Senador sa naturang pagsusuri? Sa halip na umiwas ay wala namang mawawala sa katunggaling senador kung sasa gutin niya (Noynoy Aquino) ponto po ponto ang naturang dokumento. Sa isang banda bakit ba naman sasagutin ni Noynoy Aquino ang paratang sa kanya sa pamamagitan lamang ng isang pekeng dokumento? Isa pa baka black propaganda lamang ito upang siraan at harangin ang pag-angat ng rating ni Noynoy Aquino. Ano ka baliw? Ano sila sinusuwerte?

Nevertheless ay valid pa rin ang panawagan ni Senador Loren Legarda na sumailalalim silang lahat sa psychological/psychiatric test. Bakit? Aba dito nakasalalay ang ating kinabukasan, gusto ba ninyong magkaroon tayo ng isang pangulo na kahanay ni Sisa sa Noli Me Tangere na parating naghahanap kina Crispin at Basillo?

“Napakaraming mga hindi alam ng taong bayan na problema ng ibang kandidato bago nila iboto (People don’t know a lot of things about our candidates and their problems). So I think it’s just right that people become transparent about their physical and mental health as well as legal cases filed against them,” ang naging pahayag ni Loren Legarda nang ma-interview siya sa ABS-CBN News.

Kaugnay nito ay marami namang bloggers ang nananawagan ngayon kay Senador Loren Legarda na siya raw ang manguna sa pagsasailalim sa isang psycological/psychiatric test. Why not Senator Loren para kung sino diyan ang aayaw ay siya ang may itinatago di po ba? Lest, tama ang paratang na isa lamang itong black propaganda against the LP candidate na si Noynoy Aquino? Hindi kaya?

Hindi biro na magkaroon tayo ng emotionally unfit President to serve the country. Para sa akin lang, mas masahol pa ito kay sa magkaroon tayo ng isang korap at utak polborang presidente. Hindi sa tayo’y nagtuturo kanino man pero iba na ang tayo ay nakakasiguro na hindi sira ulo ang susunod na pangulo ng bansang ito.

Kung ano man ang naging motibo ni Senador Legarda upang kanyang hamunin ang lahat ng kanyang mga kapwa kandidato ng pagka-presidente at bise-presidente (sabihin mang political gimmick lang niya ito upang mapansin) nawa’y huwag itong bale walain at  ituring na isa lamang panawagang Sisa.

Mahalagang malaman ng mga tao kung sino ang dakila, at kung sino ang tunay na baliw!


Responses

  1. Mer ang tunay na baliw ay iyong nagpapagamit kahit alam niya na mali ang kanyang ginagawa. Hindi siya dakila, isa siyang taong hindi karapat-dapat respetohin.

    Iyong pekeng dokumento na naging isyu kamakailan ay sa aking palagay ay may mga katanungan pang dapat sagutin.

    Kung totoong taga NP ang nagpakalat nito sino sila? Pangalawa kung noong una pa ay nalaman na ng ABS CBN na peke ito, bakit pa nila ito’y inilathala?

    Gusto ba nilang ipahiya si Villar or sila mismo ang napahiya?

    Speaking of Loren, hindi kaya siya nagiingay lamang dahil bumababa ang kanyang rating. Kung baga ay nakikisakay sa isyu para mapansin?

    Sino ang baliw, sino ang dakila sa kanilang mga presidentiables? Mabuti kaya ay magpasuri silang lahat, at kung sino ang mentally and emotionally fit to serve ay siya kong iboboto.

  2. Mahirap lang magsalita, makakuha ka diyan ng abnoy that is the end of you. Another problem again. Go to the mental hospital to check if you are not mental illness for the president position.
    Better raise your hands kung ikaw ay Abnoy, because you make problem again to this country if you becomes the president.

  3. Hoy, Pareng Hayden.

    How is ‘you, ga?

    Ala’y long time no read, ey. How is the de sabog of you, ga? May bala pa?

    Pabayaan na la’ang ninyo si Noynoy. Nakakawalang gana ang taong ‘yan, ey. Pati baga naman si Davide ay tinanggap niya ang pagsuporta pati ‘yung paglipat ni Atcheng Salsalceda?

    Nakakasuka na ang pulitika sa Pinas, ah. Ay, parang isang balon ng mga linta, sawa, buwaya, hunyango at buwitre, ey. Wala tayong mapagpipilian kundi sila sila ring mga hayok sa kapangyarihan.

    ‘Ala, ay dusa tayo habang buhay!

  4. Kaka Haydeen Abnoy ba kamo ang susunod nating presidente? Huwag ho kayong magbiro niyan kasi tuwing kabilogan ng buwan ay naglalabhasan ang mga maligno at kampon ng kadiliman, nay ko po.

    Grabe na talaga itong balimbingang nangyayari kagaya ng nasabi ni pareng Mags. Gustong makasiguro nasa poder pa rin sila ng kapangyarihan kahit bumaba na sa trono itong si madam Glueria. Paano sasabihin ngayon ni maliwanag na buwan itong paglipat sa kanya ng mga galamay ni madam x na hindi mapoponada ang kanyang ipinangakong paglilinis ng korap na pamahalaan kapag nanalo siya?

    Ay Inday kalabaw tiyak na babaha na naman ang luha ni Sisang baliw sa kahahanap ng katarungan, kapayapaan, at kaginhawaan dahil naisahan na naman siya ng mga tuso, ganid, at mapanlinlang mga pultiko.

    Lumuha ka bayan ko, hu! hu! hu. Mer, Segundina, nasaan kayo? May mga nagmamay-ari na ba ng mga ;puso ninyo? Lumagay na kayo sa tahimik bago mabuwang pa ang buong sanlibutan dahil sa mga nakakatawang nangyayari ngayon sa ating bansa.

  5. Kap huwag kang umatungal diyan, nandito lang kami, ako medyo busy lang na nagpapaligaw ngayon. Si Mer ewan ko kung saang pistahan na naman siya nakikikain.

    Maraming sira ulo ngayon kap, kaya huwag na kayong mag-ala-sisa pa baka kayo matuluyan.

    Kung ang presidente natin ay sira, sira na rin ang kinabukasan ng bansang ito.

    Among the presidential candidates, sino ba sa kanila ang takot na magpasuri?

    Baka may itinatago, aminin.

    Sige kayo baka sa bandang huli ay kayo rin ang mabubuking, hehehe.

  6. Kuya Magno honest ba ang isang byudo kung manligaw?
    Ito ang kanyang daya-log: “Sana ikaw na ang sagot ng aking mga panalangin na magkaroon naman na matatawag na ina ang aking anak. Sana mabuo muli ang aming pangarap na magkaroon ng ilaw ang aming tahanan.”

    Kuya Magno, ako ba ang mahal ng byudong ito o ang kanyang anak. Kasintahan ba o asawa ang kanyang hinahanap o yaya ng kanyang anak?

    Pangalawa kuya, paano ako magiging ilaw ng kanilang tahanan e wala naman siyang bahay, nakikitira lang silang mag-ama sa kanyang magulang?

    At saka kuya hindi naman ako poste o kawad ng meralco para magbigay ilaw sa kanilang bahay.

    Mer, mauna ka na. Ayaw ko nang mag-asawa. Puro Mr. Bean itong mga dumadalaw sa akin. May aso ba kayong German Sayeperd diyan para pahabol ko itong mga insektong ito, hehehe.

  7. Seg ang pag-aasawa ay parang sugal iyan. May panalo at may talo. Halimbawa Kung ikaw ay hindi na puweding manganak pa dahil natuyuan ka na ng ovary, panalo ka kung ang magiging mister mo ay byudo at may anak. Hindi ka na mahihirapan pang mag-alaga ng bata. Sa mga Apo ng mister mo puwedi pa. Kung nagkataon na ikaw ang poor at laging kinukulang sa budget panalo ka kapag mayaman ang napangasawa mo. Ngayon kung ang lalaki ang poor panalo siya kapag ikaw ang kanyang mapapangasawa. Ganyan lang iyon.

    Pero alalahanin mo ito iha, kahit lahat ng mga bagay na may kinalaman sa karangyaan at katanyagan ay nasa isang prospective lover na ay wala ring kabuluhan ang mga iyon kung masama naman ang kanyang pag-uugali. Dito ay talo ka. But this one is you have to avoid ang makapag-asawa ka ng may deperensiya ang kanyang instrumento. Mantakin mo ayaw nang tumuka ng palay ang kanyang manok? Kaya iwasan mo ang mga MMM, Matandang Mayaman na Mahirap nang tigasan.
    Preserve your beauty na lang, maghintay hanggang kaya mo pa.
    By the way this is only an unsolicited advice from me kasi si Pareng Mags ang tinatanong mo.
    Sabagay tungko sa pagaasawa ay mapagpapayohan ka ng husto ni pareng Magno dahil sa kanyang karanasan sa buhay at mga naobserbahang practices ng mga taga Middle-east.

  8. Sir Magno thank you sir for your greeting my personal beeing. At least I am happy many peoples also have recognition about me even if I am a very humble janitor only upon retirement.

    Regarding my de sabog, I know what you meaning it for me, my bird of the hapiness, ay sir happy ako to tell you nakarecover. My inaanak who is nagwowork in a drug store recomend about herbal drug to make you standing straight to the point.

    Ay sir natuwa si misis ko kaya nag-isa pa nga siya. Now sir we make it first time and second time everyweek. Kaya lang sir mahal yong gamot that is why hindi na ako namimiryenda para makaipon for the storong of my bird.

    Pero sir now that matigas na naman siya bakit I am beginning to interest seeing the legs of young women now. I beginning the interest again na makatanaw ng malalaki at malulusog na Mayon bulkanoes. Sir panay going to the mall ako ngayon. I am a sinner I think sir Magno, Kap. Sorry to the kumpisal to the two of you kasi sometimes my konsinsia is bathering me.

    Sorry ma’am Mer and Segundina for the story sana huwag kayong magagalit sa lolo ninyo. I am sorry to you, and ashame of my self beeing. Paesensia na po hahaha.

  9. Saynga pala ma’am Segundina ang pagaasawa is lakas ng loob lang iyan. What if the gay has children in another woman? You can be happy together also. Hindi naman dinala iyong babae the bird of the pardaise. I know you are brilliant citizen and youknow the best of your livinghood. Ibig ko pong sabihin alam naman ninyo na walang perfect married diyan isint it?

  10. Balik sa isyu hindi sa pagaasawa ni Segundina dahil tatanda namang dalaga iyan.

    Ito ang isyu ngayon may lumantad na namang lawyer daw ni Villar at may dalang pasabog tungkol sa di umano’y korap na pamamaraan ni Villar at paggamit ng kanyang influence bilang senador upang magpayaman.

    May anomalya na namang sumulpot na kinasasangkutan ng mga taga-COMELEC tungkol sa pagiimprenta ng mga balota.

    Ay papalapit na ang election, nakakabuwang itong mga nagsusulpotang isyu.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: