Posted by: Mer Pints | March 18, 2010

Pacman’s Concert Cancelled (Poor Ticket Sales)

Pagkatapos niyang bugbogin at gawing punching bag itong si Joshua Clottey ay tutuloy sana sa Hawaii itong si Manny Pacquiao para mag-perform sa isang concert sa darating na Linggo doon sa Waikiki Shell na may kapasidad na 8,500 na manonood. Kung natuloy sana ang concert ito’y maguumpisa ng ika-lima ng Hapon at may pamagat na “Manny Pacquiao Live In Hawaii Concert Celebration.” Kung ang boxing match nila ng challenger na si Clottey ay nakakuha ng 51,000 na manonood, tila naman kukunti ang bumibili ng ticket.

Ayun sa balita 603 tickets pa lang ang nabebenta doon sa 2,500 tickets na sana ay nabenta na 4 days before the show.  Matumal ang bentahan ng ticket sa konserto na nagkakahalaga ng $25 to $150. Hindi naman kamahalan pero talagang hindi pinapansin ng mga taong inaasahan dudumog sana doon para batiin ang boksengerong kampeon sa matagumpay na pagtatanggol niya ng kanyang korona. Ayun kay Ryan Chang ng Island Fire Productions ay malulugi daw sila ng hindi bababa sa“$50,000” kung ipagpapatuloy pa nila.

“I don’t know what to say about what happened,” sabi ni Chang. “We thought Hawai’i would appreciate bringing him in and 25 bucks is pretty cheap and reasonable. We needed to either pull out now or make about $175,000 to break even. I couldn’t risk dropping that much for my investors.”

Taliwas sa inaasahan ng mga organizers ng konsierto na dudumugin ito ng mga fans ni Pacman, tila tinatabangan naman ang mga tao na gustong manood sa kanyang live concert. Bakit kaya? Dahil ba sa hindi niya napatumba si Clottey? Aba mababaw iyan na dahilan. Baka naman may mas malalim pang dahilan?

Sabi ng mga nagmamasid na eksperto sa larangan ng music entertainment ay hindi raw accomplished singer itong si Manny Pacquiao. May mga nota daw na hindi niya kayang abutin sa mga kantang inaawit niya. And what do you expect, Manny Pacquiao is not a singer. Isa siyang boksingero na mahilig lang kumanta ngunit hindi ibig sabihin na magaling siyang kumanta kagaya ng mga ibang singers diyan.

Hindi sa ating tinatawaran ang talento ni Manny Pacquiao sa pagkanta. He is still not yet there. Kung pinapakinggang man siya ay dahil naaliw ang mga tao na may ibang talent din pala siya at hindi lang siya sa pagba-boxing magaling. Kailangan pa niyang magsanay ng matagal bago siyang tanghalin na magaling na mangangawit. Nadidinig na ng iba ang mga kanta niyang inaawit at wala nang nagbago pa. Aminin nating may hangganan ang kakayahan ni Manny Pacquiao sa pagkanta at hindi ito ang kanyang career kundi pagba-boxing.

Sabagay magkaano nga lang naman ang kikitain ni Pacman sa kanyang personal appearance sana sa naudlot na concert? Tumataginting lang naman na $100,000 sa isang oras o mahigit na pagkanta niya. Barya lang iyang kung ikukumpera sa kanyang milyon-milyong kikitain sa pay-per-view.

Pero sa atin-atin lang, hindi kaya over-exposed na itong si Manny? Hindi kaya nagsasawa na rin ang mga tao na palaging ini-exploit ng iba ang kayang personal appearance para kumita? Sabi nga ng isang presidential candidate, malakas daw na panghatak ng mga tao sa pangangampanya itong si Manny Pacquiao. So there you are, exploiting Manny Pacquiao again to court people to vote for Manny Villar. Sabagay anong masama diyan, at sariling kagustohan naman ni Pacman ang mangampanya para sa kandidatora ni Manny Villar sa pagka-pangulo.

Problema lang sa paggamit ng mga celebrity sa pangangampanya, hindi plataporma ng mga kandidato at kakayahan ang nakikita, iyong mga celebrities na nagiindorso sa kanila. Hindi ito nakakatulong ngunit nakakasira pa sa pag-unlad ng bansa.

Sana ang naudlot na konsierto ni Manny Pacquiao sa Hawaii ay magsilbing aral sa lahat na hindi maganda ang sobrang pag-abuso sa katanyagan ng mga celebrities para sa pansariling kapakanan at kagustohang kumita.


Responses

  1. Dapat lang. Masyado na nilang ini-exploit ang mga tao sa kantanyagan ng isang celebrity.

    Kaya leksiyon din ito Mer kay Manny sa pagtakbo bilang kongresista.

    Dapat mag-boxing na lang siya at huwag nang makisaw-saw pa sa pulitika.

    Kaso mga opurtionista din kasi ang mga iba diyang taong naka-paligid sa kanya.

    Baka mawapakman na naman siya, hehe.

  2. It is a plain and simple example of KATAKAWAN sa pansin.

    The Pakwan thinks everyone is appreciating his other “talent (?)”, singing daw ‘yun.

    Sobrang bilib din sa sarili niya.

    Yumaman na nga sa pakikipagbangasan ng mukha, pati ‘yung larangang hindi para sa kanya at hindi bagay sa kanya ay gusto pang pasukin.

    Sa boksing lamang siya nababagay. Doon siya magaling. Huwag na siyang magpadala sa sulsol ng mga taong ginagamit ang kanyang katanyagan sa boksing, ang paghanga sa kanya ng mga taong iniisip na napupunan ng kanyang mga panalo sa bawat laban ang kumakalam nilang sikmura.

    Sila, ang mga bulag na tangahanga sa boksing ang dapat bigyang tulong at damay ni Pakwan, ang Ambassador of Fish ni Madame Reina Gloria de LaCatan.

  3. I have nothing against mommy Dionisia pero pati rin siya ay hindi pinatawad ng mga taong gaya ng nasabi ni Kap na oportionista.

    Siempre katanyagan ng anak ay katanyagan na rin ng magulang.

    Ngayon nag-artista na at naging concert queen na rin ang nanay sa tulong at sulsol ni Imelda Papin.

    Ginagamit ang pamilya para sa political interest nitong mga taong gustong maging senador at presidente.

    At saka iyong si Chavit laging nakabuntot kay Pacman. Laging nasa background kapag ini-interview ng international press itong boksingero. Ano kaya ang role niya?

    • Good subject. Pero, anak ti bakalaw; kahit libre yan eh konti ang manonood. If he is really serious, he should try the Gong Show, este….idol show, hehe….
      first round pa lang, booted out na yan, no offense to Pakyaw.

      If I was Max Kellerman (?), who interviewed da Pakyaw on the ring, I would have asked Sab-it, why a supposed deputy national security adviser of a country in distress is like a Spunky (cockroach) on the Pakyaw’s tail. Wonder what Sab-it, da woman beater would say.

  4. Akala nga kasi ni Manny ay maganda ang boses niya, pati na diction dahil nga marunong na siyang mag-inggles.

    Pero por diyes por siyento!

    Nakarinig na ba kayo ng nag-aaway na ipis? O ‘yung nagdi disk dyaki na kuliglig?

    Para mas madali ninyong maintindidha, pakinggan ninyo ang tunog ng lagaring bakal na ginagamit sa pagputol ng tubong isteynles.

    “…para sa inyu ang laban na ‘tu……”

  5. …….Para mas madali ninyong maintindihan……..

    Pahamak na daliri. Komang na, bulol pa!

  6. Hehehehe, concert ng mga kuliglig at ang lead singer nila ay si Manny Pakyaw.
    Grabe, grabe sumasakit na ang tiyan ko sa katatawa kuya Mags.
    Ay, disk dyaki na kuliglig, hehehehe!
    Ayaw ko na, baka mautot pa ako nito. Hhahaha.

  7. Seg,

    Huwag mong pipigilin ‘yan.

    Pero dahan dahan lang ang gawin mong pagre-release ng sama ng loob.

    Para mo nang narinig ang dyuwet ni Mani at Momi Dyuni.

  8. Ano pa nga ba at nautot ka na. Ako lang naman ang kasunod mo at pa-sorry sorry ka pa!
    Ki dalaga mong tao utotin ka pala.
    Hindi ko alam sa kuliglig mo lang nakuha ang pag-utot mo. Akala ko nakakain ka lang ng hilaw na kamote, hehehe.

  9. Makakarating ito sa mga best friends mong makakati ang mga dila, hahaha.

    Siya nga pala, isa sa mga dahilan ni Clottey kung bakit siya natalo ay nagtae daw siya. Nakasama daw sa kanya iyong kinain niyang okra.

    Di ba tito Mags iyong okra ay nakakapagpatigas ng kah-ari-an ninyong mga macho?

    Duda ako baga bago kay Manny ay nakipagbakbakan pa itong si Clottey sa kanyang misis dahil hindi na niya napigilan pa ang pangigigil dahil sa kinain na okra.

    Totoo ba iyon tito, nakapagpapatigas na alam mo na?

    Sa atin-atin lang po ito at curious lang ang aking y-utak dito, hahaha.

  10. Naku naman!

    Ikaw nga, Mer ay mag-asawa na para ikaw na mismo ang makasagot diyan sa tanong mo, hane?

    Kaps, nakapagpapatigas nga ba’t nakakabuhay ng malambot na patay ang pagkain ng okra?

  11. Iyang okra ay madulas-dulas kung kakainin mo. Ewan kung may kaugnayan ang pagtatae sa pagkain ng okra.

    Pero may balita ako na gustong-gusto daw ng mga Hapones iyang okra dahil may birtud daw na taglay na nakakapag-enhance ng sex drive ng mga lalaki.

    Ang hindi ko alam kung anong sasakyan siya umi-effect kung sa tricycle, single motor, owner jeep, pampasaherong jeep o kotse. Drive ba ang sinabi ko.

    Shy kasi ako Mer, kaya puwedi ba si Seg na lang ang tanongin mo? Baka ka ko may nari-research siya tungkol sa bagay na iyan, hehehe.

    At saka makinig ka sa payo ng tito Mags mo, magasawa ka na kasi bago ka pa abutan ng kuwarenta.

    Ano ba ang inaayawan mo kasi doon sa binatang manliligaw mo, para 52 lang naman siya at saka kahit malayo ka pa ay naamoy mo na siya sa tindi ng kanyang BO. Hahaha

  12. Naku Kap huwag ako ang tanongin ninyo sa bagay na iyan. Puwedi ba kay doc.B na lang ninyo itanong iyan. Baka kung ano ang masabi ko dito, papasokan na naman ako ni Butangera nang kung ano-anong patutsada diyan.
    Basta ako, wala akong alam sa mga tinatanong ninyo.

  13. By the way magreretiro na raw si Pacman. Set aside muna niya ang boksing. Sa politics naman daw siya dahil gusto niyang makatulong sa tao.
    GUSTO NIYAN TULUNGAN SI VILLAROYO na mangalap ng boto ng mga tao.
    Mga kababayan ko diyan sa Cordillera at Ilocos payag ba kayong ibigay ang mga BOTO ninyo kay Villar alang-ala kay Pacman.
    Boto ha Mer, malaking boto, malaki ang boto nila, hehehehe.

  14. Happy Easter to all!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: