Posted by: Mer Pints | March 4, 2010

Thank You Toilet, It Flushed By Itself!

Nag-fishing sa may Marina ng Des Moines Washington sina tita Lorry at tito Jerry itong nakaraang summer. Isinama nila si lola Tinay upang malibang naman at nababagot na sa maghapong nasa bahay lang at nanood ng mga Cartoons si TV. Sumama din ang alaga nilang daligitang si Kingking para bantayan si Lola. Kapwa may dalang pamingwit ang tito at tita kaya tumabi kaagad sila sa mga Pinoy na namimingwit din sa hapon na iyon.

As usual palakad-lakad ang lola habang pinanonood ang mga taong namimingwit at nanghuhuli ng mga Alimango. Tuwang-tuwa siya kapag nakakahuli ang mga tito at tita. Minsan nakikipagkuwentohan siya sa mga Pinoy na namimingwit din, makuwento at mapagbiro siya kaya ganon na lang ang tawa ng mga nakakausap na kababayan natin. Natutuwa naman sila sa kanya kaya kung ano-anong pagkain naman ang inaabot nila. Tanggap lang ang tanggap ang lola  at kain ng kain. Kaso sa dami ng mga kinain na kung ano-ano diyan ay sumakit ang tiyan.

Lumapit siya kay tita Lorry at may ibinulong, “Lorry sumakit ang tiyan ko, parang gusto kong gumamit ng CR.”

“Nanay naman, kung ano-ano ang kinakain ninyo kasi diyan,e. Ayan sumakit tuloy ang iyong tiyan.”

Ganadong namimingwit ang tita Lorry dahil marami siyang huli at ayaw maisturbo.

“E, sa sumakit ang tiyan ko anong magagawa ko. Alangan naman na dito ko ilalabas…”

Alanganin na ang lagay ng lola kaya kaagad na tinawag si Kengkeng upang samahan itong mag-CR.

Padabog naman na sumunod ang dalagita dahil may kausap siyang binatilyong Pinoy na noon lang niya nakilala. Nag-magandang loob naman ang binatilyo na siya na lang ang sasama kay lola Tinay papuntang toilet ng Marina pero sinabihan siya ni Kingking na maghintay na lang siya kung saan sila nakaupo at nagkukuwentohan.

Halos hindi pa nakakaupo si lola Tinay sa inudoro nang biglang lumabas ang kanyang dumi. Matindi ang amoy kaya lahat nang mga nasa loob ng Palikuran ng mga babae ay nagsitakip sa kanilang mga ilong. Panay naman ang parinig ng mga ibang Asyano na palabas na sa CR. Hindi naman ang mga mukha ng mga bagong pasok na mga Puti at Itim. Samantala tiniis na lang ni Kengkeng ang amoy dahil hindi niya maiwanan ang lola hanggat di ito tapos at maibalik ang kanyang suot na pantalon.

“Wala akong pakialam kung ano ang naamoy nila, bakit may mabango bang tae ng tao?”

Hindi na sumagot pa si Kengkeng, ayaw niyang makipagtalo sa kanyang lolang medyo may pagka-ulyanin na.

Pagkatapos tumayo at ibalik ang pantalong hinubad ang lola ay nag-flush kaagad ang automatic flushing toilet bowl. Nabigla man ay tuwang-tuwa ang lola kaya hindi niya napigilan ang sarili nang sabihing: “Thank you toilet, you flush by yourself.”

Inulit pa niya sabay kanta ng: “Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you.”

“Ano ito nangangaroling,” ang sabi ng isang Pilipino.

Kulang na lang takpan ni Kengkeng ng kanyang mga kamay ang mukha sa hiya. Nakatungo siyang naglalakad habang akay-akay niyang lumabas ng CR si lola Tinay. Hindi naman tumigil ang matanda sa kakakanta na tila nangaasar pa.


Responses

  1. Ngayon lang ba nakakita ang lola mo ng inudorong automatic ang nagpa-flush ng tubig?
    Noong una kong subukin gumamit ng automatic water flushing urinal ay naglaro pa ako pababalik-balik kung totoo ngang nagpa-flush ito.
    Ang ayaw ko itong bagong klase ng urinal na hindi ginagamitan ng tubig. Nandidiri ako. Kasi iyong urine ng iba ay papatungan mo ng iyong urine. Paano na kung matatalsikan ang ulo ng iyong ari niya di ba magkakaimpeksiyon ka pa?

  2. Siya nga pala kung may dapat tayong i-flush sa toilet hindi lang dumi ng tao at urine, pati itong mga presidential candidates na namimili na ng boto ng mga tao.
    Anong klaseng pagbabago ang ating makakamtang kung ganyan laging nananaig sa halalan ng pambansang liderato ang mga korap.

  3. Sana ang title na nababasa dito Mer, thank you toilet you have just flushed inside a corrupt president and government officials. There you rot in hell, hehe.

  4. Meron palang part 3 ‘yung nagkalat sa mall at si Poling taga Makati.

    Ngayon, kuweto naman ni Lola Tinay. Sana lang, hindi siya ‘yung si Aling Tinang na hinaharana ng aking mamay noong panahong garapa pa ang ginagawang ilaw.

  5. Kap buhusan na ninyo kaagad ng tubig para malunod na si Nunalies kapag nakita ninyo siya sa loob ng CR hehehe.

  6. Langhiya Mer, ala Pakiyaw pala ang lola mong makapag-ingles.

    Sino ba ang teacher niya ng English noong panahon ng Hapon, si Gen. Yamashita, hehehe!

  7. Ispiking op Pakiyaw, Seg.

    Balita ko’y buntis na naman ‘ata si Jinkee at meron ng hinahandang pangalan para sa kanilang magiging anak, mismong naisip ni Manny.

    Pagsasamahin daw ang pangalan nilang mag-asawa at ipaparehistro nilang Mankee.

  8. Hahahaha.

    At kuya magiging businessman o businesswoman naman daw siya balang araw. Bibigyan siyempre siya ng puhonan nina Jinky at Manny. Kaya ang pangalan ng negosyong itatatag ng kanilang anak ay Mankee Business.

    Matanong ko lang kung totoo iyong balita, may anting-anting daw si Pacman ngayon upang talunin ang kalaban.

    Ano iyon? Isang hibla daw ng buhok mula kay Krista. Hindi ko alam kung buhok mula sa ulo iyon o doon pa sa kuwan, ano na iiyon? Hehehehe..

  9. Bakit, Seg?

    Tikbalang na ba si Krista?

    Ang alam ko kasi nag-iisang gintong hiblang buhok ng babaeng tikbalang ang merong anting anting. Ewan ko lang kung saan nakikita at binubunot ‘yung gintong hibla na ‘yun.

    Para nga pala sa tatlo, kahit malayo pa ang Disyembre sa pagdiriwang ng Pasko, ang magiging bati nila sa isa’t isa ay Mankee Krismas. Tanda ‘yun ng kanilang magiging ganap na threesome.

  10. Hahaha!
    Kapag nanalo ang tukayo Manny niya sa pagkapresidente, ang bati naman ng anak nilang si Mankee kay Mr. C-singko ay, money po ninong.

  11. Mabalik tayo sa tapik.

    Hindi kaya nabasa ni Lola Tinang na may nakapaskel sa pinto ng toilet na “All by myself”?

    O, baka malabo lang ang salamin niya.

  12. Naku ha lola ko iyan. Maykaunting kakulitan lang iyang pinsan ng lola ko.
    Some years back sumali po iyan ng Miss Barangay sa aming bayan sa probinsiya. Mabuti na lang na-disqualify siya before the actual event dahil hindi naman daw siya dalaga, byuda na at saka over-age pa. Sabi pa nga ng mga organizers ay nanluloko lang.
    Sa inis noong parada ng mga contestants ay sumali din siya. Umupa siya ng isang tricycle na ginawang top down at may pangalan pa siyang Miss Body Beautiful. Sponsor niya ang aking tito Lito na isa ring pasaway at nagprovide pa siya ng gown ng lola Tinay. May mga bading pang nagvolunteer na make-up artist niya. Hindi napigilan ng Barangay ang pagsali niya dahil siya ang panghuling sasakyang sumali sa parada. At naging kunsorte pa siya ang pinsan kong si kuya Joey. Sa halip na pagtawanan ay naaliw pa ang mga tao. Siya na nga ang mas napapansin sa kanyang agaw eksena. kay sa iyong reyna ng kagandahan na itinanghal ngunit lutong makaw naman ang pagkapanalo. Aba tinawag at pinakanta pa siya ng emcee doon sa munting after the parade program. Ano ang kinanta niya, My Way. Mabuti na lang at di binaril, hehehe.
    Kaso hindi natuwa ang tita Lorry kaya nag-alsa balutan kaagad at nagpunta ng Maynila at tumira pansamantala sa kapatid ng kanyang mister. Mabuti na lang hinintay pa niya ang lola pabalik ng America. Ngayon ay may pagka-ulyanin na ang lola Tinay ngunit pilit nilang inaalagaan ito sa kanilang bahay. Sabi ng tita Lorry sa mga anak, “this is how you will take care of me. Don’t bring me to the Home Care if I am like her.”

  13. Mer,

    Pakilasa ko, meron kang pinagmanahan.

    Magiging ganyan ka din kapag lola ka na.

    Pero bago mangyari ‘yun, dapat mag-asawa ka muna. Magkaanak, magkamanugang, magkaapo. Para maramdaman mo ang damdamin ng isang tunay na lola.

    Pero, huwag na huwag kang kakanta ng “Tengkyu, tengkyu. ‘Ambabait ninyo”, hane?

  14. Hehe, sa kakuklitan po siguro.
    Speaking of pagaasawa one time tito umattend ako ng seminar for single women. Aba ganyan din ang sinasabi sa akin. Para malaman ko raw kung masaya o hindi ang may asawa ay mag-asawa na raw kaming mga dalaga pa.
    Tapos may exercise pa silang ginawa kung papaano ang maging mother. Sa role playing pa lang ay failure na kaagad ang married life ko. Hehehe.
    Masyado daw akong domineering. Tapos ang advice pa sa akin ay maging magiliw daw ako sa mga opposite sex paminsan-minsan para huwag daw matakot iyong guy na lapitan ako.
    Hehe, ganon ba iyon?

  15. Mer iyong pag-utot ko hindi ko sinasadya. Kinulang lang ako nang lakas ng loob para humingi ng paumanhin friend.
    Hindi ko alam na nasa likuran lang pala kita kaya ikaw lahat ang nakasagap ng grasyang kamalasan.
    Iyong sinasabi mong pomoporma sa akin ay sipunin kaya wala siyang naamoy.
    Hindi ko nga alam kung saan ipinaglihi iyang pang-amoy mo kasi kahit nasa Makati pa ako at nagluluto ng bulalo ay naamoy mo pa rin, hehehe.
    Ang pikon ay laging talo!!!!

  16. Kuya magaling ka sigurong kumanta. Maganda iyang kantang “All by Myself.”
    Bagay na bagay kay Mer na laging nakatingala sa mga tala sa gabi at nagwiwish upon a star habang nakaupo sa kanyang trono, hehehe.
    Ang pikon ay laging loser.

  17. Seg, hindi naman ako magaling kumanta pero bumabanat din kapag merong katuwaan. Problema ko lang, kalimitan ay hindi ko natatapos ‘yung aking kinakanta dahil inaabot ako ng kapos ng hininga’t yung hanging dapat magdulot ng puwersa sa aking boses ay naiipon sa tiyan at nagiging kabag.

    Pero tumatalikod naman ako sa mga nakikinig at nanonood kapag ako’y umuutot sabay pakiramdam kung hindi namamasa ang aking puwitan.

  18. Pareng Mags gusto ka yatang pakantahin nitong dalawang wonder girls natin at mapakinggan ang pang-Pavarotti mong boses.
    Ayaw nila kasi akong pakantahin dahil hindi nila type yung mga top hits kung kinakanta. I mean top hits noong decada sitenta nang mga baby pa lang sila. Haha.

  19. Kaps,

    Puwede din namang pagbigyan ko sila kung hihilingin nilang kumanta ako, eh.

    Gusto nila’ng minus wan, okey sa akin. Kaya din natin ang a capella. Puwede din tayo sa la-paella. Ito ‘yung kumakanta habang nag-iihaw ng dalag sa parilya.

    At lalong puwede ako sa minus all.

    He he heh.

  20. Teka muna, Kaps. Hindi ko kaya ang istayl ni Paburati, este Pavarotti.

    Ang boses ko ay para sa kasiyahan ng mga buhay hindi para sa mga naglalamay sa patay, hane?

  21. Ayan na naman itong mga macho naming idols, ipinagkakaila pa na mga miyembro sila ng Combo noong araw.
    Combo-mangon ay tanghali na, hahaha!

  22. If I know iyang si Kap kinantahan lang iyong librarian namin sa school noong araw ay nag-together again na kaagad sila. I mean nag-duet sa kantang “Together Again.”

    Na-outside de kulambo tuloy siya pag-uwi sa bahay dahil nandoon si ma’am at nakitang may pabeso-beso pa si Kap. Showbiz lang naman daw iyon at walang malisya di ba Kap?

    Ay, lokang dila ito nadulas na naman, hehehe.

  23. Psssst matagal nang nangyari iyan e, ipinaala-ala mo na naman. Ikaw talaga hindi ka marunong mag-archive ng mga sekreto.
    Baka nga totoo ang sinabi ng tito Mags mo na nagmana ka sa lola Tinay mo ng kakulitan. Hahaha!

  24. Oy, oy, Mer, ha?

    Ano’ng tanghali na kung bumangon ang sinasabi mo?

    Member nga kami ng combo, pero sa panahong ngayon lang, hindi noon. Mula ng magkaasawa kami ay naging miyembro na kami ni Kaps ng mga lalaking combo-mukol ang ulo dahil sa palo ng asawa’y umaalsa.

    Araguuuyyyyy!

  25. Nagawi lang ako dito kasi narinig ko iyong pag-aray ni pareng Mags.

    Sa totoo lang ilang bises na rin ako nakalmot, nakurot at higit sa lahat napalo ng sapatos ng misis kong pinakamamahal ko dahil lang sa selos.

    Madalas kasing magsumbong sina Mer at Seg e, Hahaha!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: