Posted by: Mer Pints | February 22, 2010

Am I That Easy to Forget? (Kumosta ka na Jun Lozada?)

Sana ka-edad ko si tita Chi, at magkabarkada lang kami noong early sixties. Ang sarap sigurong magpaligaw sa mga papa  na kamukha ni Elvis Presley na may pa-kiss me quick pang style ng buhok. At habang hinaharana ka ng mga kumbatsero ay may nakalaan namang isang arinolang katas nina Segundina at ang kanyang lola na pambuhos sa mga pilyong naninilip sa ilalim ng batalan.

Siguro sa mga panahon na iyon pakanta-kanta lang ako sa tabi-tabi hawak-hawak ko ang aking songhits at sinasabayan sa ponograpo ang 45rpm na plakang may kantang, “Am I that Easy to Forget?” Sa isang sulok at maluha-luha naman si tita Chi, dahil ang kanyang love ay nakakita ng isang white leghorn na taga Maynila at nakalimutan na siya. Kinagabihan ay magkasama kami sa isang sulok at gumagawa ng “return to me spell” para iwan na ni Elvis si Maribubot and they will be together again.

Pero wish ko lang pala ito. Sa totoo may iba diyang tao na maiyak-iyak na at kumakanta at nagtatanong, “Am I that Easy to Forget.” Ngunit alam na niya ang sagot sa sariling tanong, no. Tuloy pa rin ang laban. Wala naman siyang paki-alam sana sa away ng mga pulitiko, sa korapsiyon ng mga nasa poder, ang usapan ng mga “greedy greed” daw diyan. Kaso pinatawag siya ng Senado para tumestigo kahit isang million times pa niyang sasabihin, No Way! Kasi ayaw niyang magsinungaling, at kapag nangyari iyon ay talagang ibubulgar niya kung ano ang kanyang nalalaman. Biro ng tadhana ay muntik na siyang makidnap at mapahamak ang kanyang buhay. Kaya sa tulong ng mga brothers and sisters in Christ ay kinupkop siya pagkatapos isiwalat ang mga nalalaman niya tungkol sa ZTE broadband scandal. The rest is history.

Ngayon piling ni Jun Lozada ay inabandona na siya ng mga taong kanyang tinulungan at sana’y hanggang sa kahuli-hulian ay kasama niya sa paghahanap ng katotohanan. Pero hindi pa naman daw siya nawawalan ng pag-asa bagamat para sa kanya ay napakasakit iwan ng mga taong minsan ay kinailangan siyang magsalita. Tuloy pa rin ang laban. Pero hanggang kailan?

Nag-kiss and make-up na sina Manay at Lola, kalimuatan na raw ang nakaraan sa ngalan ng pulitika at pagkakaisa. Kailangan nila ang bawat isa ngayon para lang matuloy ang kanilang mga political agenda. So there you are Jun Lozada nagtatanong, “Are you that easy to forget?”

Sabi ni Joey, ay mas nakakabuti raw para sa kanyang tita na magbati na sila ng kanyang kumareng Gloria. Tutal sabi naman ni lolo Eduardo ay mas magandang marami kang kaibigan kay sa kaaway. And why not Jun di ba? Tutal nandiyan na iyan at malapit nang umalis sa trono si presidente, bakit hindi na lang nating ibaon sa limot ang lahat after all hindi naman natuloy ang ZTE deal, di ba? Pero alam ko maaring ganito naman ang isasagot ni Jun sa aking tanong. “Ganyan lang ba kadali, ganyan lang ba kasimple, pagkatapos ng lahat na nangyari?”

Hindi ng po ganyang kadali at kasimpleng kalimutan na lang ang lahat. Kaso habang may political interest ang isang tao ay natututo siyang magparaya, ang magpatawad, at makipagbalikan kunwari sa mga kaibigan na minsan ay naging mortal nating kaaway dahil lamang sa mga isyu ng pulitika at  personal na interest. “Sabi nga nila, in politics you have no permanent enemy and friends. You only have permanent interest.” Umiyak ka man Jun wala na tayong magagawa, ganyan talaga ang pulitika at maikasama ang mga pulitiko.

“Am I That Easy To Forget,” can you sing that song Jun?


Responses

  1. Neneng huwag mong sabihin na nakikinig ka rin sa mga awitin nina Frank Sinatra at Matt Monroe? Iba na ang uso ngayon di ba mga Wonder Girls na.

    But I like your kuwento about the Arinola na puno ng dyingel. Sa province namin noong araw ay mapagbiro ang mga binata, habang nanghaharana sila ay sinasakal na nila iyong inahing manok na nasa silong ng bahay. Kaya laging may imbak na dyingel ang mga matatanda pangontra sa aswang.

  2. Dagdagan ko lang ang kuwento mo, noong mga teenagers pa lang kami ay mahilig kaming magmiron sa mga binata at nakakatanda sa amin na nanghaharana ng mga bisitang dalaga. Tama ka may mga ibang pumapasok sa ilalim ng kubo para magkaroon sila ng idea kung ano ang itsura ng kanilang pinanggalinga.
    Heto na po iyong isang binatilyo na kaibigan ko, pumasok sa silong, pagtingin niya sa itaas ay may nakita siyang kuweba, kaso kulubot na pala, hindi kuweba ng dalaga (kasi nakasalawal naman silla kaya wala ka ngang masilip). Iyon pala lola ng lukoluko ang nasilip niya.
    Years later may isa rin akong kaibigan na nanilong na naman, nakatapak siya ng palang (shovel) na nakatihaya. Pak! Tumama ito sa kanyang noo, nagsisigaw tuloy na patawad po hini na po mauulit. Akala niya pinala siya sa noo ng tatay ng dalaga, hehehe.

  3. Teka hindi pa pala ako nakapag-comment tungkol kay Jun Lozada.
    Wala na darling, goodbye ka na. Tapos na ang mga palabas sa Senado, kaya hindi na kailangan pa si crying papa.
    Nakakawa lang ang mga ganitong taong may magandang layunin na gustong makipagtulungan sa paghahanap ng katotohan at katarungan only to be left behind later, tsk tsk.

  4. Si Manay pa Mer, madaling magpatawad iyan. Panahon na kasi ng election. Kailangan niya kahit papaano ang suporta ng mga local na officials para kay Joey, haha.

    So there you are asking the question Am I that Easy to Forget.

    Madaling makalimot ang taong ayaw niyang matandaan pa ang mga iniwang responsibilidad dahil lang sa political ambition.

  5. Jun, you are not that easy to forget but the politicians hardly rmember your sacrifices.

    Cry cry ka muna and don’t worry, your friend Joey will comfort you in the room. But please, do not constipate.

  6. Kaps,

    Nakuwento ko na din ‘yan noon.

    Kami naman, naninigurong kahit pumiyok ang manok ay hindi makakahabol ang tatay dahil tinatanggal namin ang hagdang kawayan pagkatapos ng harana.

  7. Kap, huwag mong sabihin nakatikim ka rin noong araw ng mga nakaw na manok, Hehehe.

  8. At saka Kap ano kaya kung ikaw mismo ang nakakita ng kumukulubot na nasa loob ng saya ng lola mo.

    Ay may haring balbas sigurong kumakaway doon, hahaha.

  9. Ako talaga sobrang nalulungkot kay Jun Lozada, nasayang ang kinabukasan ng kanyang pamilya dahil lang sa prinsipyong ipinaglalaban. Only at the end, nag-goodbayan na ang mga pulitikong nagsamantala sa kanya.
    Mabuti na lang nandiyan pa ang mga brothers at sisters na tumitingin para sa kanyang kapakanan.
    At may mga kaso pa iya na hinaharap ngayon sa korte.
    Talaga nga naman oo, makakalimutin ang mga pulitiko.

    Sana ay makalimutan din ni Segundina ang mga inutang ko sa kanya, hehehe.

  10. Mer, awang-awa ako kay Jun Lozada. Wala siyang pinag-iba sa isang babaeng kalye na basta pinulot na lang diyan para sa makamundong hangarin ng iba. Nang silay nakaraos na at pinagsawaan, basta na lang tinadyakan at ihinulog kung saan-saan.

    What future awaits Jun Lozada and his family?

    Ito ba ang kabayaran ng lahat ng mga pagsasakripisyo ni Jun para mabigyan lang ng katarungan ang pagwawalanghiya ng mga ibang opisyales at pulitiko sa pera ng bayan?

    Dakilang tao itong si Jun Lozada. Pero sa nangyari sa kanya may maglalakas loob pa diyan na tetistigo para sa katotohanan?

  11. Tama ka Mer, maraming tao ang gumagawa nito. Uuatang diyan pagkatapos ay kalilimutan.

    Kaya hindi umuunlad ang bansa natin. Maraming Pilipino ang kulang sa dignidad, disiplina, at sense of responsibility.

    Problema nga naman ng bansa, wala nang katapusan pa. Sino ang hindi rereglahin nito. Hmmmmppppp.

  12. Tama si Seg. Ang utang ay dapat bayaran, hindi dapat kalimutan. Kahit sa kaibigan.

    O, siya. Kalimutan na muna ‘yang utang na ‘yan. Basta sa susunod, bayaran kaagad.

    Kung ililista naman para may ebidensiya kapag nagkasingilan, kahit sa tubig na lang.

  13. Sino ba ang ayaw magbayad ng utang diyan? It is very shameful if you hiding and not payment what you borrow.

    If you are the mother you teach children to be honest like for example you make yourself the model for the observation of the children.

    Why they will grow na manunuba rin like the parents if this is what the children can see at home.

  14. May utang kasi na pay when able. If si ma’am Mer ay hindi pa nagsusueldo she can not pay now but next time. yan ang pay when able.

  15. agpakonsert na si Villar at Aquino. Ano ito pangguguyo sa mga kabataan para bumoto sa kanila?

    Wala akong nakikitang pagbabago sa dalawang ito.

    Kawawa naman ang bayan.

    Puwedi ba mga bago namang salta kahit sino huwag lang Erap, Noynoy, Villar, etc.

    Sana mga alternative candidates naman ang suportahan natin mga kababayan.

  16. Kay Gibo ka na lang lolo Haydeen. Forget mo na Erap mo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: