Posted by: Mer Pints | February 14, 2010

Policarpia, Nasaan Ka! Anong Balita?

“Policarpiaaaaa!”

“Anooooooo!”

“Nasaan ka?”

“Nasa trono, bakit?”

“Na naman?”

“Anong magagawa ko e laging may lumalabas sa akin na sama ng loob.”

“Pang ilan na iyan, Edsa 2 o Edsa 3?”

“Edsa 3, naudlot pa. Kasi inistorbo mo ako.”

“Anong balita, may dala kang diyaryo kanina.”

“Si Kris mawawala na sa TV. Si Kalbo na lang ang matitira. Pinagli-leave of absence muna siya ng COMELEC.”

“Luma na iyan. Noong isang Linggo pa.”

“Ay oo nga, kasi luma na itong tabloid na dala ko. Pamunas ko lang sana?”

“YYYYYYKKKKKKKKSSSSSS, mag-toilet paper ka na lang baka magka-UTI ka pa niyan.”

“Wala, magaling na. Pero on going pa ang medication ko ready for the Valentine’s day. May reservation na kami.”

“Magmo-motel pa kayo ng boyfriend mo ang lagay na iyan?”

“Malaki naman ang discount, at saka paminsan-minsan lang naman ito.”

“May nagbabantay na taga BIR doon baka may makakikilala sa inyo lagot ka kay Balyena.”

“Hindi, sa besperas kami. Pang-Chines  New Year naman daw si Balyena.”

“Nakakalamang ka, pangkabit iyong araw na iyon a….”

“Hindi bale mareng Mer, hindi naman alam iyon ni Balyena. Mabuti nga pinagbibigyan pa siya.”

“Hanggang kailan ba kayo ganyan  mareng Poly? Baka madagdagan na naman ang bunga ng inyong pagkakasala.”

“Mareng Mer alam mo naman na dito na ako nalubak kaya dito na rin ako babangon. At saka hindi naman ako fertile ngayon.”

“Ewan ko nga ba sa iyo Mare, kapit tuko ka na yata diyan sa boyfriend mong medical representative. Representative nga siya hindi naman Tongresman.”

“Ang sakit mo namang magsalita mareng Mer, kahit papaano naman ay sinusuportahan niya si Junior.”

“Sa Orig, may anak ba siya doon?”

“Wala, pero sa ibang babae mayroon.”

“Ang tulis-tulis naman niya?”

“Matamis siya kasing magsalita, maporma pa. Nakakalaglag panty ang kanyang mga nangungusap na mata.”

“Policarpia hindi sa nanghihimasok ako sa buhay mo. Concerned lang ako sa iyo bilang kaibigan. Iyang pagtatae mo lagi ay sanhi iyan ng stress. Nakokonsensiya ka na sa pagiging kabit mo at sa pagnanasang masosolo mo bilang araw si pareng Ondoy bilang legal na asawa. Pagisipan mo ang lahat, may panahon ka pang mag-bago.”

“Ang tagal naman kasi ng buhay nitong si Butanding, e. Wala na siguro akong pag-asa pang pakakasalan ni Mr. Right?”

“Paki-ulit mo nga mare iyong huling sinabi mo… Mr. Right ka mo? Baka Mr. Wrong. At mareng Poly sa mata ng tao at Diyos malaking kasalanan iyang ginagawa mo.”

Nakonsensiya na si mareng Poly. As usual umiyak na lang nang umiyak. Ilang taon nang ganito ang drama naming mag-kumare mula nang makilala ko siya. Hindi pa rin siya bumibitiw kay Ondoy. Kaya ito, walang katapusang delubyo ang kanyang nararanasan ngayon. Ni hindi nga siya makatuntong sa kanilang bahay at matagal nang di siya kinakausap ng kanyang tatay.

Kaya hindi ko po matitiis itong si kumareng Poly. Ako na lang yata ang natitira niyang kaibigan. Takot na takot siya kay Segundina dahil puros sermon ang naririnig niya dito.

Sabi nga ni Balagtas, “O pag-ibig na makapangyarihan kapag napasok ka sa puso nino man, hahamakin ang lahat makamtan ka lamang.”


Responses

  1. Teka, sino ba ang dapat bigyan ng adbays dito?

    ‘Yung makating si Poli? O, ‘yung naaaaaapakabait subalit kunsintidor na kumare?

    Hapi balentams tu ol.

    Ingat kayong nakatanggap ng libreng condom mula kay goyang. Gamit na ni Pig G ‘yung mga ‘yun. Delikado.

    Kaya nagagalit ang mga taga-simbahan. Hindi sila binigyan eh magsiselebreyt din daw sila ng Balentayms ng kani kanilang Rosario.

  2. Kuya hindi lang iyong asawang balyena (pero maganda iyon noong araw, tumaba lang sa konsomisyon.) at ang kabit ang dapat bigyan ng advice, pati pa iyong kumareng kunsintidora.

    Matagal ko nang pinagsasabihan iyang si Poly kaya broken record na daw ako sa kanya. Makita lang ang anino ko kakaripas na kaagad sa takbo.

    Bakit ko hindi siya pagsasabihan niyan, naging staff ko si Poly noong araw. Napakahusay niyang magtrabaho iyon ng lang at nadali ng isang lalaking hindi na nagkasaya sa isang babae. (Bakit ganyan kuya Mag, kung babae ang nanlalaki ay galit ang buong mundo sa kanya. Iyong lalaki naman na maraming tsiks ginagawan pa na munumento.)
    Naawa ako sa kanya. Iyong nga kagaya nang sinabi ni Mer, kung saan daw nadapa ay doon siya babangon. Papapaanong babangon iyon ay kumunoy na ang pinuntahan.

    Palagay ko ay tama ako, una kasalanan sa Diyos ang adultery. At pangalawa ay may social liability ka kung ikaw ay nangangabit at nagpapakabit. Kuya Magno, di ba tama iyon? Alam ko hindi ka naman ganon kuya di ba?

    Hindi pag-ibig ang ganyan sa akin lang, katangahan at kamundohan.

    Sorry Mer and Poly, I will always say the same thing over and over again until na matauhan iyang is Policarpia.

    At hindi lang iyan Mer, ayaw ko ‘yong sinasabi ni Poly sa akin na bakit hindi ko raw suboking magkaroon ng boyfriend nang malaman ko kung paapaano mabuwang(?) sa pag-ibig. “Palibhasay walang nagmamahal sa iyo kaya ka ganyan” mantakin mong sinabihan ako ng ganito.

    May nagmamahal nga sa iyo, may kahati ka naman sa kanyang puso (o maramin kayong niluluko niya) anong mukha ang ihaharap mo sa publiko.

  3. Seg,

    Alam mo, may mga pagkakataong ang isang tao ay hindi rin marapat na laging bagsakan ng sisi, katulad ni Policarpia na naging bulag sa tawag ng pag-ibig. Meron kasing tinatawag na tamang pangyayari sa maling pagkakataon. At ‘yan ang nangyari sa kanya.

    Kung natatandaan mo, nasabi ko nang minsan (sa CD ‘ata ‘yun, nu’ng ako ay magbabakasyon upang dumalo sa pagtatapos ng aking bunso) na ako ay hindi isang santo. May mga pagkakamali din ako na pinupunan at pinagsisikapang itama.

    Ang anumang pinagdadaanan ng tao, katulad nitong si Poli ay bahagi lamang ng pagsubok na inilatag sa atin ng Panginoon sa ating npananatili sa mundo, at marami din ang hindi pumamapasa sa mga pagsubok na ganito.

    Huwag nating husgahan ang ating kapwa upang tayo ay hindi husgahan ng iba.

    Iisa lamang ang maaaring magbigay ng hatol at paghuhukom – ang Dakilang Lumikha.

  4. Tama ka kuya Mags. Huwag husgahan ang sino mang nagkamali. Iyong pagkakamali ng lang ang siyang tinutuligsa.

    Sabagay may mga taong mahal ka sa buhay hindi mo man sila kadugo kaya pinipilit mo silang ituwid sa kanilang mga pagkakamali.

    Sbagay tama din kayo, kasi kung minsan ay ating ibinabase kung ano ang tama sa ating mga karanasan. Pero tayo iyon at hindi sila. With all my convictions alam ko mali si Poly pero anong magagawa ko kung iyong ang kagustohan ng kanyang puso.

    Kay Poly ko kasi naramdaman kung papaano ang maging isang ina kahit hindi naman kami gaanong nagkakalayo ng edad. Ganon pala kuya Mags kapag ikaw ay patuloy na binabale wala ng iyong anak sa iyong mga pangaral ay napakasakit para sa magulang ng nagmamahal. Ordinaryong tauhan ko lang noon si Poly ngunit daig ko pa ang maging isang nanay sa kanya sa mga pangaral.

    Sabi nga ni Mer, huwag ko na siyang intindihin kung ano ang gusto niya dahil may sarili na siyang bait.

    Ang hirap pala maging nanay, kahit kaibigan mo lang nasasaktan ka pa rin kapag ang mga taong malalapit sa iyo ay napapariwara. Kagaya itong nangyari kay Poly, nakakawalang gana at wala ka (me personally) nagawa upang pangalagaan ang kapakanan ng iiyong mga kaibigan. Para ki ka pang naging professional counselor kung bigo ka sa mga taong malalapit sa iyo.
    Tama nga ang principle na sinusunod namin sa counseling, hindi kami ang nagdidisisyon sa aming mga ginagabayan, sila. Wow!

  5. Seg huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa sa issue. Hindi iyong tao ang ating tinutuligsa dito kundi iyong pagkakasalang ginagawa ng tao.
    Kung nasasaktan man iyong tao ay dahil katawan niya ang nasasakupan ng paggawa ng kasalanang iyan.
    Compassion tama ka diyan. But compassion without correction is wrong.
    Mala-ala ko tuloy si maestro Fidel noong nasa high school pa kami.
    “Bobby naniniwala ka ba sa ten commandments”
    Sagot ko ka maestro Fidel, “opo.” Kasi iyan ang katuroan ng mga pari at mga saradong Katoliko ang aking mga angkan sa Pangasinan. Dumadayo pa nga sila sa Manaoag.
    “May mali doon.”
    Saan po ang tanong ko.
    Sa parting Huwag mong agawin ang asawa ng iyong kapitbahay. “Kaya Bob kung hindi mo kapitbahay iyon ay puwedi mo nang agawin ang kanyang asawa di ba?”
    Alam ko ay nagbibiro lang ang aming Industrial Arts teacher kaso later ay nabalitaan ko na lang na namuurobleme siya sa kanyang panganay na babae. Nanlalaki ito.
    Masakit na biro di po ba?
    Sa moral perspective nito, kung hindi mo siya asawa ay huwag mo siyang gagalawin.
    Maliwanag ang sabi ng Bibliya diyan.
    Bakit tayo nagkakasala, bakit natin isinasantabi ang biling ng Bibliya?
    Kasi mas mahal natin ang ating mga sarili kay sa ating lumikha.

  6. Mga ganitong topic ang kinatatakotan ko ngayon. Parang pinagkakaisan yata ninyo ako.
    Hindi masaya ang Valentines day namin. Kung sino kasi sa mga kakilala namin ang nag-email ng pictures na may kasama akong OFW galing ng Greece na nagkakape. At hindi ko rin alam kung bakit magkaholding hands pa kami sa table e para nagkakape lang.
    Wala ba sa inyong dalawa ang gumawa nito?
    Tama iyong babae pero iyong picture ko raw ay mahirap ngang makilala kung ako dahil malabo at may kadiliman.
    Kumuha na nga lang ng picture ay cellphone pa ang gamit. Dapat iyong pang papapratzzi para mas malinaw ang ebidensiya.
    Mga babae kasi, masabi lang may kasamang ibang babae ang mister ayon nagpuputak na sa galit.
    Paano ngayon iyan ni hindi ko man lang mahipo sa siko ang misis ko.
    Sumasakit na tuloy ang puson ko.
    Mabuti kung hindi pa bumalik sa America iyong byudang kaibigan ko nang may mapagsasabihan ako ng sama ng loob.
    Kung sino man ang may kinalaman sa inyo nito, wala lang. Haha.

  7. Kaps, baka may UTI ka na. Delikado ‘yan. Baka mauwi sa ovarian cancer.

    Ano sa palagay mo, Doc?

    Tawagan mo la’ang kaya, Kaps si Mary Palmer. Mahusay sa pisyo terapi ‘yun, ah.

    He he he heeeh!

  8. Ay, naku! Mali pala.

    Betlogan cancer ang ibig kong sabihin. Ovary sa bakla lang pala ‘yun.

    Tama ba ako?

  9. Pareng Mags hindi UTI, mali yata yong term na nagamit, nagtatampo lang iyong pumapasok lagi doon sa nagkaka-UTI dahil ayaw pahipo ng may-ari at nagtatampo. Ni hindi nga maibaba iyong bandila ng Hapon dahil may nakabantay doon na Kamikazi.
    Ganado pa namang makipagsabong itong manok ko e ayaw papasukin.
    Kailangan siguro dito ay haranahin iyong Reyna para papasukin iyong tigasing manok at makalipad uli sa alapaap ng kaligayahan. Hehehe.

  10. Sandali lang pare, tinatawag na ako at pinapapasok sa kuwarto. Giyera na sa kama ito, hahaha.

  11. Huwag kang basta papasok sa kuwarto. Baka kunyari lang ‘yun para masukol ka’t mangumpisal. Hindi mo alam baka may hawak ‘yung pamalo o kaya’y salapang.

    Labas niyang kakambal mo’y sarsiyadong dalag.

    Huwag naman sana!

    He he heeh.

  12. Yes!
    Pareng Mags naka-score na tayo three points. HaHaHa. Hindi raw ako iyong nasa picture na katabi ng OFW. Sinipat daw ng mabuti ng may pagka-doleeeeng na staff ni Tisay. at iba ang nakikita niyang lalaki sa larawan. Isang Turkiano o di kaya Arabo daw. Hehehe.
    Mabuti na lang nabigyan ko ng pambili ng lipstick bago mag-Valentines itong si Cora. Salamat Corazon. May Bonus ka pa sa akin.
    Walang ka-hirap hirap. Sakay kaagad sa Barko patungong Midway, hahaha.

  13. As usual balik pre-school uli kami for the class recitation.
    Again, repeat, once more!

    May soup no. 5 ba kayo diyan? Bulalo kaya? Balut? Nangangatog na kasi itong tuhod ko.

    Pareng Mags ang hirap pala magboating-boating na hindi ka pa naka-inom ng gamot pang-rayuma. Hahaha.

  14. Mer may paguusapan tayo, you tell me the truth please. Nothing but the truth.

  15. Ano ba naman po kayo Kap, Ako pa ang pinabibintangan ninyon. Maniwala po kayo Kap wala akong kinalaman diyan. Alam naman ninyo na hindi ko ugaling nakikilaalam sa private life ng kahit sinong tao.

    Pero Kap paanong hindi kayo ang nasa picture e, kitang-kita ko kayo na nandoon nang kunan kayo ni Segundina.

    Ay, mali! hahaha!

    S-sorry aalis muna ako at may ipoposte pa ako sa PI.

  16. Ma’am T kung nagbabasa ka man ngayon ay biro lang po iyong sinulat ko. There is no other woman po sa buhay ni Kap. Nobody but you. Hehehe.

  17. Nagpakonsert na si Villar at Aquino. Ano ito pangguguyo sa mga kabataan para bumoto sa kanila?

    Wala akong nakikitang pagbabago sa dalawang ito.

    Kawawa naman ang bayan.

    Puwedi ba mga bago namang salta kahit sino huwag lang Erap, Noynoy, Villar, etc.

    Sana mga alternative candidates naman ang suportahan natin mga kababayan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: