Posted by: Mer Pints | February 4, 2010

“Wala pong duwag na taga Tondo”

Naala-ala ko tuloy ang maikling tula ni lolo Tikyo na napulot lang niya kung saan saan diyan:

“Andres Bonifacio matapang na tao/ Hatakin sa ulo hindi tatakbo/ Hatakin sa utin tatakbo ng matulin!”

Si Ka Andres Bonifacio ay isang marangal at matapang na tao. Galing man sa mahirap na pamilya ay labis-labis naman ang pagmamahal sa bansa. Siya’y taga Tondo, (kagaya din nina Dolphy at Erap) matapang at hindi umaatras sa laban. Itinatag niya ang Katipunan na siyang naging malakas na puwersa upang palayain ang bansa sa kuko ng mga Kastilang sumakop sa atin ilang daang taon nakakalipas. Sa kanya unang nadinig ang sigaw ng pakikidigmang ito: SUGOD MGA KAPATID!!!

Sa Senado isang senador naman ang sumugod at tumayo upang ipagtanggol ang sarili (at sabihing hindi siya duwag) sa mga akusasyon laban sa kanya tungkol sa C5 Road Extension Project na di umano’y may anomalyang involved.

“I stand before the Senate and the People of the Philippines in defense of my name, my honor, and dignity against my accusers in the so-called C5 controversy. To set the records straight and to prove to everybody na hindi ako duwag at hindi ako sinungaling. Wala pong duwag na taga-Tondo.”

Ilang hearing na sa Senado ang kanyang inisnab, dahil sa kanyang palagay ay wala siyang makakamtan na hustisya. Puro pulitika lang daw ang puno’t dulo ng mga akusasyon laban sa kanya. Sinagot na raw niya pero kahit anong paliwanag ang gawin ay hindi mo mapagpapaliwanagan ang isang taong nagbubulag-bulagan.

“Sabi nila ako ay masyado daw mayaman. San daw galing ang yaman ko? Pilit nilang nilalagyan ng malisya ang pag-ahon ko mula sa kahirapan. Magpapayaman pa daw ako pag nanalo. Babawiin ko daw ang ginagastos ko sa kampanya.”

“I can explain my wealth. I am the principal shareholder in  a public company that I founded. From a small gravel and sand enterprise 30 years ago with but an old beaten up truck as its main asset, I have been able to grow it into a trustworthy, viable, and solid real estate company. Naging pinakamalaking homebuilder bago pa ako pumasok sa pulitika. In fact, nakapag-raise po kami ng pera at ako naman ay pinalad kahit papaano marami pong nag invest. Binenta ko parte ng aking kumpanya at malaki ang kinita namin doon. It is a matter of public record at pwede naman pong tignan kahit maski sino po.”

Kaya mga kapatid hindi ng naman makatarungan na siya’y paratangan ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. Di ba, at bakit? Why, ito ang kanyang pagpapaliwanang:

“Hindi ko kailangan ang P200 million na sinasabi nilang nakimkim ko sa proyekto ng C5 extension. Di pa sila nakuntento, pinalaki pa ito. Pagkatapos ng so-called investigation nila ay P6 billion na raw ang napunta sa akin. Nakakatawa sapagkat hindi pa na re-release ang nasabing P200 million. Pero minsan kung makarinig ako ng ibang kalaban akala mo ay binulsa ko ang P200 million and yet they know hindi naman ni-release yung pera na iyon.”

“Pangalawa, kung i-release man ito ay di dadaan sa kamay ko yan dahil ang DPWH ang implementing agency. Pero nililito po ang ating mga kababayan, kung magsalita binulsa P200 million. Paano binulsa e hindi naman ni-release ni hindi ko kilala yung contractor.”

Uulitin ko po. Pulitika na naman ito.

“Dalawang taon na po ang isyung ito. Hindi ko ubos-maisip kung bakit naggugugol po ang Senado ng ganito karaming oras upang ipilit sa taumbayan na ako ay magnanakaw.”

“Pilit na sisinira ang aking pangalan. Tinalakay nang napakaraming ulit na itong C5. Nadinig ko na ang mga akusasyon. Inihayag ko na ang aking saloobin at depensa nang napakaraming beses na din.”

“Walang makapagsasabi na hindi ako sumagot sa mga paratang sa Senado. Nandito kayong lahat noong ako ay nagsalita dito. Nagsalita na din akong mahigit daang-daang interview na ibingay ko sa media. Nandito po ang ating mga kasamahan sa media. Sa radio, print and television. Nagsalita na ako sa daang-daang mga forums ipinapaliwanag itong C-5 issue. Linagay ko ito sa website. We printed tens of thousands of pamphlets explaining the C-5 controversy. Nag-advertise kami sa aking hangarin na maipaliwanag sa tao ito diretso. Dinala ko ang mga journalists dito sa C-5, sa dalawang kalye doon. Wala akong nilihim tungkol sa aking partisipasyon sa marangal na proyektong ito.”

“Ako’y nananawagan na sana’y maging patas naman ang aking mga kasamahan sa Senado. Noon ko pang sinabi at pinatunayang wala akong kasalanan at walang anomalya at katiwalian sa C5. Wag po nating hayaan na maging kasangkapan ng pulitika ang napakagandang proyektong ito.”

Marami pang ibang sinabi si Ka Manny sa kanyang privilege speech na hindi na natin mailalahad pa dito. As usual ay sinagot niya ang mga paratang at ipinagtanggol ang sarili. Hindi siya magnanakaw at kailanman ay hindi siya yumaman nang dahil lang sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Sabi nga ni Dolphy sa paid advertisement ni ka Maning sa TV marangal at malinis pong tao ito. At wala siyang ninakaw. Bagamat marami diyang naninira sa kanya. Would you believe?

At habang nasa kanya ang floor at nagsasalita, taimtim namang nakikinig naman ang mga senador (kasama o kaaway man sa pulitika) at gayon din ang mga tao na sumusubaybay dito sa radyo at telebisyon.

Pero pagkatapos niyang mag-privilege speech ay bigla siyang umalis (kung baga ay kumaripas ng takbo) at hindi na nakapaginterpeleyt pa ang mga ibang senador na kanina pang kating-kati nang magtanong, magsalita at bumanat ng mga isyu laban sa kanya.

Ay buhay, Santo Escapo dagidiay nga timmakbo, aruyyyy. Siguro may belat pa sabay sabi: b-bebebebe buti nga sa inyo!

Ito ang taga Tondo, ito ang matapang na tao. Tumatakbo siya ngayon bilang pinuno ng bansa. Tandaan ninyo iyan.


Responses

  1. Bakit taga-Tondo ba si Villar? Kung totoo na taga dun sya, therefore ay meron nag-iisang duwag sa Tondo. S’ya! hahaha!!!

  2. Takbohing bayani, bitbit ang yag-ba. Hehehe

  3. Wala kang itinatagong baho na hindi malalantad.

    Darating at darating din ang araw na sisingaw iyon.

    Joke: Basurang itinapon mo ay babalik din sa iyo. Kalsadang tinakbohan mo ay ililigaw ka nito balang araw.

    What else I can say? Sana walang taga Tondong tumatakbo sa pagtatanong ng senado.

    Siiya nga pala dating batang Tondo rin ako, madalas tumakbo kapag napapatrouble ang mga barkada ko noong binatilyo pa ako.

    Ngayon ay batid ko na na hindi pala ako nag-iisa.

  4. Doc,

    ‘Yang pagtakbo ay hindi naman masama. Nakaktulong pa nga sa kalusugan ng mga tao, di ba? Marami na ang sumikat diyan, napatanyag sa bawat sulok ng mundo. Mga babae pa nga ang iba.

    Subalit, iba naman ang kaso ni Maneng Taga. Kumbaga’y ginamit la’ang niya ang pagiging laking Tondo daw niya at anak mahirap at ako’y naniniwalang lumaki nga siya sa Tondo doon at hanggang ngayon ay mahirap pa din siya pero ngayon ay hindi na doon nakatira.

    Mahirap paniwalaang talagang naging mahirap siya subalit walang kahirap hirap para sa kanya ang kasangkapanin at gamitin ang pagiging mahirap ng mga napaniwala niyang mahihirap at hindi rin mahirap sa kanya ang papaniwalain ang kanyang sarili na hindi siya mahihirapang maluklok sa malakanyang at ipagpatuloy ang pang-uutong ginawa ng mga sinungaling na nakatira doon na nagpahirap sa mga mahihirap.

  5. Magulo ‘ata ‘yung aking tinuran sa itaas, ah.

    Kahit ako’y nahihirapang intindihin ‘yun, eh.

    Nahihilo ako.

  6. Dok kaya pala buhay ka pa hanggang ngayon dahil lagi mong tinatakbohan sina boy taga at boy pana.

    Pero ang hindi mo natakbohan ay si boy tagay. Masarap yata ung pulutan kaya tinutuhanan mo na ang tumagay.

    Pero ang hindi mo natakbohan ay si Tatang Sumpak kaya sa halip na sa kalsada ka tumakbo, sa simbahan ka tuloy napadpad at naiiyak na nagsabing “I do” hehehehe.

  7. “Andres Bonifacio matapang na tao/ Hatakin sa ulo hindi tatakbo/ Hatakin sa utin tatakbo ng matulin!”

    Girl, mas maganda ang tunog iyong version ng Kapampangan nito. Nadinig ko na iyon sa isang workshop, lahat kami ay humagalpak sa tawa.

    Nakakaaliw kasi iyong accent.

  8. Mer, may mga pakontest pala si Ka Manny. Umaabot ang 25K iyong papremyo niya sa isang show, at araw araw iyan maliban sa linggo.

    Iba na talaga ang mapera. Hindi na bale bilyon-bilyon ang mawala sa iyo basta ikaw ay maging pangulo.

    At sa maniwala ka o hindi, hindi raw niya babawiin ito sa kanyang pagkapangulo if ever he wins.

    To see is to believe, hehehehehe.

  9. Alam ko rin iyong Bonifacio joke kapampangan version. Maganda yung tunog kaya lang mas gusto ko iyong original version nito sa tagalog. Besides mahirap gumamit ng mga regional jokes dito baka maka-offend tayo ng iba.

  10. Iyong isang game sa noontime show ng kapuso network? Siya ang nagbibigay ng premyo? Iban level na ito ng pangangampanya ano. Hindi na kaya sakop iyon ng election law? Tama ka Seg, iba na talaga ang mapera. Prepared si Ka Manny sa pagtakbo, he has all the money to run… Hey run Manny run, Noynoy is on the way…hahaha.

  11. Meron akong nasagap na impormasyon tungkol naman sa 2013 local election kung saan may mga grupong magpapa-file upang ang kanilang partylist group ay i-akredit ng bagong (nga bang) Comelec. Ang layunin nila ay tunay na pagbabago para sa ating bansa.

    Mamili na kayo kung saan sasama:

    Bagong Alyansang Ayaw kay Gloria (BAYAG)

    Kontra Elitista Para sa Pagbabago ng Sistema (KEPPS)

    Grand Alliance for Good Governance (GAGGO)

    Samasamang Ugnayan ng Sarisaring Organisasyon (SUSO)

    Bukluran ng mga Alyansa Kontra sa Lumalang Urban Squatting (BAKLUS)

  12. Bukluran ng mga Alyansa Kontra Sa Lumalalang Urban Squatting (BAKLUS)

  13. HAHAHAHAHA!!!!

    Tito naihian ko tuloy.

    Grabe iyong acronym na BAYAG, hahaha.

    Manghihila ng bayag niyang si Goyang.

  14. Magoorganize na kami ni Seg para din sa isang Partylist.

    CLITS -Capital and Labor Initiative for Teachers Survival

    Ojective: To represent in Congress Teachers’s interests as labor and capital partners in school and other educational organizations.

    Vision: Competent teachers adequately equipped financially and technically.

    Mission: To seek equal rights and opportunities for all teachers be in private and public schools.

    Objective: To fight for teacher’s rights, freedom, dignity, and compensation.

    Support the Clits!

  15. Mer,

    Meron ngang sumulpot na isa. Parang hindi na ‘ata tinuloy dahil baka hindi palusutin at nauna na nga ‘yung BAYAG. Ganun din siya, Bagong Alyansa pero mas may dating sana.

    Bagong Alyansang Ayaw Galangin ni Gloria (BAYAG ni Gloria)

  16. Ay naku Mer nagsayang ka pa ng oras. Sa pangalan na lang tiyak na sasabihin ng COMELEC na bastos iyan.

    Mantakin mo pati mga lalaking teachers na sasali dito ay tatawagin nilang CLITS?

    Pero alam ko na ang sasabihin mo, na mahilig din ang mga lalaking maglaro ng….

    Sorry po muntik nang madulas, hehehehehehe!

  17. ‘Yung mga kaalyado ni gloria ay meron na namang partylist na ipaparegister daw.

    Nagkakaisang Alyansa ng mga Kawaning Ayaw sa Waldas (NAKAW)

    Kalipunan at Ugnayan Para Isulong ang Tama (KUPIT)

  18. Kuya Magno hindi na po yata matatanggal iyong salitang nakaw kapa nababanggit ang pangalan ng pangulo. For life na ho kaya ito?

  19. Mer speaking of matapang, ito ang kuwento ng isang amang matapang na nakipagsapalaran sa Dubai alang-ala sa kanyang mga minamahal na anak.

    This is the link
    http://bobonyo.wordpress.com/2010/02/

  20. Doc.B,
    El amor verdadero está desprovisto del egoísmo. Si usted piensa adorar está seguro dar libertad para otros mover. Usted no puede atar el cariño de personas so pretexto de amor.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: