Posted by: Mer Pints | January 15, 2010

Bilis, Lalabas na, Sasabog na!

Bilis, lalabas na, sasabog na!

Si mareng Poly hindi mapakali, nagsisisigaw. Nagpa-panic na at gustong lumabas sa loob ng kotse. Ngunit nasa gitna kami ng EDSA malapit na sa Mega Mall kung saan kami ay pupunta.

Kaso ma-traffic. Ako rin nag-papanic na. Hindi ko alam kung papaano ko ilulusot ang aking kotse nang makapasok lang kami ng mabilis sa loob ng parkingan ng mall.

Lusot dito, lusot doon. Bosina.

Muntikmutikan na akong makabangga ng sasakyan at mga taong tumatawid nang alanganin.

“Mare, bilisan mo po at hindi ko na kaya ito. Hindi ko na matiis pa, pleassssse!”

“Ito na nga binibilisan ko, relax ka lang diyan.”

Paano kami makakalusot e barado naman ang kalsada sa dami ng mga sasakyan na usad pagong sa unahan. Kasalanan ng mga lintek na bus na iyan.

“Mareng Mer okay lang ba kung dito ko na pakakawalan ang aking...”  ang bulong niya sa akin.

Kinabahan ako kay inawat ko siya kaagad.

Mare huwag kang gumawa ng eskandalo dito sa loob ng aking sasakyan. Huwag kang maghasik ng lagim please. Maawa ka sa kotse ko.”

Mabuti na lang natiis pa ni mare. Na-control pa niya ang kanyang sarili.

Pero pagdating sa parking lot kaagad na niyang binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas na. Hindi na niyang hinintay pang maiparada ko man lang ng maayos ang sasakyan.

Deretso kaagad sa loob ng Mall na tumatakbo. Hinarang naman ng mga guwardia pero hindi siya nagpapigil. Tuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Kaagad nagtawag ng iba pang mga sikyu upang siya’y habulin.

Malapit na siya sa Comfort Room nang biglang may sumunggab sa kanya. Isang sikyu. Pero nagpupumiglas siya sabay sigaw: “BITIWAN NINYO AKO, NATATAE NA AKO! LALABAS NA!”

E, di binitawan, pasok kaagad sa CR ng mga babae. Puno! Maraming nakapilia doon.

“S-sa CR na lang ng mga lalaki,” may nagsabi sa kanya. Takbo siya doon kaagad kahit hinihingal na.

Nagkagulo naman sa loob nang makita siyang papasok. Nahiya tuloy ang mga lalaking dumidyingel. Hindi malaman kung papaano nila takpan ang kanilang mga ari. Nahihiya baka mabisto pa ni mareng Poly na maliliit lang ang kanilang mga sandata.

“M-miss sa mga lalaki lang ito. Bawal pumasok dito,” ang awat sa kanya ng janitor.

Gago, panlalaki din naman ang akin a…” Tuloy kaagad sa isang bakanteng cubicle.

Prrrassssst…. Boom! Prrrrrrssssst… Booom uli.

Tawanan naman sa loob ng CR ang mga lalaking bahagyang naudlot  ang pag-dyingel. Hindi na sila pinansin pa ni mare. Ang mahalaga nairaos niya ang bunga ng kanyang katakawan ng kinilaw na talaba.

Napangiti si mare. Nakasimangot naman ang mga lalaking dumidyingel sa naamoy.

Kaya paglabas ni mareng Poly sa CR, wala nang natira pang lalaki sa loob. Simbilis ng kidlat iniwanan ang gas chamber dahil mahal pa nila ang kanilang mga sariling buhay.

“O, ano nang nangyari mare,” ang tanong ko kaagad na makita ko siya.

“E di nakaraos na. Nawala na ang sakit na aking tiyan.”

Pero ang sama-sama ng tingin sa amin ng mga lalaking nakaamoy ng weapon of mass destruction ni Mare. Nagtatakip pa rin sila ng panyo sa ilong.

Kung si Mare ay tuwang-tuwang nagkukuwento sa mga nangyari ako naman ay halos matunaw na sa hiya.

“O ano, sa Istarbak na tayo,” ang yaya kaagad sa akin ni mareng Poly.

Nauna siya, sumunod na lang ako na parang langaw. Hahahaha!

(Note: Mag-ingat lang po tayo sa ating kinakain lalo na iyong kinilaw na talaba. Kadalasan po a nalalagay sa alanganin ang mga kumakain nito lalo na kung nadadamihan nila. Masarap ho kasi . Hehehe.)


Responses

  1. Tito Magno kumusta na po kayo? Magaling na po ba kayo? Magpagaling ho kayo at ipagpi-pray kayo namin.

    Siya nga pala, sana po ay nagustohan ninyo itong true to life comedy at unforgettable experience namin ni mareng Poly. Hehehe

  2. Mer,

    Okey ang iyong bagong akda. Karaniwan talagang nangyayari o pangyayari sa karainiwang tao.

    Hindi ko masasabing okey ako dahil malimit ang atake sa akin. Katulad ngayon, parang namamanhid ang buong katawan ko habang tinitipa ang comment na ito.

    Sinisikap kong labanan ang pagkahilo. Katatapos ko lang uminom ng Betagen.

  3. Sige po ingat lang kayo.

  4. Hahahaha

    Grabe ka Mer. Iyan ang mapapala mo sa pagsama-sama mo sa kung sino-sino naglilibre sa iyo.

    Mabuti hindi ka nabomba sa loob. Ay, ano kaya kung sumabog iyong bomba ng kumare mo sa loob ng iyong kotse.

  5. The moral of the story, huwag kang magpapasakay sa iyong kotse ng taong kargado ang tiyan ng kinilaw na talaba.

  6. Gusto mong libre? O, eto si Joy magbo-blow out na three months from now daw.

    Sabay pa yata sa pagpapakasal niya ang kanyang blow out. Hehehe.

  7. Bago magkaroon ng malawakang polusyon sahil sa pagkain ng kinilaw na talong at tahong, balik uli tayo sa pulitika:

    Kay hirap talagang mamili sa ngayon
    Sa pagdarahop ang sa ati’y mag-aahon
    Sa mga kandidatong pagbabago ang himatong
    Pangakong kaunlaran, magmula pa noon
    Hindi pa yata ipinanganak maging si Limahong.

    May nagsasabing kapag siya ay nahalal
    Sa pamumuno niya’y kikilalanin ang bayan
    Gradweyt sa Harvard sa bar ay namber wan
    Para bagang hindi natin noon ay napakinggan
    Katulad na hirit niyang siya’y pagkatiwalaan.

    Subalit paanong siya ay tatanggapin
    Kung ang anino niya’y kadikit ng salarin
    Buntot ng magnanakaw, timawang sinungaling
    Gahamang nagkanulong sa ati’y umalipin
    Manlilinlang na ganid at kampon ng dilim?

    Ang isa ay nagbanbando ng kanyang nagawa
    Mula pa noong meyor hanggang maging katiwala
    Sa sikat na Subic, sa kagalingan ng madla
    Sa misyon ng Red Cross na inaring kanya
    Maging sa senado’y parang sikat siya.

    Kung galing at nagawa ang pagbabatayan
    Maaaring siya na nga itong kasagutan
    Sa ating malaon ng mga katanungan
    Pag-asang darating nga ba ay kailan
    Sana ay siya na nga ang sasagip sa bayan.

    Ngunit may tanong pang kailangang masagot
    Hindi sa kakayahan niyang paglilingkod
    Bagkus ay ang gagawin sa mga gahama’t buktot
    Sa kaban ng baya’y walang sawang humuthot
    Ano’ng gagawin kapag siya ang naluklok?

    Eto naman ang idolo ng mga masisipag
    Dahil sa tiyaga kaya siya ay umunlad
    Aakayin ang madla na sa kanya ay tumulad
    Huwag daw ikahihiya kung ngayon ay salat
    Dahil darating din ang biyayang hangad.

    Sino nga ang hindi sa kanya ay hahanga
    Kung pag-uusapan ay gawang pagkalinga
    Lalo’t sa kapakanan ng mga manggagawa
    Mga OFW’ng nasa malalayong bansa
    Na kanyang binebentahan ng tirahang magara?

    Dumako naman tayo sa anak ng bayani
    Ng magiting na si Ninoy at nitong si Tita Cory
    Hindi pa man nag-uumpisa’y gisa na sa derby
    Sari saring pukol merong pang galaiti
    Utak daw ng masaker sa asyenda nangyari.

    Medyo personal na ang sa kanya ay banat
    Lahat ay kinalkal na, lahat ay binulatlat
    Pati ang pagiging autistic mga kritiko’y niladlad
    Buong pagkatao niya’y tuluyan ng winakwak
    Maging ang dangal niya’y walang awang winarak.

    Paano pa ang tanong kung siya ang mananalo
    Pakialamerang kapatid ba ang siyang magmamando
    Sa pagiging taklesa’y walang sinisino
    Hindi kaya mas lalong magiging magulo
    Kung silang muli ang uupo doon sa palasyo?

    Nakupo, ako ngayon ay hilong hilo na
    Hindi ko malaman pipiliin ay sino ba
    Nandiya’t nagbabalik ang idolo ng masa
    Nangangakong muli ng bagong pag-asa
    Paano tatanggapin kung sumablay noong una?

    Iboboto ba natin ang hawak ay bibliya
    Isang dating sa bundok ay matagal tumira
    Ano’ng pagbabago kaya itong hatid niya
    Kung dal’wang panginoon ang kinikilala
    Hindi kaya ikapu’t buwis ay biglang magsama?

    Environmentalist siyang nangakong magbibigay
    Ng mailap na pagbabago at buhay na matiwasay
    Pag-asensong aasahang walang pagkasablay
    Lahat daw ng ito ay nangakasalalay
    Sa kanyang masinop at mapagpalang mga kamay.

    Buhat siya sa angkan ng mga ‘merkano
    Mas piniling maging isang tunay na Pilipino
    Konsehal sa siyudad ng makasalanang ‘Gapo
    Umuumit ng tiwala upang siyang mamuno
    Puhunan niya’ kabataan at tunay na ideyalismo.

    Isang babaeng matapang, walang sinasanto
    Walang takot sa pagharap maging kahit sino
    Siya ba ang sagot na dapat na mangulo
    Upang matapos na ang lahat ng ito
    Kasagutan ninyo, ang sigaw ko’y saklolo!

  8. Everyone,

    Pasabihan na lang ako kung wala na si artsee/peter chanco (pechanco) sa PI and I’ll sign up again.

    Wala akong tyaga sa mga character na ganyan. Nasabotahe na ang CP, pati PI…huh!

  9. Hayaan ninyo po at magmamatyag kami ni Seg. Kayo ang una naming pagsasabihan.

    Naasar na rin yata si Seg. Hehehe!

  10. Tita Chi may mga tao talaga na akala ay napakagaling at napakatalino na nila ngunit iyon pala ay puro hangin lang naman ang laman ng kanilang mga utak.

    Upo ka muna sa corner tita Chi at ipagtitempla ko kayo ng kape. Gusto ho niyo ng pandesal na may palaman na matamis na bao.

    Tama ang kuwento ni Seg, puro mababahong hangin ang lumalabas sa kanilang mga utak hindi sa puwet, hahaha.

  11. Seg and Mer,

    Balita ko may nakasagutan daw kayong blogger sa PI? Kaunting mga pasensiya lang mga kapatid.

    Isipin na lang ninyo ang mga readers ninyong nagmamahal sa inyo. Huwag sana ninyo silang bibigoin sa kanilang paghanga.

    Pasensiya na nangaral na naman itong kapatid ninyo.

  12. Nanay Chi,

    Mukhang nairita po yata kayo sa PI dahil sa isang masayaing blogger doon na naglalambing sa inyong lahat.

    Kaunting pasensiya na lang nanay.

    Natutuwa po ako at magaling na si manong Magno. Sana tuloy-tuloy na po.

    My love and prayers for everyone.

    Nanay Chi, smile po mother. Hehe

  13. Hahaha!!! Nag-sign out muna ako sa PI dahil hangga’t makakasagot ang apo ni Ungasis ay hindi matitigil ang sagutan dun.

    Ang gusto kasi e siya ang mag-direct ng PI gaya ng kanyang ginawa sa CD hanggang iwanan ng mga bloggers. Lumipat sa PI kasi wala na syang audience dun na mayabangan. Papatayin na naman ang PI sa pag-astang CEO uli siya sa blog ni Cocoy.

    A, mental ang isang yan, puno ng tae ang isip kaya hindi niya makuha ang humour sa kwento ni Mer.

  14. Hi tita, medyo nairita po tayo ng kaunti kaya lang napag-isipisip ko ay wala din pong mangyayaring mabuti kung papatulan natin siya.

    Si Seg naman ay on leave muna daw siya para magpalamig ng ulo. Kagaya din po ninyo nawalang gana din pansamantala.

    Sabagay, di ba may tinatawag sila diyan na poverty of the mind tita? Does it compute, hehehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: