Posted by: Mer Pints | January 6, 2010

Leave Baguio Alone for the Igorots

(The usual crowd at Burnham Park, Baguio City during the Holiday Season)

“Leave Baguio alone for the Igorots.”

“Are you serious?”

Hindi ko alam kung may dalaw si Segundina o sadyang mainit lang ang ulo. Nasa Burnham Park kami naghahanap ng maparadahan pero siksikan na ang mga tao at sasakyan.

“Tignan mo iyong mga nakasakay diyan sa FX na nakaparada, basta itinapon na lang sa kalye ang kanilang pinagbalatan ng saging at mga sitsiryang kinain,” sabay turo sa isang pamilyang maiingay.

“E sa wala silang makitang basurahan, at saka marami namang taga rito na nagkakalat sa kalye.”

“Nangatuwiran ka pa.”

Hapon iyon.

Kinagabihan nakipag-dinner kami sa mga pinsan ni Segundina na nakatira malapit sa Teachers Camp. Pagkakain ay nakipagkuwentohan kaunti tapos bumalik na kami sa Camp John Hay. Along the way may lalaking pumagitna sa kalsada. Mabuti na lang at nakapag-preno kaagad si Segundina. Koreanong lasing ang muntik na niyang nasagasahan.

Naglabasan ang mga kasama na may mga dalang bote ng alak at lasing din.

“We want to ride, take us to our Hotel please.”

Kumapit pa iyong isa sa side mirror ng kotse ni Segundina. Naniniguro na hindi sila basta iiwanan. Mabuti na lang at may dumating na pulis at inawat sila. Mabait-bait ang pulis at pinayuhan lang na umuwi sila at huwag mangugulo. Mga turista kasi kaya napagpapasensiyahan dahil turismo ang isa sa mga malakas ng pinagkakakitaan dito sa Baguio. Kung nagkataon na local boys ang mga iyon ay baka sa kulungan pa sila nagbagong taon.

“Isa pa ang mga buwiset na iyan, pakalat-kalat kung saan-sasan dito sa Baguio. Aba dumami na parang kabuti ang mga Koreanong iyan…”

Umiral na naman ang pagkamuhi ni Segundina sa mga dayuhang sumisira ng mga magagandang tanawin ng Baguio at mga kompanya ng minahan na sumira sa mga kabundokan ng Cordillera. Pailing-iling at parang tigreng nangingitngit sa galit.

“Dinaig ng lakas ng mga dayuhan ang iyong mga ninuno upang ipagtanggol ang Cordillera sa pananalanta ng mga minero, magtutroso, at negosyante ang mala-parisong kabundokan ng Cordillera.”

Biglang natawa si Segundina sa sinabi ko.

“At hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pananalanta ng mga dayuhang kagaya mo.”

“B-bakit ako kasali diyan?”

“Katatapon mo lang ng iyong chewing gum sa labas.”

Napahiya ako, alam kung seryoso ang babaeng ito kung tungkol sa kapakanan ng kanyang mga katribu at angkan ang pinaguusapan. Alam ko na suklam na suklam na ang karamihan sa mga taga Benguet at karatig na lalawigan ang mga nagtambak na basura  na araw-araw na nakikita na tila bagang wala nang katapusan pa.

“Seg,  in a way may kasalanan din ang mga taga Cordillera sa isang banda. Ginawa nila kasi ang Baguio na lugar pang-turismo kaya ayan araw-araw na marami kang maituturong problema. ”

“Nagpapatawa ka ba?”

“Hindi.”

Hindi na umimik pa si Segundina. Napikon na ang prinsesa.

Nasa Camp John Hay na pala kami. Pagkaparada ang sasakyan ay tumuloy na kami sa Hotel.

Mag-aalas dose na nang gisingin ako ni Segundina.

“Happy New Year Mer.”

“Happy New Year too Diwata ng Baguio City. ”

Malakas pa sa torotot ng uhuging Korean bug ang tawa ni Segundina.


Responses

  1. In a way (huwag lang awayin) ay tama si Seg dahil kung tutuusin, bawat muisipalidad ay dapat magtayo o maglaan ng mga lugar pasyalan para kanya kanyang mamamayan upang hindi na dumayo pa kung saan saang lugar. Local tourism in its own locality, kumbaga. Tutal gumagastos sila, bakit hindi na lang gastusin sa sariling bayan upang maging aktibong bahagi ng kaunlaran, di ba?

    Di ba may kasabihan tayong charity begins where it should be?

    Paging mga kurakot na lingkod yaman. Tigilan na ninyo ang mga pabalat bungang programa. Magpakatotoo na kayo.

    Create parks for your own constituents para hindi na sila dumayo pa kung saan saan at makaperwisyo kahit gumagastos sa pinupuntahan.

    Bilang pagsalubong sa bagong taon, magbago na kayo para sa ikabubuti ng inyong mga nasasakupan.

  2. Hehe, ganon din sana ang aking sasabihin.

    Kaya kung minsan ay nawawalan din ako ng ganang umakyat sa Baguio dahil hindi na kagaya dati noong mga bata pa kami, ang linis-linis.

    Negosyo, pera, iyan ang sinasamantala ng mga taong mayayaman upang magtayo ng mga establisimyentong pang-turista ngunit kaakibat naman ito ay ang pagkasira ng kalikasan. Classic example ang Baguio at saka Boracay.

    Sa Tagaytay naman ay hindi na pinalampas pa ng mga land developers.

    How could you enjoy the beauty of nature kung wala na ang nature at napalitan ng man made structures.

    Ano Mer, magtatapon ka pa ba ng pinaglaosan mo ng chewing gum sa kalsada? Mabuti hindi ka kinurot ng Diwata sa…hehey!

  3. Doon naman sa pinuntahan namin ay gubat at saka farm ng sari-saring gulay with poultry, kambingan, aqua culture at tilapia farming. Tahimik, malayo sa kabihasnan iyon nga lamang hindi ka makatulog sa gabi sa ingay ng mga insekto. Hehehey.

  4. Una po sa lahat ay nais ko kayong batiin ng Happy New Year.

    May panalangin din ako para sa lahat. May the Lord make this year a prosperous one to all of us.

  5. Mer,

    Hindi lang sa Baguio pero saan mang dako ng daigdig ay unti-unti nang sinisira ng mga tao ang ating kalikasan.

    God made man a steward of his creation. Dapat ay pangalagaan natin ang ating kapaligiran at ang mga likas na yaman.

    Bilang taga Cordillera ay nalulungkot din ako sa nangyayari ngayon sa ating mga kabundokan, lalo na diyan sa Lungsod ng Baguio.

    Magkaisa at muli nating ibangon at isalba ang dating paraiso.

    Anyway darating ang panahon na tayo’y kanyang singiling sa mga bagay na ating ginawa sa kanyang mga nilikha.

  6. Mer hindi sa nagmamaramot tayo, tignan mo na lang kung papaano binababoy ng iba ang kalinisan at kapayapaan sa Baguio.

    Inaamin ko turismo ang ugat ng lahat ng ito. Para mabenta ng mga magsasaka ng Benguet ang kanilang mga strawberry ay kailangan ang turismo.

    Wala na bang ibang paraan para kumita ang mga taga Cordillera maliban sa turismo at sa paggawa ng mga souvenir itmes?

    Sabagay walang masama sa turismo huwag lang abusohin ang kapaligiran at kalikasan.

  7. docB, a contented new year to you!

    Hindi dito sa aking bundok, ito ay palaging malinis at alagang-alaga ng mga rednecks, hehehe. Hindi ko ito ipagpapalit sa New York o California. Ito ang aking sariling Bagiuo.

    Sa mga kwento ninyo sa aking pinaghanimunan ay parang ayaw ko nang bumalik dun. Iniimadyin ko pa lang ay nalulungkot na ako.

  8. Pag-asa ko na lang nanay Chi ay itong mga kabataan natin. Sana sa mga nararamdaman nilang problema ng pagbaha at pagguho po ng mga kabundokan natin ay may naiwang aral sa kanila. Marahil ay gagawa ang mga iyan ng paraan sa hinaharap upang di na muling danasin ang mga delubyo na dinanas natin sa mga nakaraang bagyo.
    Ako po ay nananalig na sa bandang huli ay magiging maingat na sila sa ating kalikasan. Ito’y kanilang babantayan at huwag sirain nang dahilan lang po sa pera o kaunlaran at sa modernisasyong sinasabi.
    Kung saan tayo nagkulang po na kanilang mga magulang ay siya naman ang kanilang pupunoan.
    Nanay Chi, may you have a blessed year too ahead.
    Salamat po.

  9. Materyalistikong kaisipan kaya nagkakaganyan ang ating kapaligiran. Hindi baleng masira ang likas na ganda ng mga gubat, bundok, lawa at mga tanawing nariyan na wala pa man ang ating mga ninuno, basta’t ‘yung ilang gahamang namumuhunan ay kumita ng limpak.

    Gayundin, dahil sa pagwawalambahala ng mga pinunong sige lang sa pagbibigay ng permiso sa mga kapitalistang siyang pasimuno sa pagwasak sa kalikasan kapalit ng salaping hindi dumidiretso sa kaban o kung meron man ay napakaliit na halaga kung ikukumpara sa lawak ng singil bunga ng mga sakuna dahil sa pagbaha, lindol, pagguho at iba pang trahedyang tao na rin ang nagtadhana.

    At kapag dinanas ang mga ito’y titingala sa langit at uusalin ang “Diyos ko, bakit Mo kami pinarurusahan nang ganito?”

  10. Naku tama po kayo tito. Kagaya na lang sa probinsiya namin sa Isabela, maraming galit kay Gov. Padaca dahil ipinagbabawal niya ang illegal logging. Kinakasangkapan pa po ng mga iba ang problema ng kawalan ng hanap buhay upang umapila na pabayaan na lang sila sa kanilang pagatotroso nang di magutom.

    Nakakaawa lang at ang mga taong ito ang siya ring mga naapektohan sa pananalanta ng bagyong si Pepeng.

    Iyong mga mayayaman na kumikita po sa illegal logging ay ligtas at nasa kanilang naglalakihang mansion samantala ang mga taong kinakasangkapan nila sa pagsira ng mga kagubatan ang siyang nasa bingit ng kamatayan dahil sa mga landslides at saka pagbaha.

  11. Naisipan ko ang magtanim ngayon ang magtanin ng ampalaya sa paso. Mabuti na lang may malaking paso akong nabili ngayon. Didiligan ko lagi ito ng tubig mula sa aking aquarium dahil maganda daw na fertilizer ang tubig ng acquarium.

    Mahilig kasi akong kumain ng tinola na may halong ampalaya fruit o dahon. Pagagapangin ko ito sa aming bakud na bakal.

    Mahal na kasi ang presyo ng gulay. Kaya magtanim mga kapatid kahit sa mga paso paso lang.

  12. Ako naman magtatanim ng buto ng manok at isda.

    Mataas kasi uric acid ko at high blood kaya hindi puwedeng kumain ng karne ng baka, kambing, baboy, atbp.

    Kailangang maging health conscious kahit medyo huli na.

  13. Tama ho kayo kuya. Nasa tamang pangangalaga ho ng katawan ang kailangan para maging ligtas sa mga sakit hindi ho doktor. As a last resort na lang ho ang mga doktor.
    Ako po naman ay naniniwala pa rin sa mga makaluma nating paraan ng panggagamot. May mga bagay na nangyayari na mahirap ipaliwanag ng siyensiya. May mga sakit kasing nasaksihan ko na na kahit iyong pinakadalubhasa pang doktor ay hindi niya kayang i-diagnose pero simpleng gamutan lang para sa isang mumbaki ng Cordillera.
    Tamang nutrisyon, exercise, meditation (prayer) at socialization ay mga bagay na nagpapabata po sa atin upang maging malakas, maligaya, at kapakipakinabang.
    Iwasan lang po ang mga masasamang bisyo ng katawan kagaya ng alak, paninigarilyo, pagkain ng mga matatamis, at pagkain ng maraming karne at matatabang pagkain.
    Gulay at isda po ang mga pagkaing ligtas. I mean organic kung maari, dahil iyong mga chemical na nasa mga gulay at iba pang pagkain kung maiipon silang lahat sa loob ng ating mga katawan ay nagiging sanhi din po ng mga sakit o karamdaman.
    Ugaliin ang kumain ng bawang, uminom ng salabat, at maraming kamatis araw-araw. Mapapanatili po ng mga ito ang ating pagiging macho.

  14. Doc,

    Meron naman tayong kasabihan, eh.

    Pero hindi ko lang alam kung ito ay magiging katanggap tanggap.

    Gantio kasi ang sabi ng mga sira ulo kong katropa noon: “Kung gusto ninyong manatiling bata, magsigarilyo, uminom ng alak at droga, magpuyat subalit mag-eksersays tulad ng mountain climbing na hindi gagamit ng kable at higit sa lahat, maglaro ng Russian Rollette.

    Awa naman ng Diyos, wala na silang lahat dahil sa edad nilang wala pang trenta ay dedo na sila sunod sunod.

    Mga bata ngang natepok!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: