Posted by: Mer Pints | December 29, 2009

Ang Wish ng Apo ni Presidente Gloria

Bata lang siya, huwag na nating bigyan pa ng maling kahulogan ang kanyang kahilingan para sa Pasko. Pero kung may nais siyang hilingin sa Kapaskohan ay nais ni Marie Angelique, ang 5- years old ana nak ni Congressman Juan Miguel “Mikey” Arroyo ng Pampanga, ay maging “president forever” daw ang kanyang lola. Wow, e di matutuwa niyan si madam Presiden, di ba? Of cours sino ang hindi matutuwa na maging presidente ka forever. Kung ako nga ay nangangarap na maging presidente ng Philippine Nurses Association for life sa pagka-presidente pa kaya ng Pilipinas, hehehe. Granting na nag-eenjoy ako araw-araw sa pagiging presidente kahit na na batikosin pa ako ng media at isumpa ng mga taong galit sa akin. Siempre sasabihin ko lang naman, “manigas ka diyan.”]

Iba naman ang wish ni Eva Victoria, ang anak ni Kongresman “Dato” or Diosdado Macapagal-Arroyo; gusto niya ay sana manatiling malakas at malusog ang kanyang minamahal na lolong si First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo. Siguro maka lolo ang batang ito. Aba, kung ako ang lolo Miguel niyan  riregalohan ko iyang apo kong si Eva Victoria ng round trip ticket around the world kasama ang kanyang mga magulang at yaya pa. Kayo po ano ang wish naman ninyo para sa first family? Ayaw ba ninyong maging malusog, masaya, at lalo pa silang mapagmahal sa kapwa lalo na ang ating mga naghihirap na kababayan?]

Bago magpasko ay napabalitang nasa Hongkong naman ang first family. I presume na nag-enjoy ang mga apo ni Ginang Arroyo kasama ang mga magulang ng mga ito sa pamamasyal doon sa Disneyland. Nakakainggit, di pa ako nakakapunta doon. Sana isa akong member ng cabinet ni madam at hihilingin kong isama nila ako. E, sino nga po ba sa inyo ang hindi nangangarap na makatuntong man lang ng Hong Kong?

Iba naman ang hinihiling itong mga kritiko at mga kalaban sa pulitika ni Ginang Arroyo. Sana ito na raw ang last na Krismas ni presidente Arroyo bilang pangulo ng bansa. At sino naman kaya ang kasunod na presidenteng magpapasko naman sa Malacanang Palace pagkatapos ng termino ng pangulo? Bahala na ang tao diyan, pero ang natitiyak ko maliban sa mga supporters ng presidente ang karamihan ay ayaw na nilang mag-stay pa siya sa Malacanang kahit wish ng kanyang apo na maging president siya forever or for life kaya?

But don’t count her out yet, tatakbo pa siyang Representative ng kanyang distrito sa Pampanga at inaasahan na ng lahat na mananalo siya. At kung ating patulan ang mga malisyosong pag-iisip baka ito pa ang kanyang maging daan para maging Prime Minister siya ng bansa granting na magkakaroon ng cha-cha (Charter Change). At saka may kasabihan po na kung ano man ang hinihiling ng isang bata at laging nananatili ito sa kanyang puso ay matutupad! Magdilang anghel kaya si Marie Angelique?

Alam ko sasabihin ni tita Chi ay, no way! Pero ang mga supporters at nagmamahal sa pangulo natural lang na sasabihin nila: go, go, go! Di po ba?


Responses

  1. Mer,

    Yong bata ay simple lang yong wish niya, nangagaling sa kanyang puso. Ito ang kanyang alam na mabuti para sa kanyang lola.

    Tayo lang mga matatanda ang nagbibigay dito ng malisya.

    Kasi naman… Huwag na lang, hehehe.

  2. Ayaw!

    Ayaw!

    Ayaw!

    Ayyaaaaaawwwwwwwww!!!!!!

  3. No Way talaga!

    Mer, papatulan ako ang mga bata na yan… hehehe!

  4. Ate Chi bibigyan ko rin siya ng maraming candy nang, hindi na bale hehehe.

  5. These kids will have a lot of explaining to their peers later.

    Nakakalungkot na katotohanan.

  6. Salbaheng mga bata ‘yan. ‘Kaliliit pa, corrupt na.

    Mana sa lolo at lola!

    Nasarapan din sa loob ng malakanyang.

  7. Hapi Nyu Yir, byutipul pipol!

  8. Mabuhay ka, gloria

    Mabuhay ka! Ikaw na pangulong nakaupo sa palasyo
    Ikaw na nagpumilit nang-agaw ng boto
    Huwag lang mapaalis sa ninakaw na trono
    Ginawa ang mo lahat kinutsaba si Garcillano.

    Mabuhay ka, babaeng pinagpala
    Tulad nang sinasabi mong sugo ka ni Bathala
    Tila baga’y anghel kang ipinadala sa lupa
    Naghasik ng lagim sa halip na pagpapala!

    Mabuhay tayong lahat, lagi mong sinasabi
    Dahil sa patnubay mo, gumanda ang economy
    Subalit bakit hanggang ngayon ay pobre pa kami
    Samantalang ikaw ay laging ’round the world ang biyahe?

    Mabuhay ka pangulo naming walang makakapantay
    Sa pagiging masipag at walang bahid na dangal
    Dahil sa walang sawa mong patnubay at paggabay
    Inaani namin ngayo’y pawang kahirapan.

    Matatapos na itong taon, araw mo rin ay bilang na
    Sa inagaw mong poder na tila ayaw mong mapasaiba
    Wala ka nang pagkasawang sa pagkalasing ay magbawa
    Kapangyarihan at salaping lumasing sa iyong walang duda.

    Isa lamang ang panalangin naming sa iyo ay nagpupuri
    Sana naman ang yaman mo kahit konti ay ibahagi
    Latak man ang ilimos mo’y sobrang kuntento na kami
    Matitikman din sa wakas ang pinawis ng dugo ng marami.

    Sana sa pagyukod nitong 2009 sa 2010
    Kasabay nito’y matanto mong gobyerno mo’y tapos na rin
    Maisip mong may hangganang bawat simula’y nararating
    At hindi mangyayaring maging presidente ka namin forever.

    Baka ako’y mapahaba na’t mga bumabasa ay magsawa
    Tagubilin ko, Aling Gloria ay sundin mong may pang-unawa
    Tanggapin mo ang katotohanang sukdulan ay nagbabadya
    Katapusan ay dumarating kaya sumuko kang buong kusa.

    Upang kami ay makatiyak sana’y dingging nitong langit
    Matagal na naming hinihingi, noon pa’y aming ‘hinihibik
    Magtika ka sa mga salang buong palalo mong inihasik
    Mabuksan ang iyong puso at luminaw ang iyong isip.

    Tatapusin ko na ito ng may pagsamo’t panalangin
    Sana ngayong Bagong Taon sa dusa kami ay palayain
    Kasabay ng salimbayan ng mga paputok sa papawirin
    Pagsambulat mo’t paglalaho’y buong saya naming sasalubungin!

  9. Happy Birthday kay Mrivera, ngayon January 1, 2010.

    Big Bang!!!!!

  10. Tito Mags,
    Isang taon na naman ang nadagdag sa kasaysayan ng iyong buhay. Sabi nga nila habang lalong tumatamis daw ang isang mamahaling alak sa pagdaraan ng mga panahon.

    Sana po ay you will have more bithdays to come. Happy birthday po sa inyo. Araw-araw daw po tayong ipinapanganak at araw-araw din tayong lumalago in terms of experience.

    Isa pong karangalan ang laging nababahagian po ninyo kami ng inyong mga ideas at magagandang pananaw sa buhay.

    Ang humor din po ninyo ay hindi matatawaran sa talas at galing.

    God bless po tito.

  11. I will make kuwento to you next time kasi may tuturokan pa ako ng anti-tetanus. Humabol po siya sa bilang ng mga naputokan at naputakan sa taong ito, hehehe.

    Nakikigamit lang po ng laptop ng may laptop.

    TY.

  12. Salamat sa inyong pagbati.

    Ngayong umaga ay merong isang medyo masama pero magandang nangyari sa aking buhay.

    Nakorner ko sa pagpasok sa trabaho ang isang taong malaon nang may atraso sa akin. Matagal ko na siyang kinakausap ang maayos upang maipabatid sa kanya ang mga kamalian sa kanyang mga iniisip at sapantaha sa akin. Ayaw kong daanin sa pusok at init ng ulo ang bawat pakikipagharap sa ganitong uri ng tao subalit minsan ay dumarating ang pagkakataon na kailangan din ang konting pagpapakita ng pagpapahalaga sa dangal na iniingatan.

    Ilang araw bago ang pasko ay kinausap ko siya at pilit ipinaliliwanag na wala akong kinalaman at walang dahilan sa mga iniisip niyang hindi ako ang may kagagawan subalit dala marahil ng kakitiran ng pag-iisip at pang-unawa ay sinigawan pa ako sa harap ng aming mga kasamahan sa trabaho na isang magnanakaw. Mula noon ay hindi na ako mapagkatulog sa pag-iisip ng dahilan niya upang ipagsigawan niya ang ganu’n samantalang wala akong alam at sa tagal ko na sa kumpanyang aking pinaglilingkuran ay sari saring pagsubok na ang aking pinagdaanan na masasabi kong hindi nagpagupo sa akin kahit sa sandali ng kagipitan.

    Nakasakay ko ang taong ‘yun sa service coaster namin at mataman kong pinagplanuhan ang gagawing approach. Muntik pang hindi ko ituloy sa pagkakaalam sa kanyang ugali ng agad nagpi-flare up kahit mababa ang tono ng pagtatanong sa kanya. Subalit hindi mawala sa aking isip ang kagustuhang maliwanagan ang kanyang dahilan ng mga sama ng loob sa akin at kinorner ko nga’t tinanong. Pilit kong pinakalma ang aking sarili kahit hindi nagbabago ang taas ng tono sa kanyang pananalita at sa hindi ko mapigil na bugso ay isinalya sa dingding at marahil ay doon natauhan na hindi na biro ang kanyang ginagawi na kailangang patulan. Naghahanap pa ng damay sa aming mga kasamahang isa isang nagsidatingan at nagwika pang “witness kayo sa pananakit sa akin” kahit hindi naman tunay na nasaktan. Sa pagkatantong walang naniniwala sa kanya dahil na rin ugali niyang palasigaw at parang naghahariharian ay unti unting bumaba ang kanyang tono at nag-offer pa mismo ng pagkakasundong hindi ko agad tinanggap bagkus ipinamukha sa kanya ang lahat niyang mali na dapat ituwid sa ngalan ng pakikipagkapwa.

    Bandang huli, sa awa ko na rin dahil maputla pa sa suka ay pinatawad ko na rin dahil ayokong lumikwad ang mga araw sa kasalukuyang bagong taon ay may gusot na hindi ko naaayos.

    Ako naman ay taong hindi gustong may kaaway subalit hindi ko kayang tanggapin na ang aking pagkatao ay tatapaktapakan. Madali akong magpatawad at madali ring humupa ang galit kaya matapos ang ilang minutong pagpapakipot matapos ang mahabang sermon sa kanya ay inabot ko ang kanyang kamay bilang pagtanggap sa pakikipagkasundo dubalit ang hindi ko inaasahan ay bigla akong hinalikan at muntik nang hindi ko maiwasan ang puntirya niyang i-lip-to-lips ako.

    Inaaaanggg!

  13. Bading pa ‘ata ang damuho!

  14. Hahahah

    Muntik muntikan na ho pala kayo nakalips2lips ng isang, hehehe bading!!!!

  15. Noong 31 naman besperas ng Pasko ay muntik akong nakabangga ng lasing na Koreano.

    Iyon pala ay walang masakyan at gustong magpahatid sa amin.

    Mabuti kung guwapo ang mga gago, mukhang pang-araro ang mukha at amoy na amoy ang sari-saring alak at beer na nilaklak nila.

    Mabuti na lang may pulis na nakiusap sa kanila na maglakad na lang pauwi.

    Kaso pasuray-suray sa daan.

    Sabi nga ni Mer kung sa Tondo ito nangyari, yari ang mga gagong iyan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: