Posted by: Mer Pints | December 25, 2009

Namamasko Po! (Merry Christmas; how about some coins?)

I just parked my car in a grocery store to buy some food stuff for the Christmas Eve. Two street kids approached me asking some coins for their Christmas. I usually ignore kids begging on the streets but this time I gave them all the coins I got in my pocket. As they got their “Christmas gift” they immediately said, thank you ang babait ninyo (thank you; you are so good/nice). Well I just smiled, the least I could give to street children who could have been in their home had not poverty dragged them down to the streets with probably unemployed parents who could no longer support them. As a former community organizer the thought of institutional care flashed into my mind, but even our Department of Social Welfare has also its own budgetary limitations. I could not just accomodate all for social services and development although as the Secretary said the department and all the  LGUs concerned are doing their bests to address the fundamental problems of poverty in the country.

I just wish the next president elected by the people during the 2010 election could address first corruptions in the government and second our economic problems. We are in dire needs of funds to finance social services. Likewise, there is a need too to resuscitate our ebbing economy to generate more job opportunities and reduce unemployment problems.

Namasko Po!

Sa ngayon ay hindi na lang ang mga inaanak at mga kamag-anak mo ang kumakatok sa iyong pintuan tuwing pasko pero sari-saring tao na. Kahit ba barya-barya lang ang naiaabot mo sa kanila ay  nakakapagod din. Pag-alis ng isa ay siya namang pagdating pa ng mga iba. Kaya minsan ay napapasigaw na rin ako, patawad po!

Kaso ang aking napagsabihan ay si kumareng Poly kasama ang inaanak kong si Junior.

“Mareng Mer, si kumarent Poly mo ito kasama ko si Junior.”

Napatawa na lang ako. Mabilis ko silang pinatuloy. Akala ko ako lang ang magreregalo sa inaanak ko iyon pala ay may dala-dala silang regalo din para sa akin. Kaya maliban sa polo na binili ko para kay Junior ay dinagdagan ko pa ang limang daang piso na nakasilid pa sa pulang sobre na bigay ni Segundina. Mabuti na lang nabigyan ako ni best friend ng isang maliit na sobre na may lamang isang libong piso bilang pamasko daw niya sa akin. Pinanggasolina ko naman iyong limang daan nang mag-roll back ang ng presyo ng gasolina. Hindi bale may regalo pa naman akong inaasahan sa kanya na ibibigay lang daw niya kapag sinamahan ko uli siya na salubongin ang Bagong Taon sa Baguio. Siempre sasamahan ko ba naman ang babaeng ito na mahilig sa mga lakaran kung wala siyang mamahaling regalong ibibigay sa akin, hehehe.

Mabalik tayo sa mga taong hindi mo kilalala na kumakatok sa iyong gate ay namamasko, parami nang parami sila. Sabi ni Segundina isa daw ito sa mga indicators ng paghihirap ng bansa. Ang Pasko ay ginawa nang dahilan ng iba para makapanghingi ng pera. Wala nang ipinag-iba ito sa pamamalimos. Pero ano ang ating magagawa? Bilang Kristiyano ay kailangang suklihan ng pag-ibig sa kapwa ang kadakilaan ng ating dakilang Tagapag-ligtas na si Jesus na ipinanganak bilang mahirap. Kung ano man ang maibibigay sa kanila kahit kaunting halaga lang ay malaking bagay na ito lalo na’t marami na sa ating mga kababayang ngayong naghihirap ay nakakaranas na ng pagka-gutom. Kahit papaano hindi naman sila makakaranas ng pagka-gutom ngayong Pasko.

Sana nga ay araw-araw ay Pasko. At sana nga ang Gobyerno ay hindi laging huli sa pagbibigay ng bonus ng mga kawani ng pamahalaan. Maraming umasa sa 7000 na bonus mula sa National government ngunit ang nakakalungkot ay hindi nila ito natanggap bago mag-Pasko. Maraming leksiyon tayong natutunan sa taong 2009; kabilang na ito di ba Madam President?


Responses

  1. Noong isang lingo pa ako nag-aabang ng mangaroling kaso tapos na ang pasko walang dumating na mag Jingle Bells. Bukas na lang siguro sa simbahan. From 6 to 6 six daw ang schedule ng misa.Tiyak aapaw ang baul ni padir.Tutal pasko naman doblehin ko na ang ihuhulog ko sa basket na umiikot nakakahiya naman sa katabi kung kakalansing ang tunog.

    Dili kaya magsulat na lang ako ng tseke na post dated.

  2. Merry Christmas and a Happy New Year to all. Sorry busy tayo ngayon sa paggawa ng year-end report. Ngayon lang nagbukas ng bintana at nasilip kong namamasko si Kuya Cocoy.

    Matutuwa ho si Father niyan, may pambili na naman siya ng alak na iinomin niya, I mean alak ng misa hahahaha!

  3. Mer,

    Taon-taon dumadami rin ang aking mga inaanak. Iyong mga tunay at nagpapanggap, heheheh.

    Hirap ang buhay ngayon.

    Pero mabuti na rin at nakakaraos pa tayo. Pray na lang tayo na sa mga darating pang panahon ay unti-unting magbabago ang takbo ng buhay nating lahat sa Pinas.

    Mabuhay!

  4. Merry Christmas manong Cocoy. Sabi nila the longest Christmas ay nasa Pilipinas daw. Kaya araw-araw na may dumarating na biyaya kay Father.

    Kami din po ay nangaroling at nakapag-ambag kahit kaunti para sa compassionate ministry ng aming simbahan.

  5. Mer and Seg salamat sa tulong ninyo, maraming mga kapos palad nating kababayan ang nabiyayaan sa mga groceries at cash gift ninyong dalawa kahit ayaw ninyong ipabanggit ang pangalan ninyo.

    Nawa ay lalo kayong mabiyayaan pa nang makatulong sa iba. More power and more beauty sa inyong dalawa.

  6. Meri krismas ma’am Mer. Anong happening ninyo noong besperas ng Pasko. Kami po ay kumain lang ng litson mula sa La Loma. Di ko na sasabihin kung kanino baka tumaas pa ang rayting nila, haha.

    Pero hinay hinay po lamang ang kain ko baka magkita po tayo sa ospital.

  7. Pasyalan ninyo si Kapitan Kidlat ang galing niyang tumula ng adios patria bisekleta. Ay, mali!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: