Posted by: Mer Pints | November 19, 2009

Wash Now My Love

Dating hawak ni Kongresman Tarugoy si Marlene isang publi school teacher na ipinagpalit niya sa isang Starlet na sexy. Ibinili ng bahay at sasakyan ang starlet kaya nabingwit niya ito. Hiniwalayan niya si Marlene sa pagaakalang panghabang buhay na sa kanya si Starlet. Nagkamali si Tarugoy nagsawa sa kanya ang babae at hiniwalayan siya nang may nakilala itong mayaman ding negosyante na nakatira na sa Canada.

Kaya sa Canada na siya kinakana nakatira ngayon si Starlet na Mrs. Pinoy Negosyante na ngayon. Walang nagawa si Mr. Kongresman kundi maiyak dahil kalahit ng kanyang kinurakot kinita sa pagiging Kongresista ay napunta lahat kay Starlet. Wala na ring balak pang umuwi si Starlet sa Pinas dahil permanent resident na siya ngayon ng Canada.

Dalaga pa si Marlene at pinalad namang makapagtapos ng kursong education. Nagtuturo na siya ngayon sa isang pribadong paaralan at napakahusay niyang magturo ng values education; dahil na rin siguro sa kanyang naging karanasan sa buhay. Nalaman ito ni Kongresman Tarugoy na re-eleksiyonista din ngayon at gusto siyang balikan.

Natunton niya kung saang probinsiya siya ngayong nakatira at nagtuturo. Walang sinayang na panahon si Tarugoy at pinuntahan siya kaagad.

Sa isang maliit na apartment na inuupahan ng teacher kumatok ang Kongresista. Bukas ang pintuan kaya tuloy-tuloy na pumasok si Tarugoy. Iniwan niya ang kanyang mga bodyguards sa labas dahil gusto niyang surpresahin ang dalaga.

Naliligo pala si Marlene at kumakanta. Gaya ng dati ay kumanta rin si Tarugoy upang sabihin na narito na siya.

“Wash now my love/ wash now your Sampaguita/ I’m back now my love/ So wash your…”

Nagulat si Marlene kaya tumigil siya sa pag-awit at nakiramdam.

Kumanta uli si Kongresman Tarugoy: “Was now my love/Iwill fight you tonite”

Natawa si Marlene. Si Tarugoy pala itong boses palaka na kumakanta. Kaya kaagad na sumagot din siya.

“What am I washing now is not for you/ What am I washing now is not for you/ Baby umuwi ka n/i Dina magbabalik.”

Mabilis na naligo si Marlene. Pinuntahan at hinarap niya kaagad si Tarugoy ng abot pa hanggang tainga ang ngiti dahil sa sobrang pagnanasang nararamdaman niya kay Marlene.

Kinausap siya ni Marlene ng mahinahon. Ang lumipas ay di na muling magbabalik pa. Nagbago na si Marlene at gustong mabuhay ng tahimik at maging mabuting ehemplo sa kanyang mga estudyante.

Nakaramdam ng hiya sa sarili si Tarugoy. Nilisan niya ang maliit na apartment ni Marlene sa punong-puno ng pagsisisi. Gayon pa man ay kanyang nirerespeto ang pasya ni Marlene at hinahangaan ang kanyang tatag at pagkatao. Alam niyang malaki ang pagkakasala at pagkakautang niya dito kaya wala na siyang karapatan pang balikan ito.

“Paalam Marlene, keep up the good work. Good luck, and best wishes sa nalalapit mong kasal.”

Mabigat ang kanyang mga paa na naglakad patungong sasakyan niya na may plaka pang no.8. Honorable Congressman Bosyo Tarugoy ang tawag nila sa kanya ngunit ayaw na niyang marinig pa ito dahil hindi bagay ang titulo sa uri ng kanyang pagkatao.Dating hawak ni Kongresman Tarugoy si Marlene isang publi school teacher na ipinagpalit niya sa isang Starlet na sexy. Ibinili ng bahay at sasakyan ang starlet kaya nabingwit niya ito. Hiniwalayan niya si Marlene sa pagaakalang panghabang buhay na sa kanya si Starlet. Nagkamali si Tarugoy nagsawa sa kanya ang babae at hiniwalayan siya nang may nakilala itong mayaman ding negosyante na nakatira na sa Canada.

Kaya sa Canada na siya kinakana nakatira ngayon si Starlet na Mrs. Pinoy Negosyante na ngayon. Walang nagawa si Mr. Kongresman kundi maiyak dahil kalahit ng kanyang kinurakot kinita sa pagiging Kongresista ay napunta lahat kay Starlet. Wala na ring balak pang umuwi si Starlet sa Pinas dahil permanent resident na siya ngayon ng Canada.

Dalaga pa si Marlene at pinalad namang makapagtapos ng kursong education. Nagtuturo na siya ngayon sa isang pribadong paaralan at napakahusay niyang magturo ng values education; dahil na rin siguro sa kanyang naging karanasan sa buhay. Nalaman ito ni Kongresman Tarugoy na re-eleksiyonista din ngayon at gusto siyang balikan.

Natunton niya kung saang probinsiya siya ngayong nakatira at nagtuturo. Walang sinayang na panahon si Tarugoy at pinuntahan siya kaagad.

Sa isang maliit na apartment na inuupahan ng teacher kumatok ang Kongresista. Bukas ang pintuan kaya tuloy-tuloy na pumasok si Tarugoy. Iniwan niya ang kanyang mga bodyguards sa labas dahil gusto niyang surpresahin ang dalaga.

Naliligo pala si Marlene at kumakanta. Gaya ng dati ay kumanta rin si Tarugoy upang sabihin na narito na siya.

“Wash now my love/ wash now your Sampaguita/ I’m back now my love/ So wash your…”

Nagulat si Marlene kaya tumigil siya sa pag-awit at nakiramdam.

Kumanta uli si Kongresman Tarugoy: “Was now my love/Iwill fight you tonite”

Natawa si Marlene. Si Tarugoy pala itong boses palaka na kumakanta. Kaya kaagad na sumagot din siya.

“What am I washing now is not for you/ What am I washing now is not for you/ Baby umuwi ka n/i Dina magbabalik.”

Mabilis na naligo si Marlene. Pinuntahan at hinarap niya kaagad si Tarugoy ng abot pa hanggang tainga ang ngiti dahil sa sobrang pagnanasang nararamdaman niya kay Marlene.

Kinausap siya ni Marlene ng mahinahon. Ang lumipas ay di na muling magbabalik pa. Nagbago na si Marlene at gustong mabuhay ng tahimik at maging mabuting ehemplo sa kanyang mga estudyante.

Nakaramdam ng hiya sa sarili si Tarugoy. Nilisan niya ang maliit na apartment ni Marlene sa punong-puno ng pagsisisi. Gayon pa man ay kanyang nirerespeto ang pasya ni Marlene at hinahangaan ang kanyang tatag at pagkatao. Alam niyang malaki ang pagkakasala at pagkakautang niya dito kaya wala na siyang karapatan pang balikan ito.

“Paalam Marlene, keep up the good work. Good luck, and best wishes sa nalalapit mong kasal.”

Mabigat ang kanyang mga paa na naglakad patungong sasakyan niya na may plaka pang no.8. Honorable Congressman Bosyo Tarugoy ang tawag nila sa kanya ngunit ayaw na niyang marinig pa ito dahil hindi bagay ang titulo sa uri ng kanyang pagkatao.


Responses

  1. People change so give them the benefit of the doubts, kasi not all naman is really a born again. Seguro born against the others.

    I mean bigyan natin na ng chance na magbago who ever want na magbago already.

  2. Akala siguro ni Mr. Tongresman ay kontrolado niya lahat. Hindi niya alam may mas tuso pa sa kanya.

    Maganda itong ginawa ni Marlene, sinikap niyang makatapos pagkatapos siyang iwan ng oportionistang pulitiko.

    Mabuti naman at natauhan siya kung natauhan nga.

  3. Ngayon ay election na naman, nandiyan na naman si Tarugoy na nangangalap ng boto. Marahil ay milyon milyon na naman ang gagastahin niya para manalo. Pero babawiin din naman niya ito sa kanyang pork barrel. Ang lagay magkano ba ang kanyang SOP bawat proyekto.

  4. Philippine Trapos ass rape the public every election season…the bad thing is that they love it.

  5. Your article is about washing, mine is about cleanliness.

    Only God can really transform us Mer. However this may happen only if we allow Him to change our lives and follow.

    Our political system is highly corrupted because of greed and unclean living. How I pray that our elected leaders behave and become responsible public officials.

    You may visit me at http://bobonyo.wordpress.com

  6. Thanks dok for your invitation.

    wild E kayote, you are welcome. Thanks for the comment too.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: