Posted by: Mer Pints | November 7, 2009

Gibo-Loren Tandem May Panalo Ba?

Marami sa mga nagmamasid ngayon sa takbo ng pulitika ang naniniwala na maaring magsanib ang patido ni Ginang Arroyo na Lakas-Kampi-CMD at ang patido naman ni Ginoong Danding Cojuanco na Nationalist People’s Coalition dahil sa mga napabalitang nagaganap ngayong pagu-usap nang dalawang partido.  Kung magkagayon maaring magtambal sa halalan 2010 sina Gibo Teodoro at Loren Legarda bilang kandidatong para sa pagkapresidente at pagka-bise presidente. Una dito ay ipanahayag na ni Gibo Teodoro ang kanyang interest na makatambal si senadora Loren Legarda. At sa panig  naman ng NPC ay susuportahan nila si Loren bilang standard bearer nila sa pagka-bise presidente. Ang Lakas-Kampi-CMD naman ay noon pang nagpahayag ng kanilang interest kay Loren Legarda na maging running mate ng kanilang kandidato sa pagkapangulo na si Gibo Teodoro.

Ipagpalagay nating magsasanib nga ang dalawang partido, kahit pinabulaanan pa ni Big Boss Danding Cojuanco na may kinalaman siya sa mga di umano’y nagaganap na paguusap-usap ngayon,  at si Loren na nga ang magiging katambal ni Gibo sa pagka-bise presidente, may panalo naman kaya sila (Gibo and Loren)?

Mayroon! Iyan ang buong pagmamalaki namang pahayag ng mga pulitikong sumusumporta sa pagsasanib ng NPC at Lakas-Kampi-CMD. At hindi lang basta haka-haka daw iyan. May malaking basehan, pera! Oo, pera o pondo ng partido ang magdadala sa kanilang mga kandidato upang manalo sa darating na halalan. At kung pera nga lamang ang pag-uusapan marami sila niyan. Sabi nga nila, what are we in power for? Kaya ganon na lang kahalaga para sa administrasyong ito na makakalap ng malaking halaga sa pamamagitan ng buis para matustusan ang ibat-ibang proyektong dapat niyang tapusin bago magtapos ang termino ni presidente Arroyo. Bukod pa diyan ay napakalaking pinsala naman ang iniwan ng mga nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng.

Pero hindi lang pera ang mayroon ang partido ni Ginang Arroyo,  sa pinagsanib na NPC at Laka-Kampi-CMD kung magkatoto man ito ay magdudulot ng isang napakalawak at napakakalas na political machinery magmula national hanggang local level.  At gaya nang nasabi ng mga political analysts ay hindi basehan ang popularity rating upang manalo ang isang kandidato, suporta ng partido upang mangalap ng boto.

Huling tanong, papayag kayang maging running mate ni Gibo Teodoro itong si aling Loren Legarda? Kung sa suporta pinasiyal at pulitikal ang pag-uusapan ay maaaring papayag diyan si Loren Legrada. Ngunit kung prinsipyo ang paiiralin (oposisyon siyang naturingan, di ba?) maaring tatangihan niya ang alok na ito kahit nangangahulogan pang iiwanan niya ang kanyang partido gaya nang ginawa ni Francis “Chiz” Escudero. Ano ang sey ninyo, kuwarta o kahon? Abangan na lang natin ang susunod na kabananta. 

Sa isang banda mga kapatid, applicable ba dito ang kasabihang kung saang nakasalalay ang iyong personal na interest ay doon ding nagtatapos ang iyong prinsipyo? 

 


Responses

  1. Bahala na si Loren Legarda. A rolling stone gathers no lumot ha,ha,ha.

    Helehele bago carry.

    That’s what you gonna is doing ne?

  2. Hello ma’am Mer, me back again. Nice to appearance before the public.
    Say my hellow to the entire nation of the Philippines with Filipino people.

    I am hydeenkoi the retired janitor who did not completed high school education.

    please bear with my english speaking language.

  3. WELCOME BACK LOLO HAYDEENKOI. I miss your wonderful english language in the Philippines for the Filipino people to hear and spokening, hehehehe.

  4. Hayaan mo na si senadora Loren, kung saan siya maligaya ay doon siya.

    Kay Gibo, kailangan niyang manalo para matuwa naman ang kanyang partido.

    I also believe na marami ding kinakabahan sa mga katunggali ni Gibo sa pagtakbo bilang pangulo, may pera na may malakas na partido pa.

    Mahirap magsalita ng patapos, di ba mga kababayan?

  5. Tanong ko lang kung gustong kumandidato ni kuya HaydeenKoi bilang kongresista o kahit anong elected position ng kanyang distrito sa Manila ba o sa Ilocos Norte?

    What position do you like Mr. HaydeenKoi, upper box or lower box? Hehehe!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: