Posted by: Mer Pints | September 30, 2009

The Spirit is Willing but… Where are the Relief Goods?

We appreciate the generosity and readiness of the Filipinos to help (in cash, in kind, and services) in times of emergency and calamities.  Once again the Filipinos have shown in many ways their selflessness and heroism when they responded (unmindful of their own safety) and rescued the victims of flooding caused about by typhoon Ondoy. Unfortunately some have lost their lives in the process that others may live. To the soldiers and militia men who died rescuing people during the onslaught of typhoon Ondoy, my respect and admiration to their bravery and heroism. I salute you guys!

The flood has already subsided but mud still remain in many areas. To this writing there are still areas under water. The number of fatalities keep on growing each day. No electricity still to many households. No food and drinking water to a growing number of victims in need of assistance. It’s time to help. It’s time to donate whatever food items and other goods you can provide for those who lost their homes and even members of their family. I know there is a flood of assistance coming in but they have not yet reached a lot of victims from other affected communities specially from the mountainous areas of CALABARSON and other provinces. We are on the state of emergency. Let’s admit the government can only do as much. We need help from the private sectors and other benevolent individuals. We need help and other form of assistance from people, countries, and government. Please Help!

I joined a group of volunteers on relief services and medical mission. I saw a lot of children having colds and fever. We have doctors and nurses to attend to the sick in the evacuation centers but we don’t have enough medicines. We have given food, drinking water and other relief goods to the typhoon victims but they keep on coming back. What they received is not enough to sustain them for more days to come before things will normalize. It bleeds my heart as people start quarrelling now for assistance. Donations and relief goods keep on coming but delivering them to the victims is slow. We need more vehicles to transport these goods specially on impassable places where typhoon victims remain hungry and thirsty. People do not eat and drink for only once. More food and drinking water; more people still crying for help and assistance. This is the aftermath of typhoon Ondoy. The spirit is willing to help but the magnitude of people in need is insurmountable. Many victims longing for assistance remain unknown and unreported. It’s time to act but where are the relief goods?

Sabi nga ni Segundina grabe. Grabe po talaga. Hinahaluan pa ng pamumulitika ang pagbibigay tulong sa mga nasalanta. Drinking water na ipinamamahagi ay may nakatatak pang pangalan ng mga pulitiko. Wow, what a way to take advantage of the calamity for your political gains. Putik, putik everywhere. Basurang nagkalat ay nagpapakita lang ng pagwawalang bahala ng mga tao para sa kalikasan. Totoo siguro ang kasabihan na kung ano ang ginawa mo sa kalikasan ay ibabalik din ito sa iyo. Sayang hindi itong mga illegal loggers at mga land developers ang tinangay ng bahay gaya ng sinabi ni Segundina. Sana nga Seg, hindi ang mga ordinaryong tao ang lumutang at nalunod sa ilog pasig, sila!

Sorry hindi ito ang panahon ng pagsisisihan. Sana tayong may kakayahang tumulong ay kumilos kaagad nang mapadali ang paglilinis ng kapaligiran, pagbibigay ng maiinom at makakain, at pagdadala ng matutulugan ng mga nawalan ng bahay at ngayon ay umaasa na lang sa mga evacuation centers. Libo-libong mga mangagawa ay hindi pa makapaghanap-buhay. Marami sa kanila ang walang kita, sa relief goods na lang umaasa. Hanggang kailan na nasa ganito silang kalagayan. Hanggang kailan magnonormalize ang kanilang buhay. Imagine may mga evacuation centers na walang palikuran. Kung mayroon man ay hindi sapat sa dami ng mga nangangailangan ng kasilyas. Paging DOH may magagawa ba kayong paraan para makapagbigay man lang ng portable toilets para sa mga flood victims? Umaasa ako na sana ay sa madaling panahon ay matutugonan ito.

Tama po, hindi panahon ngayon ng sisihan at paniningil. Panahon po ng pagtutulungan alang-ala sa kapakanan ng ating mga nasalantang kababayan. In some areas nagnonormalize na ang takbo ng buhay sana lumawak pa ito. Sa mga kapatid na kaparis din naming biktima ng pagbaha huwag po sana tayong  mawawalan ng pag-asa. Pasasaan ba at malalampasan din po natin ang lahat nang pagsubok na ito. At para sa mga opisyales ng gobyerno, ibayong paglilingkud at action po ang inaasahan sa inyo ng mga mamayan.

Manalangin po tayo at may parating na namang bagyo. Sana maawa sa atin si Bro at huwag nang matuloy pa dahil hindi pa tayo nakakabangon sa pagsubok na dulot sa atin nang bagyong Ondoy.


Responses

  1. Kung gusto po ninyong tumulong ipadala lang po ninyo ang inyong tulong directly to any DSWD agencies, local government, at sa mga TV networks.

  2. Mga kapatid nating Pilipino sa Amerika Mer ay naghahanda na rin ng kanilang tulong para sa mga biktima ng pagbaha sanhi ng pananalasa sa atin ng bagyong si Ondoy.

    http://www.abs-cbnnews.com/pinoy-migration/balitang-america/09/30/09/fil-ams-offer-food-clothes-money-and-organization-typhoon-

  3. Hehe, nagbiro ka na naman Mer. Mamaya kung ano na naman ang idudugtong ng kaibigan mo sa iyong kuwento tungkol sa pagsakip ko raw sa byuda.

  4. Kap pasensiya na at mukhang nakunan ka yata ng bidyo kamera habang buhat-buhat mo ang sexing byuda na para kang si Adam, hehehe.

  5. O Mer nandito ang news, mukhang hindi komportable ang Malakanyang na magbigay tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.

  6. Mer hindi kaya palagay ko na pagsilbihan lahat. The magnitude of people affected is so huge. Hindi na ako lumayo pa, dito na lang ako sa may klinika ko tumutulong nang abot ng makakaya ko sa mga pasyente kong nasalanta. Safe naman ang klinika ko at hindi inabot ng tubig. Medyo mataas ang elevation dito. Maputik nga lamang ang dadaanan mo sa ilang bahagi. May mga portion din sa kalsada na natuyoan na ngunit alikabok naman ang kalaban. Lutong pagkain na lang ang ibibigay natin sa mga kababayan nating napinsala. Kahit dilis o tuyo lang at kanin ang ibibigay sa kanila ay ayus na iyon. Ang importante ay may makakain.

  7. Pero nakakalungkot isipin na marami pa rin ang mga kababayan natin na nagsasamantala sa mga nabiktima na ni Ondoy.

    Sa mga kababayan na natin na walang sawa sa pagtulong sa kanilang kapwa, may you have more blessings to come. Praise the Lord!

  8. Kaming mga FIL-AM dito sa America ay nagbigay na ng tulong sa mga organization na nangangalap ng tulong para sa biktima ni Ondoy.Sana makarating sa mga nangangailangan at hindi nila ibenta sa ukay-ukay ang mga damit na ibingay namin.

    Nakakawa nga silang pagmasdan.Sa nging situastion nila nakakalungkot .

    Keep up the good works mga friends sa pag-volunter.Kung nandyan siguro ako ganun din ang gagawin ko.

  9. doc,

    Salamat sa pagluluto ninyo ng makakain sa mga biktima ni Ondoy. The effort of people like you is priceless.

    Sa Palasyo (daw) ng tao ay tinapay at tubig ang ipinamimigay, but I’m not commending Gloria and her ilks for these dahil trabaho nila yan at kung hindi niya inubos ang contingency fund sa paglalandi kay Barak, Brown, etc. pang hari at reyna ay naibi sana ng rubber boats at pagkain ang winaldas niya sa pansariling ligaya.

    Wala siyang mailabas na pera dahil pati ang calamity fund ay nagamit na niya. Paano ko ba naman hindi isusumpa at mumurahin ang animal na yan, samantalang ang aking mga kapatid na na pinoy ay patay dahil sa walang kahandaan at nakorap ang pera ng lintik na gobyerno ni Gloria?

    Ondoy is a lesson, yes. But with heartless, insensitive and useless leaders Pinas have, it is more of a collective suffering and pain.

    Galit na naman ako, ‘nyways…nauna na dyan ang aming share via IRC.

    Pagpalain kayong lahat na may magandang puso.

  10. Salamat po nanay Chi. Iyong kaibigan kong doctor at ang asawa niya ay nagtungo na rin sa Tanay para tumulong sa mga nasalanta lalo na iyong mga may sakit.
    Sinamahan ko siya na naglibot sa aming subdivision at halos mapuno ang kanilang SUV sa mga ipamimigay na pagkain at mga damit lalo na iyong para sa mga bata.
    Nasa Laguna naman ang aking biyenan para tumulong sa mga kamag-anak nilang nasalanta. Nakakuha siya ng mga donasyon mula sa church kaya iyon ang kanyang ipapamudmud naman.
    May lumang owner jeep naman iyong kaibigan ng aking binatilyo at iyon ang kanilang sinakyan. Si misis na ang nagbigay ng pambili nila ng gasolina.
    Napakarami talagang taong nangangailangan ng tulong at mabuti naman di nagsasawa itong mga kababayan nating may kaya na tumulong.
    Concern ko lang nanay Chi ay iyong mga maliit na bata na nagkakasakit sa mga evacuation centers. Maraming nagmamagandang loob na health professionals na tumulong pero may kakulangan sa gamot. Sana magdonate itong mga parma companies.

  11. Text ni Joy na ngayon ay nasa Tanay. Bahay Kubo Ondoy version:

    bahay ko po
    dami putik
    ang pumasok doon ay
    sari-sari

    nilamas na karton
    sirang medyas at damit
    silya, basurang mapanghe

    ONDOY parusa
    binura marikina
    at saka meron pa
    lumubog na EDSA

    montalban at pasig
    taytay at cainta
    sa paligidligid ay puno
    ng BAHA.

    landslide sa tanay
    antipolo at angono
    mga tao ay sa kalsada
    na lang nakatira.

  12. Mer, from your students (leron-leron sinta malacanang version, hehehe)

    Pepeng Pepeng sinta
    sana’y maawa ka
    dalay-dalay hangin
    ulan at tornado
    kung mamarapatin
    Sa Malacanang na lang kayo
    Nandoon si Gorya kausap si Gibo.

  13. Mabuti may bahay pa kayo. Paano na kung matulad kayo sa mga nasunogan ng bahay noong kasagsagan ni Ondoy?

    Nais ko lang sabihin dito na may pangambang lumaganap ang communicable diseases sa mga evacuation centers. Nagsisiksikan kasi ang mga tao sa loob ng classrooms, basketball courts, etc. Tanging panalangin ng iba sana ay huwag nang bumuhos pa ang mga malalakas na pag-ulan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: