Posted by: Mer Pints | June 19, 2009

Kung Nabubuhay lang sina Rizal at Bonifacio Ngayon

Noong nakaraang linggo ay napadaan kami  ng aking nanay sa Liwasang Bonifacio at Rizal Park. Napangiti si mother na tila nagtsa-chacha  sa kanyang isipan ang mga matatamis na ala-ala  ng lumipas. Ako man din ay napangiti,  katulad niya may mga bagay na naalala-ala ko rin sa aking personal na buhay tuwing  nagagawi ako sa mga lugar na ito.

Saglit kaming nagkatinginan, nagngitian, at tuluyan na kaming humagalpak ng tawa.

“Memories, memories…” Nakangiti siyang tumingin sa akin at pailing-iling.

“What?”

“Wala, naala-ala ko lang ang daddy mo. Dito kami lagi sa Liwasang Bonifacio nagtatagpo, dito niya ako sinusundo. And you know what, did I tell you about it already? Sa harap pa kami ng Rizal Monument nagsumpaan na magmamahalan habang buhay.”

Tawanan. Halos hindi ako makahinga ng katatawa. Mabuti na lang at nagawa ko pang makontrol ang manibela ng aking sasakyan kung hindi baka nabangga na kami.

“Ang baduy naman ninyo. Don’t tell me na namamasyal kayo lagi sa Luneta ng walang pera…” ang kantiyaw ko.

“Aba Mer, noong araw panahon pa ni Imelda napakagandang pasyalan ang Luneta. Madalas kaming magpalipas ng paglubog ng araw dito. Dito ako unang inakbayan ng erpat mo at ninakawan ng halik.”

Kilig na kilig si Mommy habang nagkukuwento. Tsamba niya at natimbog niya si daddy na hindi lang matangkad at guwapo tisoy pa. Wala siya sa kalingkingan ng mga naging girlfriend daw ni erpat pero siya ang nagwagi.

“Mer, patawa-tawa ka diyan, may sweet memories ka rin ba dito?”

“Ma, sa mga malls na ang tagpoan ngayon. I don’t think may something memorable dito na diko malilimotan.”

“Maniwala ka…” ang mabilis niyang sagot sabay saksak sa DVD player ng lagi niyang pinapatogtog na Manila Sounds selection.

Hindi na ako umimik pa. Ang totoo niyan sa Liwasang Bonifacio kami nagkahiwalay ng landas ng una kong pag-ibig. Dito ko unang iniyakan ang pait at hapdi nang mawalay sa isang minamahal. At dito rin unang naghalikan ang aking uhog at mga mapapait na luha. At habang ako’y umiiyak pinagtitinginan ako ng mga tao. May buwiset pang batang kalye na nang-asar sa akin, “bakit miss nawawala ka ba?”

A, Mall of Asia na pala. Dito kami magsa-shoping ng aking inay at bubusogin ng mga paborito kong pagkain huwag lang kamote.

Kung Nabubuhay lang Sana Sina Rizal at Bonifacio Ngayon

Going beyond our own personal experiences, may ibang bagay na pumasok sa aking isipan sina Rizal at Bonifacio. Bilang isang taong mahilig sa history at mga isyung pampulitika hindi ko naiwasang ipagkumpara ang mga katangian nitong dalawang magigiting nating mga bayani.

Sabi nga ni Conrado de Quiros, “Their equation was: Where Rizal had just written, Bonifacio had done. Where Rizal had just expostulated, Bonifacio had acted.”

Rizal’s pen might be mightier than sword, but it was Bonifacio’s itak that ignited the Philippine Revolution. Both heroes love their county; both died to see freedom in this land.

Marahil kung nabubuhay pa ngayon si Rizal isang makapal na libro na siguro (laban?)  sa Con-Ass at Charter Change ang kanyang naisulat. Siguro panay ang libot niya sa mga eskuwelahan upang imulat ang mga kabataan at mga nagtutulog-tulogang Pilipino sa mga isyu ng anomalya sa election, ang “Hello Garci” scandal, ZTE broadband Scam, Joc-joc Bolante Fertilizer Scam, ang mga maanomalyang transactions sa gobyerno, ang pagkontrol ng Malacanang sa Kongreso, kawalan ng hustisya,  ang ginagawang pangigipit ng gobierno sa mga kontra sa administrasyon ni Arroyo, extension of term ng presidente beyond 2010, etc.

Si Bonifacio naman marahil ay nasa lansangan ngayon, kung hindi namumundok,  nangunguna sa mga rally, at people’s power para pababain sa puwesto ang presidente. Sa talamak na nakawan at pangungurakot sa gobierno marahil ay hindi ito mapapalampas ni Bonifacio, susugod at susugod siya sa Malacanang upang ipamukha sa namumuno ang mga katiwaliang nangyayari sa kanyang administrasyon, ang political dynasty, ang paggamit ng pondo ng gobierno para suportahan ang kandidatora ng mga pulitikong minamanok ng palasyo, mga usapin tungkol sa land reform, political killings, ang mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa mga basic social services na kailangan ng mga tao, etc.

Siguro sa pagdami ng kaso ng A(HiNi) enfluenza virus ay nandiyan na si Dr. Jose Rizal na nangunguna sa pagkontrol, pagtuklas na alternatibong gamot, at pagbibigay payo sa mga tao kung papaano iwasang ang paglaganap ng nakakahawang sakit na ito. Marahil sa kanyang website ay tinatalakay na niya kung ano ang dapat gawin ng DOH para maging maagap ito sa pagsugpo ng  Swine Flu.

At sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo, marahil ay naguumpisa nang mag-organize ng Nationwide Transport Strike itong si Bonifacio upang ipaglaban ang kapakanan ng mga mananakay at tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Kaso matagal nang nahimlay sa lupa ang mga bayaning ito, di na muling mabubuhay pa subalit hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin ang diwa ng kanilang ipinaglalaban; kalayaan, kapayapaan, at kaunlaran para sa ating minamahal na bansa. Matagal nang patay sina Dr. Jose Rizal at Ka Andress Bonifacio, ngunit nandito pa rin tayo upang ipagpatuloy ang kanilang ipinaglalaban hanggang makamtan natin ang dulo ng tagumpay. Tuloy pa rin ang  laban hangga’t di natin nakakamtan ang ningning ng kanilang mga pangarap.

HAPPY FATHER’S DAY TO ALL THE WONDERFUL FATHERS IN THE WORLD. Remember, without your sperms we are not here, hehehehe.


Responses

  1. Mer, HAPPY FATHERS DAY KAY DADDY este sa daddy mo pala. he he he… pagbakasyon ko dyan, bibisitahin ko rin yan luneta. mapuntahan din yang mall of asia. kitakits na lang tayo dyan sa mall of asia.

  2. William,
    Okay iyang naisip mo especially kung may binabalikan ka ring ala-ala sa Luneta. Bastas promise huwag lang iyong ala-ala ng umiyak at o kaya’y nagpaiyak ng isang kawawang bebot. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kuwento ng buhay sa kabigoan man at tagumpay.

    Happy Father’s Day din sa iyo, I mean to your dad also.

  3. Happy Father’s Day sa lahat na erpats including na rin ang members ng UHAW at SWAT:

    U – nion of
    H – usbands
    A – takot sa
    W – aswit

    S – amahan ng
    W – alang
    A – sawang
    T – unay

  4. Dear Ate Mer,

    Wala pa po akong asawa at anak. Tulad po ninyo ni Ate Seg, ako po ay isa pa pong single. Mukang 3 years na po ata ang nakakalipas ng huli ko pong karelasyon at ang balita ko ay magpapakasal na sya. Yun ay ayun sa ini-mail nya sa akin noong isang taon. Hindi ko alam kung bakit nya ikinwento pa sa akin. deadma lang ako sa email nya.he he he… sayang napakaganda rin nya pero natauhan ata dahil na pagtanto nya na hindi sya nababagay sa pangit at hampas lupang katulad ko. ayuz ba ang drama? he he he…

  5. Happy Father’s day to all, inside and outside marriage. Mahalin ninyo ang inyong mga ama dahil kahit ano pa ang naging pagkukulang nila sa inyo ay kadugo ninyo pa rin sila.

  6. Happy Father’s Day to all!

    I’m back again.

  7. Ay salamat tito at nakabalik na kayo. Ingat lang po at sana tuloy-tuloy na po ang paggaling ninyo.

  8. love that love story of your mom and dad. I never knew how my parents did when in their sweety-sweet years. Masalimuot kasi ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama.😛

  9. mer,
    mukang malungkot ata ang ating kabigan dun sa kanyang tahanan ha. pupuntahan ko muna at kakausapin ng seryosohan. ngayon ko lang nalaman na up to now she still love father joe.

  10. naku ma’am mer lagot ka ngayon kay bestfriend mo. nagconcert ka pa sa bahay niya hahaha.

  11. Pinagtulungan ninyo ako ha. Ito para sa inyong maglola, joy and Mer.

  12. Mer, Magpakatotoo ka. O eto makining ka rin…

  13. At para lalo mo pang maala-ala iyong paglalakad mong umiiyak ka sa may Liwasang Bonifacio, ito namnamin mo ang makabagbag damdamin na “Kiss the rain.”

  14. Salamat Seg for your video response, hehe.

  15. Bilib ako sa inyong dalawa.

    Parang walang dull moments sa inyo, eh.

    Kunsabagay, a friend is always around when one needs one.

    But remember, girls.

    Mas kailangan ninyo ang magkaroon ng sarisariling pamilya. Iba ang dulot na kaligayahan lalo na ng supling at kataling puso.

    Hanap na kayo. Nakakainip na, eh!

    Mamantikaan naman ireng aming mga nguso.

    He he heeh!

  16. Malapit na po. Hehehehe.

  17. Mauuna nga lang si Seg. Kasi nagdeklara na siya na muling buksan ang kanyang puso. Ako naman ay hinahanap ko pa iyong susi ng pintuan, hahaha.

  18. your blog is nice. I passed by twice but did not comment. Now I am interested to comeback again.

  19. Ayus kayong dalawa, hehehe. mahilig din pla po kau sa mga OPM Old Pilipino Music.

  20. haydeenkoi!!! are you the doctor po ba? i am a regular blogger here. Welcome. Guwapo ka ba?

  21. Sorry joy I am already grandfather with a college student like you. So please do not consider me young to be handsome like Haden Kho. I am Haydeen in the remembering of my crush in the past of long time. Her name is Haydee.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: