Posted by: Mer Pints | June 15, 2009

Overloaded Washing Machine (Bad for your health)

155_5568Haayyy sumasakit ang ulo ko. Na-highblood talaga ako. Kung maari lamang ay mangangat ako ng tao kaso  hindi naman ako aso at walang balak maging Mike Tyson na nangagat ng tainga ng kalabang boksingero. Mantakin mo ba namang inoverload ng gunggong naming kasambahay ang aking washing machine kahit alam niya nang hanggang 35 lang ang waterlevel na dapat imintina sa dami ng labahan. Oo nga,  35 nga lang ang waterlevel na pinindot niya sa washing machne ngunit umaabot na sa 70 lbs ang bigat ng sarisaring damit na lalabhan na isinama niyang ipasok pagkatapos automatic na nag-cue sa 35. Hanggang doon po lang dapat siya ngunit nagdagdag pa ng pagkarami-rami pagkatapos.  Ayaw  nang umikot ang makina. Sumisigaw na ang kanyang “fuzzy logic” or warning. Mabuti na lang nadinig ko it at naagapan. Ngunit may hinala ako na  may damage na ang aking washing machine.

Ay sarap kurutin sa ilong ang bruha, ngunit nakapagpigil ako. Mamaya makasuhan pa ako  ng pagmamaltrato ng katulong. Pangalawa buntis pa siya, baka maanakan kung bigyan ko siya ng magkasintahan sampal. Kung sisigawan ko, baka madinig na naman ako ng mga tsimosang kapit-bahay namin at gawin pa akong instant celebrity. At kung pagmumurahin ko naman siya, ako naman ang  masesermonan nina Segundina at Doc.B. Ayaw kung madinig ang statement ng bawat isa na nagsasabi “Love thy neighbor; o kaya’y huwag mong patulan ang isang mangmang na katulong dahil magmumukha ka ring mangmang at katulong.” Ngiiii, ano ba iyan. Anyway who wants to be so? Wala, di ba?

E, kamahal-mahal na washing machine iyan, automatic. Naku ha nagtitiis ako ng kauutot sa kamimiryenda ng ko kamote lamang at malamig na tubig para mapagiponan ko lang ang pambili ng washing machine na iyan. Kung bakit pa kasi umiral pa ang pride ko nang pinapautang ako ni Segundina. Anyway mabuti na iyan at nakapagpundar ako ng gamit mula sa aking maliit lamang na suweldo bilang alipin ng mga pasyente sa hospital, hehehe. Teka natatawa na ako. Medyo na-relax na ng kaunti. At least pinagalitan ko lang ang estupida at ipamukha sa kanya na huwag siyang manira ng mga gamit sa bahay dahil lamang sa pagmamadali. No more, no less.

Kaya pala ang babaho ng mga underwear kong nilalabhan niya sa washing machine lately. Hindi pala nalalabhan ng maigi sa pagmamadali ng bruha. Naubos tuloy ang aking isang bote ng alcohol at lysol panguntra ng amoy.

A, ewan pero talagang nagmumukha siyang bruha sa aking paningin sa ngayon. After all those warnings na huwag lagyan ng sobrang daming damit ang washing machine at ito ay masisira ay ginawa pa rin niya, nakakainis!  Alam ko nagmamadali siya, wala siyang tiyagang magload uli pagkatapos ng una niyang load kaya sinagad na niya. Good for two washings ginawa niyang  “for only one” lamang. Ayyyyyyyyyyy Kordapya matutuyuan na ako ng dugo, katatapos pa naman ng aking buwanang dalaw. Kung makita lang ninyo kung papaanong pinipilit ang makina ang umikot ngunit hindi siya makaikot maiiyak po kayo. Halos madurog ang aking puso sa awa at tindi ng aking hinanakit. Naku,  gusto ko siyang kurotin ng pinong-pino hanggang matanggal ang kanyang mga libag, hehehe.

Palalayasin ko na sana siya ora mismo ngunit may humadlang, ang aking butihing mama. “Huwag ganyan Mer, bigyan mo pa siya ng isang chance,” ang sabi niya.  Iyan ang aking mom na mahilig kumanta ng “One More Chance.” At least nakahinga ng maluwag si buntis. Mabuti na lang at natutulog pa si Lola Liberty nang mangyari iyon. Isa rin siyang konsintedora sa kanyang apo na “napakaganda” raw ayon sa kanyan paningin. Dahil wala na akong magawa pa at nangyari na ang di dapat nangyari, pinagsabihan ko na lang si Torkwata na huwag na niyang uulitin pa. Oo naman siya ng oo, ngunit may duda pa rin ako sa kanya.

Kaya ito, isinusulat ko ngayon ang aking sama ng loob. Puwedi mo bang saluhin kahit kalahati man lang ang init ng aking ulo William K? Nagbibiro lang. Hehehehe. Anyway tatawagan ko na lang si Seg at yayain ko siyang kumain ng bulalo sa turo-turo nang maalis itong galit ko. Alam ko hindi ako dapat magalit ng husto dahilan lang sa kapalpakan ng katulong. Pero may sentimental value kasi ang washing machine na ito sa akin at ayaw ko siyang masira. Pawis, dugo, at nakakahiyang pagutot-utot (dahil sa kakakain ng kamote) sa elevator at escalator ang ipinuhonan ko diyan sa sobrang pagtitipid nang mabili ko lamang.

Sige po, magpapalamig lang ng init ng ulo sa mall sa isang basong sago at gulaman, at isang order ng siomai. Warm greetings to everybody. My love and kisses to all the Filipinos who dream for a corrupt free and progressive Philippines.


Responses

  1. Hoy, para kang loka-loka sa kaiimote mo diyan. Tumigil ka diyan at hindi bagay sa beauty mo ang maging Tandang Sora. Huwag mong punitin ang iyong sedula, magagalit sa iyo si DILG Sec. Puno. Hehehehe.
    Sige sasamahan kita, saan tayo kakain? Remember takot ako sa mga langawa ha? Maglilibre ka ba talaga ha girl?
    Pero bukas na lang ng hapon, may meeting ako ngayon with my team.

  2. ma’am mer, talagang love na love po ninyo talaga ang washing machine ninyo. Pero sama naman ako sa lakad ninyo na ma’am seg.

    Puwedi po ba mga tita?

  3. alam naman ninyo na bawal sa akin ang sumama sa mga lalaki, sa inyo daw lamang me na sasama sabi ng aking tita connie.
    available me na kumain din bukas ng hapon promise.

  4. Seg may screen ang karinderia ni aling Toning. Walang mga langaw doon. Espesyal iyong kanyang bulalo.

    Hoy joy, kahit sinabi ng tita mo na sa amin ka sasama lang, hindi ibig sabihin non na kasali ka sa libreng pagkain. Ako ang taya ngayon hindi si Seg kaya kkb muna tayo kung gusto mong sumama sa amin. hahaha.

  5. Ikaw Mer ha, napaka-kurips mo talaga. Gustong sumama iyong kaibigan mo siempre pakakainin mo rin ng libre iyan. Gusto mong matsismis ka pa ng kanyang lola? Hehe.
    Estudyante lang iyan at laging kinukulang sa allowance sa kagagasta.
    Maano ba namang pakainin mo na lang siya ng tapsilog at saka soft drinks na tig-lilimang piso, hehehe.

  6. Sige babo na ko at may klase pa ako, opening ng klases ngayon sa college.

  7. Ang sasaya naman ng mga dalaga dito. Mer tama ka, sesermonan kita kapag pinatulan mo ang isang taong hindi mo kalibel sa mentalidad at pinag-aralan. Mapalad ka at may natapos ka.

    Iyang washing machine mo ay isang gamit lamang na maaring masira. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lamang sa pagmamahal mo ng isang gamit. I mean alagaan mo ang iyong gamit ngunit hindi ito ang dahilan upang manakit ka ng pisikal at emosyonal na pagkatao.

    Nasa Bibliya di ba na mahalin din natin ang ating mga alipin o naglilingkud sa ating mga tahanan.

    I hope you will consider my admonition as a brother in faith.

  8. Joy,
    Ang pagaaral mo ang iyong isipin iha. Nakikita ko sa iyo ang aking sarili nang nagaaral pa lang ako, laging kapos sa pera. Laging gumagawa ng paraan para kumita.
    Nadiyan ang ako’y naging tagahugas ng pinggan sa isang karinderya upang kumita at may maibabaon ako papuntang eskuwela.
    Hindi ko iniyakan ang aking kapalara noon, naging hamon ito para lalo akong magsumikap sa aking pagaaral.
    Hindi man ako naging mayaman gaya ng mga pinapangarap ko, naging mayaman naman ako sa paglilingkud sa tao at sa Diyos.

  9. Siya nga pala mga kapatid, ipanalangin din natin ang matagumpay sana na pagpapagamot ni manong Cocoy sa CD. At sana ay pasyalan din ninyo ako sa Klinika Bobonyo para mabigyan ko kayo ng imyunisasyon para sa Swine Flu.

    Keep smiling people, God loves all of us!

  10. Girl kita na lang tayo sa Makati. Dalhin mo ang Lancer mo at ayaw kong maglakad. Isama mo na rin si Joy nang masaya.

  11. Kawawang Mer.

    Arkila ka na lang towing truck kaysa dalhin mo ‘yang Lancer mo. Masisira ‘yang byuti mo, iha. Baka makita ka ng crush mo, dyahi.

    Biruin mo, isang napakagandang nurse, may pasan pasang kotse?

    Lupit mo, Seg. Baka lalong mag-uutot si Mer.

    He he he heeeh!

  12. Tito naman siempre sasakyan ko no at ida-drive ko pa. Hindi ko po bubuhatin.

    Towing truck, naku po baka dalhin pa ako sa MMDA at masermonan ni Bayagni Fernando. Mali iyong spelling, ikorek lang natin ng Bayani, hehehe.

    At saka hindi ko naman susundin iyong sinabi ni Seg. Nagmahal na naman ang presyo ng gasolina. Mabuti pa maglakad na lang, di ba Seg?

  13. Seg kung pasasamahin mo si Joy sagut mo ang kakainin niya. Malakas pa iyan sa wrestler na tsumibog hahahaha.

    Joy, joke only ha. Huwag you magagalit. Me is patawa you only.

  14. ang saya nyo dito ha. teka nga masubukan yung pa-text na comment ni joy… mer hindi you me yaya ha. tampo me you… you seg din. hindi you me nayaya ever. you 3 lagi go out minus me. tampo me na talaga… always wawa me… ayuz! he he he…

    @mer

    second demotion ako kay doc bobonyo. pero alam mo mer sa amin ang comment sa akin ng mga kasambahay namin ngayon at mga naging kasambahay namin noon ay masungit at medyo suplado daw ako. alam nila na hindi nila pwedeng kaagad agad na magagalaw ang mga gamit ko kung hindi nagpapaalam sa akin. minsan pa nga “may i check pa me” (joy text message ulit. hehehe..) ng pinggan, baso, kutyara at tinidor na hinugasan nila. pagmeron pa rin amoy ng pagkain pinapaulit ko. ang ibig sabihin ko lang mer from the start lahat ng nagiging kasambahay namin ay well brief na. ang nanay ko kasi ang nagha-hire na kasambahay namin at alam nya ang gusto namin ugali ng mga makakasama namin. at sina sabi nya yung mga ugali ng mga makakasama nya. pero alam mo ang nakakataba ng puso ay yung comment nila na mababait kami. actually mer we treat them as family member talaga. tumutulong din kami sa family nila kung kaya naman namin. meron pa nga na nag-resigned na ng matagal na sa amin na bumabalik pa. meron naman na sa amin na tumanda. next time itsitsismis ko sa inyo yung mga naging buhay ng mga naging katulong namin. he he he… nang makaganti naman ako sa kanila kasi tsinitsismis din nila kami sa mga kapitbahay namin eh. hahaha…😀

  15. Tama ka diyan William. May kasambahay na mahusay magtabaho mayroon ding tamad at namimili ng gagawin katulad nitong TBird naming kasambahay na naglayas tangay cellphone at relo ng aking bunsong kapatid.Mabuti na lang napeke siya, lahat ay bulok.

    Kabayaran sa suweldo niyang kalahating buwan na hindi na niya kinuha pa.

    Ang mom ko ang nagha-hire ng mga katulong. Kadalasan nakakakuha siya ng balasubas, tangengot, at bastosin.

    May tumatagal din at dito naman siya panalo kagaya ni Juday. Kaso nagasawa na siya, si Piolo na kusinero ng isang karinderya sa Diliman.

    Ilang buwan pa lang na namamasukan itong si Katrina na nagtatrabaho sa amin. Naiwan sila ni Hinder Ko na BF niya noong Pasko nang magpunta kami sa Baguio. Pinaalalahanan pa sila ni Mom na huwag gagagawa ng milagro. Kaso hindi sila nakinig, kinain ni lalaki ang mansanas ni Eva kaya naka-assemble sila ng bata.

    Anyway malamig na ang ulo ko ngayon (kahit hindi ko na pakakainin ng bulalo pa si Seg), napatawad ko na si Katrina kahit kinunan pa niya ako ng video palihim habang nagsasayaw ako ng itik-itik hahaha.

  16. @mer

    yan bang na sa itaas ang kuha mo habang nagsasayaw ka ng itik-itik? saan hospital ka nga pala ng tatrabaho? head nurse ka na ba dun?🙂

  17. Gusto ko lang na magpasalamat sa iyo for the bulalo trip. Pasyal kayo sa aking bahay nang mabasa naman ninyo kung ano ang nangyari sa aming date in Mer or Wonder Girl hahaha.

  18. follow-up po. he he he…😀

    @mer

    yan bang na sa itaas ang kuha mo habang nagsasayaw ka ng itik-itik? saan hospital ka nga pala ng tatrabaho? head nurse ka na ba dun?

  19. Hi Mer and Seg
    Nawala tayo ng kaunti sa blogging world. May training na naman na aking dinaluhan bilang lecturer. Mabuti sana kung tungkol sa Barangay, it’s about Public Health Education kung saan nagbigay tayo ng lecture tungkol sa social environment of health and education. Maraming sexy doon pero wala pa ring tatalo sa inyong dalawa, hehehe. Iyong meryenda ko na. Pasensiya na at ngayon pa lang ako nagiisip kung ano ang aking susulatin. Ban muna si Britney sa pagsusulat sa aking blog. At hindi tutoo na may sex video ako, baka maniwala pa ang mga taga Barangay Kidlatan. Balik na lang siya sa kanyang sari-sari store kung saan siya komportable sa mga Barangay Tanod.

    Siya nga pala may batas tayo tungkol sa violence against women. Ipinatutupad ko ito sa amin. Unang nasampelan ang isang tanod na nanampal ng kanyang bungangerang biyenan.

    Mabuti nakapagtimpi ka. It’s not worth your dignity the price of your washing machine. Bigyan mo na lang siya ng batya at palu-palo.

    William,
    Masyadong secretive iyang si Mer. Kilala ko siya dahil naging estudyante ko sila ni Segundina. Nakasama ko rin sila sa NGO noong araw. Si Segundina ay niligawan ng anak kong IT manager ng isang bangko pero nabigo lamang siya. Baka mahina lang sigurong manligaw si JR ko.
    Si Mer iyang nasa itaas nang nursing student na siya. AB Social Science ang unang tinapos ni Mer kung saan naging classmate niya si Segundina na noon ay patapos na ng Sociology. Kilala ko ang dalawang iyan dahil ako ang naging professor nila sa Methods of Research. Si Segundina ay naging researcher ng isang NGO habang nagaaral pa siya sa masteral. Nang napromote si Seg bilang researh associate, isinama niya si Mer sa kanyang project para dito sa magpracticum. Nang matapos na si Mer ng College naging full= time research assistant na siya at laging magkasama sila ni Seg. sa mga lakaran sa probinsiya. Kaya naman ako napasok sa kanilang NGO dahil kinuha ako ni Seg na research consultant nila kuno. Nagustohan ko sila, I mean their agency, kaya nagtagal ako dito as a consultant on project basis. May iba din tayong mga raket kasi at employment.
    That’s all I could tell you about the two, I am proud of them that among thousands of my students for 25 years of teaching isa sila sa mga naging successful in their fields lalo na sa research and community development. At bukod diyan mga college instructors din pala sila. Si Mer part-time instructor siya pero si Seg yata ang naging full-time professor. Balita ko assistant chair na siya ngayon sa Social Sciences Department. Hindi ko na babanggitin kung saang school sila for personal reasons pero hindi ito pipitsugin.
    Hanggang dito lang ang alam ko tungkol sa kanilang propesyonal na buhay. But as far as their personal life is concerned, I don’t have much knowledge. Ang alam ko lang ay kapwa bigo daw ang dalawa sa pag-ibig and they’re careful about men courting them.
    Isa lang ang ayaw ko sa kanila, hindi na nila ako nirerespeto katulad ng dati. Tignan mo na lang kung makapagbiro sila sa akin sa blog. Pero okay lang siguro kapamilya ang tingin lang nila sa akin hindi kapuso (kasi iba na iyon, hindi lang masama baka maiskandalo pa tayo if ever).
    Mawalang galang na sa inyo Seg at Mer for giving a little background about you guys. Thanks.

  20. hi ma’am mer d ho ba kayo nilagnat? Hehe.
    salamat po sa pagsama you me. my tita said ang babait ninyo tlga. di ho 2 bola.

    cge po sumingit lang ako sa aking friend para ma-greet ko kayo ni ma’am seg. may meeting pa kami ng aming practicum coordinator. mahirap na malyt kc sobrang sungit ang matandand iyan.

    thanks

  21. ahahaha. ipabasa mo yan kay bunts atleast malalaman nya.

    talaga c buntis naglalaba ng ndies mo? ayan bumaho tuloy. ahah

  22. @kap

    maraming salamat po sa info kap. kayo po pala ay naging professor nina seg at mer. palagay ko ay malaki ang naitulong nyo kung bakit sila successful ngayon. sya nga po pala kap, “HAPPY FATHERS DAY” po sa iyo.

    alam nyo kap kaya madalas akong magtanong tungkol sa kanila kasi parang iba makipag-usap dito sa dalawang magkaibigan na ito. parang walang dull moment kung makakasama mo sila at sa tingin ko ay mga totoong tao (sana hindi ako nagkamali.hehehe..🙂 ). saka kahit dito lang sa “net” kami nagkakilala thru mang cocoys blog, iba ang naging dating nila sa akin. ang sabi ko sa sarili ko noon mukang mga disenteng mga babae itong mga ito. promise walang biro yan, yan ang comment ko sa dalawa… gustong-gusto ko yung mga stories nilang dalawa dito. lalo na ngayon, real stories talaga na sila pa mismo ang mga main character. tawag dito ngayon sa blog nila ay “online diary”. i think this is one of the main reasons why blogs were developed. sa ordinary diary kasi you are actually talking to yourself lang talaga. hindi tulad dito very interactive. pero syempre hindi na sya “secret” o personal. ganun pa man malaki ang na itutulong nito kasi nakakahanap ka ng mga tunay na payo at hindi rin malabo na tunay na mga kaibigan. di ba mer?😉 … tulad ng obserbasyon mo kap, i like the style of seg today. mas suwak na suwak sa personality nya yung mga istorya nya ngayon. kaya nga when i read all the new entries of seg and mer i told myself that this going to be my hobby now. in return naman, dtio ko na rin ishe-share ang mga unforgettable and monumental moments of my life.he he he… ok ba yun seg? kaya lang baka hindi sya kasing interesting gaya ng sayo kap, seg at mer.

    teka nga po pala. na banggit nyo na si JR nyo ay isang IT manager sa isang bangko. alam nyo marami akong kakilalang IT manager sa bangko dyan sa atin sa pinas. kasi sila ang madalas ang contact person namin noon. the company where im working before is a distributor and service provider of UPS which is the back-up power of IT machines… speaking of your JR po ulet. kung ang anak nyo po na gwaping na at matalino pa ay hindi naka pasa kay seg, paano na yung ibang lalaki na hindi po kasing gwapo at kasing talino ng inyong anak na tulad ko?… wag nyo na pong sagutin siguro baka po hindi na ako magpakita dito. mahirap na po, baka po magsabi kayo ng totoo. he he he…😀

    dalaw ako sa barangay nyo minsan kap. pero pakape kayo ha.🙂

  23. All the time William, pasyal ka paminsan-minsan sa aking barangay at makapagsalabat ka with nilagang saging. Masaya doon kahit makukulit ang aking mga tanod na laging nakahawak sa kanilang batuta doon, hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: