Posted by: Mer Pints | June 7, 2009

A “Shabu-Shabu” Lunch with Segundina

Segundina had a supervisory meeting with her research team. She texted me if I was in the Ortigas Area. Actually I was at Mega Mall window shopping as usual. When she received my reply, she asked me if I had my lunch already. What lunch, I told her, I am starving. Are you on diet she replied. No, but if you treat me for a lunch I will always be available. She asked again if it was okay for me to walk and see her at a restaurant in Podium. Of course!

Talaga itong si Segundina, magpapakain lang ay marami pang siyang pasikot-sikot na usapan. Alam ko tuwing nasa Podium iyang si Seg ay laging nagpapakain. Mahilig siya kasi sa mga pagkain na may sabaw na sagana sa gulay at seafood. Kaagad na sumagi sa aking isipan na pakakainin niya ako ngayon ng Shabu-shabu.

Nasa isang sulok sila at may mga folders at brown envelopes na dala ng kanyang mga kasama. Alam ko na mga research assistants niya ang mga ito. Ang babata nila, parang mga estudyante lang pero mga bihasa na sila sa fielwork. Magaling na mentor kasi itong si Seg.

Kinawayan niya ako at agad ko silang nilapitan. Pinaupo niya ako sa tabi niya. Nakashorts lang siya at kitang-kita ang kaputian at kakinisan ng kanyang mga legs. Hindi na ako nakapagpigil pa, kinurot ko pagkatapos kaming mag-beso beso.

“Nababading ka na naman sa akin,” sabi niya.

“Obvious ba?” Sabay yakap ng mahigpit.

Humagalpak siya ng tawa. Ewan ko na lang ko ano ang naiisip ng kanyang mga kasama sa amin. Hindi lang miminsan kaming napagkamaliang mag-on.

Ipinakilala niya ako sa mga kasama niya. “Ito si Mer ipinakikilala ko sa inyo, dati kong kasama sa fieldwork at mahilig magpalibre. Pero mabait iyan lalo na kung tulog.”

Mayamaya pa ay dumating na ang mga waiters at dala na nila iyong lutuan at mga ingredients ng Shabu-shabu. Masarap ang sabaw, at nakaka-energize. Napadpad sa akin iyong ipit ng alimango at sugpo. Gutom na ako nang ewan ko ang Mega Mall. Naparami tuloy ang aking akin. Hindi na mahalaga kung ano pa ang sasabihin nila sa akin. Ang importante, gutom ako at kailangan kong kumain hanggang mabusog.

Nagorder pa ng mga kakanin at taho si Seg para panghimagas.

“Ano pa ang gusto mo,” ang bulong niya sa akin.

“Wala na. Salamat uli sa uulitin,” ang sabi ko.

“Makakaalis ka na,” ang sagot naman niya.

Hahahaha, bigla kaming napatawa ng malakas.

Alam ko may paguusapan pa sila ng kanyang team kaya nagpaalam na ako. Alam ko busy si best friend sa kanyang mga gawain sa school at sa mga raket niya pero lahat ng paraan ay ginagawa niya para lang magkita kami. At alam ko rin na ako na naman ang paksa ng kanilang kuwentohan. Lagi niya kasing naikukuwento kahit kanino kung papano kami magtrabaho at nagsama noon bilang mga field researchers.

Nakailang hakbang na akong papalayo sa kanila ngunit parang may magnetong humigop sa akin upang muli ko silang lingunin. Nakatayo na si Seg, kumakaway at sinasabing “see you.” “See you too, ” ang sagot ko naman. Nangiti ako at naramdaman sa aking puso kung gaano ako kamahal ng aking kaibigan at ganon din siya sa akin.

Malayo na ako at papalapit na sa Mega Mall ngunit parang nakikita ko  pa rin sa aking isipan ang imahen ng isang napakaganda at napakahinhing  babaeng kumakaway. Labis akong humahanga kay Seg bilang isang tunay na kaibigan. Ngunit hindi lang sa pang-ibabaw na kaanyoan ko siya hinahangaan kundi  ang kanyang panloob na kagandahan. Hindi man kami magkadugo, ngunit higit pa sa isang tunay na magkapatid ang aming turingan. She’s my idol and a friend kahit tawagin pa niya akong butangera. At least may beauty din naman ako, itanong pa ninyo sa nanay ko,  hehe.


Responses

  1. hi colegiala! williams here. natutuwa ako sa inyong dalawa ni ma’m seg (mula ngayon favorite teacher ko na rin sya. he he he…). kahit hindi ko kayo kakilala alam ko na magkaibigan kayong tunay. marami akong naging kaibigan pero mukang iilan lang talaga itinuturing kong “seg” sa buhay ko. yung bang kaibigan na lagi mong kasama, na kahit batong bato na sayo ay sumasama pa rin. kahit na naiisahan mo na sa paggastos (tulad ng ginawa mo. ha ha… joke lang) ay ok lang sa kanya. na naalala ko tuloy yung mga kaibigan ko… ang mga mapuans kong mga kaibigan ang tinuturing kong mga malalapit na kaibigan. kahit meron nang mga pamilya yung iba nagkakausap pa rin kami. ang pinaka gusto ko ay nagtutulungan at nagdadamayan pa rin.

    matagal na rin kaming hindi nagkikita kita. mayayaman na siguro sila. siguro colegiala dapat magpalibre na rin ako. tama, pagbakasyon ko dyan sa pinas itetext ko silang lahat at magkikita kami sa favorite meeting place namin ang foodcourt ng mega mall.

    colegiala, pareho rin ba kayo ng school ni ma’m seg? btw, pasensya na ka at napadaan ako sa blog mo ha. thank you very much for giving me a space here. sana maulit ule. God bless you always.🙂

  2. Thanks for visiting William. I know you have a lot of friends too.
    Just to give you a brief account of our friendship with Seg. Magkaaway kami dati niyan. Nakalaban ko pa siya sa isang beauty contest. Tinalo niya ako at iniyakan ko. Bagito pa ako noon sa college. Later na lang kaming nagkakilala ng husto. Akala ko suplada siya noong araw dahil puro mga anak mayayaman ang mga kabarkada niya. Napalapit ako sa kanya dahil sa isang group research namin. Dito ko nakilala ang isang babae na hindi lang maganda sa panlabas na kaanyoan, kundi may busilak pang puso na naglilingkud sa mga mahihirap.
    Nang naging research associate siya sa isang nationwide study, kinuha niya akong research assistant. Namoroblema siya sa katigasan ng aking ulo. Pero nanaig pa rin si Seg. Ipinakita niya ang aking mga kamalian at lalong naging compassionate pa nga siya sa akin. Maprinsipyo si Seg pagdating sa trabaho. Marami akong natutunan sa kanya kahit lagi niya akong tinatawaqg na butangera. Palaaway kasi ako at maiinitin ang aking ulo. Dito kami magkaiba ni Seg.
    Hindi biro ang aming pinagdaan, mga away bati naming dalawa. Ngunit sa kabila ng lahat ay alam kung dakila siyang kabigan, nakakaunawa, iniiyakan, at laging mauutangan, hehehe. Sapagkat lagi niya akong pinakakain ng libre, isinasama sa kanyang mga lakad ng libre, hindi lang best friend and turing ko sa kanya kundi parang isang tunay na kapatid. Bakit nga hindi masarap yatang maging kapatid si Seg, lagi siyang nagbibigay sa akin ng regalo kahit hair pin at suklay pa lang ang naibibigay ko sa kanya di ba Seg?
    By the way bosing ko na naman si Sega, may part time load ako sa kanyang departamento. Kailangang laging pinupuri ko siya para hindi niya sinesermonan tuwing nali-late ako sa aking klase. After all gustong-gusto ito ng mga estudyante ko, laging shortened period hehehe.

  3. Sana magpatuloy pa ang maganda ninyong pagkakaibigan ni Seg. Kaya mo ba nasasabi na mahal mo si Seg dahil sa regalo at libreng pakain.

    Hi Seg, we love you. Puwede pang pakainin din ninyo kami ni tatay kahit pansit malabon lang hahahaha

  4. May kasabihan tayo Mer, “a friend in need is a friend in debt” hahahahaha.

  5. wow! pareho pala kayong beauty queen. na kakatuwa naman kasi mga naggagandahang mga pilipina ang mga nakakausap ko ngayon at mukang hindi lang yan, beauty, brain and down to earth pa. baka magmuka akong alalay nyo pag nagkita tayo ha. he he he…

    kayo pala ang female version nina erap at fpj. yang dalawa ang idol ko pagdating sa pakikipagkaibigan. silang dalawa para sa akin ang nagpatunay sa mga salitang “WALANG IWANAN”.

    alam mo girl (hihiramin ko na yung tawag sayo ni seg ha.) pareho lang tayo, nasa middle class lang ang family. noon din karamihan sa mga kaibigan ko ay puro anak mayaman. maniniwala ka ba na meron akong kaibigan na belong to SY clan? yung iba naman ay meron mga construction company dyan sa pinas. pero alam mo kahit hindi kami magka-level ika nga nila, they dont discriminate me and they dont make me feel that im not one of them. mababait silang lahat sa akin at tulad mo rin madalas nila ako ilibre.

    sya nga pala paki sabi kay seg na pagpasensyahan na nya ako ha. mejo na pagdudahan ko yung pagiging propesora nya. paki sabi na lang na ililibre ko na lang sya pag na tuloy ang bakasyon ko dyan sa pilipinas. pero syempre kasama ka. wala ngang iwanan di ba? pero dun lang tayo sa kaya ng bulsa ko ha. he he he…😀

  6. Naku po nagpapaimpres na naman itong si Mer. Kumitana iyan girl. Hindi na ako magpapakain pa, besides nagpapalibre diyan si doc.B at ang kanyang biyenan. Okay lang basta bukas ay kasama sila sa rally.

    William, pasensiya na at sobrang sipsip sa akin itong si Mer. Baka maniwala ka tuloy sa mga kuwento niya. Binabangongot lang iyan sa tanghaling tapat.

    Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, ako na lang yata ang nagtitiyaga sa butangerang ito. Pero itong si Mer kahit mapagbiro iyan masarap ding magmahal at tapat na kaibigan.

    Sige dito lang muna tayo at kokontakin ko ba ang aking mga tropang kababaihan para lumusob bukas sa Ayala para sa anti-Con Ass nila rally. Sama ka Mer? Magpapakain ako.

  7. @ segundina

    kung na dyan din ako sa pinas malamang um-attend ako ng rally dyan sa makati. from the start palang i dont trust gloria and i dont like her administration. kung pwede lang hamunin ko ng suntukan yang asawa nya o yung dalawa nyang anak na lalake makikipagsuntukan ako sa kanila eh. basta wala lang silang bodyguard.

    @my 1st lady & @my girl, ,ayuz ba ang bago nyong pangalan? yan na ang tawag ko sa inyo ngayon ha. he he he… post naman kayo ng mga pictures dito pag-umattend kayo ng rally sa makati ha. pero mas ok kung na dun din kayo sa mga pictures.😉

  8. GO OUT and JOIN the CON ASS protest Rally.

    The absence of integrity in the House of Representatives came to light on the 11th hour of June 2, 2009. The sworn protectors of the Philippine Constitution – those who swore upon that document when they assumed office – are now those who seek to subvert it and silence all opposition. It was in railroading the passage of an ill-willed resolution, dismissing dissent, and playing numbers games that the possibility of “Gloria Forever” becomes a haunting specter. More than “Gloria Forever,” the railroading and ramming through of HR 1109 is a clear indication that the public interest is secondary to personal political interests, or at the very least, ill-defined ones.

    More than “Gloria Forever,” more than the compromising of sovereign territory, and more than technical squabbling on the form of government we’ll have, the railroading of HR 1109 is an exercise of shame. It is what politics in this country has degenerated into: the tyranny of deceit, the rule of disrespect, the noise of impunity, and the triumph of ignominy. What you did was a clear violation of the dignity of this nation. What you did was to kill democracy. We refuse to be represented by those who demonstrate that kind of politics.

  9. Pareng Cocoy iisa lang ang sigaw ng bayan, “Ibagsak ang Buwiset na Con. Ass” na iyan at itapon sa Kangkongan ang mga Kongresistang sumoporta nito!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: