Posted by: Mer Pints | May 21, 2009

Pilipinas sa Kuko ng Liwanag (The Voice of Hope)

I believe that life is just like a big big wheel. Now you are the bottom and tommorrow you’ll be at the top. Now the Philippines is looked upon as one of the poorest and most corrupt government in the World. But in the world there is nothing constant. If there is something permanent, it is change. And change may come soon or later. I still believe in the collective goodness of the Filipinos. That’s why I remain a dreamer. Dreaming that someday I’ll be awaken to a new day in a country that is so progressive, peaceful, and united with love, compassion, and patriotism of the people.

This may sound impossible to others but this voice of hope remains in my heart, and I will always say it.

Pilipinas sa Kuko ng Liwanag

Maraming kaganapan ang nangyari sa araw na ito. Nakakalungkot at nakakatuwa. Minsan nga kapag may dinadalang problema ang aming labandera noong araw (sa madalas na pagaaway nila ng kanyang sugarol na asawa) ay lagi niyang nasasambit: “Hay buhay paglukso patay.” At lagi kong naitatanong sa aking sarili kamatayang lang nga ba ang makapagpapalaya sa tao sa kanyang mga mabibigat na dinadala sa buhay. “Huwag kang maging seryoso sa iyong buhay, just relax,” ang lagi namang ipinapayo ng behaviorist na si Segundina.

“Failon’s Wife Committed Suicide”

Pagkaraan ng mga pangigipit na sinapit ni Ted Failon at ang kaanak ng kanyang yumaong asawa sa kamay ng mga pulis, inilabas na ng NBI ang kanilang findings. Ayon sa mga nakalap na ebidensiya at testimonya ng mga taong nakausap, nagpakamatay ang butihing asawa ng isa sa mga batikang broadcaster ni Pilipinas na si Ted Failon.

“After perusal of testimonial evidence and conscientious evaluation of the results, recommendations and conclusions of the criminologists, working as a team, as regards to their investigative, technical, scientific, medical, and psychiatric analysis, [the NBI] thereby concludes that Trinidad Arteche-Etong indeed committed suicide,” NBI Director Nelson Mantaring said in a press conference at the bureau’s headquarters in Manila.

Mantaring said that based on all the evidence collected by police, “no other person was present or was with Trina inside the bathroom the moment the trigger was pulled.”

He added that based on psychiatric evidence, Etong had the “capability, motive and means” to commit suicide. (From abs-cbnNEWS.com | 05/21/2009 11:55 AM)

Villar’s Ethics Case to Continue

Nangusap na ang labindalawang senador; tuloy ang pagimbestiga ng kasong isinampa ni Senador Jamby Madrigal laban sa dating Senate president sa Senate Committe on Ethics dahil ito ay “sufficient in substance.”

Those who voted yes were Jamby Madrigal, Juan Ponce Enrile, Panfilo Lacson, Miguel Zubiri, Edgardo Angara, Rodolfo Biazon, Jinggoy Estrada, Richard Gordon, Loren Legarda, Mar Roxas, Noynoy Aquino and Gregorio Honasan.

Minority senators, including Villar, did not participate in the hearing.

Villar has refused to join the hearing saying he would not get a fair hearing from his potential opponents in the 2010 presidential race.

The senators signed Madrigal’s Senate Resolution 707, which directs “the comittee on ethics and privileges to investigate the conduct of [then] Senate President Villar Jr. for using his position of power to influence public officials in relocating the C-5 road extension project to deliberately pass through his properties and to negotiate the overpriced purchase of road rights of way through several properties also owned by his corporations redounding in huge personal financial benefits for him, to the detriment of the Filipino people, thereby resulting in blatant conflict of interest….” ( From abs-cbnNEWS.com | 05/21/2009 5:05 PM)

Sa paliwanag ng mga bomotong senador ay hindi pa naman daw pinal ang kanilang boto. Gusto lang nilang malaman pa ang katotohanan ng paratang sa pamamagitan ng pagdinig sa bawat panig at pag-analyze ng mga ebidensiyang ihinain.

Ang question lang gaano kabilis nilang mapagpasyahan kung may nilabag ngang ethical standard itong dating senate president at ngayon ay nagbabalak tumakbo bilang pangulo ng bansa. Sagabal ba ang kanyang kaso sa pagsulong ng kanyang kandidatora? Ay, buhay nga naman.

Revoke Dr. Hayden Kho’s License

Pagkatapos nilang pagsaluhan ang “langit at ligaya” sa kama ay pinatatanggalan ngayon ni Katrina Halili si Dr. Hayden Kho ng lisensiya sa PRC pagkatapos lumabas sa internet ang kanilang sex video at natalumpati sa Senado ang galit na galit na si Senador Bong Revilla.

Simple lang ang dahilang, and di umano’y pagbi-video at pagkakalat nito sa internet ng kanilang pagtatalik na wala siyang pahintulot. Pinagpiyestahan tuloy sa Quiapo ng mga mamimili ang kanilang video.

Sayang guwapo pa naman si dok. Paano na lang kapag mawalan siya ng lisensiya. Ayaw kung isipin na magiging macho dancer at model na lang siya. Tipo ko pa naman ang isang guwapo at matipono ang pangangatawan na doktor hehehehe.

But gaya ng sabi ni madam Imelda, enough is enough. Marami pa raw na show biz personality ang nadamay. Ngunit ano man ang sabihin nila laban kay dok, sa batas mayroon tayong tinatawag na due process. Ngunit bakit si dok lang ang pinagiinitan, bakit iyong mga ibang nakagawa ng mas grabe pang kasalanan sa ating batas ay nakakalaya pa ngayon kagaya nitong mga scammers at mga nagwaldas ng pondo ng gobierno.

A buhay nga naman, Pilipinas sa kuko ng liwanang.


Responses

  1. Tatlong issues dito ang nabigyan ng liwanag, una ang pagkamatay ni Mrs. Ted Failon. Hindi ang broadcaster na unang napaghihinalaan ang pumatay. Ito’y isang kaso ng suicide. Lahat ng ebidensiya ay nagpapatunay na pagpapatiwakal nga sanhi ng kamatayan ng nasirang asawa ng broadcaster. Gayon pa man kailangan na makasuan din ang mga police na siyang nag-harrass at nang-api sa mga kaanak ng asawa ni Failon. It’s time for Ted Failon naman to seek and demand for justice. Sabi nga niya makapagpapahinga na silang magaanak at maipagpatuloy ang pagluluksa.

  2. Ang isang isyu na dapat magliwanag pa ng husto ay ang pagkadawit kay Sen Manny Villar sa paggamit ng kanyang influence upang maipatayo ang isang C-5 road extension malapit sa kanyang subdivision. Kailangan niya itong harapin hindi iyong nagmamatigas siya at sinasabing napupulitika lamang siya.

    Ito ang maliwanag pinirmahan na ng mga senador na nasa committee on ethics ang Senate Resolution 707 upang ipagputuloy ang pagsusuri ng kaso kung may linabag ngang ethical standard ang nagbabalak kumandidato bilang pangulo ng bansa na senador.

    May mga nagsasabi na tapos na raw ang political ambisyon ng senador sa pag-ignore niya ng nasabing kaso. Maliwanag pa sa sikat ng araw, nagdududa na ang mga tao sa kanyang intigredad at katapatan bilang isang opisyal ng bansa.

  3. Girl, hindi mo pa suwerte na magkaroon ng guwapong doktor na mapapangasawa. Nadawit na sa sex scandal itong crush mo, hehehe.

    Pero di ba gusto mo rin ang isang beterenaryo? Doktor din iyon. Kung wala e di sa konduktor ka na lang ng bus, libre pa ang iyong pamasahe paupuntang Isabela at Ilocos.

    Pero puwera biro girl kawawa itong doktor. Tama ka may mga sumisikat na personalidad diyan at tumataas pa ang kanilang public acceptance at the expense of this so called “highly perverted physician.” May due process tayo pagdating sa paghahanap ng hustisya. Kung may human rights na di umano ay nilabag ni Hayden Kho. may roon din siyang karapatan to be proclaimed innocent until such time proven guilty beyond reasonable doubt.

    Pero gumigiling dito ang camera at pataas na pataas ang rating ni Sen. Bong Revilla. Napaguusapan na rin si Katrina. Malamang baka may bagong project na naman siya sa telebisyon at pelikula. Ang title, “The Sex Scanda,” okey ba itong suggestion ko?

    Pilipinas sa Kuko ng Liwanag ang lahat nang isyung ito ay nagsasalamin ng reyalidad ng isang lipunang pinaiikot at pinagagalaw ng mga pulitiko at Media.

  4. Kung may anomalyang nangyari kay Villar,kailangan siyang patawan ng parusa.Iyun palang misis niya ang pinakamayamang Tongresswoman.

    Maraming Tuso este,Ruso ang naging saling pusa sa CD.Mabuti na lang at alam pala ni Seg ang lenguahe ni Volkof.

  5. Tsamba lang iyon Kim hehehe.

  6. Siya nga pala lumalabas din na ang mga Arroyo din sa Congress ang kabilang sa 30 na pinakamayaman.

    Congrats hehehe.

  7. Hay Buhay! Mangarap na lang tayo ng mangarap tutal libre naman.

    Binoldyak na ng mga kasamahan ni Villar sa senado ang C-5 at taga niya.

  8. Tapos na raw ang kanyang political ambition, naglaho na rin daw ang kanyang pagasa na maging presidente ng Pilipinas. Karma?

  9. Ito maliwanag pa sa sikat ng araw, may dalawang mag-asawang balikbayan ang nagbahay-bahayan sa kanilang kubo ang naingganyong magsex. Walang masama dahil mag-asawa. Ang masaklap lang ay nagiba ang kanilang papag sa sobrang kabigatan. Kapwa pinataba sila ng husto ng America, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: