Posted by: Mer Pints | May 7, 2009

Happy Mother’s Day Lola Jane (Alay sa mga Dakilang Ina)

Grandma Jane took care of Sopronia when she’s barely  two months old. Since then Sopronia was so lucky to be on the safe hands of  a God fearing and dedicated baby sitter. Spronia’s parents were so lucky too, with a small amount they paid the baby sitter, they could work and work and earn so much. Meanwhile Soronia grew up a God fearing and responsible child. But as Sopronia grew up and fast becoming a young lady, Grandma Jane also declined in physical and mental health. Sopronia found no more use of Grandma Jane as she’s on her own now. Now Grandma Jane is back to the Philippines only to be taken care of by her own grandchildren she left behind when she went to the United States.

Happy Mother’s Day! Iyan ang aming bati kay lola Jane na nagpuntal nang Amerika upang alagaan ang kanyang beteranong asawa. Nang namatay ito ay naging baby sitter naman si Lola Jane sa isang batang hindi niya kaano-ano. Sa tagal ng panahon na pagigiging yaya niya sa isang batang half-Filipino at half-African ay napamahal siya dito ng husto.

Matanda na si Lola Jane ngunit sinusundo pa rin niya sa eskuwelahan ang kanyang alaga. Tuwing may mga okasyon sa paaralan siya ang pumupunta para panuorin ang bata habang nasa trabaho naman ang mga magulang at kumikita ng limpak-limpak na pera. Sa kakaunting bayad sa kanya bilang baby sitter ay masaya na ang lola.

Protektado ng husto si Sopronia habang nasa pangangalaga siya ni lola. Kapag may party ang mga kamag-anak ni lola Jane ay isinasama niya ang kanyang alaga. Marami nga sa mga kaanak at pamangkin ni Lola Jane ang nagtatampo dahil kay Sopronia niya na ibinuhos ang kanyang panahon at kalakasan upang alagaan siya. Ni ayaw nga niya itong madapuan ng langaw. Sa totoo ay mas mahal na nga ni Sopronia si lola Jane kay sa mga tunay niyang magulang. At dito naman naiinggit at nagtatampo sa kanya ang kanyang mga kaanak dahil ayaw niyang alagaan ang mga ito upan maibuhos lang niya nang todo ang kanyang pagmamahal at pag-aalaga kay Sopronia.

Sa kaunting kinikita ni lola Jane sa pagaalaga kay Sopronia ay nakapagpapadala pa siya ng kaunting pera sa mga apo niya si Filipinas. Nakapagpaaral pa nga siya ng isang apo sa college sa pamamagitan ng kanyang ipinapadalang pera. Malayo na ang narating ni Nandin na kanyang pinag-aral at malapit na ring magtapos sa kolehiyo sina Tessa at Ruby.

Ngayon ay ulyanin na si lola Jane. Iniwan na siya ng kanyang anak sa Amerika sa bunso niyang anak na si tito Merong. At hindi naman siya pinapabayaan ng mga anak nito. Maging si tita Nora na asawa ni tito Merong ay labis-labis ang pagmamahal at pagaalagang iniaalay kay lola Jane. Utang na loob at matinding pagmamahal sa magulang ang naging panuntunan nang buong pamilya ang pinaiiral sa pagaalaga ng isang lola Jane na dahil na rin sa katandaan at pagkaulyanin ay nagiging pasaway at makulit.

Ngunit sa batang minahal niya kagaya ni Sopronia, parang isang bagay lang na itinapon itong si lola Jane. Ako mismo ang nakasaksi kung papaano inalagaan ni lola Jane si Sopronia, at ako rin mismo ang nakasaksi kung papaano nagtitiis at naging maunawain ang kanyang mga tunay na apo sa kanya kahit hindi niya sila nabigyan man lang ng kahit kaunting panahon upang alagaan noong araw.

Dakila ka lola Jane. Dakila ka rin tita Nora, kahit manugang ka lang ay ipinapakita mo ang tunay na pagmamahal sa isang ina. Nasa inyo ang aking pagpupuri kayong mga dakilang ina.

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga butihing ina sa mundo.


Responses

  1. While your parents are still alive love and take good care of them. When they’re gone you’ll never have the chance to do it. Love your parents no matter who they are.

  2. nakakatuwang isipin dahil may mga taong inborn na sa kanila angpagiging mapagmahal. at swerte ang mga taong nabibiyayaan ng ganitong pagmamahal. happy mother’s day sa mommy ko, and to all mothers!

  3. Siguro kapag naging lolo na ako ay mas mahal ko pa ang apo ko kesa sa aking anak.Iyan ang sabi sa akin ng mader ko,pinapagalitan niya ang kuya ko noon kapag nagagalit si kuya sa kanyang anak kaya naging spoiled brat ang pamangkin ko.

    My mader is already 91 years old.she’s still alert and active.We talked every Sunday.That’s my schedule to call her.Sat.si kuya,fri si ate.

    Mabuti naman dahil may iniwanan sa amin noon na batang isang taon pa lamang at si mader na ang nagpalaki hangang nakatapos ng college.Nakapag-asawa si Nick na adopted namin ng tiga Laguna at sila ngayon ang kasama ni mader sa bahay.Iyung anak niyang seven years old na babae ang libangan ni Mader,mas malapit siya sa mader ko kesa sa sarili niyang ina.50 pesos ang ibinibigay niyang baon sa school araw-araw pambili ng isang boteng coke at hopia.Si Nick na ang namamahala ng pension at ari-arian ni mader at sa kanya na namin ipamamana siguro kung ano ang maiiwanan ni mader.Sa kanya na rin ang bahay at lupa basta’t alagaan nila si mader dahil kapag wala na si mader ay wala na silang delehensya.Mahigit isang libong dolyar ang pension ng mader ko,basta’t araw-araw ay bibigyan siya ni Nick ng isang libong piso para may maibigay siya sa mga dumadalaw sa kanya pang trisikel.Iyung sobra ay kay Nick na.Wala naman silang problema sa mga state side na pagkain dahil weekly ay nagpapadala kami ng balikbayan boxes,kung ano ang gusto ni mader ay ipinapadala namin sa kanya.Kaso mahilig sa Barbie Doll at naglalaro sila ng anak na babae ni Nick.

    Happy mother’s day sa lahat ng nanay.

  4. Ang suwerte po naman ni Nick at nakatagpo ng katulad ninyong mababait. Sana aalagahan niya ng maigi ang inyong mader dahil siya rin ang nagpalaki kay Nick.

    Ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa ay nagbubunga din ng pagmamahal ng iba sa atin. Ang isang pag-ibig na inalay sa kapwa ay umaani rin ng pag-ibig.

    Mabuhay po ang lahat ng mga nanay at mga anak na nagmamahal sa kanilang nanay at magulang.

  5. Ang buhay ay weather-weather lamang. Ngayon ay malakas ka, bukas makalawa ay lulubugan ka na rin ng araw. Habang may panahon pa gawin mo ang dapat at makapagiwan ka ng mabuting ala-ala sa mga mahal mo sa buhay.

    Mga mahal namin ina, binabati ko kayong lahat ng Happy Mother’s Day.

  6. Kumusta na girl? Medyo busy lang itong inyong lingkud sa kapapasyal kaya awol tayo sa barangay hall hehehe.

    Belated happy mothers day pala sa aking mahal at sa mga minahal ko na naging ina na rin hehehe. I mean mga minahal kong kaibigan.

    Congratulations to all the good nanays of the world. Without you walang mga mabubuting anak.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: