Posted by: Mer Pints | March 30, 2009

Let’s Pray for the Red Cross Hostages (Lalaki bang Kausap ang mga Abu Sayyaf?)

Let’s pray for the Red Cross Hostages. It seems the Abu Sayyaf  has no intention to release them. The government has already accommodated most of their demands but as of now no Red Cross Hostage has been released? What are they trying to prove; that they are invincible and above the law? Instead of them bandits, it’s the law bowing/kneeling down before them? They’ve gone far already, enough is enough!

The Abu Sayyaf has given a new demand again “for all government troops in major towns in Sulu to withdraw within 24 hours.” I don’t know what is their game plan, but they gave the government until 2:00 PM on Tuesday to heed their demand, if not they will behead one of the three Red Cross hostages they’re holding right now.

According to DILG secretary Puno, the Abu Sayyaf are already unreasonable with their demands. Nevertheless, the government is doing its best to secure the release of the Red Cross workers. As if they want the government to surrender the entire province to them. Likewise the government through Press Secretary Cerge Remonde is appealing to the bandits “sense of humanity.”

Lalaki nga bang Kausap ang Abu Sayyaf?

Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ni Senator Dick Gordon sa mga Abu Sayyaf ay napagbigyan ang kanilang kahilingan na mag-pull out muna ang mga tropa ng pamahalaan na nakapaligid sa kanila. Ayon sa kagalang-galang na senador ay lalaking kausap ang mga ito. Pero ilang araw na ang lumipas ay wala pa rin silang pinakakawalan, maski na iyong kaawa-awang babaeng Red Cross worker. Wala nga yata sa bukabolaryo ng mga taong ito ang salitang “awa.”

Kung hindi nga lang sa kaligtasan ng mga Red Cross hostages ay matagal nang nilusob sila ng mga militar nang magkaalaman na kung sino talaga ang tigasin at matapang. Ngunit bilang taong nagmamalasakit sa kapwa ay kailangan talaga ang magtimpi hanggang makakaya. Nakakalungkot nga lang isipin na walang isang salita itong mga Abu Sayyaf.

Mabuti pa ang mga bakla at may isang salita. Sana naman itong mga matatapang at nagsasabing sila ang mga tunay na lalaki na Abu Sayyaf ay dapat panindigan ang kanilang mga salita. Dapat ay tuparin ang ano mang kasundoan na pinsasok nila. Sabi nga nila, kung ayaw laging may dahilan. Laging may mga demands. Hindi na kaya napipikon ang taong bayan dito?

Sa mga militar at kapulisan, kaunting tiis at hinahon muna po baka sakaling mapakawalan na ang mga bihag. Ano man ang ating pananampalataya at Diyos na sinasamba, manalangin tayo ng taimtim nang magkaroon ng mapayapang kalutasan ang krisis na ito.


Responses

  1. Marunong lumaro itong mga bandidong ito. Iisa lang ang ibig sabihin nito, may mga koneksiyon at taong nagpapalyo sa kanila.

    Alin kung hindi nga lang sa kaligtasan ng mga hostages niyan, siguro ay pinulbos na sila ng mga militar.

    Wala ngang isang salita ang mga iyan dahil pera lang ang hinahanap. Kapag hindi naibigay ang hinihingi baka pugutan nga nila ang isa sa mga hostages nila. Huwag naman sana at nakakawa naman ang taong inosente.

    Pero sabi nga ng militar, subukin lang ninyo baka kayo gawing abu, tsk tsk.

  2. Let us all pray na sana matauhan na ang mga taong ito at pakawalan ang mga wala namang kasalanan. Kawawa naman ang mga pamilya nila. They are just doing their job, at isa pa nakakatulong sila sa mga nangangailangan. sana may gawin na action ang mga gobyerno. again let us all pray for them…

  3. Sinabi mo Cindy, sila na nga ang tinutulungan sila pa itong gumagawa ng hindi mabuti. Kahit ano pang ideology ang mayroon sila, dapat isipin naman na ang mga taong walang kinalaman sa ano mang ipinaglalaban nila ay huwag idamay sa ano mang karahasang ginagawa.

    Panawagan ko sa lahat na mga kapatid nating Muslim at Kristiano sa Kamindanawan, please lang po tulungan nating mailigtas itong mga Red Cross Workers. Kung sino man ang nakakikilala sa mga kamag-anak nitong bandidong grupo ng Abu Sayyaf pakiusapan naman sila na himukin ang mga kamaganak nilang miyembro ng grupong ito na sana ay huwag sasaktan at pakawalan na ang mga hostages.
    Sa mga miembro ng Abu Sayyaf at sa mga taong nakikisimpatiya sa kanila, para ninyo nang awa, pakawalan na ang mga bihag. Please lang po!

  4. Lalaki ba silang kausap. Oo lalaki sila basta tuparin ang kanilang pangako. Di ba mga ASG, lalaki kayong kausap?

    Patunayan ng ninyo?

  5. may sex scandal story ako. pasyal lang kayo sa hardin ni segundina.

  6. Update: According to the news, no Red Cross worker has been beheaded. Wala, hindi namugot ng ulo ang mga Abu Sayyaf. Siguro nakapa-isip isip sila na hindi ito mabuting gawin sa kapwa.

    Pasalamat tayo at ligtas pa hanggang ngayon ang mga Red Cross workers.

    Mga ASG, Sana po pakawalan na ninyo sila nang mapanatag naman ang kalooban ng kanilang mga pamilya.

  7. Mahirap pagkatiwalaan itong mga Abu Sayaff,mga gungong.Kung may matino ba naman silang pag-iisip bakit mga Red Cross volunteer ang kinidnap nila,Bakit hindi iyung mga pamilya ng mga corrupt na nasa gobyerno tiyak bubuhos ang ransom money.Dapat sa mga Abu Sayaff ay pakainin ng pork adobo para matauhan sila.

  8. May nadinig akong kanta, mahirap daw hulihin ang mga Abu Sayyaf dahil ang nanghuhuli daw at hinuhuli ay magkasabwat.

    Swak na swak.

    Good business, hehehe.

    Tamaan sana kayo ng…. hi kapitan Kidlat kumosta na?

  9. News Update:abs-cbnNEWS.com as of 04/03/2009 2:02 AM

    “ZAMBOANGA – Islamic militants released a Filipina Red Cross aid worker Thursday, leaving a Swiss and an Italian still held captive, officials said.”

    “Mary Jean Lacaba, one of three International Committee of the Red Cross (ICRC) aid workers in the southern Philippines, was freed 77 days after she was kidnapped along with two ICRC staff, Eugenio Vagni of Italy and Andreas Notter of Switzerland, on January 15.”

    “A spokesman at ICRC headquarters in Geneva said Mary Jean Lacaba had been released by her captors on the island of Jolo at 9.00 pm local time, Thursday.”

    May dalawa pang dayuhan na bihag ng Abu Sayyaf, sana pakawalan din sila kaagad.

  10. Proof of life ba ang hinahanap ninyo? Pasyal lang kayo sa aking Klinika. Nandoon ang tunay na kahulugan ng buhay na inyong hinahanap. Pakisabi na rin ito sa mga Abu Sayyaf. Mahal-na-mahal lahat sila ni Lord.
    http://bobonyo.wordpress.com

  11. Ou nga. kawawa namn yung huling hostage.. yung pinaka mahina pa daw sa 3 ICRC volunteer ang naiwan. kwawa namn.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: