Posted by: Mer Pints | March 14, 2009

Si Yuko at Mamasang (The Fall of Bataan 3)

karin_sketch_by_utena83 Ang Pagbabalik ni Yuko sa Japan (The final episode)

Actually noong isang taon pa sanang pabalik ng Japan si Yuko, iyon nga lamang ay naantala ito dahil sa pagkakasakit ng kanyang lola Belen. Mabuti na lang at naka-recover si lola Belen at muling naglapit ang kanyang ina at lola. Ngunit sa hindi inaasahan ay pinuntahan siya dito sa Pilipinas ng nakababatang kapatid ng yumao niyang ama na si Itchigo. May dala siyang masamang balita, malubha daw ang kanyang lolo na si Hiro. Wala siyang nagawa kundi sumama sa kanyang uncle pabalik ng Japan.

Sa isang hospital sa Osaka ay nadatnan niya ang kanyang lolo Hiro na nakahiga at may oxygen pang nakalagay sa kanyang ilong. Hirap siya sa paghinga at mahinang-mahina na siya. Tila baga’y oras na lang ang binibilang upang mabuhay pa.

Lumapit siya sa tabi ng kanyang lolo Hiro, yumuko siya at kanyang binati. ” Ohayo gozaimasu (Goodmorning). Hajimemashite (how do you do)?”

Tumingin lang sa kanya ang matanda at ngumiti ng bahagya. “ Byoki desu ( May sakit ako ) Muzukashii (at labis na nahihirapan). Kumosta ka rin,” mahina ang boses at pautal-utal pa ang matanda.

Ngumiti si Yuko at buong pagmamahal na hinaplos ang kamay ng kanyang mabait na lolo Hiro. ” Mabuti po. Gomen nasai (I am sorry). Hindi ko inaasahan na magkakasakit kayo. ”

Umiling lang ang kanyang lolo. “Ohisashiburi desu ne (It’s been a long time)? Magsasampong taon ka pa lang nang umalis ka sa amin. Kawii (pretty cute), napakaganda mo at isa ka na palang ganap na dalaga.”

Arigatou gozaimasu,” buong pagpapakumbabang nagpasalamat siya.

Alam ni Yuko na labis na nasaktan ang kanyang lolo at lola, na siyang nag-alaga sa kanya magmula nang mamatay sa aksidente ang kanyang papa, nang pansamantalang pinapunta siya sa Pilipinas upang makapiling ang kanyang ina at alagaan siya. Tiniis na nga lang nila na mawalay siya alang-ala sa kanyang kapakanan. At ngayon na bumalik siya uli, ito na ba ang huli nilang pagkikitang maglolo.

Mijime na seikatsu (miserable ang buhay ko).”

Umiling lang si Yuko sa kanyang narinig sa lolo.

“Gusto ko nang mamatay Yuko, Dandan toshiyori ni narimasu (matanda na ako at wala nang silbi). Sa mga nagdaang taon ay binabagabag ako ng aking konsensiya. May dapat kang malaman tungkol sa akin.”

Dohshita no (ano bang nangyari? Hindi ko kayo maintindihan”

“Alam kong maligaya na akong mamatay. Nagpakita siya sa aking panaginip, pinatatawad niya ako sa krimeng nagawa ko sa kanya. Alam din niyang labag sa aking kalooban ang aking ginawa dahil napagutosan lang ako ng aming pinuno.”

“Ha, ano yon?” Lalong nahiwagaan si Yuko sa narinig sa lolo.

“Ako’y isang kasapi ng Japanese Imperial Army na lumusob sa Pilipinas. Nang dumating ang mga Amerikano ay umatras kami patungo sa mga liblib na pook. Lahat ng mga taong aming nakita sa daan ay pinapapatay ng aming pinuno. Kabilang na doon ang isang dalagita na napag-utosan lang na bumili ng gamot para sa may sakit niyang kapatid. Ginahasa siya ng aming pinuno. Labag man sa aking kalooban ay hindi ko siya nagawang iligtas. Ang masakit ako pa ang nautosan upang barilin siya. Pero bago ko gawin iyon ay humingi muna ako ng tawad sa kanya. Umiiyak siya, dugoan, at binaril ko siya dahil hindi ko na ring makayanang tignan ang kanyang kalagayan”

Humagolgol nang pag-iyak ang matandang may sakit. Naiyak na rin si Yuko dahil alam niya kung sino ang biktima, ang kapatid ng kanyang lola Belen na si Vicenta.

Muling hinawakan ni lolo Hiro ang kanyang kamay. “Kamukha mo siya, kamag-anak mo siya. Patawarin mo ako.”

Hai, wakarimasu (Opo, naiintindihan ko kayo).

Kitekurete arigatou (salamat sa pagpunta mo rito). Sayonara (paalam).”

Iyon lang at nalagotan na ng hininga si lolo Hiro.

Mga ilan pang taon na namalagi sa Japan si Yuko upang mag-aral. Ngunit sa pagkakataong ito ay palapag na ang Japan Airlines na kanyang sinakyan sa kanyang pagbabalik. Kursong Pisika (BS Physics) ang tinapos niya sa Japan. Gusto niyang maging teacher upang ibahagi ang kanyang nalalaman sa mga Pilipinong magaaral.

Niyakap siya ni Insang (Mamasang) ng napakahigpit paglabas niya sa airport. Kapwa luhaan ngunit may ngiti ang bawat isa sa puso, hindi na muli silang magkakahiwalay na mag-ina.

The End


Responses

  1. This short novel is dedicated to all loving parents and their children.

  2. napakalungkot na istorya. subalit kapupulutan ng aral.

    pagpapakumbaba.

    pagkalinga sa kapuwa.

    pagtanaw ng utang na loob.

    pagtanggap ng kamalian at pagpapatawad.

    tamang tama din sa paggunita sa semana santa.

  3. Isa sa mga kuwento ng yumao kung ama ang kanyang naging karanasan noon sa Capas. Muntik na siyang namatay nang pinalo siya sa ulo ng kapirasong kahoy na panggatong. Humihingi lang siya ng mainit na tubig sa mga kapwa prisoners of war na Pilipino dahil masakit ang kanyang tiyan. Nang magkaroon siyang pagkakataong gumanti sa mga prisoners of war na Hapon ay hindi niya nagawa. Pagpapatawad at pagpapakumbaba ang umiral sa kanyang puso. Iyon ay dahil na rin sa pangaral ng kanyang yumaong ina.
    Nakikita ko sa kuwentong ito ang kahalagahan ng mga pangaral ng isang ama at ina upang lumaking mabuti at may takot sa Diyos ang mga anak.
    Nalulungkot lang ako dahil may mga magulang na television at yaya ang nagpapalaki sa kanilang anak. Nang lumaki-laki sila ng kaunti sa computer naman iginugugol ang panahon. Naglahong bigla iyong masayang larawan ng isang pamilya na nagkakasama-sama at nagkakasalo-salo sa hapag kainan.
    Technology is great but it is gradually taking over the social function of the family.
    Nakakatuwang isipin na hari ng electronics industry ang Japan, ngunit ang values of family unity na pinaiiral ng mga Hapon ay nanatili.
    Sa liblib na mga pook ng Pilipinas, nandoon pa rin ang traditional Filipino values kung saan ay napakahalaga ang pagkakaisa at pagmamahalan ng isang pamilya. Kahit papano masaya pa rin ako dahil may mga pook pang buo ang kasayahan at pagkakaisa ng buong pamily kahit hindi pa sila abot ang elektrisidad at teknilohiya.

  4. at least in the end may forgiveness pa din! ang ganda ng story! nakakaantig kahit maikli lang. colegiala, wag kang titigil na gumawa ng story na ganito ah!! keep it up!! thanks for sharing your talent!

  5. Salamat din po sa inyong mga comments. Nakakataba ng puso. Kay tito Mags at Kap, looking forward lagi ago sa mga comments ninyo dahil sa inyong dunong, ekspirience, at prinsipyong sinusunod sa buhay.
    Maraming salamat din sa iyo Cindy, ipagpapatuloy natin iyan. My only way of transmitting positive values sa kung saan at sino mang naabot ng site na ito.

  6. Mer,
    Ikaw ba iyan? Ang galing mong magsalita ng Japanese language. Kanino ka ba natuto, kay Naruto hahahaha.

  7. Nakakaiyak naman ang kuwento. Hindi ako nagbibiro ha, napaluha ako doon sa puntong nag-uusap si Yuko at ang kanyang lolo. Na-remind ako kasi sa aking lolo sa Bontoc nang minsan dinalaw namin siya, umiiyak at napakalungkot niya. Hindi namin pinansin iyon, pero iyan na ang huling nakita namin siyang buhay.

  8. Ang sarap ng magpatawad at mapatawad. May mga ibang tao kasi na hindi nila masabi-sabi ang phrase na; forgive me. Mas madaling bigkasin pa nga ito sa salitang I love you. May pride kasing nagtatago sa puso ng bawat isa sa atin.

  9. mer,

    lumalabas ang pagiging artistiko ninyong dalawa ni seg kapag ganitong tema ang inyong sinusulat. hindi ko naman sinasabing hindi okey ‘yung mga kapilyahang paksa dati, huwag lang laging ganu’n.

    seg,

    ‘yung pride na sinasabi mo ay dapat na reserbang pagpapahalaga sa sarili dahil kung ibubuhos mong lahat ang pagmamahal sa isang tao, eh baka bandang huli ay luha at awa (sa sarili) ang matira. diyan nagsisimula ang pagkasira ng pagtitiwala sa kakayahang magmahal, umunawa at magpatawad.

    iba ‘yung pride na ikinahihiya ang pag-amin ng kamalian at pinapanatili ang sarili sa pagiging bilanggo ng isang mapait na nakaraan.

  10. Girl,
    Ganito angmga kuwentong gusto kong binabasa lagi, pagmamahal, pangunawa, pagpaparaya, at pagpapatawad. Tama si mang Magno, kapag ang kuwento ay walang halong kaberdehan lumalabas talaga and talas ang pagiging creative ninyo. Keep it up.

    Pero iniimbita ko po kayong lahat sa aking Klinika dahil may bagong topic tayong paguusapan. What is the meaning of public service?

  11. Ganon pala ang ending ng kuwento mo girl. Malungkot. Mga sundalong Hapon din pala ay nakakaramdam din ng pagsisisi sa mga ginawa nilang war crimes noong World War 2. Hanggang sa kamatayan pala ay taglay nila ang pagsisisi.

    Girl sino ba ang nagturo sa iyo ng Niponggo? Gusto ko rin matutong magsalita ng salitang Hapon, haha.

  12. ndi ko naumpisahan, patapos na ata kwento mo.. aww.😀 off topic: wow! parang naruto lang.. si karin yung nasa pic dito sa entry na to..😀

  13. sa tingin ko may mga sundalong bumabalik tanaw sa mga nangyari nung panahon ng giyera at nagkakaroon ng bagong pananaw sa mga ginawa nila dati, pero may iba naman na ganun na lang talaga. maganda ang thema nito🙂

  14. Banong is no longer free to write and have access to information in Barangay Kidlatan. He did something unacceptable.

  15. Arigatou gozaimasu,”

    ahihihi. kakatuwa po . ang galing galing.

    off topic- mag CI k b?

  16. Salamat din da iyo kikilabotz at sa lahat ng mga nagtiyagang magbasa nitong kuwento ni Yuko.

    Gusto ko talagang mag CI pero gusto ko ring mag-enrol sa masteral, pero sa iba but related field, educational administration. Pangarap ko kasing maging dean in the future who knows, hehehe.

    Abangan ang isa pa ring kuwento ng buhay tungkol sa pagmamahalan ng isang leftist na guro at opisyal ng militar.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: