Posted by: Mer Pints | March 9, 2009

Si Yuko at Mamasang (The Fall of Bataan) part 2

9dfd95abAng Bunga ng Himala

Dagling nagtungo nga sa kanilang probinsiya si Yuko at ang kanyang mama kasama ang mga tito at tita niya. Ngunit hindi na nila inabutan pa ang kanyang lola sa kanilang family house. Dinala na daw sa hospital at nag-aagaw buhay. Kaya pinutahan nila kaagad sa hospital si lola Belen baka sakaling abutan pa nila ito ng buhay.

Ngunit laking gulat nila nang makarating sila sa hospital. Kakaiba ang tagpong nasaksihan nila. Kung may totoong himala, ito na iyon. Mantakin mo si lola Belen ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama at nakikipagkuwentohan sa mga bantay niya? Hindi nga rin daw makapaniwala ang mga doktor na tumingin sa kanya.

Ayon sa kuwento ni lola nagpakita daw sa panaginip ang kanyang kakambal na si Vicenta na hinalay at pinatay ng mga sundalong Hapon noong World War 2. Kaya pala ganon na lang ang kanyang galit sa mga Hapon. Mahal na mahal niya kasi ang kanyang kakambal at lagi silang magkasama maliban lang sa araw na iyon ng inutosan siyang pumunta ng bayan para bumili ng suka at bawang para ipanggamot naman kay lola Belen na noon ay nakaratay sa sakit na trangkaso. At iyon na ang huli nilang pagkikita. Ginimbal na lang sila ng masamang balita.

Ayon daw sa panaginip ni lola Belen may ipinagbilin daw ang kanyang kakambal sa kanya pagkatapos siyang gamotin nito. Sabi daw sa kanya, “kailangang mabuhay ka at nang makapag-usap kayo ng iyong apo na si Yuko. Patawarin mo na si Insang at tanggapin muli bilang isang anak. Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, kagaya ng pagbagksak ng Bataan sa kamay ng mga kaaway. Ang lahat ay bahagi na lang ng kasaysayan. Kayong mga buhay ay kailangang ituloy ang buhay.” Pagkasabi daw nito ay biglang nawala si Vicenta at nagising na ring walang sakit at malakas na ang dating naghihingalong si lola Belen.

“Ikaw si Y-Yuko,” ang tanging nasabi lang ng kanyang lola nang masilayan niya ito sa unang pagkakataon. “Ako po lola,” ang tugon naman ng apong mabait na si Yuko at yumakap na ng mahigpit sa kanyang lola. Ano pa, e di nagkaiyakan na. Magmula kay lola Belen, mga magkakapatid na Insang, at si Yuko.

Pati iyong sikyu nga ng hospital na napadpad naman sa ward dahil sa nadinig niyan iyakan ay napaiyak na rin. Aksidente siyang naturokan ng nars ng inyeksiyon sa braso (tanging distilled water lang ang laman) sa sobrang kaka-usyoso. Nagkagulo na ang buong Ward.

Yumakap din si Insang sa ina at humingi ng tawad.

“Nay patawad po, naging suwail akong anak sa iyo. Hindi ako dapat nagmatigas at tiniis kayo ng mahabang panahon.” Lumuhod na umiiyak si Insang.

“Ako din naman ay may pagkukulang sa iyo  Insang pala. Masyado akong naging emosyonal at irasyonal sa iyo. Galit ang pinairal ko sa aking puso, hindi pang-unawa. Ngunit nakaraan na iyon, kailangan nating magbagong-buhay at umusad Mamasang.”

“Nay naman,” mabilis na salo ni Insang sa narining na salitang Mamasang.

“Noon iyon, pero iba na ngayon. Nagbibiro lang ako baka akala mo. Ngayon pa at nakita ko na ang aking apong maganda na is Japayuki.”

“Yuko lola, Yuko ang pangalan ko hindi Japayuki,” ang sagot naman nitong natatawa nang si Yuko.

“Ay, oo nga pala Yuko. Kamukhang kamukha kita noong bago pa lang ako nireregla at madalas na binubosoan ng mga binatilyo tuwing akoy umaakyat ng punong sinegwelas at mamitas ng bunga.”

Tawanan ang lahat. Mapagbiro din pala itong si lola Belen.

Paglabas ni lola Belen sa hospital ay isang malaking salo-salo naman ang ihinanda bilang pasasalamat sa kanyang paggaling at sa pagbabalik ni Insang. Petsa a-nuwebe (9) noon nang Abril nang idaos ito na dinaluhan naman ng mga bigating tao sa kanilang bayan.

Sa isang programa ay nahilingang kumanta si Yuko. At kumanta siya ng isang masayang awiting Hapon. Halos napasayaw naman ang mga teen-agers nang madinig ang maganda niyang boses. At pagkatapos niyang kumanta, nagbigay naman ng maiksing mensahe si Yuko.

Bumagsak ang Bataan sa kamay ng mga sundalong Hapon upang muling bawiin ng mga magigiting na Pilipino sampo na ang kanilang mga kaalyadong Amerikano. Ang digmaan ay isang masaklap na kapalaran at ayaw nating lahat. Ipinanganak po ako sa Japan at isang Japanese by nationality, ngunit sa aking puso mas nadarama ko na ako’y isang Pilipino.”

“Maganda po ang ating bayang minamahal, masisipag at matatalino ang mga Pilipino. Bagama’t may mga problema tayong pulitikal at kahirapan sa ngayon, ang lahing Pilipino ay hindi basta-basta nagpapadaig sa ano mang hamon ng buhay.” 

“Nilalait man nila ang mga Pilipino, kagaya ng iba diyan na walang pakundangang pintasan ang kanilang bansa, tayo pa rin ang pinagpalang lahi. We are the pearl of the Orient Sea; isang maharlikang lahi na dapat ipagmalaki. Mabuhay ang Pilipinas!”

Sinundan ng isang masikabong palakpakan ang maiksi ngunit makabulohang mensahe ni Yuko.

(Abangan ang huling yugto, “Ang Pagbabalik ni Yuko sa Japan.”)


Responses

  1. Tindig ang balahibo pati bulbol ko dito sa part 2 mo girl.May group hug pa.HIHIHIHIHIHIH

  2. Thanks idol.

  3. Iyong sikyu na naturokan ng injection ng tatanga-tangang nars sa kauusyoso ay trade mark talaga ni Colegiala sa paggawa ng isang kuwento. Maiiyak ka na nga e nagpapatawa pa. Nice girl, I like your style.
    Puwedi bang mahiram?

  4. Happy ending ang kuwento, nagbigay ng mensahe ang apo, may binirang isang tao hahahayyyy.

    But it’s a great story colegiala girl. Kapupulutan ng aral. Talaga naman na hanggang ngayon ay may mga tao pang galit sa mga Hapon kagaya ng mga comfort women. Hindi kaya comfort woman si lola Belen?

  5. Tutal ako na ngayon ang presidente ng Eggplant Rapper Fans Club, at nakapagpaalam na rin ako kay Eggplant, ladies and gentlemen it is an honor to present to you Eggplant for the Cocoy’s Delight Version of his Rap MABUHAY KA FRANCIS M.

    Are you ready guys, here we go!

    Dito sa CD ay may Carminang Delight, Segundinang maganda
    at Kimuching hot, there is one Colegiala and there is Perla
    If I may give them a kiss, let us clap our hands…

    Cocoy is the bida, but don’t say he’s cock
    There is Kutsara and kumander pipi fighting for delight
    Cocoy’s sapatos may hit their ngala-ngala
    artsee is mayaman, Joeseg is bright, Magno is a nice guy
    and Greggy’s finger digs alright, yeah digs alright…

    And now let me say something to my hero,
    hero of the masa siya ay isang true Filipino…

    “Nakilala ka bilang isang rap-artist, yeah rap artist,
    Nagsunuran na sila, at nagrarap na rin, mayaman at mahirap,
    Mga buntis at nanganganak, nawiwili na rin, nawili na rin
    Sa pakikinig sa rap mo Francis M. Yeah, Francis M.”

    “Pati si pareng Cocoy, pati si paren Tong, sa himig ng tunog pinoy
    Ay nagrarap na rin, nagrarap na rin, sila ay Pilipino…
    Pati kaming nagtatanim sa bukid, pati mga NPA na nakikinig,
    Basta Pinoy rap ayus lang ang pandinig, tayo ay Filipino.
    Kaya ala-ala mo Francis M ay hindi maglalaho
    From Tawi-tawi to Batanes, at buong Pilipinas, tayo ay Pilipino.”

    “Ewan ko lang sa mga iba diya, kung ayaw nilang tanggapin
    Na tayo’y mga Pinoy, tayo’y hindi Kano,
    Huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango.
    Francis M, Francis M, mabuhay ka Francis M
    Sa ala-ala ng lahat idol ka namin
    Kahit pa iyong mga nasa Japan ay ina-idol ka rin
    Mapa-japayuki man o maid in Hongkong
    Idol ka, idol ka, idok ka naming lahattttttt.”

    Salamat pareng Eggplant na tortang talong. Salamat din sa lahat. Salamat Colegiala.

  6. ahahaha. cnumulan ko p ang part 1, excited na sa last part. galingan mo sa ending ha?

  7. Ako din. Napakagandang kuwento ng buhay ang anak na nagbabalik sa mga magulang, at ang magulang naman ay tinatanggap ang nagbabalik na anak.
    Salamat girl sa kuwento ng buhay na kapupulotan natin lahat ng mahalagang aral.

  8. haaahh! kkhaaah! kkkhaaaah!

    haba naman ng kwentong ‘to!

    ‘kakakahiiinggggall basahin.

    ngihiiiinnnnnngggghhh!

    hindi pa ba ‘to matatapos?

    haaaaaaayyyy!!

    (hingal)

  9. Miss Mer,

    Napaiyak po ako ma’am sa kuwento mo. Iyong pagbabalik ng mag-ina sa magulang at tinanggap sila ng malugod ni lola Belen.

    Ma’am Mer nakita ko po doon ang aking sarili, hanggang sa ngayon ay hindi pa po ako nakakauwi sa amin. Hanggang sa ngayon ay galit at ikinahihiya pa rin ako ng aking mga magulang sa mga pagkukulang ko sa buhay. Parang puta (sorry po) kasi ang tingin nila sa akin. Hindi daw bale kung hindi ako naging maestra.

    Pero sabi naman ni kuya Magno, wala daw magulang ang matitiis ang kanilang anak. Sana po magkatotoo iyon.

    Hirap po talaga ako sa pagpapalaki ngayon ng aking mga anak, kalimitan kasing naiiwan ko sila sa bahay at bahala na sila sa kanilang mga sarili.

    Paguwi ko po ng gabi ma’am tulog na sila, iyong iba nilalamok kaya ako na lang ang naglalagay ng kanilang kulambo.

    Nalulungkot talaga ako sa kalagayan namin, walang future. Hindi ko nga alam kung sa susunod na taon ay makapag-aral pa sila. But I will do everything I can para buhayin sila at makapag-aral.

    Ito na lang pong pagba-blog ang ginagawa kong lunas para mabawas-bawasan kahit papaano ang aking mga pag-aalala at struggle ko sa buhay. Laking pasasalamat ko nga at may mga taong nagbibigay payo sa akin kahit hindi ko sila kilala ng personal. Salamat po.

  10. Tahan na Carmina. Kalamayin mo ang iyong sarili.
    Hindi mo ba kayang mag-hire ng maid Carmina to take care of your children?
    On the other hand I admire your children, they can take care of themselves.

  11. gusto ako ang ending nya 😀

  12. carmina,

    nasubukan mo na bang lumapit muli sa iyong mga magulang kasama ang iyong mga anak? nakita na ba nila ang kanilang mga apo?

    kung hindi pa, subukan mo. at kung mabigo ka na sa una at pangalawa mong pagtatangka, huwag kang susuko. lalambot din ang kanilang kalooban.

    magulang ‘yan. matiis ka man nila ngayon, bukas, sa makalawa o hanggang sampung taon ay hindi nila kayang gawin ‘yun nang habang panahon.

    patunayan mong kaya mong ituwid ang iyong pagkakamali sa maayos na pagpapalaki sa iyong mga anak sapagkat sila ang magiging salamin ng iyong tunay na pagbabago.

  13. Ang ganda naman nitong kuwento mo Collegiala girl.Ginanahan akong magbasa.

  14. Salamat po tito Cocoy for you appreciation. Salamat din tito Mags sa mga payo mo kay Carmina. Feel ko lang kaya active dito si Carmina hindi lang sa pagba-blog, nanganangailangan di po siya ng nagpapayo sa kanya.

  15. Nauwi na din po naman pero matabang po ang kanilang pakikitungo sa amin. Pero susubokin ko pong dalhin uli ang mga anak ko sa Holy Week at ipakita sa kanila.

    Kung minsan ako din po ang may kasalanan kasi sinasagot ko sila kapag may nasabi silang hindi maganda sa akin. Pero sa susunod na pagpunta namin sa kanila ay magtitimpi na po ako at tanggapin na lang kahit anong sabihin pa nila.

    Siguro ganon lang sila. Pero alang-ala sa aking mga anak ay basta manahimik na lang para magka-ayos na po kami.

    Salamat po mang Mags sa payo ninyo.

  16. Mer,

    Kakaiba itong kuwento mo, binaliktad mo lang iyong yuko sa kabila, ginawa mong bata, mabait, mahal niya ang kanyang bayan, at higit sa lahat isa siyang tunay na Haponesa, hahaha.

    Jokingly aside, maganda iyong ginawa mong maiksing pananalita ni Yuko. Nakakaantig ng puso at diwang nasyonalismo.

    Nice story, aabangan ko ang huling yugto.

  17. carmina,

    tama. huwag ka nang sasagot anuman ang sabihin nila. ikaw ang nagkamali kaya marapat lamang na hingin mo ang kanilang patawad.

    hindi man nila ipakita, sabik din sila sa kanilang mga apo.

    ikaw lamang ang nagmamatigas.

    pag-uwi, kung hindi mo ito nakaugalian: HAWAKAN AGAD ANG KANILANG KAMAY AT MAGMANO KA.

  18. Carmina,

    Maaari mo akong bisitahin dito sa aking munting dampa, MRivera@almabani.com.sa.

    Makikilala mo ako nang husto at marami kang malalaman tungkol sa aking tunay na pagkatao.

  19. Salamat po kuya Mags sa invitation, hayaan po ninyo at papasyalan ko kayo diya.

    Mga kaibigan sinunod ko po ang mga payo ninyo, uuwi po ako sa aking mga magulang at maki-pagayos na sa kanila kasama ang mga anak ko.

    Isang kamag-anak ang aksidenteng nakita ko sa isang Mall at nakipagkuwentohan sa akin. Bumalik na pala sa Pilipinas ang dati kung mister at nagtatnong daw siya tungkol sa akin at mga anak.

    Pero pupuntahan ko muna ang aking mga kapatid at magulang kasi nasasabik na raw sila sa akin. Napapaiyak pa nga ako habang nag-uusap kami ng kamag-anak ko ng lumuwas lang ng Maynila para bisitahin ang mga nag-aaral niyang anak. dito. At may naibulong pa nga siya sa aking kahapon, handa raw akong patawarin ng aking dating asawa basta mapatawad din daw niya ako. Para bang sinasabi na muli kaming magsasama kasama dito ang mga anak namin sa labas. Iniwan na raw siya ng kanyang kinakasama. Hindi rin naman kami nagkakahiwalay ng legal.

    Ewan ko magulo ang aking isipan. Alam ko ito rin ang paguusapan namin kagaya ng dati ng aking mga magulang. Sana bigyan nila ako ng kalayaan na magpasya hindi iyong sasabihin nila kaagad, bumalik ka na sa asawa mo.

    Ma’am Mer and Seg, mawawala lang ako sandali pero babalitaan ko kayong lahat na nagpakita ng pagmamalasakit sa akin lalo na si kuya Mags.

  20. sorry mistake

    I should say: “handa akong patawarin ng aking asawa basta mapatawad ko daw siya.”

  21. Sige
    Goodluck na lang Carmina. Sorry din pala sa mga biro ko sa iyo. Pagisipan mo ng mabuti kung ano ang dapat mong gawin.


Leave a reply to kengkay Cancel reply

Categories