Posted by: Mer Pints | March 4, 2009

“The First Gentleman” (Anong Klasing Manliligaw Ka)

157_5798When I was thirteen my grandmother used to tell me, Mer the first gentleman who will ask your hands for a dance may not be the man of your dream. Be patient, enjoy your  blessed singleness. Like a thief of the night your man may come into your life without a warning. Be prepared anyway; set a criteria in choosing the right gentleman for your life. It is not just the looks that you will see; not the gold and silver that glitter in his hands, nor how fat is the wallet hidden at the pocket of his pants.

“If you agree with me my dear child, I am confident that the last gentleman who will come to you  may be the right man in your life. But be careful anyway. Men have a way of baiting women. Don’t just trust anybody.  And don’t rush in to the wagon if you still entertain the slightest doubt in your heart no matter how much you may have liked and love him.”

Over the years, lola Belay’s admonitions remained in my heart. I know how happy they are with lolo Inggo. They quarreled yes, but they never hated not cheated each other. Lolo Inggo had to prove his affection and sincerity with lola Belay for a long long time before they got married. When lola Belay finally yielded her heart to lolo Inggo, the man showed his love and respect to her. Filipino custom no touch, not after marriage. And no doubt, lola Belay had all the rights to wear a white wedding gown because she was still immaculate as she knelt before the altar on that great wedding day.

Kakaiba naman itong si Pacifico “Man” Yakiz. First meeting pa lang may paakbay-akbay na ang tarantado. Masyadong mayabang, makasarili, at higit sa lahat oportionista. Ipinakilala siya sa akin ng pinsan ni Segundina. Nang makipagkamay siya, aba isang minuto na ang lumipas hindi pa rin niya binibitawan ang aking kamay kaya kusa ko na itong inalis sa pagkakahawak niya. Nangiti lang ang unggoy. Mabuti na lang nakuha ko pang magtimpi baka nabigyan ko pa ng front kick sa bayag.

Sabi pa nga daw niya sa pinsan ni Segundina ay wala daw nagtatagal na nililigawan niya. Mahaba na ang dalawang araw. At sa dalawang araw na iyan panay naman ang pangungulit ng unggoy sa akin. Panay ang kiriring ng telepono at nakikipag-appointment for a date. Neknek mo, iyan ang nasa isip ko nang sinasabi niyang type daw niya ako, at naka-pagdecide na raw sa buhay na patatali na siya kapag nakita na niya ang babaeng hinahanap. At ako, I repeat, ako daw iyon. At paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang pambobola na ako daw ang “first lady” niya at sana siya naman daw ang aking “first gentleman.” At ang sagot ko naman na naiinis, “ayaw kong maging presidente Gloria no para ka maging first gentleman Pacifico.” Tumawa lang ang hangal, tawang nakakaloka!

Nakaka-turn off talaga ang Pacifico na ito. Kaya sa halip na pagkagiliw pagkayamot po ang aking nararamdaman kapag bumibisita siya sa amin. At ang sulosyon niya sa pagkayamot ay brand new na sasakyan. Ito bumili siya (nang pahulugan) nang isang brand new na sasakyan at niyaya niya ako for a date. dahil espesyal daw ako at ako daw ang kauna-unahang babae na sasakay sa kanyang Toyota Avanza. Ano ako pang-Toyota lang ba ang byuti ko? Hanggang ngayon ay nagtitiis pa nga ako sa kalawangin na Toyota.  Mubuti kong BMW at Porsche pa iyan. Nakakasakay din naman ako sa magarang kotse a, ang sports car ni Segundina. And my answer is NO! NO way na sasama akong maki-pagdate kay Pacifico. And of course, YES na YES siyang mabasted. And I said it loud and clear to him, “sorry hindi kita gusto humanap ka na lang ng iba.”

Recently tumawag ang pinsan ni Segundina at nangungumosta. “Dinispatsa ko na,” ang sagot ko. Malungkot daw si Pacifico ngayon at masyadong dinibdib ang pagkabigo niya. “Anong paki-alam ko,” ang sagot ko uli. Nag-aaway away na daw sila sa kanilang bahay dahil wala siyang mai-ambag sa mga gastosin. “Masyado kasing mayabang ang kaibigan mo, at bilib na bilib sa sarili,” ang sagot ko na naman. Ganon lang daw siya, mapagbiro ang pagtatanggol naman itong makulit na pinsan ni Segundina.

Whatever, ayo ko pang masabit sa ngayon. May usapan kami ni Seg, siya muna ang mauunang magka-boyfriend. Usapang magkaibigan and I respect it. Tama si lola Belay, it will take time to find the right man, ang aking magiging First Gentleman. Pero ayaw ko ang Miguel na pangalan, hehehe.


Responses

  1. nakakainis nga ang ganyang lalake. dapat talaga meron kang criteria ng lalake na makakasama mo. dahil he might be the man to whom youre going to spend ur whole life with!!!

  2. Sorry Mer wala akong kinalaman diyan sa ipinakilala ng nagsasabing pinsan ko (sino ba siya?) sa iyo.
    Ginawa mo lang ang dapat. It’s your right naman to reject anybody.
    But I beg to disagree kung ako ang sinasabi mong mauunang magka-bf.
    Kung may nakita ka diyang Miguelito (at least hindi Miguel ha?) at he is the right gentleman gaya ng sabi mo, e di go for it. Hindi ako sagabal sa pagiging first lady mo, hahahaha.

  3. Buhay nga naman.Patay kang babae ka kapag hindi ka makipag-break sa ganyang lalaki na inuuna ang yabang kesa kinabukasan.Aber! ano nga ba ang klasing trabaho ni Pacifico that he can afford to buy hulugan na car.Baka pag naging siyota mo na iyan ay hihingi pa sa iyo ng pang-gasolina.

    Iyung anak ng kumapre ko nadengoy ng isang kapangpangan dahil mahina ang kukuti kulang yata sa buwan ng ipinanganak.Biruin mo ba naman na na-impress sa pabago-bagong sasakyan kung dalawin daw siya sa boarding house.Pagkatapos ng kasal ay huli na ng nalaman na driver lang pala siya ng kababayan niyang mayaman kuno.Ngayon balikbayan sila sa bayan namin at nagpa-paending.Natanso!

  4. Tito,
    Si Pacifico ay isang car dealer agent. Magaling siyang mambola sa mga customers kaya nakakabenta lagi. At ito rin ang kanyang puhonan para maging pabling.

    Papalit-palit ng syota at sa mga nabibiktimang matrona. Tama po kayo pineperahan din niya ang mga naging syota niya.

    Nagpakalbo siya para magmukhang macho. Naka-americana pa ang katok kahit pagka-init init ng panahon. Anong akala niya sa sarili diplomat, hehehe.

  5. Girl
    Ganyan talaga ang mga binata ngayon, masyadong mabilis at saka sex kaagad ang pinupuntirya sa babae. Ano pa nga ba. Pero hindi magandang gawain ng isang lalaki na sa unang pagkikita pa lamang ay nagta-tsansing na siya.

    Dito mo kaming ibahing mga middle age men at line 40s. Maginoo at well behaved.

  6. hay naku dame na talagang ganyan ngayun, mga assuming agad na type mo sila, hmft!

    ayos ang ginawa mo sis! congrats! you deserve someone better!🙂

  7. Ayun sa Bibliya Mer ang pagaasawa ay isang institusyon na ginawa ng Diyos para ating maranasan ang dalisay na pagmamahalan, ligaya, at pagsasama-sama sa buhay.

    In God’s family walang lamangan, pantay pantay ang lahat, at nagmamahalan-nagdadamayan ang bawat miembro.

    Kung sa panliligaw pa lamang ay kinakitaan mo na ng mga asal na taliwas to turo ng Diyos ang iyong mangingibig, pansariling kapakanan lang niya ang iniisip.

    God’s family on earth is a semblance of God’s family in heaven. Dito natin dinadakila at sinasamba ang ating Diyos na siya namang sentro ng ating relasyon at pagmamahalan.

    Kung ang mapapangasawa mo ay makasarili at masyadong makamundo, hindi na nating dapat ipagpatuloy pa ang pakipagrelasyon dito. Nanganganib kang masadlak sa pagkakasala at makaranas ng pighati sa buhay.

    Ipag-pray mo Mer na darating din sa buhay mo ang isang dakila at karapat-dapat na mangingibig at may takot sa Diyos.

    Sister joycee pasyal ka naman sa aking Klinika nang makapag-Bible study tayo. I-click mo lang ang aking pangalan at nandoon ka na kapatid.

  8. Salamat dok!

    Hehehehe. title yata ito ng show sa abs-cbn.

  9. doc,

    ikaw na muna ang bahala sa ating mga dalaga dine, hane?

    ak’e kailangang kumayod muna’t mahirap nang maatraso ang suweldo nireng mga kasamahan ko dine sa project. baka masabon pa ng amo namin at sabihing magaling lamang akong gumawa ng sulat para sa request for salary increment.

  10. Naiintindihan ka namin Kuya Magno. Sige ho, ituloy lang ninyo ang trabaho niyo.

  11. Mer,
    May mga pics ako ng Japayuki sa aking bahay. Tignan mo ang seseksi at ang gaganda nila. Walang binatbat itong mga beauty queens natin at mga magagandang artista.
    Iyon nga lamang magdala po kayo ng bawang baka kayo aswangin, hehehe.

  12. aba!? okay d2 ah? nakatype n agad ung mga dapat itype sa pagkokomento. ahahaha.

    mahirap talga ang buhay. kasalanan mo yan eh pinanganak kng mgnda! ang gawin mo n lng eh dapat mgaling k mamili at masanay k s mga bastos.
    ok ok?

  13. kikilabotz,

    You are very much welcome here my dear. Remember dito kayo ang bida.

    Salamat sa pagsasabing ipinanganak na maganda ako, kaunti lang naman pero si prinsesa Segundina talaga ang beauty.

    Dapat siya ang nililigawan at binobola ng mga guys, hehehe.

  14. Tan inang lalaking iyan. Girl ibigay mo siya sa akin at pasasakayin ko siya sa aking kandungan. Tignan ko lang kung hanggang saan sa tatagal.

  15. Pacifico ba kamo ang pangalan? Ibang Pacifico ito ano, parang bagyo ang hangin sa ulo. Pero girl iyan ang mga tipo kung lalaki, tipong pukpokin ng bote sa ulo.

  16. Mayroon daw kasabihan
    Kung ipinanganak ka na mahirap ang iyung magulang iyun ay iyong kapalaran
    Kung ikinasal ka na mahirap ang iyung biyenan iyun ay iyong katangahan.

  17. Gays in the military, is time changing?

    Why don’t you ask Pacifico to join the military? There you will know if he is a gay or not, haha.

  18. nice


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: