Posted by: Mer Pints | February 27, 2009

The Confrontation

wdfqAfter mustering enough courage, my godmother finally confronted her husband why he went on a date with another woman on the Valentine’s day. All uncle Lucio could say, “you’ve starved me and I need someone to satisfy my sexual needs.” Instead of admitting his mistakes and ask forgiveness, uncle Lucio still had the courage to justify his immoral acts.

Out of outrage, godmother told him they should not share the same bed again. “You have to understand I am sick, I am not physically fit for sex,” she told the husband. But uncle Lucio gave more weight to the satisfaction of his physical needs rather than understanding the condition of his wife.

Anong Klaseng Asawa Meron Ka?

“For 13 years ay pinagluluko mo ako Lucio, hindi ka naging matapat sa akin. Kung sino-sinong mga babae ang iyong pinatulan. Sa loob nang mahabang panahon na iyan ay akong mag-isa ang nagtaguyod sa pangangailangan ng pamilya. Ni wala ka man lang naiabot na pera bilang para sa mga gastosin. Pagod na ako Lucio, kailangan ay magtrabaho ka naman, dapat ikaw ang nagtataguyod ng ating pamilya hindi ako. May sakit na nga ako ay nagtatrabaho pa para lamang may pambili ako ng gamot at pati na rin sa aking pang-chemo.”

Iyan ang mga binitiwang salita ni ninang nang kanyang konprontahin ang tito Lucio. Walang imik ang tito Lucio. Manhid na siya sa mga ganitong usapan. Matagal na siyang pabigat sa kanilang tahanan. Nang nakapagtrabaho siya sa ibang bansa, ni wala man lang siyang naibigay para sa kanyang pamilya. Ginastosan pa nga ng ninang para makapunta siya ng America. Pinalad naman siyang nagkaroon ng trabaho doon. Pagkakataon na sanang magkaroon siya ng green card para makuha naman niya ang ninang at ang iba pa nilang anak ngunit binale wala lang niya ang pagkakataon. Mas binigyan pa nga niya ng prayoridad ang kanyang mga luho at mga kaibigan. In short wala ngang nangyari sa kanya. Umuwi siya para maging pabigat muli sa kanyang asawa.

Unang tanong ng ninang kay tito Lucio, “alam mo ba kung bakit ako galit sa iyo?”

“Hindi nga, ano ba ang ikinagagalit mo sa akin,” ang sagot naman ni tito Lucio.

“Kasi niloloko mo ako, kinakaliwa mo ako hayop ka.”

Umiling lang ang tito Lucio. “Kasi ikaw e, kung gusto ko tinatabig mo ako.”

“Papaano may malubha nga akong sakit, hindi mo ba ako naiintindihan? Ano ba ang gusto mo, pagpaparaosan mo lang ako?” Ito ang naging tugon naman ng ninang sa kanya.

Pero humirit pa rin ang tito Lucio, “kaya nga intindihin mo rin ang aking pangangailangan. Huwag mo akong basta-basta husgahan na lang.”

Hindi makapaniwala ang ninang sa kanyang narinig. Hindi niya malaman kung nangangatuwiran lang ang asawa o talagan manhid na ito.

“Bakit ka pa umuwi ng Pilipinas kung ang iyong gagawin lang ay  upang kaliwain ako? Hindi mo ba naisip kung gaano kaselan ang aking kalagayan ngayon, hindi ka ba naawa sa akin na kahit ako ay may sakit ako pa rin ang nagpapakain sa iyo,” ang mga masasakit na salita na binitawan ng ninang.

Walang maisagot ang tito Lucio. Nanahimik na lang siya.

“Magmula ngayon ay maghihiwalay na tayo ng tulugan at nandidiri ako sa iyo.”

Wala nang masabi pa ang ninang at wala na ring maisagot pa ang tito Lucio; isang nakakabinging katahimikaan ang namagitan sa kanila.


Responses

  1. Girl,

    Ikaw ba ang nagpayo sa ninang mo? Tama na ang pagkamartir, hindi na uso iyan. Turoan ng leksiyon ang mga asawang nangangaliwa.

    Kung bakit may mga ganitong klase ng lalaki sa mundo?

  2. Seg,

    Alam mo kaya nangangliwa ang lalaki dahil hindi sila nasisiyahan sa mga misis nila.Una kung bihira ng maligo ang mga misis nila ay naghahanap si mister ng mabango lalo na kapag mahusay pang manromansa at may bonus pang tsupapa masasarapan talaga si mister.Hahahaha!

  3. akala ko ba tapos na ito? meron pa palang part tu!

    lucio, intindihin mo’t unawain ang kondisyon ng kalusugan ng asawa mo. init lang ng katawan, hindi mo pa kayang mag-isang lunasan?

    wala ka na ngang hanapbuhay, wala ka pa ring sariling disposisyon?

    okey lang na magparaos ka, kung hindi mo pababayaan o kaliligtaan ang iyong obligasyon bilang padre de pamilya.

    marami ang katulad mo, magkakaiba nga lamang kayo ng antas. pero titiyakin ko sa iyo, isa kang lalaking hindi dapat pagtagalin sa loob ng tahanan dahil palamunin ka na nga lamang, wala ka pang iniisip kundi unahin ang hilig ng iyong katawan!

    dapat sa iyo, putulan ng kaligayahan!

  4. siguro kung ako ang nasa kalagayan niiya, naku di na siguro ako magtitiis, di naman sa nagsasalita ako ng tapos pero mas nangingibabaw sa akin ang kasabihan na, kung mahal ka talaga ng isang tao, di ka dapat sinasaktan ng ganyan. ang sakit nito, medyo ok pa sana kung may naitutulong yung lalake eh no??? eh wala!! nakakainis! hmp! sana maputulan na lang siya ng penis talaga!!!

  5. That serves you right Lucio.

    Naawa ako talaga doon sa ninang ni Mer. Kalbo na nga siya dahil sa pagke-chemo niya. Alam po ba ninyo na nagsusuot pa siya ng wig para makapunta lang sa opisina niya at makipagmeeting sa kanyang mga kliyente.

    Segurado akong sad na sad si Mer dito sa nangyayari sa ninang niya. Mabait talaga siya at close na close sila ni Mer. Ako man din ay nababaitan sa kanya.

    Ipag-pray na lang natin siya Mer nang mapagtagumpayan niya ang pagsubok na ito.

  6. Salamat po sa mga comments ninyo. Kanina pa ho ako nagbabasa at medyo naluluha dahil apektado din po ako sa nangyayari kay ninang.

  7. Seg,
    Tumawag kay mom ang ninang kagabi. Nangangailangan daw ng pambili ng gamot. I offered her my help pero tinanggihan niya ako. But this morning may bumili daw ng kanyang gamot worth 7,000 pesos. Isang kaibigan niyang expat.
    Thanks for your concern.

  8. O, ano ang wakas? Nag-split na ba si lola at lolo?

    Girl, sabihan mo si ninang na kalbuhin din si ninong, lalo yung ibaba at ituloy nang gupitin.

  9. Iba naman pala itong si Tito Lucio mo,sarili lang niya ang mahal niya.Mayroon ding nangyari doon sa bayan namin ng ganyan,40 years sa Guam,Saipan at kung saang lupalop napadpad at hindi nagpapadala ng pera sa pamilya,idiniport siya at bumalik sa pamilya niya,ang mga anak na iniwanan niya noon na maliliit pa ay may mga asawa na,walang gustong tumangap sa kanya dahil wala raw siyang kuwentang ama.

  10. mabuti pa nga at maghiwalay sila. your ninang doesn’t deserve to be treated like that, especially on her very sensitive case!

  11. minsan may mga tao talagang walang pakiramdam ano? sariling kati lang ang kinakamot. alam nating hindi madali yan pero nagdesisyon na ang iyong ninang, at sigurado kong magiging maganda na rin ang takbo ng buhay nya dahil hindi na nya kailangang isipin ang lintek na lucio na yan

  12. Just passing by.Btw, your website have great content!

    _________________________________
    Making Money $150 An Hour

  13. Girl ganyan din ang nangyari noon sa tita Erming ko na kapatid ng aking nanay. Kapag natatalo ng sabong ang tiyo Inso ay binubogbog siya. Wala siyang pansugal sinasampal niya. Sa tulong ng mga ibang kamag-anak namin minabuti na lang ng tita Erming ang lumayo kasama ang mga anak. Nanirahan sila sa Mindanao at doon naman pinalad and tita Erming. Nang namatay sa aksidente si tiyo Inso ay muling nagasawa si tita Erming ng isa ring byudo.

    Ako naniniwala sa tinatawag nilang pangalawang langit, kung impierno sa unang asawa baka palarin ka sa pangalawa.

    Kung bakit kasi walang diborsiyo sa Pilipinas.

  14. Ako naman ay naniniwala na magbabago rin si Lucio kapag pinatikman siya ng ninang ni girl ng tsokolate. Magkapote na kung kailangan, kasi may mga pag-aaral na nagsasabi na ang kakulangan sa sex ay ang karaniwang dahilan sa hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.

    Pareng Lucio, maghanap ka naman ng trabaho tso bago ka sumiping kay misis mo.

    Pero alalahanin mo may sakit iyan. Mag-self-service ka na lang kaya?

  15. Nagkita kami ng ninan last Sunday at kumain sa labas. Driver niya si tito Lucio kahit hindi sila nagkikiboan. Habang nasa CR ang ninang at ang kanyang maid ay nangumosta si mom kung ano na ang mga developments sa buhay niya pagkabalik niya ng Pilipinas.

    Aba’y akalain mo ba namang nagcomplain siya sa amin na hindi raw siya kinakausap ng ninang at tila ginagawa lang daw na tao-tauhan sa bahay.

    Nagkatinginan na lang kami ni mom ng palihim. Wow grabe talaga si ninang pa ang pinalalabas na masama. Nang magsumbong si mom later tungkol sa sinabi ng tito Lucio ay lalong nainis ang ninang. “Ganyan iyang, nagpapaawa effect lagi,” ang kanyang sabi.

  16. Kap hindi sa ipinagtatanggol ko ang aking ninang, malabo na sigurong mangyari iyang sinabi po ninyo.

  17. Girl kung may cold war and ninang at tito Lucio mo may nagaganap din daw na panlalamig ng bawat isa sa pagitan ng US at RP governments. Pasyal sa bahay hane nang makapagkuwentohan tayo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: