Posted by: Mer Pints | February 20, 2009

Mister mo Valentino ko (An affair to remember)

Once I was asked, what is your measure  of ultimate success in life? Without blinking my eyes I said, a happy, peaceful, and productive family. “What do you mean by that”, the interviewer asked.karin_by_utena83

The husband and wife should be truthful to each other, work together as a team to raise their family, and that everybody lives in harmony with love, respect, and compassion. 

“In short what do you mean by that,” the interviewer asked me again. All I said, “walang kaliwaan, be faithful and no cheating.”

Day off ko kahapon. Sinamantala ko na ang pagkakataon upang tumaya ng lotto. Sa awa ng Diyos wala pa ring nananalo, may pinaglalaanang talagang nangangailangan siguro. Siguro, dahil maraming haka-haka diyan na masama daw ang lotto, sabi nga ni Dok ay isang uri ng pagnanakaw.

Anyway while at home ay tumawag si mom. Tinawagan daw siya ng ninang Estella at umiiyak ito. Ang dahilan ay aksidente daw niyang nabasa ang isa sa mga e-mails ng tito Lucio addressed to a certain Ingrid or “Ings” kung saan ay sinasariwa nito ang kanilang date noong Valentine’s day. At mayroon pang nagkalagay doon na “I sent roses for you I hope you received and enjoyed them.”

Nagbalik-bayan si “Ings” para magbakasyon and for some other business, legitimate or monkey business ika nga. At ito ang hinala ng aking mom to find out kung ano na ang kalagayan ni ninang Estella ngayon na may sakit na cancer. “Siguro may  affair itong dalawa nang nasa US pa ang tito Lucio mo,” ang sabi ni mom. Posible dahil mga siyam na taon ding namalagi sa America ang tito Lucio at recently lang siya nauwi. Kung hindi pa nagkasakit ang ninang Estela marahil ay nandoon pa rin siya na nagti-TnT. Kung bakit may pagkakataon pa man din siyang magkaroon ng green card e hindi pa niya ito nagawa. Maganda naman ang kanyang trabaho doon bilang isang IT specialist. “Hindi lang pabaya sa pamilya, nambabae din pala itong tito Lucio mo.”

Parang mahirap paniwalaan dahil Kristiano ang tito Lucio at panay Bibliya lagi ang kanyang binabasa. Ngunit pangalawa na itong nahuli na may ka-affair siya. Lagi na lang na sa mga sulat siya nabubuking. Sana isang pagbibiro lang ang lahat na ito. Sana walang katotohanan ang mga hinala ng ninang Estela na kinakaliwa siya ng magaling niyang asawa. “Ni hindi siya nahiya, walang trabaho at pinapakain pa ng kanyang asawa na kahit may sakit na ay kumakayod pa para matustusan lang ang kanyang pagki-chemo,” ang pagsasabi ni mom ng kanyang sama ng loob. Pero wala akong maisagot, wala akong sapat na kaalaman kung ano nga ang tunay na nangyari. Version pa lang ito ng ninang, marahil may ibang version di ang tito Lucio tungkol dito.

Nagpaalam ang tito Lucio kay ninang Estela na may reunion breakfast sila ng kanyang mga kaeskuwela noon sa High School. Hiniram niya ang kotse ng ninang at humingi pa ng pang-gasolina. At habang papaalis siya ay sinabi pa sa kanya ng ninang na “goodluck and sana ay mag-enjoy ka.” At nag-enjoy nga naman siya sa kanilang re-union na may kasama pang date with “Ings.” Sa kuwento ng ninang kay mom, nagshopping daw iyong dalawa sa ilang tiangge sa Makati at sa isang class na mall sa Mandaluyong. Iyong nga lang ang tanong ko naman kay mom ay wala na ba silang ibang pinuntahan like motel, etc.  Ayon kasi sa  kuwento ng ninang ay alas siyete pa ng umaga umalis ang tito Lucio at maggagabi na ng bumalik. Take note, ang saya saya daw ang mukha ng tito Lucio nang dumating siya at parang lumilipad pa sa langit ang diwa nito. “Siguro nairaos na nila ang kanilang tryst sa bawat isa,” ang hinala ni mom.

Ang masaklap, kaya niyang bumili ng mamahaling roses (400 pesos for each flower) ngunit ni di man lang niyang nabigyan nang kahit anong bagay ang kanyang asawa. Tarheta lang ng isang flower shop ang tanging nakuha ng ninang sa kanya. Kahit papaano ay natuwa naman ang ninang sa pag-aakalang may desire ang tito Lucio na magbigay sa kanya ng mga roses sa Valentine’s day kaya lang walang pera itong pambili. Maling akala, tsk tsk.

“Kaya pala nang minsang binisita ko ang iyong ninang before Valentine’s day ay may nasabi ang tito Lucio mo tungkol sa mga presyo ng bulaklak na pang-Valentine’s day. Ni hindi man lang niya ako binati ng advance happy Valentines, iyon pala ay may Valentina na siya,” ang hinagpis ni mom. At ang kanyang parting words daw sa e-mail niya kay Ings ay: “I hope we could see each other again before you go back to the States. Love, Lucio.”

Sa ngayon ay hindi alam ng ninang Estela kung papano niya i-manage itong problemang kanyang kinakaharap sa ngayon. May sakit pa man din siya at baka lumala pa na siya namang kanyang ikamatay. Payo nga ni mom, “just confront him when you are ready.” At kasama na rin ang suggestion niya sa ninang na huwag na siyang tatabi pa sa asawa sa pagtulog kung nandidiri lang ito (si ninang) sa kanya.

Kung may kalilala, kamag-anak, at kaibigan kayong ganito ang sitwasyon sa buhay, ano kaya ang inyong maipapayo?


Responses

  1. naiinis talaga ako pag may mgaganitong sitwasyon. hindi ko alam pero malamang putulan ko na lang ng penis ang lalake o di naman kaya ico- confront ko siya, kahit masakit. aalis na ako sa bahay at magpapakalayo layo. pero dahil masama ako, di ako aalis ng walang ganti. sorry pero eto talaga pumapasok sa utak ko ngayon. malakas kasi defense mechanism ko sa sarili ko. kaya di ko hahayaang masaktan ang sarili ko ng ganito kasi pag lalong tatagal, lalong sasakit!

  2. Your ninang Estela’s problem is very difficult to solve. She is sick but the husband is cheating her.
    But you must also understand your tito Lucio’s needs. He is a man with sexual needs to satisfy. I understand your Ninang may not be able to provide him with that little happiness because of her illness.
    But don’t get me wrong here, I am not saying your tito Lucio has the license to fool around with another woman. No that may hurt your ninang. In fact she is hurting na nga.
    But girl there is one way to solve the problem. Actually I am not suggesting a solution, I am only showing a way how your ninang and husband Lucio could avoid getting into a deeper conflict which may cause separation.
    Communication is the key, your ninang and her husband seemed not to be talking much on what they feel about each other. The reason why I say this is because your ninong has been insensitive to the situation of your ninang. No girl, this is not an attitude problem alone. Your ninang may have tolerated her husband over the years of playing the role of irresponsible family man, and at times being unfaithful to her. This is also have some connection with his upbringing, he must have been spoiled as a child and develop superiority complex over the years. Your ninang should have spotted this and did something to suppress. Lumaki ang ulo tuloy ng ninong Lucio mo.
    There may also be a problem on their sexual relationship as your ninang may have lost her sex drive because of overwork.
    I understand your ninang is intelligent one but she failed perhaps to understand the husband and motivate him to also be productive, practical, and reasonable. If ever she did, it was already too late. I presume your ninang may have been earning that much that it did not matter whether the husband could contribute something for the family needs or not.
    For her health sake, I think your ninang should avoid him for a while until such time she could muster enough courage to confront him.
    Should you need my help personally I am always available for family counseling.

  3. Ay tama ka Cindy, biro mo may sakit na nga ang asawa nangangaliwa pa.

    Hindi ako naniniwala kay Banong na dahilan ang sariling pangangailangan upang mangaliwa. Hindi ba puweding unawain ni Lucio ang sitwasyon. Puro pagpaparaos pa ang nasa isip.

    Naiiyak ako sa sinapit ng ninang mo girl. Kung ako kaya ang nasa kanyang kalagayan talagang maghuhuromentado ako niyan at putputulan ko ng kaligayan ang walang kuwentang asawang iyan.

  4. First of all gusto ko lang sabihin na karaniwang dahilan ng kaliwaan ay selfishness. Any body there to stand by me.

    Ako ay iniwan ng aking mister, sumama siya sa isang batam-batang teacher. Nangibang bansa sila. Hindi ko na alam kung ano na ang nanyari pa sa kanila.

    Naiyak ako, gusto kong pumatay (hindi magpakamatay) ngunit hindi ko mahagilap ang walang hiyang lalaki.

    Pinalaki ko ang aking mga anak, mabuti na lang at may mga kamag-anak at kaibigan na umalalay. Naging ahente ako ng kung ano ano diyang prodokto para kumita. Napalaki ko ang aking mga anak.

    Ano ang maipapayo ko? Kung kaya ni misis ang magpatawad at umunawa gawin niya. Kung nahihirapan siyang tanggapin ang kagagohan ng mister, komprantahin ito at palayasin. Kung hindi man, magkahiwalay sila ng tulugan at magkanya-kanya ng buhay. Puwedi ring magkahiwalay.

    Walang pinag-iba ang Lucio na iyan sa paguugali ng aking mister. Girl pakisabi sa ninang mo, kaya niya iyan. Alagaan ang sarili at makakaraos din siya.

  5. Kayo naman aling Carmina hindi pa ninyo alam ang tunay na nangyari you are jumping kaagad into conclusion.

    Ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ay kasalanan ng bawat isa lagi niyan. It is unfair naman na lalaki kaagad ang sinisisi ninyo.

    At saka hindi mo maaring i-connect dito ng karanasan mo because this is another situation different from yours.

    Guess ko lang, hindi kaya iniwan ka ni sir dahil napapabayaan mo na ang iyong sarili sa pagtuturo. Aba misis kapag umuuwi ka ng bahay na mukhang blackboard eraser lagi ay ipagpapalit ka ng ng batang dalaga ng iyong esposo. Isa pa baka kulang ka lang ng lambing sa mister mo, paminsan-minsan ay maging agresibo ka naman. Huwag lang naghihintay lagi ng pagpatak ng ulan.

  6. Kapitankidlat hindi yata ninyo naikuha your honor ang punto ko, kasi ang sinasabi ko lang naman ay may tendency na kumaliwa ang mga guys kung may nakursonadahan sila ay may mga nangangantiyaw pang kabarkada. That’s all your honor.

  7. Girl ayus na ang problema ng ninang mo.

    Nandiyan lang pala si Banong bilang marriage counselor.

    Ano naman kaya ang maipapayo niya sa tito Lucio mo, baka lalong magloko pa iyon kapag napakinggan ang mga payo ni Dr. Banong hahaha

  8. Carmina,
    Ganyan lang si Kap, masyadong defensive. Siyempre ipagtatanggol niya ang kanyang mga kalahi.

  9. yehey walang nanalo sa lotto.. hanggang nagyon may pagkakataon pa tayo yumaman! apir!

    ang mapapayo ko lang eh,. “don’t be afraid to let go..don’t let yourself be hurt.. love yourself first before you love others” at para kay titong babaero.. well.. MAY KARMA ka din.. peace!

  10. Walongbote,

    Sana magdilang anghel ka!

  11. eto sabi nung pinsan ko nung asa saudi sya — kailangan daw nilang mga lalaki yon (seks). e sempre kanino sila nakikipag ganunan, sempre sa babae din ano, ibig sabihin, kailangan din ng babae yun, parehong may sala. sa tingin ko may konting lamig na dun sa relasyon, kasi kung parehong open ang komunikasyon ng bawat isa, kahit na asa malayo pa, hindi makakarating sa ganyan yan. sana maging malakas ang babae sa mga ganitong oras

  12. Mer,

    Ako ay nakikiramay sa kalagayan ng iyong ninang sa ngayon. Alam kong may masamang epekto na naidudulot ng kanyang problema sa ngayon sa kanyang kalusogan.

    Ipanalangin na lang natin na sana ay makuha nila ang lahat sa mabuting pag-uusap.

    Ang hirap pa namang ibalik ang tiwalang nawala dahil sa kataksilan ng iba. Ngunit kahit si Hudas pa man din ay maaring patawarin ng ating Panginoong Jesus kung humingi lang siya ng genuine repentance.

    Sana ganito ang maramdaman ng iyong tito Lucio. Sana magliwanag ang kanyang isipan at itakwil ang maling gawain alang-ala sa kalusugan ng kanyang asawa. Sana ipagtapat na niya ang nagawang pagkakasala, humingi ng tawad. at di na muling gagawa pa ng bagay na makakasira sa kanilang relasyong bilang mag-asawa.

    I am not for separation, I am for settlement of differences, genuine repentance and reconcillation.

    Mer madaling maghiwalay ang mag-asawa ngunit mahirap nang magkabalikan pa.

    Sana muli nilang mapatawad ang isat-isa at manumbalik ang kanilang pagmamahalan at pagtitiwala.

  13. kengkay,

    tumbok mo agad ang mother/father ball!

    maraming ganyan dito sa saudi. akala mo kung magsikilos ay tunay na mag-asawa, pero saan ka, peke ang papel na hawak nila!

    dok, tama ka! kahit ano’ng gawing pagtutuwid ng sinuman na nagkasala, ang lamat na nilikha sa pagsasama bunga ng pagtalusira ay isang marupok ng bahagi ng relasyong munting pagkakamaling sagi lamang ay pagkakapirapiraso na ang resulta.

    mahirap ang solusyon upang ang ganitong uri ng pagsasama ay hindi mabuwag at ‘yun ay nakasalalay sa kung paano rin haharapin at tatanggapin ng pinagkasalahan. itanong lamang sa sarili kung saan siya nagkulang at ano pa ang maaari at kaya niyang gawin upang ang ayaw din niyang masirang relasyon ay patuloy na pagsaluhan.

  14. oooppsss…

    haiz… im guilty of this.
    sa gf ko dati
    (remember the term dati)

    ive learned a lot from that
    but still i feel sorry

    *** i will post something regarding this🙂

    nice post btw

  15. Hello,

    Pwedeng makisali? Ito ang paniniwala ko sa relasyon na tulad ng pinag-uusapan ninyo dito. Ito lang iyan, pag isang tao ay pumasok sa isang relasyon na nagre-require ng exclusivity —- then by all means, dapat maging honest at faithful ang mag-asawa, or mag-bf or gf. Walang rason ang mabigat para suwayin ang mga bagay na iyon.

    Hindi rason ang kailangang mag-paraos (sori for the term). We are human beings at kaya naman nating kontrolin ang mga ganoong bagay. Ikinakahiya ko ang mga lalaking ganoon ang rason kaya’t nagkakaroon sila ng kabit.

    Agree ako kay ms kengkay. Ang importante ay faithfulness and honesty. Dapat maging open ang isa’t isa at walang reservations para hindi mapilitan ang isang panig na maghanap pa ng ibang tao upang pagsabihan ng sama ng loob at paghihihrap.

    I admit na mahirap gawin ang bagay na ito.

    Kung hindi mo kayang magpakatino ay wag kang pumasok sa isang relasyon. Peste ang mga ganoong tao.

  16. Ishmael,
    I agree with you. Sex is not the only reason for marriage but love.
    Kengkay,
    The secret of a happy and truthful marriage is communication. Trust is built when couple talk honestly and listen to each other.
    Mang Magno,
    You are right, only the couple could solve their problem. All we could do is to give our honest opinion with regards to their marital status/problem.
    Ifpi,
    That’s exactly what I am doin now, nagsisisi din sa mga nagawan ko ng hindi maganda noong araw.

    But let this be a lesson to all at sa sino mang nagbabalak na mangaliwa.

  17. May kasabihan tayo diyan, walang lihim na hindi nabubunyag. Walang bahong hindi sumisingaw kahit balutin mo pa iyan ng ilang supot na plastic.

    Ang kaso kung sumingaw na ang baho, ano ang gagawin? Are you going to face or ignore the problem. If ever you’ll have to face it, are you ready for the consequencies?

  18. grabee nakakainis naman yun! minsan kahet mga Kristiyano na lageng may mga dalang bible eh nagkakasala din. pero dapat iniwasan!

    how sad!

  19. Salamat Joycee at sa lahat ng mga nagbigay ng comments dito para makatulong sa problemang kinahaharap ngayon ng aking ninang. Mabuti-buti na rin po ang pakiramdam ng aking ninang at pinagaaralan ng mabuti ang mga comments ninyo para sa susunod niyang gagawin.

    Thank you po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: