Posted by: Mer Pints | February 16, 2009

Super Lotto pot reaches P206M, you might be the next lucky winner

Good news, nobody has won the super lotto jockpot which has reached more than 206 million pesos already. Last Sunday I was one of those thousands of bettors who flocked to PCSO-accredited lotto outlets who tried to win the P 206, 375, 533.20 pot before Sunday evening’s draw. But luck still eluded me and thousands of other bettors.

Losing again, I feel like giving up. But I remembered what Manue Uy once said in Filipino, “ang umaayaw ay hindi nagwawagi (quitters are losers)” and I don’t want to be a loser nor quitter. It’s painful to the pocket however. It means I have to escape a cup of coffee or a burger from those popular fastfood outlets. Who knows I might be, or you will be, the next millionaire in this country? But my mom is against it, my sister just laughed at me, and my tita Remy says it’s stupidity.

Desperate at that I consulted a friend who is a card reader. She said there will be a winner for the next lotto draw. People whose names contains letter E and R will have more chances to win. Ako na iyon. My name is MER, it has both E and R. But it could be you also, for example your name is Ester, Erlinda, Seriaca, Mariane, etc. Definitely Segundina Wey is not included, hehehe.  Hmm, it’s too good to be true.

For the winning combination, I asked my neighbor kuya Lando from Pangasinan (he was formerly a Jueting bettor and a Sumador) who could predict with a sixty percent rate of success on the winning combinations for Jueting before.

For fun he made some sumada or computations.  He did not give an exact combination of winning numbers but the most probable numbers to come out during the next lotto draw. Here are the most probable numbers to come out during the next lotto draw (and I assume no responsibilty for this should you pick any of these numbers): 13, 23, 8, 7, 40, 31, 27, 3, 2, 1, 29, 17, 45, 33, and 7.

Bahala kayo kung gusto ninyong maniwala. May mga napili na ako. Kayo baka gusto ninyong manalo? Wala naman sigurong mawawal kung pumili kayo dito ng isa a dalawa sa mga sumadong numero (probable winning numbers).

Puwedi bang makibalato kung sakaling kayo ang papalarin? Good luck para sa lahat.


Responses

  1. ayoko ngang pumili!

    nagpramis na ako noon pa. hindi na ako magsusugal. di ba’t itong lotto ay isang uri din ng sugal?

    sa bunton ba naman ng milyong kumbinasyon kontra sa sabihin na nating dalawampung milyong (hindi ako kasama, ha?) naghahangad manalo, gaano ba kalaki ang tsansa ng bawat isa?

    sori, talagang ayaw ko na. kahit daang milyon pa ang premyo.

    teka, kailan ba uli ang susunod na bola?

  2. hehehehe, si Tito talaga.

  3. mer,

    sa totoo lang, ‘yung tagal ng halos anim na buwan kong inilagi sa pinas noong magbakasyon ako (tumagal dahil nagkaproblema) ay hindi ko inisip na tumaya sa lotto at tumama upang huwag nang bumalik dito sa disyerto kung sakali.

    sugal din kasi ‘yan, eh.

    buti nga ‘yung mga nagdarasal sa simbahan upang patamain sa lotto ay hindi sinisipa ni Hesus mula sa pagkakapako dahil pati siya ay ginagawang tulay sa Diyos upang manalo sa sugal.

  4. Correct, kaya Mer kahit katuwaan lang iyan hindi magandang dalhin sa lotto ang iyong pag-asa at kinabukasan.
    Kahit ganito lang tayo, pagdating sa sugal hindi ako pumapatol diyan dahil uri din ng pagnanakaw ang sugal.
    Sa mga nagbabalak tumaya ng lotto, iyong mapapanalonan ninyo ay sa tao ring mangagaling.
    Pasensiya na po.

  5. Pero pustahan tayo ayaw din ni Seg ang sugal, hahahayyyy.

  6. waw gudlaks sana manalo ka, basta babalatuhan mu kame ha..

    once lang ako tumaya sa lotto eh di na naulet matry nga ulet nyahahaha.

  7. try mo joycee, kaya lang baka masayang ang 20 pesos mo. pakisabi na lang sa kapit-bahay mo try niya ‘to, hehehe.

  8. Mer, dati akong addict sa lotto. Mabuti na lang at naliwanagan ang aking isipan. Tama si Banong, ano mang perang makukuha mo sa lotto ay pera din ng iba iyan. Kasalanan ang sugal sister kaya itigil mo na iyang pagtaya-taya mo ng lotto.

    Sorry ha, pero that’s what I feel at nagmamalasakit lang ako bilang isang kapatid na Kristiyano.

  9. Si dok naman parang hindi alam na nakakatulong din ang lotto sa kawanggawa. Iyong kaibigan kung Kapitan nabigyan nga ng van para gawing ambulansiya ng Barangay nila. Ayon, pati manok na panabong karga-karga nila kahit hindi emergency. Tagahatid pa ng kanyang anak sa school.

    Kaya taya na dok nang magka-ambulansiya naman ang lahat ng mga barangay sa Pilipina.

  10. Nagmamalasakit kayo bilang Kristiyano dok. Iyong nga, kung may pagmamahal ka sa iba hayaan mong manalo ka ng lotto nang mapalitan mo naman ng malaki-laki ang iyong klinika at makakuha ka pa ng mga makakatulong mo sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mahihirap nating kababayan.

    Tumaya na po kayo ng lotto nang makatulong sa mga mahihirap.

    Alalahanin ninyo, wala pang ambulansiya ang barangay Kidlatan. Tricycle de padyak lang ang service namin. Maawa naman kayo kay Banong dahil siya lagi ang driver kapag may emergency, hehehe.

  11. sana kung sino man ang papalarin na manalo ay gamitin sa tama ang pera…

    ginagamit ko sa tama ang pera kaya pwede ba na ako nalang papanalunin…{toinks}hehe

  12. gud luck sayo! haha! basta ako ayoko munang simulang ang tumaya ng lotto at baka ako naman ay maadik ^^

  13. Hayyy ang haba ng pila, ito kasi si Mer may tip pa kuno kung anong numero ang mabobola ngayon.

    Basta ako two hundreed pesos ang itinaya ko ngayon for 10 combinations.

    Sorry Doc. and Banong talagang wala akong nakikitang masama kapag tataya ka ng lotto. It is all for fun and charity.

  14. Kapag nanalo ako ng lotto ngayon, 10 million ang ibibigay ko para kay Jun Lozada, 10 million para sa mga street children, 15 million for scholarship, and another 15 million to improve public dental services to the poorest municipalities in the country.

    At saka isang milyon naman para kay doc.bobonyo para ipagpatuloy niya ang libreng pagtutuli para sa mga adults, hehehe.

  15. hey wala p din winner for the super lotto 6/49 its already 239M

    Like you talo nanaman … hehe better like next time. Yung number combination ata ng friend mo nandun yung mga winning numbers😉

  16. Pwe, ayaw ko na. Ayaw ko nang tigilan pa. Dalawa na lang sana ay panalo na.

    Vhincent, tuloy pa rin ang laro haha.

  17. From ABS CBN News on line:
    Hope remains alive for millions of lottery bettors after the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) announced Tuesday evening that there is still no winner of the more than P230 million 6/49 Super Lotto jackpot.

    PCSO spokesperson Dr. Larry Cedro said there is still no winner of the Super Lotto jackpot, presently pegged at P239,242,111.20.

    No one correctly guessed the winning combination of 16, 10, 12, 39, 47, and 7.

    Mer iisa lang ang lumabas sa tip. Baka sa susunod na bola try uli natin. Ang lakas ng fighting spirit no?

  18. Seg and Mer,

    Bilib ako kay Seg hanggang lotto dala pa rin ang pagka-social worker.

    Ang dapat mong gawin kapag nanalo ka ay tatakbo ka bilang kongreswoman ng inyong distrito. Madadagdagan pa ng inyong pinanalunan sa pork barrel mo.

    Si Mer natahimik. Mukhang libo yata ang pinuhunan.

    Kung pinakain na lang sana ninyo ako ng burger, di mahahalikan ko pa kayo sa tuwa.

    Para na rin kayo nanalo niyan, hahahayyyyyyy.

  19. Banong

    You are such a loser.

    A, loser nga din pala ako. Pero hindi naman libo ang nawala. Kaunting barya lang at katuwaan naman ito.

    Pero hihirit pa rin ako. Bahala ka kung ayaw mong maniwala Banong.

  20. Oo nga naman pala, dapat ay pinakain na lang kita ng burger.

    Burger na may halong purga ng kabayo nang matahimik ka at huwag mo kaming binubuwiset!!!!!!!!

  21. Banong baby,

    Hindi masama ang mangarap. At saka hindi mo naman pera ang aking itinataya. Ako maliit lang ang aking kinikita buwanbuwan pero may interest pa rin akong makatulong sa iba kaya nga tumataya ako ng lotto.

    Ikaw ano ba ang naiaambag mo for charity cause?

    Wala akong ambisyon na maging pulitiko at laging namumulot ng supot-supot na pera sa Malacanang.

    Kung gusto mong tumaya ng lotto e di tumaya ka. Kung ayaw mo e di manahimik ka na lang baby.

  22. Masyado naman kayong mga pikon mga ladies. Para sinabi lang na natalo kayo, e totoo naman. Anong masama doon.

    Talagang ganyan ang buhay kapag natatalo ka sa sugal ay nagiinit ang iyong ulo. Baboooooooooo.

  23. Isang hirit na lang, hatak ko ito sa CD.

    Sa Jueteng naman ay may nagbigay sa akin ng kombinasyon, 18-30. Anong ibig sabihin ng numerong ito ang tanong ko sa nagbigay. Nanaginip daw siya. Iyong 18 ay tungkol daw sa lahat ng mga bagay na pabalik-balik. E iyong 30, ito naman daw ay numero na nagsasaad ng mga bagay na malalalim at mababaho.

    Tumbokin mo na ang sabi ko sa nagbigay ng numero.

    18-30 is “PP and TT.”

    Natawa na lang ako. Papaano ka nga ba mananalo niyan e puro PP at TT ang napapanaginipan mo hahahaha.

  24. Girl,

    I’ll use your numbers. Bah, $145M ang lotto namin dito ngayon, di ko yan uurungan kahit kasalanan pa ang magsugal. hehe!

    Kapag ako ay nagkakasala na bumili ng lotto ticket, basta iniisip ko na nakakatulong naman ako sa kawanggawa at edukasyon. Palusot pa e…

  25. Good luck tita. Si Doc.B at Banong lang naman ang kontra sa lotto a, hehehe.

  26. Banong,

    Sa mga tt at pp ka lang naman magaling kaya hindi umaasenso ang life mo, hehe.

    Hindi kami pikon Banong, sinasagot lang namin ang mga comments mo.

    Love you Banong hehehe

  27. Mabuti hindi pa napalitan itong poste. Baka ngayon lalabas ang sumada ni college girl. Sabagay kung hindi uobra sa una, sa pangalawang bola i-try natin.

    At siguro ay hanapin natin si Santino sa ABS CBN baka tayo’y matulungan at magmilagro.

    At saka baka maawa sa atin si Big brother papasukin pa tayo sa bahay ni kuya hahahahaha

  28. Buwahahahahahahah. Wala pang nananalo. Kahit tawagin pa ninyo si big brother at Santino. Hindi pa rin tatamaan ang jockpot.

  29. hay nako…. napakaraming combination jan sa 6/49 lotto…

    base sa scientific calculator ko…

    49nCr6 = 13,983,816 possible combination…

    kung tataya ka worth Php 20..

    kailangan mo ng Php 279,676,320..

    pwede… taya na… ang problema… kapag nagkaroon ka ng kahati…

    yari ka… so ang possibility ay 1/14,000,000..

    if lady luck’s at your side.. bakit hindi…

    peace!!!

  30. Charlie,

    Ako adik dati sa lotto. Tinigil ko na dahil walang nangyari.

    Pero kung may kursonada kang numero bakit hindi, try your luck mga kababayan.

  31. 06 34 20 26 12 33

    May nanalo na sa super lotto. Congrats sa mga nanalo.

    Walang nangyari sa sumada ni kuya. Pangjueting lang talaga siya, hehehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: