Posted by: Mer Pints | February 9, 2009

Sonata No. 5 in C Minor, Opus 10 (Gabi ng Pamamaalam)

There are people who can not outlive the past. They just can’t move on. They are still hurting up to now. Some keep on waiting, they just hope someday someone they love so great in the past would come back knocking at the door. Oh, we just can’t stop dreaming and wishing for somebody who may never come back again. For love is greater far than we.

155_5526Maalinsangan ang panahon, gabi sa isang tag-araw sa kalagitnaan ng Mayo. Kanina pa siyang nasa harap ng salamin na nag-aayos ng sarili. Nangiti lang ito nang biglang sumimoy at naginhawaan ang kanyang sarili. “Kung tapos ka nang magbihis at ma-ayos, ay aalis na tayo.” Makapangyarihan ang kanyang tinig.  

Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at sinudan siya. Itinuro niya ang isang classic guitar na nakapatong sa dining table at agad kung binitbit. Nasama kasi ang pangalan ko sa program na magbigay ng isang awitin. Alam kong siya ang nahilingan ngunit gaya ng dati ako na naman ang itinuro. Mas okay pa na siya na lang sana dahil di hamak na mas magaling siyang kumanta sa akin.

“Galingan mo Mer, ito’y gabi ng pagtutuos at pagpapakilala.”

Nangiti lang ako. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Kilala ko siya may binabalak siya at gustong patunayan. Alam ko ang takbo ng utak niya magmula pang college hanggang naging boss ko siya. Napakagara ang kanyang kasuotan at lalo pa nitong pinatingkad ang kanyang kagandahan. Sa isang class na hotel ang aming tungo upang dumalo sa isang malaking pagtitipon. Mga bigating tao at may sinasabi sa buhay ang mga panauhin.

Joint birthday celebration ito ni Mrs. Regina “Zest” Villalobos at ang kanyang seminaristang anak na si Hector. Sa totoo lang ay ayaw kung dumalo sa pagtitipon na iyon, una ay minamata nila si Gem, at pangalawa ay kontra sila sa pagiibigan nila ni Hector. Ngunit mapilit si Gem dahil sa imbitasyong inabot sa kanya ni Hector.

Nagkakilala sina Hector at Gem sa kombento nang pasyalan namin si Padre Atendido upang makipag-tie up sa kanilang proyekto para sa mga kabataan at livelihood projects. Si Hector ang itinalaga sa amin bilang kinatawan ng simbahan. Ewan ko kung ano ang nakita niya kay Gem (maliban sa matalino at napakaganda nito ) upang mahulog ang kanyang loob sa aking kaibigan. Parang manggang hilaw naman ang dating niya Gem na kahit alam niyang bawal ay pumatol pa siya sa binatang magpapari. Bukod sa kakisigan at matiponong pangangatawan, matalino at civic minded ng seminarista na isa din palang titser. Magkatugma ang kanilang pag-uugali at pagkahilig sa musika.

Mula sa entrance ni Social Hall ay kitang-kita kung nagbulungan sina Mrs. Villalobos at ang kanyang anak na si Mara nang makita kami ni Gem na bumababa mula sa kanyang Pajero. Wala silang imik nang ngitian at batiin namin sila ni Gem. Pero laking gulat nila sa nakitang pagkasosyal at pasyonista ngayon ni Gem. Para siyang isang prinsesa o reyna ng kagandahan. Nagmukhang basahan tuloy si Mara na natalbogan ng husto ng aking kaibigan.

Si Hector na ang naghatid sa amin sa isang table na malapit sa may Grand Piano. Kahit kabado pa ako hindi ko na ito pinansin dahil sa paghanga nila sa ganda at pagiging elegante ni Gem. Sa isang dako panay panay naman ang bulungan ng mga amiga ni Mrs. Villalobos na tila si Gem ang kanilang pinaguusapan.

Mayamaya pa ay nag-umpisa na ang programa. May mga nagtalumpati at bumati ng happy birthday kay Mrs. Villalobos at Hector. May mga umawit at sumayaw. Tinignan ko ang programa kung kailang ako magpeperform. Mabuti na lang may nauna pa sa akin na isang surprise number. Si Hector pala iyon, may dala siyang sax at mabilis na nagtungo sa entablado upang tumugtog. Tinawag niya si Mara para saliwan siya sa ngunit tumanggi ito at sinabing mag-minus one na lang.  Ayaw niya yatang makita si Gem. Walang kaano-ano’y biglang tumayo si Gem at naupo sa may Grand Piano na tila gustong tumugtog. Nagulat ang lahat sa nasaksihan pati na rin  si Hector.

“Ako na lang kung puwedi,” at matamis niyang nginitian si Hector.

“My Serenade,” kitang kita ko ang buka ng mga bibig nito nang tanungin kung ano ang tutugtogin.

Kaagad na naglaro ang mga daliri ni Gem sa keyboard at umalingawngaw ang isang malambing na at matamis na musika mula sa piano at hudyat  naman ito upang umpisahan na ni Hector na tugtugin ang “My Serenade.” Napakaganda at nakakaantig ng damdamin ang pinagsabay na tunog ng sax at ng piano sa pagtugtog nina Hector at Gem ng “My Serenade.” Ginawa pa nilang jazz ang tempo kaya maraming humanga sa kanilang galing. Pagkatapos ng tumugtog ay pinatayo ni Hector si Gem at sabay silang nagpugay sa mga manonood bilang pasasalamat. Pinasalamatan naman ni  Hector si Gem for the accompaniment.

“I did not expect this, thank you very much Miss Gemma Wey. It has been a pleasure to play with a good pianist like you.”

Muling nagpalakpakan at nang humupa ito ay si Gem naman ang nahilingan na tumugtog. “ladies and gentlemen it’s an honor to present to you Miss Gemma Wey.”

Habang nagpapalakpakan ay nangingiti lang si Gem, parang inaasahan na niya ito. Dinaanan naman niya ng mabilis na sulyap si Mrs. Villalobos, pagkatapos ay inumpisahan na niyang tugtugin ang Sonata No. 5 in C Minor, Opus 10 ni Beethoven. Magmula sa banayad at hinay-hinay ng pagkilos ng kanyang mga daliri ay umalingawngaw ang isang tugtogin na punong-puno ng damdamin, kumakatok sa puso na tila nagsusumamong pakinggan ang hinaing ng kanyang nasasaktang puso. Mayamaya pa’y nagumpisa nang gumalaw ng mabilis ang kanyang mga daliri na tila sumasayaw at tumatalon sa naguumapaw na kaligayahan. Pabilis nang pabilis na tila nagiipon ng inehiya upang sa huli ay sumambulat na lang na parang talang nagwakas ang liwanag sa kalangitan. Sa paraang ito niya niya inilabas ang  hapdi ng pusong sugatan at sama ng loob na nararamdaman.

“Bravo, bravo,”  tayoan na ang mga tao sa tuwa at sa nasaksihan. Wala ka nang ibang marinig pa kundi ingay at lakas ng palakpakan. Tumayo kaagad si Gem at nagpugay sa mga taong nakamalas sa kanyang galing sa pagtugtog ng piano. Pagkatapos ay unti-unti na niyang nilisan ang entablado papalabas ng Social Hall. Susundan sana siya ni Hector ngunit bigla siyang tinawag upang magsalita.

“Mga kaibigan, marami pong salamat sa pagdalu po ninyo sa pagtitipon na ito. Salamat din sa mga kaibigan ng nagbigay ng kanilang mga oras at talento upang maging masaya ng okasyong ito. This is just one of the greatest moments in my life. Nakakalungkot lang pero ito ay  isang gabi ng pamamaalam. Babalik na po ako sa seminaryo upang ipagpapatuloy ko ang aking pagpapari. Thanks for all your prayers and support. And this evening will not be complete without a special number from Miss Merlina Pintranos,” ang kanyang wika at pagpapakilala sa akin.

Parang hindi ko mabuhat ang aking mga paa papaakyat ng entablado. Mabuti na lang at inalalayan ako ni Hector. Pagkaupo at handa na ako ay inumpisahan ko nang kalbitin ang mga kuwerdas ng kalong kung gitara. Pumailanlang ang bungad na pasakalye ng awiting “I Don’t Know How to Love Him.” Nagpalakpakan kaagad kaya naman nawala ang aking kaba. Kaya itinuloy ko na.

 I don’t know how to love him/ What to do how to move him…

Dinig na dinig ni Gem ang mga sinabi ni Hector at ang ang aking inawit  kahit nasa labas pa siya. Mabilis niyang binuksan ang pinto ng  sasakyan at dagli-dagli siyang sumakay. Pagkaupo ay dito na niyang ibinuhos ang pag-iyak sa tindi ng sama ng loob.

Hapon ng linggo, nagiimpake na kami ng mga gamit ni Gem nang biglang may kumatok sa aming quarters. Ang mag-inang si Mrs. Villalobos ang kapatid ni Hector na si Mara. Agad nilang niyakap si Gem at humingi ng tawad.

“Sorry Gem, hinusgahan ka namin. Nagkamali kami sa mga masamang inasal at ipinakita namin sa iyo. You are such a very special young woman. Sa mga nasaksihan namin at inpormasyong nalaman tungkol sa iyo ay ano pa bang mukha ang maihaharap naman. Patawarin mo kami Gem,” ang sinabi ni Mrs. Villalobos.

Muling niyakap naman ni Mara si Gem at sinabing ” I know you are every man’s dream and pride, ibang klase ka. Bibihira na ngayon ang mga mayayaman na katulad may pagmamahal sa mga mahihirap. Ang galing-galing mong tumugtog ng piano.”

Ngumiti lang si Gem, “wala sa akin iyon, kalimutan na natin.”

Muling nagsalita si Mrs. Villalobos, “Alam mo Gem bawat ina marahil ay nangangarap na magkaroon ng isang mamanuganging katulad mo.  Ang malungkot lang  hindi kayo para sa isat-isa ni Hector. Siya ay para kay Lord. Inalay ko na siya sa Panginoon kapalit ng kanyang pangalawang buhay.” 

Hindi umimik si Gem ngunit may luhang gumulong sa kanyang mga pisngi. Dagling pinunas nito sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Isang ngiti ang kayang iginanti; ngiti na hanggang sa ngayon ay nakikita ko pa rin sa kanya habang sinasariwa niya ang nakaraan. Alam ko habang nandiyan ang ngiting iyan ay buhay pa rin ang kanyang pag-asa na muling babalik ang lalaking kaunaunahan niyang pinaglaanan ng pag-ibig.


Responses

  1. Segundina sana ay hindi mo pa isinasara ang iyong puso para sa iba. Matagal din tayong magkasama sa field noong araw. I know how we shared problems and cried together. Pinasasalamatan kita sa mga pag-alalay na ginawa mo sa akin, nandiyan ka lang sa mga panahon na iniiyakan ko ang aking mga kabigoan. Kaibigan ka talagang maituturing sa hirap at sa ginhawan. Mahal kita friend, and it will always be that way. Iniaalay ko ang kuwentong ito sa iyo. Happy Valentines dear friend.

  2. Ang pag-ibig ay nagpaparaya. Totoong may mga tao na nabubuhay sa nakaraan dahil lang sa sobrang pagmamahal na inilaan sa iba. Nirerespeto nating ang damdamin ng iba ngunit hindi na siguro healthy na permanenteng isinasara na natin ang pintoan ng ating puso para sa ibang langit. Ang pag-ibig ay hindi makasaril at walang itinatangi. In love be practical yet be responsible.

  3. ganun ba dapat..?
    parang may kurot naman sa puso ito..!
    hhmmm…😉

  4. tama si lolo bobonyo, este doc bobonyo pala ano ba yan, kase naman si doc ang tanda tanda na..

    well ganyan talaga ang pag ibig, malalim sa kanyang kahulugan pero masarap naman itong gawin.. dangan nga lang at may nagsasara na agad ng puso nila na di naman dapat..

  5. Mer,
    Thanks for your assurance of loyal friendship, iba ka talaga. But you made me cry again. Mahirap talagang makalimutan ang nakaraan. Alam mo naman siguro that so many times I tried to open up my heart to others, but it’s so difficult to forget the past. At my age dapat magmadali na ako baka mahuli na ako sa biahe, but how could I there is still one more vacant seat to fill at iisa lang ang dapat na nandon.

    Honestly speaking may mga gabing naala-ala ko siya at nalulungkot ako. I know he does the same over the years alang-ala sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang alagad ng simbahan. My only consolation that experience made me more sensitive to the feelings of others who fell in love and passing through difficulties in their relationship. During my free time students come to me for informal counseling. Feeling ko lang ay mas effective ako ngayon as a result of that experience. In my career as a caseworker I have already done so many marriage counseling, saving relationship about to collapse. I handled a number of cases on abandoned women and single parent at difficult circumstances with a relatively high percentage of succes. Naging insperasyon ko sa pagtulong sa iba ang aking karanasan bilang bigo sa pag-ibig. Sabi nga ng aking supervisor noon sa agency, I could help others daw but I could not help my own. Talagang ganyan lang ang buhay minsan. Kung sino pa ang karpentero ay siya pa ang tinutuloan sa bubongan kapag umuulan.
    Wala na kaming contact pa ni Father H, and I don’t want too. To re-open the line of communication for is next to impossible. It may only hurt us more. Mer, mabuti na iyong ganito kaysa may mangyari pang hindi kanais-nais sa aming dalawa. I don’t want others to be hurt too. Masaya na akong malaman na buhay pa siya, malusog, at tapat na naglilingkud sa simbahan bilang alagad ng Diyos.
    Recently may nanligaw sa akin, I tried my best to accomodate him dahil napakaginoo niya. May mataas din siyang hinahawakan na posisyon bilang IT practitioner ngunit mahirap talagang buksan muli ang pinid nang puso.
    Tama ka nangingiti na lang ako sa aking pagiging loveless sa ngayon. May mga dumarating ding roses during Valentine’s day pero napakalamig naman ang gabi para sa akin. Sanay na ako Mer sa ganitong buhay, naiinggit paminsan-minsan sa mga kaklase nating may mga kanya-kanya nang pamilya. Ngunit sa kabila ng lahat ay masaya na rin dahil naibubuhos ko ang aking panahon sa aking propesyon.
    Yes, may ngiting taglay ang matamis na alaala ng lumipas. At habang “nandiyan ang ngiting iyan ay buhay pa rin ang pag-asa” mula sa isang sugatang pusong naghihintay. Ang kaibahan na lang ngayon ay wala nang “luhang gumugulong” pa sa aking mga pisngi.
    I’ve matured over the years, kaya ko nang tanggapin ang aking kabigoan, ngunit kung ano man ang damdaming mayroon ako ngayon hayaan mong para sa akin na lang iyan. Paminsan-minsan ay masarap ding maramdaman ang kurot ng puso Bombero King. At least alam natin na buhay pa tayo, at habang may buhay ay may pag-asa.
    Happy Valentines po sa lahat! May God bless you.

  6. Gem (Segundina?),
    May kasabihan ang mga matatanda, kung hindi ukol ay hindi bukol. Ito ha kilala ko, isang dating madre din siya na napasok lang sa kombento dahil sa kabigoan ng pag-ibig. Over the years kinalimutan niya ang kanyang sarili to serve God and people. Lumabas din siya sa pagka-madre at naging professor pa siya sa isang malaking pamantasan. Hindi rin siya nagtagal dito at nagtatagad ng NGO. One time pinuntahan ko siya sa kanyang opisina, iba na ang kanyang apilyedo. May lalaki siyang ipinakilala sa akin, mga late fifty or early sixty na siya, at siya daw ang kanyang mister. Maganda rin siya at mestisahin.
    Kaso nang bata-bata pa siya ay nagtago siya sa kanyang belo kaya hindi siya naligawan. Tamang-tama paglabas niya ng kombento ay nabyudo din ang dati niyang prince charming.

    Ngayon alam ko na ang background ng kuwento mo tungkol sa “Bunga ng Pagmamahalan.”

  7. wow! mer, ikaw na ba talaga ‘yan, ha?

    puweydi ka palang sumolat ng love stowries ng walang halong kabirdihan, ah.

    si seg, bigla ring naging madrama!

    ‘yan pala ang tinatago nireng dalawa. mga pusong sawi’t sugatang pinpilit pagtakpan ng kapilyahan.

    hangad ko ang pagsilay ng panibagong pag-asa upang matagpuan ang muling magpapatibok ng iyong puso. huwag mong isara ang pintuan ng pagmamahal sapagkat kung merong umaalis ay meron darating na mas karapatdapat.

    habang nasasaktan nag iyong puso ay lalo mong piliting maging matatag at ituon ang pansin sa mas makabuluhang mga bagay na pagkakaabalahan upang ang sugat na nilikha ng kabiguan ay kusang maghilom ng walang antak.

    ang puso ay nariyan sa dibdib upang pamahayan ng pagmamahal at tumanggap ng magmamahal.

    oo nga’t mas mababa ang kinalalgyan kaysa utak, subalit huwag lamang paging bato ay tatalunin ang sentro ng katwiran (utak) at ang galit sa nagtalusira ay maiiwang parang hanging magtataboy sa madilim na ulap.

  8. ako pa ‘ata ang may kasalanan ng lahat dahil itong dalawa ay binabakas ngayon ang malulungkot na bahagi ng kanilang lumipas.

  9. salamat po sa pagdaan sa blog ko

  10. Ako nga po. Hehehe, nagulat po ba kayo?

    Ang tamis po ninyong mangusap, kahit sinong pusong sawi ay nabubuhayan ng pag-asa kapag nadining ang mga makahulugang katagang inyong binibitawan.

    Sa ngayon ay wala pang dapat ikabahala sa aming mga edad.

    Sa akin po naman ay bukas ang aking puso sa mga darating na pag-ibig. Every year nga po ay binabawasan na namin ni Seg ang mga nakalista na kalidad ng aming ideal man, hehehe.

  11. Kumusta? Valentines na nga. Topic ko kasi sa bago kong post eh puso tapos puso rin pala dito. tsktsk. Nice po!

  12. Ganon na nga siguro Dansoy, kapag dumarating ang araw ng mga puso puro pag-ibig ang ating mga topiko. Napakasarap umibig ngunit napakasaklap naman kung masasaktan ka lang. Sa akin naman, hindi baleng nasaktan ka sa pag-ibig basta nakaranas kang magmahal. Ang buhay sabi ni Kim Atienza ay parang weather-weather lamang, ganon din ang pag-ibig. Minsan panalo ka, minsan talo ka.

    Kulot, salamat din sa pagparito mo. Hayaan mo at papasyalan kita lagi. Hapi Balentayns.

  13. ang ganda ng short story na ito! as ever from ms collegiala!! ^^ keep it up! wonder what would be the next? sana happy ending naman!

  14. Cindy,
    Pareho kami nang pinagdaanan ni ms. Colegiala. Pasyal kayo sa aking site nang mabasa ninyo ang kuwento tungkol sa pagkabigo niya sa pag-ibig.

  15. anglungkot naman. pero i believe everything happens for a reason. When God closes a door, He will surely open a window for the blessings to come in.🙂

  16. ano be yan, naiyak naman ako, waaa. penge tisyu. pero minsan ganyan talaga ang takbo ng tadhana, ang importante ay matuto tayong sumayaw sa tugtog

  17. Salamat sa mga comments ninyo Joycee and ate Kenkay. Matutuwa dito si Seg. Tama kaya kapag nagsara ang pintoan bubuksan ni Lord ang lahat ng mga bintana for more blessings including your Happy Valentine. Hindi lahat ng mga musika na pinapakinggan natin ay malulungkot, kailangan din ang mga masasayang tugtugin nang magkaklulay ang buhay. Sayaw tayo sa himig ng bagong pag-asa. LOL.

  18. hi there, I have also a kuwento about colegiala girl. She cried and left tears in my heart. http://segundina.wordpress.com

  19. Seg and Mer,
    Tatlo na tayong walang date sa Valentine’s day. Hindi ako pinalad kay Milagring. Anong malay ko ba naman na nagkabalikan sila ng kanyang dating kasintahan na Kusinero sa isang hotel sa Hawaii daw. Maraming salamat na lang daw sa pagtingin na inukol ko sa kanya.

  20. Akala ko ba naman kapag last trip na ang dalaga ay akin na siya. Hindi pala. Parang pagtingin lang daw sa isang malapit na kaibigan ang naramdaman niya sa akin.

    Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin noon una pa na wala akong pag-asa at hinid na pomorma-porma pa.

  21. Sabagay between me and that guy, malaki siguro ang aming agwat sa buhay. At sabihin na natin ng brutal, passport niya ito para makapunta rin sa America. US citizen kasi ang kusinero.

  22. Kung bakit pa kais nauso ang mga ligawan, ang pagaasawa. Dapat buhay cavemen pa tayo hanggang ngayon. Kapag may nagustuhan ka sunggab kaagad.

    Kung bakit dapat pa kasing manligaw!!!!!!

    Kay malas ko pa naman, ibinida ko pa sa opisina namin na magpapakasal na ako sa darating na buwan.

    Iyong pala, mabubuwang ako sa kahihiyan ng mga pinagsasabi ko.

  23. Sana mag-brown out sa Valentine’s day. Sana magsara lahat ang mga motel at hotel nang hindi na makapagloving-loving pa ang mga may kabalentayn.

    Malas lang ako siguro. malas talaga sa pag-ibig. Kung may kupido ng talaga ay lumabas ka diyan nang pagtatadyakan kita. Huuuuuhuuuuuuhuuu kawawa talaga ko. Ang tanda tanda ko na wala pa akong asawa.

  24. banong,

    ano ka ba naman?

    para kang bakang kinakapon sa pag-atungal, ah?

    magwala kung sa pagtalikod sa iyo ni milagring ay dala pati ang iyong ispiral na iskiwer. ‘and’yan pa rin naman ‘ata, eh ‘wag ka nang maglupasay.

    ‘ampangit mong tingnan!

    parang ako noon nang ipagpalit sa pulis ng aking naging isang syota.

    siguro, mas type niya ang batuta at .38 noong pulis kaysa M-16 at M203 ko.

  25. Kuya Banong naman, hindi sa ayaw kong maglabas ka ng hinanakit mo dito pero iyong isumpa mo ang Valentine’s day at saka nagwiiwish ka pang magka-brown out, aba manong masama iyan. Mabuti kung sa mga motel lang ang maapektohan, e paano na kung may operasyong ginagawa dito sa St. Luke’s Hospital e isa sa mga witnesses ng Senado o taga Malacanang ang pasyente, baka matuluyan pa iyon.

    Ano mang Banong nabigo ka na naman? Sinasabi nga namin na hindi lahat na pagpapakita ng mga kababaihan sa iyo ng kabaitan at kagandahang loob ay ibig sabihin non may gusto na siya sa iyo.

  26. Hindi bale kuya, we are always behind you. Magpunta ka lang sa school nina Segundina ay may librarian doon na ubod ng sungit, wala kasing pumapansin na lalaki, baka kayo ang magkatuluyan.

    Ilokana din siya ay hawig kay Miss Tapia, hehehe.

  27. Nangangantiaw ka na naman miss. Kawawa naman itong kabayong tumatanda, wala na yatang magkakagusto pa sa kanya.

  28. banong, kung ako siguro ako si kupido’t palalabasin mo saka tatadyakan, magtatago na lamang ako pero papanain ko muna ang kargada mo. hindi para sa pag-ibig kundi para manguluntoy!

    kapitan, pastulin na lamang natin ‘yang kabayo mo sa ermita. ‘daming nagkalat doong damong bahaghari. teknikolor. meron ding murang mura pa pero kung gusto niyang papalipas na ang kasariwaan, meron din. ‘yun nga la’ang sobrang pakla na ang lasa!

  29. Naman, kayo na nga laang ang akeng inaasahan ma makakaintindi sa akin e kayo pa itong nagpapasikip ng aking dibdib. Bakit naman pati ang manok ko ay papanain pa ni Kupido, kapag nasapul sa itlog aray di na ko makapagpunla ba ng akeng binhi.

    Naku sa Ermita na naman ninyo ako dadalhin, alay buhay mga amoy panghi na ang nandoon at pinagsawaan na ng mga kabayong mahahaba ang batuta.

    Wala ba kahit sixty years old na lang diyan na pensionada, hahhayyy.

  30. Mer naman bakit sa iba mo pa ako inirereto, sa kaibigan mo na lang tutal mas matamis naman akong magmahal kay sa pari.

  31. Another topic:
    Who is telling the truth, World Bank or the Philippine Senate on alleged “bid rigging” of WB-funded road projects involving various construction firms and personalities including First Gentleman Mike Arroyo.
    http://secondlady.wordpress.com


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: