Posted by: Mer Pints | January 28, 2009

Bebe Gandanghari and Bibi Gandang-ari (The show must go on)

Lately showbiz celebrity Rustom Padilla shocked his fans when she dressed up like a woman and went on TV declaring that he’s leaving his “male self in the past and revealing his ‘soul’to the public.” Changing her name to Bebe Gandanghari the actor said ‘Rustom is dead’ of which his brother Rommel Padilla could not accept. Although everybody in his family, particularly Robin Padilla, has already accepted what he wanted himself (herself?) to be.

Bernie Franco from Showbuzz: ABS- CBN.com wrote this:

Bebe (as Rustom would like people to call him now) describes her new identity as a God-fearing and loving lady. Bebe said that  she undergoes the same trouble other women do, such as making himself beautiful at all times. She even recalled the time that she had to attend an event and she had to put on makeup. “Hindi kumakapit ang makeup. That’s when I realized ang hirap maging babae. Kaya pala ang babae, ‘pag wala sa mood wala sa mood,” she shared.

Si Bibi Gandang-ari

babe

Kung si Rustom ay nagpalit na ng katauhan at kilala na siya ngayon bilang si Bebe Gandanghari, mayroon din isang binata (dalagna?)  na nagladlad sa tunay niyang pagkatao ang nais magpalit din ng image at  pangalan. Siya ay si Rustico Pililia, isang diehard na tagahanga ni Rustom o Bebe. Gusto rin niyang tawagin siyang Bibi, Bibi Gandang-ari. 

Isa si Rustico sa mga nasaktan nang magladlad si Rustom Padilla  at sabihin isa siyang mahinhin na Maria Clara. Nawasak ang kanyang puso dahil hindi lang siya ordinaryong tagahanga ng actor, may lihim pa siyang pag-ibig dito. Sa una hindi gaanong pinansin ng kanyang mga kamag-anak ang sama ng loob nito sa pag-aakalang frustrated fan lang ito nang malaman na alanganin pala ang hinahangaan niyang actor. Ngunit nang humagulgol ito sa pag-iyak dahil sa matinding sama ng loob (ala Bea Alonzo), ay nabuking tuloy ang kanyang itinatagong lihim.

Halos ipagtabuyan ng kanyang ama si Rustico nang malaman niyang bading pala ang binata. Mabuti na lang at nakapagpigil ito sa sarili kung hindi ay baka nasaktan pa niya ang kaisa-isang anak na lalaki. Hiyang-hiya naman ang kanyang ina, ngunit sobrang mahal niya ito at nagawang unawain ang kanyang binata sa pagiging isang alanganin.

Sa kahihiyang tinamo ay tumakas si Rustico at nagpuntang Maynila. Dito ay namasukan siya bilang isang katulong na kusinero sa isang magarang kainan na matatagpuan sa isang malaking mall. Sa ilang taong paglilingkud niya dito nang buong katapatan ay na-promote siya bilang isang supervisor. Tumaas ang kayang suweldo at ganon din ang kanyang taste. Sunod lahat ang kanyang layaw dahil mapera  na siya ngayon. Nabibili niya lahat ang kanyang gusto pati ang pagpapaayos ng kanyang sarili sa mga class na parlor. Hindi lang iyan, kung makaporma siya ngayon ay gayang-gaya ang kanyang idol na si Rustom o Bebe.

Dati nakadamit panlalaki siya, ngunit magmula nang nagsuot ng damit pambabae si Rustom o Bebe, ay gumaya na rin siya. Nakasuot pambabae na siya kapag nagpupunta ng trabaho. Makapal ang make-up, maraming padding ang inilalagay sa kanyang bra para magkaporma ang kanyang boobs.

Kung sa inaakala po ninyong  masayang-masaya ngayon si Bibi Gandang-ari sa kanyang pagaanyong babae kagaya ng kanyang idol, nagkakamali po kayo. Kung hindi ka talagang girl ay mahirap pomorma bilang girl magsuot ka pa ng damit pambabae. As far as Rustico or Bibi Gandang-ari is concerned, it’s very uncomfortable in some ways to be a woman. Una, hindi na siya basta-basta dyumingel sa CR ng mga lalaki dahil pagkakainteresan siya (OMG baka marape pa siya). Pangalawa, kung sa CR naman ng mga babae baka mabuking siya at buo pa ang kanyang manoy. Baka makasuhan pa siya. Problema talaga, (kung problema nga) kaya naman kapag namamasyal siya sa mga malls ay hindi na siya kumakain pa at umiinom nang di malagay sa alanganin.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhan sa mga katulad ni Rustico o Bibi Gandang-ari. Minsan ay napasyal siya kasama ang kanyang mga kaibigan na babae sa isang mall upang manood ng sine. Maganda ang palabas, naghanda sila ng mga maiinom at makakain. Mula umpisa hanggang wakas ay kapanapanabik ang mga eksena. Love story kasi ang pinanood  kaya hindi na niya namalayan pa na nakakain siya ng maraming popcorn at nakainom ng maraming sofdrinks. Resulta, sa kalagitnaan ng palabas ay na-dyingel na siya. Kahit anong gawin ay hindi na niyang macontrol. Nasa alanganin na siyang sitwasyon, kung hindi pa siya tatayo sa upuan at magmadaling magpunta sa CR baka sa upuan pa siya maihi. Kaya naman tumayo na siya kaagad at nagmamadaling nagtungo sa toilet. Pagdating niya dito ay nataranta na naman siya,  hindi niya alam kung sa CR ng babae o sa CR ng mga lalaki siya papasok. Malapit na siyang labasan ng ihi kaya nagpasya na siyang pumasok at dyumingel sa toilet ng mga lalaki kung saan siya nababagay. 

Wala na siyang paki-alam pa nang pagtawanan siya ng mga kapwa lalaki (really?) habang dumidyingel na nakataas ang kayang palda, kaharap ang urinal habang bumubusitsit ang kanyang malaking ari.

“Oh, what a scene,” ang wika ng isang foreigner.

Sumagot naman ang isang Pinoy, “Oh, what a shame.”


Responses

  1. hahaha kala ko me litrato si Bibi Gandanghari – Beauty King! leche! hahaha! Kung yun ang kaligayahan nya, wez! Pag-bigyan ang Bibi! hahaha!

  2. Haha, narinig ko rin yan si Bibi gandang-ari? Sino kaya susunod at ma i inspire sa pag laladlad nya?

    Si Piolo kaya? ehehe.

  3. Hehehe, your guess is as good as mine po.

  4. Kung talagang magladlad,ay maglaladlad kahit na ano pang pigil ang gagawin.Kaya ibigay na lang ang kaligayahan ng Gandanghari.Kulang na tayo sa mga manicurista at parlorista ngayon.Lahat gustong mag nurse at caregiver ng mga sakang.

  5. Ay, nakapalda na pala si Rustom, este Bebe. Marami pa diyan ang susunod hindi lang si Rustico, alyas Bibi. Sana magpalda na rin sina Sam at Piolo nang makasunod naman ako, hahahayyyyyy. Ikaw talaga girl lahat na lang pinakikialaman mo. Tip ko lang, sa mga cowboy at pormang barako diyan sa CD kilatisin mo baka may mga lihim na nagpapabyuti sa gabi, haha.

  6. hahaha…

    share ko lang ito… nagsikalat kasi itong text na ito noong nagladlad ang lola mes… hehe

    “hindi ka nababagay dito! dun ka nababagay sa mga taong palara! sa mga taong nakahiga sa salapi!”

    -robin padilla

    translated version:

    “witchi ikiz najojogay ditech! de engklachu ikiz najojogay sa mga shoong sholara! sa mga shoong naka jigaztra sa julapi!”

    -bebe gandanghari

    wahaha! kakaloka!

  7. basta masaya sila sa ginagawa nila at kahit sino pa ang magladlad e ok lang yon…tignan mo nga si bebe, nung huli kong mapanood sa the buzz e crush nya raw si richard gutierrez, biglang namula si ruffa ..hehehehe

  8. Hahahayyyy okay iyang translated version mo ha yhen. Ako naman ay hindi against sa mga naglaladlad diyan. Ang totoo bading din ang aming teacher sa elementary noong araw ngunit napakabait niya at napakatalino. Siempre may mga puna din laban sa kanya dahil naka-rollers siya sa buhok at naka-make up kapag nasa bahay. Mas okay pa nga siyang magturo kay sa kapatid niyang tila nahuli na ng sampong taon sa biyahe na ubod ng tapang at sungit sa kanyang mga pupils. Nakurot na kasi ako ng buwiset na babaeng iyon, haha.

  9. It is and individual’s basic right to be what he want to be. As Shakespere said, to be or not to be that is the question. If Bebe wants to be a woman, that’s his right. If Bibi Gandang-ari wants to be like his/her idol who am I to prevent him/her.

  10. hindi n’yo ba napupuna? itong sina segundina at collegiala girl ay parehong sabungera? mahilig silang dumayo sa mga pintakasi, sa tupada at mga derby.

    ang mga alaga nilang panabong ay teksas na cock at imported na cat (pussy).

  11. mas pangit siguro kung aakyat si rustom este bebe sa urinal ng lalaki at doon uupo’t maglilislis ng palda.

    teka, ano na ba ‘yung kanya?

    hotdog pa ba o hopya na?

  12. namiss ko ang pagladlad ni bebe..
    but it takes all the guts to do that jud..

    some people says “kawawa si rustom” everytime they see him in his pa-girl image but we all know he’s happy with that..

    natawa ako na people expects piolo to be the next one..idol ko pa naman si piolo..hehehe..

    *napadpad

  13. ako’y naaawa na kina manoy at mane. lagi na lamang silang tampulan ng istorya nitong magkaibigang parehong very wild ang imahinasyon sa seks, sa kuwentotsan at kung ano ano pang kabalbalang kung minsan eh hindi malaman kung paanong ‘yung istorya ay wawakasan.

    pero isang bagay lamang ang maliwanag. ang magkaibigang ito ay tigang sa pagmamahal dahil sa sobrang kapilyahan ay tinatakbuhan ng mga manliligaw!

    dapat sa dalawang ire ay maglaro na lamang ng madyong. unahang makabunot ng wan istik na may kakambal na tu bols!

    ang pitsa ay si banong!

  14. shock na shock din ako dun sa pagiibang anyo ni rustom. medyo na insecure din ako kasi bakit ang ganda ganda nya, mas maganda pa sya sa akin, waaa. para naman daw o, hehehe

    ako maraming kaibigang gurl, aba, sabi ko edi punta rin sila gurl/girl toilet. bakit naman hindi di ba, hehe

  15. Infairness ang ganda nya ah… hehehe

  16. Mang Magno,
    Mga dating NGO workers itong mga dalag, este dalaga natin, may itsura din naman pero naiilang ang mga binatang manligaw sa mga iyan. Ewan ko kung nagpapapresyo lang sila o gusto talagang tumandang dalaga. Sabi nga ng mga kasamahan nila dati sa trabaho ay parang mga madre daw magkikikilos at masyadong pihikan sa mga lalaki. Biglang nawala naman daw ang kanilang pagkaneneng nang mag-fieldwork sila at mainvolved sa Family Planning kung saan ay natuto sila sila ng husto sa kaberdehan ng mga trainors. Hayan, basahin ninyo ang kanilang mga kuwento mas malalaswa pa ang lumalabas sa kanilang mga dila nila (up or down?) key sa akin, hahahayyyyy.

  17. Maganda nga si Bebe, ako’y humanga rin. Pero si Segundina hindi pa rin niya tanggap ang katotohanan tungkol sa kanyang favorite actor nang nagaaral pa lang siya sa college, hehe.

  18. Tito Magno,
    No comments ako sa sinabi mo, ewan ko kay best pren hehehe.

    Banong,
    Eksaherado naman itong kuwento mo. May pagka tsismoso ka rin pala. At saka hindi ang dila namin Banong ang malaswa, ang dila mo. Alam mo ba na sa edad mong iyan ay kung sino-sino na ang iyong nakarelasyon at kung saan saang kuweba nakakapasok ang iyong dila, magsalita ka hehehehe.

  19. girl,

    hindi na magagamit ni banong ang kanyang dila dahil nasipit yata ng alimango noong minsang manggalugad siya ng kuweba ng may kuweba.

    pero balita ko hind alimango ang nakasipit kundi alakdan yata!

  20. TITSER: Class, ilang araw na lang, graduation na. College na kayo. Ano ang gusto n’yong ma­ging?
    MARK: Ako, doktor.
    TITSER: Very good.
    MYRNA: Ako, nars.
    LEO: Ako, lawyer.
    ALEX: Ako, judge. Mataas pa sa lawyer.
    PAUL: Ako, pari.
    TITSER: Magaling. Ikaw, Bading, este, Badong?
    BADONG: Santsupapa ang gusto ko!
    TITSER: San Tsupa Pa? Anong San Tsupa Pa?
    BADONG: ‘Yung pinakamataas sa pari.
    TITSER: Ahh… Santo Papa. Anak ka ng baka!

    from: HUWAG MALIBOK
    JOEkS Laang

    //www.calauag.com

  21. Santsupapa hahahahahah. Nalaglag na yata ang aking napkin ng katatawa. Hehe, mapalitan na nga at baka umapaw pa ang kulay pula sa Amazon River.
    Iyong laging tigang na lupa kapag nadiligan ay tutubuan kaagad ng damo hanggang maging masukal na ito. Kung magkagayon ay baka maligaw pa ang inahing kuto na naghahanap ng kanyang inakay heheheh.

  22. So far hindi pa naman naghahanap si Yasmin ng hamog mula sa makamandag na cobra. Makapagtitiis pa hanggang makakaya. Kung hindi panahon na siguro para tumihaya pagkatapos basbasan ni Padre Faura ang matrimonya kung saan si Segundina ay matatali na.
    Sana mauna muna si Colegiala nang makabalita kung papaano umahon ang anakonda sa balon na malalim at kung papaano ito bumuga ng grasya.
    Parang halo-halo baga habang lumalalim ang baon ng kutsara ay sumasarap, hehehehe.
    Banong tumabi-tabi ka di-an baka matadyakan kita. Huwag kang maninilip sa aking hiyas baka ka mabulag tatang hehe.

  23. Mer,
    Kaya pala pautal-utal magsalita si Banong dahil naipit daw ng alakdan ang kayang dila sabi ni kuya Magno. Mali pala ang hinala mo na kaya siya nauutal kung magsalita ay dahil sa na-high blood siya sanhi ng kabubuso sa mga turistang Koreana na nagsiswimming nang hubad sa Boracay, hehe.

    Banong, joking joking only ha, I love you, and you may now kiss the bride hehehe.

  24. aww hindi na sya gwapo.. maganda na sya isa nang ganap na KIKAY.. ang tarushhh..

    amp.. natawa talaga ko sa Bibi Gandang-ari.. bwahaha panalo😆

  25. Totoo iyang sinabi mo angel, si Segundina nga ay nadismaya nang malaman niyan isa palang mahinhin na binibini ang kanyang hinahangaang actor. Pinagpapantasyahan pa niya ito, hehehe. Anyway ano ang magagawa natin kung iyan ang likes ni Bebe, haha. Iba din si Bibi, diehard na tagahanga, mabuti na lang hindi pa niya naisipan ang magpaopera nang maging ganap na Kikay na siya.

  26. Colegiala girl,
    I have a new post, it’s a love story between two religious people. Pero hindii ito bastos, promise. Isang kasaysayan ng pag-ibig na kapupulotan ng maraming aral. Pasyal po kayo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: